Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DELA CRUZ, Annica Paula R.

BS Architecture
Busabos sa Nakaraan
Lahat ng tao sa mundo ay may kaniya kaniyang karansan at
ang iba ay may iba’t ibang istilo ng pagpapahayag ng kanilang
saloobin. Tayo ay may kakayahang lumikha o bumuo ng mga
sulating pampanitikan mapa berso man o panulaan ngunit hindi
lahat ay may pribilehiyo makapaghayag sapagkat limitado lamang
ang kanilang galaw na gagawin sa ilalim ng mga taong mapang
abuso. Tila’y tayo’y naging isang alipin sa sarili nating wika at
bansa at hindi alam kung paano makakaalis sa pagkakakulong sa
bilanggo ng nakaraan.

Tayo'y mga alipin sa nakaraan na kung saan walang


karapatan na maghayag ng ating mga saloobin. Na tila'y mga
pipe at bulag sa katotohanang hindi mo masambit sapagkat may
bantang panganib sa kada letra ng salitang iyong babanggitin.
Alipin tayo sa sariling bansa ngunit kung hindi dahil sa mga
maimpluwensyang tao na nag lakas loob na magpahayag ng
kanilang pananaw at saloobin sa pamamagitan ng pasulat ay
hanggang ngayon'y mananatili parin sa kamay ng mga
mapagsamantala. Alipin tayo pati narin sa sariling wika na kung
hindi dahil sa taong nag sulong nito ay hindi tayo magpag-iisa.

Katulad na lamang sa pahayag ni Nadine Gordimer "Ang


Sining ay nasa panig ng mga binusabos" Ang tunay na kwento ay
nasa karanasan ng mga taong naabuso at naalipin. Ang kanilang
karanasan ang nagsisilbing patunay kung bakit tayo nagkaroon
ng iba't ibang akdang panitikan sa ating bansa at nagkaroon ng
lakas ng loob maghayag o lumikha ng kanilang mga sining gamit
ang kanilang mga karanasan sa buhay. Sa pamamagitan ng mga
panitikang ito, tiyak na mababago ang maling pananaw at
makakapagbigay ito ng inspirasyon sa nakararaming tao na nais
maghayag at lumikha ng sarili nilang sining.
DELA CRUZ, Annica Paula R.
BS Architecture
Sa kabila ng lahat ng mga naranasan mula sa mga
umaabuso, nagkaroon tayo ng lakas na loob na umaklas at
hayaan na ihayag ang mga hinanakit na ating nakaraan na siyang
nagpabago sa pananaw ng bawat tao sa ating bansa. Naging
bulag na tayo dati at hindi na muli mag papabulag pa. Maging ito
ang instrumento ng ating kinabukasan.

You might also like