Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PANGALAN NG KURSO: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

PAKSA: TSISMISAN AT UMPUKAN

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

❖ TSISMISAN O PAGSAGAP NG ALIMUOM


● Kadalasang pakikipagkwentuhan ng mga Pilipino ukol sa buhay-buhay at pamumuhay ng ibang
tao.
● Itinuturing na isang pagbabahagian ng impormasyon na di-tiyak ang katotohanan.
● Ang salitang tsismis ay tumutukoy sa isang akto ng pagsisinungaling, pag-iimbento ng kuwento,
pagmamalabis bagamat kung minsan ay may halong katotohanan.

❖ TSISMIS VS KATOTOHANAN
● Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa sa
katotohanan. Kahit na may mangilan-ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na naririnig nila,
marami pa rin ang naniniwala sa mga “alternative facts”.
● Kakaunti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at
mas kakaunti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang
nasasagap.
● Hindi na nakakagulat na ang madalas na paggamit ng “social media” ay nagdudulot ng
malawakang pagkalat ng pekeng balita at tsismis sa bansa.
● Ang mga Pinoy ay mabilis maniwala sa mga nababasa nila sa “online” at pinagbabasehan lamang
ang mga “likes at shares” para sa kredibilidad.
● Bihira lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan.

❖ MGA BATAS LABAN SA TSISMIS


Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahamak ng dignidad ay itinuturing na
paninirang-puri. May mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol
ang sarili.

1. ARTIKULO 26 NG KODIGO SIBIL NG PILIPINAS


● Dapat irespeto ng bawat tao ang dignidad, pagkatao,kasarinlan, at kapanatagan ng isip ng
kanyang kapwa at ng ibang tao.
2. KODIGO PENAL NG PILIPINAS BATAY SA ARTIKULO 353
● Libelo ang isang akto kung ang mga paninira ay pasulat o broadcast na midyum samantalang Oral
Defamation naman kung ang midyum na ginagamit ay pasalita.

❖ KABUTIHAN NG TSISMIS
May ilang mga dalubhasa at mananaliksik na nagsasabing may kabutihang taglay din ang tsismis:
● Nagkakaroon ng masusing superbisyon at anyo ng ugnayang panlipunan at dulog para sa integral
na kaalaman ng lahat (Liam, 2016).
● Nagdudulot ng pangangailangang panlipunan para sa mga manggagawa at sa nagmamay-ari
(Aksyon at mga kasama, 2015).
● Nagbibigay impormasyon sa mga tagapakinig at libangan o aliwan upang mapaganda ang
ugnayang panlipunan (Guerina at Miyazaki, 2006).

❖ UMPUKAN O PANGKATAN
● Ito ay tumutukoy sa maliit na pangkat o grupo ng mga tao na nag-uusap tungkol sa mga usaping
may interes ang bawat kasama sa isang pangkat o grupo.
● Maaaring magamit ang salitang berbal o hindi berbal sa palitan ng impormal na talakayan dahil
bawat kasama sa pangkat ay malayang naipapahayag ang kanilang saloobin tungkol sa paksang
pag-uusapan.

❖ INTERAKTIB NA MODELO NG KOMUNIKASYON


➔ Ang INTERAKTIB NA MODELO NG KOMUNIKASYON ay ang paraan upang ipakita kung
paano nagaganap ang komunikasyon.
➔ Mensahe ang impormasyong galing sa sender o pinanggalingan at ang natatanggap ng
tagatanggap.
➔ Pinanggalingan ang pinanggalingan ay nais magbigay ng impormasyon o mensahe
➔ Daluyan o Tsanel amg sender ay gagamit ng daluyan o tsanel.
➔ Sagabal maaaring makaapekto sa pagbibigay o pagpapadala ng mensahe.
➔ Tagatanggap ang nakatatanggap ng mensahe.
➔ Pidbak ang tugon ng tagatanggap sa mensahe.
SANGGUNIAN:
● Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ni Dr. Mario Maranan

MGA MIYEMBRO NG GRUPO:


Dumago, Ira A.
Abanel, Jhay-Ann Mae V.
Cultivo, Kylene Nicole R.
De Rama, Joyce V.
Ferrer, Jasper R.
Jugo, Kaye P.
Rodriguez, Jayson
BSP 2-2

You might also like