Buod Na Aralin Sa Filipino 8 Florante at Laura

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

BUOD NA ARALIN SA FILIPINO 8

(Florante at Laura)

Ang Florante at Laura ay isang awit na isinalaysay ng


sikat na manunulat na si Gat Francisco Baltazar o mas
kilala sa tawag na “Balagtas” nung siya ay nasa loob ng
kulungan.
Maituturing na isa sa mga obra maestra ng Literaturang
Pilipino ang Florante at Laura. Ang pagkasulat nito ay
inaalay niya sa kaniyang unang minahal na si Maria
Asuncion Rivera na siyang tinutukoy bilang Selya.

Mahabang panahon ang ginugol ng may akda sa pagsulat ng


awit na ito, gayon din naman ang oras na inilaan namin
para i-buod ito upang mas mapadali ang inyong pagbabasa.

Umaasa kami na makakatulong sa inyo ang buod na ito ng


Florante at Laura. Huwag din kalimutang ibahagi sa iyong
mga kaibigan.

Florante at Laura Buod ng Bawat


Kabanata at mga Talasalitaan
 Kabanata 1: Gubat na Mapanglaw (Saknong 1-7)
 Kabanata 2: Ang Nakagapos na Binata (Saknong 8 –
24)
 Kabanata 3: Alaala ni Laura (Saknong 25 – 32)
 Kabanata 4: Pusong Nagdurusa (Saknong 33 – 54)
 Kabanata 5: Halina, Laura Ko (Saknong 55 – 68)
 Kabanata 6: Ang Pagdating ni Aladin na Taga-Persiya
(Saknong 69 – 82)
 Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama (Saknong 83 – 97)
 Kabanata 8: Ang Paghahambing sa Dalawang Ama
(Saknong 98 – 107)
 Kabanata 9: Dalawang Leon (Saknong 108 – 125)
 Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa Dalawang
Leon (Saknong 126 – 135)
 Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan (Saknong 136 –
145)
 Kabanata 12: Batas ng Relihiyon (Saknong 146 – 155)
 Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay Florante
(Saknong 156 – 172)
 Kabanata 14: Kabataan ni Florante (Saknong 173 –
196)
 Kabanata 15: Ang Pangaral sa Magulang (Saknong 197
– 204)
 Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas (Saknong 205 –
214)
 Kabanata 17: Ang Kataksilan ni Adolfo (Saknong 215
– 231)
 Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina ni Florante
(Saknong 232 – 239)
 Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay Florante
(Saknong 240 – 253)
 Kabanata 20: Pagdating sa Albanya (Saknong 254 –
263)
 Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo (Saknong 264 –
274)
 Kabanata 22: Si Laura (Saknong 275 – 287)
 Kabanata 23: Pusong Sumisinta (Saknong 288 – 295)
 Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Heneral Osmalik
(Saknong 296 – 313)
 Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura (Saknong 314 – 323)
 Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo (Saknong 324 –
343)
 Kabanata 27: Nagsalaysay si Aladin (Saknong 344 –
360)
 Kabanata 28: Si Flerida (Saknong 361 – 369)
 Kabanata 29: Mga Salaysay ni Laura at Flerida
(Saknong 370 – 392)
 Kabanata 30: Wakas
Kay Selya
Inalala ni Balagtas ang naudlot na pagmamahalan nila ng
kanyang mahal na si Selya. Siya ay nababahala na baka
nakalimutan na siya nito maging ang mga ala-ala ng
kanilang pagsasama.

Ang pagkalimot na iyon ay ang nagdala sa kanyang


kapalaran sa lubhang kalungkutan. Sa pag-aakalang tuluyan
ng nakalimot si Selya, siya ay nangulila sa pagmamahal at
nagdusa.

Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan


ng pag-alala sa nakaraan at sa mukha ni Selya upang
maibsan ng kahit na konti ang kanyang kalungkutan.

Iginuhit niya ang magandang mukha ni Selya, ang larawan


na iyon ang tanging ala-ala niya.

Inaalala din niya ang kanilang mga ginagawa nung sila ay


magkasintahan pa katulad ng ilog ng Beata at Hilom, ang
puno ng manga na gustong pitasan si Selya, at ang dagat
na kanilang pinagliliguan na ayon pa kay Balagtas ay
inaagapan nila ito upang hindi maabutan ng alat ng dagat.

Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang may akda sa mga babasa ng kanyang
awit.

Ang awit na ito ay isa lamang kathang-isip ngunit may


ibang nilalaman kung ito’y susuriin.

Ito’y maihahalintulad sa isang bubot na prutas sa unang


tingin ngunit masarap kung ito’y nanamnamin.

Pakiusap ng may akda na huwag babaguhin ang berso ng


kanyang orihinal na akda at suriin muna bago pintasan.

Florante at Laura Buod Kabanata 1:


Gubat na Mapanglaw (Saknong 1-7)
May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at masukal
ang mga halaman kung kaya’t hindi makapasok ang pebong
liwanag.

Ang mga ibon ay hirap din sa paglipad dahil sa mga


namimilipit na mga sanga. May mga gumagala na mga
mababangis na hayop katulad ng leon, tigre, hayena,
serpiyente, piton, basilisko, at iba pa na kahit kailan
ang pwedeng umatake sa mga taong magsisipunta doon.

Talasalitaan:

 Mapanglaw – malungkot, malamlam, malumbay


 Masukal – madamong kapaligiran
 Pebong – araw na sumisikat
 Namimilipit – buhol-buhol
 Hayena – uri ng hayop na kahawig ng isang lobo
 Serpiyente – ahas
 Piton – sawa
 Basilisko – isang malaki at mukhang butiking hayop
na nakamamatay ang hininga. Maari ka ring mamatay
kung titingnan mo ito sa mata

Florante at Laura Buod Kabanata 2:


Ang Nakagapos na Binata (Saknong 8
– 24)
Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan
nakagapos ang isang lalaki na nagngangalang Florante. Sa
kabila ng kanyang pagkagapos at kaawa-awang itsura ay
bakas pa rin sa kanya ang mala-Adonis na kakisigan.

Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata, buhok


na kulay ginto, at magandang pangangatawan.

Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang kanyang mga


pinagdaanan at ang paglapastangan sa kaharian ng Albanya
sa mga kamay ni Konde Adolfo.

Hindi pantay ang pagturing sa mga tao sa Albanya. Ang mga


masasama ay siyang itinataas at ang mga makatuwiran naman
ay ibinababa. Ngunit nananatiling bingi ang langit sa mga
panawagan ni Florante.

Talasalitaan:

 Higera – isang punong mayabong, malalapad ang dahon


ngunit hindi namumunga; fig tree
 Sipres – isang uri ng puno na mataas at tuwid lahat
ang sanga
 Nakagapos – nakatali
 Bakas – marka, palatandaan
 Adonis – magandang lalaki na naibigan ni Venus,
diyosa ng kagandahan
 Sinasariwa – inaalala
 Paglapastangan – kawalan ng paggalang

Florante at Laura Buod Kabanata 3:


Alaala ni Laura (Saknong 25 – 32)
Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay napapawi
nang pansamantala ang kanyang dusa’t paghihinagpis.

Si Laura na lamang ang natitirang pag-asa para kay


Florante ngunit muli niyang maaalala na si Laura na
kanyang mahal ay nasa piling na ng kanyang kaaway na si
Konde Adolfo.

Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa palaging


maalala na ang kaniyang sinisinta ay may kasama ng iba.

Talasalitaan:

 Ginugunita – inaalala
 Napapawi – nawawala, nabubura
 Pansamantala – panandalian
 Dusa – paghihirap
 Paghihinagpis – pagdadalamhati

Florante at Laura Buod Kabanata 4:


Pusong Nagdurusa (Saknong 33 – 54)
Lubos ang tinahak na kasawian ni Florante. Kahit ang
taong masama ay maaawa sa kalagayan nito.
Maririnig sa buong gubat ang mga ungol nito ngunit
tanging ang alingawngaw lang niya ang sumasagot sa kanya.

Hindi makapaniwala si Florante sa kanyang kinahantungan


dahil sa labis na pagmamahal niya para kay Laura ay
nagawa pa rin siyang pagtaksilan nito.

Naging buo ang tiwala niya kay Laura subalit sa likod ng


kagandahang tinatangi nito ay may nagtatagong isang
taksil.

Lahat ng mga pag-aalaga dati sa kanya ni Laura ay wala


lang pala, katulad ng pagpapakintab nito sa panangga at
paglilinis ng kanyang baluti dahil ayaw niyang
madudumihan ang kasuotan kung ito ay mapapalapat sa
kanya.

Hinimatay si Florante dahil sa labis na paghihinagpis.

Talasalitaan:

 Tinahak – tinungo o dinaanan ang isang pangyayari o


daan
 Alingawngaw – tumutukoy sa pag-uulit ng tunog
(echo)
 Kinahantungan – sinapit
 Baluti – panangga sa katawan; kasuotang panlaban
(armour)

Florante at Laura Buod Kabanata 5:


Halina, Laura Ko (Saknong 55 – 68)
Para kay Florante si Laura lang ang tanging lunas sa
kanyang kahirapan. Umaasang siya ay muling lilingapin ni
Laura.
Makita lang niyang may konting patak ng luha mula sa mga
mata ni Laura ay maapula ang dalitang nararamdaman nito.

Nag-aasam na sana’y muling damitan dahil puno na ng


kalawang ang kasuotan nito. Lahat ng hirap ay danas na
niya. Dinig sa buong gubat ang mga panaghoy ni Florante.

Talasalitaan:

 Lunas – gamot
 Lilingapin – alalayan, tulungan
 Maaapula – mawawala, mapapatay
 Dalita – mahirap, maralita
 Panaghoy – pagdaing, pagluluksa

Florante at Laura Buod Kabanata 6:


Ang Pagdating ni Aladin na Taga-
Persiya (Saknong 69 – 82)
Isang gererong may putong na turbante ang dumating, si
Aladin na taga-Persiya.

Bigla itong tumigil upang tumanaw ng mapagpapahingahan na


di kalauna’y hinagis ang hawak na sandata.

Tumingala sa langit na panay ang buntong-hininga sabay


upo sa tabi ng puno at doon ay nagsimulang tumulo ang
luha.

Muli na naman niyang naisip si Flerida, ang kaniyang


pinakamamahal na inagaw naman ng kanyang ama.

Talasalitaan:

 Gerero – mandirigma
 Putong – korona
 Turbante – telang binabalot sa ulo ng mga bumbay
 Tumanaw – maghanap
 Buntong-hininga – malalim na pag-hinga

Florante at Laura Buod Kabanata 7:


Pag-alaala sa Ama (Saknong 83 –
97)
Habang tumatangis si Aladin ay bigla siyang may narinig
na buntong-hininga. Ibinaling sa kagubatan ang tingin
upang hanapin ang pinanggalingan ng malalim na paghinga.

Malaon ay may narinig siyang paghikbi at agad niyang


pinuntahan ito. Nakita niya si Florante na umiiyak habang
sinasariwa ang alaala ng kanyang yumaong ama.

Talasalitaan:

 Tumatangis – lumuluha, umiiyak


 Buntong-hininga – malalim na pag-hinga
 Ibinaling – itinuon
 Malaon – pagkalipas, matagalan
 Paghikbi – pag-iyak

Florante at Laura Buod Kabanata 8:


Ang Paghahambing sa Dalawang Ama
(Saknong 98 – 107)
Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante ng marinig niya
ang pagtangis ng isang Moro na sa mga kwento nito tungkol
sa kaniyang ama.

Kung ang walang patid na pag-iyak ni Florante ay dahil sa


pag-ibig nito para sa ama, si Aladin naman ay humihikbi
dahil sa matinding poot sa kanyang ama.

Kung gaanong pagmamahal ang inilalaan ni Florante para sa


ama ay matindi naman ang galit ni Aladin sa kanyang ama
dahil inagaw nito ang kaisa-isang niyang minamahal na si
Flerida.

Talasalitaan:

 Tumagistis – umagos
 Patid – tigil
 Humihikbi – umiiyak
 Poot – galit
 Inilalaan – ibinibigay

Florante at Laura Buod Kabanata 9:


Dalawang Leon (Saknong 108 – 125)
Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang
leon hangos nang paglakad.

Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos-lunos na


sinapit, kahit ang bangis ay hindi na maaninag sa mga
mukha nito.

May takot na naramdaman si Florante dahil nasa harap na


niya ang mabangis na kamatayan na kukumpleto sa kasamaang
nararanasan niya.

Talasalitaan:
 Hangos – hingal; pagmamadali maging sa pagsalita,
sa pagkilos, o sa paggawa
 Nahabag – naawa
 Kalunos-lunos – kaawa-awa
 Sinapit – dinanas
 Maaninag – makita

Florante at Laura Buod Kabanata


10: Ang Paglaban ni Aladin sa
Dalawang Leon (Saknong 126 – 135)
Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na.
Ito ay may mga nagngangalit na ngipin at matatalas na
kuko na kahit na anong oras ay maaaring makapatay.

Paglaon ay biglang nang-akma ang mga leon ngunit dali-


daling umatake na din si Aladin na parang may lumitaw na
marte mula sa lupa.

Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin


at napatumba niya ang dalawang leon.

Talasalitaan:

 Nagngangalit – galit
 Paglaon – paglipas
 Akma – tama, angkop
 Marte – Si Mars, diyos ng pakikipaglaban
 Tabak – espada
Florante at Laura Buod Kabanata
11: Ang Mabuting Kaibigan (Saknong
136 – 145)
Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang panganib
na dala ng dalawang leon ay agad niyang pinakawalan ang
nakagapos na si Florante.

Ito ay walang malay at ang katawan ay malata na parang


bangkay. Gulong-gulo ang kanyang loob ngunit muling
napayapa ng idilat ni Florante ang kanyang mga mata.

Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang pangalan


ni Laura.

Talasalitaan:

 Nagbabadya – nagbabanta
 Nakagapos – nakatali
 Malata – nanlalambot
 Pagdilat – pagbukas ng mata
 Sinambit – sinabi, binanggit

Florante at Laura Buod Kabanata


12: Batas ng Relihiyon (Saknong
146 – 155)
Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya
nasa kamay ng isang moro. Agad namang nagpaliwanag si
Aladin na siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya kung
kaya’t hindi siya dapat mabahala.

Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay taga-


Persya. Ang dalawang bayan na ito ay magkaaway ngunit sa
ginawang pagtulong at pagkalinga ay naging magkatoto
sila.

Talasalitaan:

 Nagitlahanan – nagtaka
 Moro – muslim
 Mabahala – mag-alala
 Pagkalinga – pag-aalaga
 Magkatoto – magkaibigan

Florante at Laura Buod Kabanata


13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay
Florante (Saknong 156 – 172)
Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong lumulubog
na ang araw. Inilapag ito sa isang malapad at malinis na
bato.

Kumuha ng makakain at inaamo si Florante na kumain kahit


konti lamang upang magkaroon ng laman ang tiyan nito.
Umidlip si Florante habang ito ay nakahiga sa sinapupunan
ni Aladin.

Kinalinga ni Aladin si Florante buong magdamag dahil sa


pag-aakalang may panganib na gumagala sa gubat.

Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante at


lumakas muli ang katawang hapo. Lubos ang pasasalamat ni
Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa si Aladin at niyakap
niya si Florante.

Kung nung una ay awa ang dahilan sa pag-iyak ni Aladin,


ngayon naman ay napaluha siya dahil sa tuwa.
Talasalitaan:

 Inamo – sinuyo
 Umidlip – natulog
 Sinapupunan – bahay-bata; kinakanlungang mga hita;
ibaba ng hita na pinagkakalungan; dibdib o suso ng
babaeng tao o hayop
 Kinalinga – inalagaan
 Hapo – hingal

Florante at Laura Buod Kabanata


14: Kabataan ni Florante (Saknong
173 – 196)
Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay ni
Florante kay Aladin ang kanyang buhay simula sa una
hanggang sa naging masama ang kanyang kapalaran.

Si Florante ay ipinanganak sa Albanya. Sina Duke Briseo


at Prinsesa Floresca naman ang kaniyang mga magulang.

Kung sa Krotona siya ipinanganak, siyudad ng kanyang ina,


imbes sa Albanya na siyudad ng kanyang ama ay mas naging
masaya sana siya.

Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring Linceo.

Nakuwento rin niya na kamuntikan na siyang madagit ng


isang buwitre habang ito’y natutulog sa kinta nung siya’y
bata pa.

Napasigaw ang kanyang ina, agad itong narinig ni Menalipo


at pinatay ang buwitre sa pamamagitan ng pagpana dito.
Nung si Florante ay siyam na taong gulang, mahilig siyang
maglaro sa burol kasama ang kaniyang mga kaibigan at
doo’y namamana ng mga ibon.

Madaling araw palang ay umaalis na ito sa kanila at


inaabot ng tanghaling tapat.

Ngunit hindi nagtagal ang mga masasayang alaala ni


Florante doon dahil inutos ng kanyang ama na siya’y
umalis sa Albanya.

Talasalitaan:

 Isinalaysay – ikinuwento
 Tagapayo – pribadong tagapayo
 Madagit – makuha
 Buwitre – uri ng ibon na kumakain ng mga bangkay
 Kinta – maliit na daungan (cottage)

Florante at Laura Buod Kabanata


15: Ang Pangaral sa Magulang
(Saknong 197 – 204)
Sinariwa ni Florante ang turo ng magulang na kung
mamimihasa ang isang bata sa saya at madaling pamumuhay
ay walang kahihinatnan na ginhawa ito.

Ang mundo ay puno ng kahirapan kung kaya’t dapat ay


patibayin ang kalooban dahil kapag ang tao ay di marunong
magtiis, hindi niya mapaglalabanan ang mga pagsubok na
hatid ng mundo.

Kung kaya’t ipinadala si Florante sa Atenas nung siya’y


bata pa upang doon ay mag-aral. Doon ay mamumulat ang
kaniyang kaisipan sa totoong buhay.
Talasalitaan:

 Sinariwa – inalala
 Mamimihasa – sasanayin
 Kahihinatnan – resulta
 Patibayin – palakasin
 Mamumulat – mabubuksan

Florante at Laura Buod Kabanata


16: Si Adolfo sa Atenas (Saknong
205 – 214)
Si Adolfo ay kababayan ni Florante na siyang anak naman
ni Konde Sileno. Siya ay mas matanda ng dalawang taon
kumpara kay Florante na labing isang taong gulang.

Si Adolfo ay isang mahinhin na bata at laging nakatungo


kung maglakad. Siya’y pinopoon ng kanyang kamag-aral
dahil sa angking katalinuhan at kabaitan.

Ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nakakaramdam si


Florante ng pagkarimarim kay Adolfo kung kaya’t umiiwas
ito sa kanya.

At kahit itago pa ni Adolfo ay batid din ni Florante na


ganun din ang nararamdaman nito para sa kanya.

Talasalitaan:

 Mahinhin – marahan
 Nakatungo – nakayuko
 Pinopoon – hinahangaan
 Pagkarimarim – pagkasuklam
 Batid – alam
Florante at Laura Buod Kabanata
17: Ang Kataksilan ni Adolfo
(Saknong 215 – 231)
Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni Florante. Naging
magaling siya sa larangan ng pilosopiya, astrolohiya, at
matematika.

Naging matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo naman


ay naiwan sa gitna. Siya ay naging tagapamalita sa
Atenas.

Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan ni


Florante. Dito na nagsimulang mahubadan si Adolfo ng
hiram na kabaitan at ang kahinhinang asal sa pagkatao ay
hindi bukal kay Adolfo.

Talasalitaan:

 Paglaon – paglipas
 Pilosopiya – mga kuro-kuro ng isip
 Astrolohiya – palagay sa mga ipinahihiwatig ng mga
bituin sa langit
 Matematika – agham ng mga bilang
 Bukambibig – tao o bagay na siyang laman ng pinag-
uusapan
 Kahinhinan – marahan
 Bukal – natural
Florante at Laura Buod Kabanata
18: Ang Kamatayan ng Ina ni
Florante (Saknong 232 – 239)
Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas nang
makatanggap siya ng isang liham na na nagsasabi na patay
na ang kanyang ina.

Parang batis ang kanyang mga mata dahil sa pagluha.


Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang matibay na
sandigan at nakikibaka ng mag-isa sa buhay.

Talasalitaan:

 Ginugol – pinaglaanan, ginastos


 Liham – sulat
 Batis – antong tubig na mas maliit kaysa ilog,
walang tigil sa pag-agos
 Sandigan – sandalan
 Nakikibaka – nakikipaglaban

Florante at Laura Buod Kabanata


19: Mga Habilin ni Antenor kay
Florante (Saknong 240 – 253)
BIlin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at huwag
malilingat sa maaaring gawing paghihiganti ni Adolfo.

Wag padadala sa masayang mukha na ipakita nito sa kanya.


Maging mapagmatyag daw ito sa sa kalaban na palihim
siyang titirahin.

Talasalitaan:
 Habilin – payo
 Malilingat – mawala sa pokus
 Mapagmatyag – alerto, mapagbantay
 Palihim – patago
 Titirahin – kakalabanin

Florante at Laura Buod Kabanata


20: Pagdating sa Albanya (Saknong
254 – 263)
Pag-ahon ay agad tumuloy sa Kinta. Kung saan ay humalik
sa kamay ng kanyang ama. Iniabot ng ambasador ng bayan ng
Krotona ang isang liham kay Duke Briseo.

Nakasaad sa liham na humihingi ng tulong ang lolo ni


Florante na hari ng Krotona dahil ito ay napapaligiran ng
mga hukbo ni Heral Osmalik.

Si Heneral Osmalik ay taga Persya na pumapangalawa sa


kasikatan ni Aladin na isang gerero.

Talasalitaan:

 Kinta – maliit na daungan (cottage)


 Ambasador – sugong kinatawan
 Liham – sulat
 Nakasaad – nakalagay, nakasulat
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
 Gerero – Mandirigma
Florante at Laura Buod Kabanata
21: Ang Heneral ng Hukbo (Saknong
264 – 274)
Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante kay Haring
Linceo ng malaman ang balita na pagbabanta sa Krotona.

Hindi pa man nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang


mga ito ni Haring Linceo. Niyakap niya si Duke Briseo at
kinamayan naman si Florante.

Nagkwento si Haring Linceo na may nakita siyang gerero sa


kaniyang panaginip, na kamukha ni Florante, na siyang
magtatanggol sa kaharian.

Tinanong ni Haring Linceo kay Duke Briseo kung sino ito


at kung taga saan ito. Sumagot naman ito na ang kamukhang
binata na iyon ay si Forante, ang anak niya.

Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya ito at


ginawang Heneral ng hukbo na tutulong sa Krotona.

Talasalitaan:

 Nagtungo – nagpunta
 Pagbabanta – babala na may halong pananakot
 Gerero – mandirigma
 Pagkamangha – pagkagulat
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma

Florante at Laura Buod Kabanata


22: Si Laura (Saknong 275 – 287)
Biglang may natanaw ni Florante na magandang babae. Ang
taong di mabibighani sa babaeng ito ay maituturing na
isang bangkay.

Ang babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante


sa tuwing magugunita, ito ay si Laura anak ni Haring
Linceo. Dahil sa pagkabigla ay hindi makapagbitaw ng
salita si Florante.

Mapapansin din sa kaniyang mga mata ang patak ng luha.

Talasalitaan:

 Natanaw – nakita
 Mabibighani – mahuhulog, magkakagusto
 Magugunita – maiisip, maaalala
 Pagkabigla – pagkagulat
 Makapagbitaw – makapagsabi, makapagsalita

Florante at Laura Buod Kabanata


23: Pusong Sumisinta (Saknong 288
– 295)
Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na sa diwa
si Florante. Hindi na ito makapag-isip ng maayos dahil sa
hindi inaasahang pagkakita muli sa kanyang mahal na si
Laura.

Tatlong araw siyang piniging ng hari sa palasyo ngunit


hindi man lang tinignan ni Florante si Laura. Mas matindi
pa ang sakit na dinulot ng pag-ibig kaysa sa sakit ng
mawalan ito ng ina.

Mabuti at nabigyan siya ng kaunting pagkakataon na


makasama si Laura bago pumunta ang hukbo ni Florante sa
Krotona.
Umamin si Florante na mahal pa rin niya si Laura ngunit
wala itong sagot. Tumulo ang isang patak ng luha mula sa
mga mata ni Laura.

Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni Florante


ngunit nanaig pa rin ang kanyang isip.

Talasalitaan:

 Diwa – pag-iisip
 Piniging – pagtitipon na may maraming handa
(fiesta)
 Dinulot – resulta
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
 Nanaig – nangibabaw

Florante at Laura Buod Kabanata


24: Pakikipaglaban Kay Heneral
Osmalik (Saknong 296 – 313)
Inatake ng hukbo ni Florante ang pwersa ng nakapaligid sa
buong siyudad at halos bumigay na ang mga pader nito.

Nagkaroon ng matinding labanan at may dumanak na mga


dugo. Pinapanood ni Heneral Osmalik si Florante habang
kinakalaban at pinapatay ang pitong hanay ng mga moro.

Lumapit ang Heneral kay Florante na nagniningas ang mga


mata at hinamon ito na labanan siya.

Umabot sa limang oras ang kanilang labanan ngunit sa huli


ay nasawi rin si Heneral Osmalik.

Pinagdiwang ng mga tao sa Krotona ang tagumpay na laban


ni Florante.
Talasalitaan:

 Hukbo – grupo ng mga mandirigma


 Dumanak – umaagos
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
 Moro – muslim
 Nagniningas – nagagalit

Florante at Laura Buod Kabanata


25: Pagsagip Kay Laura (Saknong
314 – 323)
Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan. Gusto na
niyang makauwi sa Albanya dahil gusto na ulit niyang
masilayan si Laura.

Habang nag mamartsa ang hukbo pauwing Albanya ay nakita


nila ang mga moog ng siyudad. Nakita rin niya ang bandila
ng Persiya imbes na bandera ng Kristiyano.

May nakita silang grupo ng mga moro sa paanan ng bundok


na may kasamang isang babae na nakatali ang mga kamay at
nakatakip ang mukha.

Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay pupugutan ng ulo


ang babae. Dali-daling nilusob ni Florante ang morong
nagbabantay sa babae at ito ay napatakbo.

Sinaklolohan ni Florante ang babae, tinanggal nito ang


mga tali sa kamay at takip sa mukha. Ang babae pala ay si
Laura.

Napatingin ng malalim si Laura kay Florante. Ang mga


tingin na ito ay siyang nagtanggal ng paghihirap sa puso
ni Florante. Narinig niya ang sinabi ni Laura na
“Florante, Mahal ko”.
Talasalitaan:

 Pagsagip – pagligtas, pagtulong


 Masilayan – makita
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
 Moro – muslim
 Nilusob – sinugod
 Moog – napapaligiran ng pader

Florante at Laura Buod Kabanata


26: Pagtataksil ni Adolfo (Saknong
324 – 343)
Sinabi ni Laura kay Florante na binihag ng mga moro sina
Haring Linceo at Duke Briseo.

Nag-utos si Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at


bawiin ito sa mga kamay ng mga taga-Persiya.

Nang makapasok sa kaharian ng Albanya ay agad dumiretso


sa kulungan at pinalaya si Haring Linceo at Duke Briseo.

Pinalaya na rin niya pati si Adolfo mula sa pagkakakulong


dahil sa bukal na kagandahan ng loob. Muling nagdiwang
ang lahat ng tao dahil lubos sa pagpapasalamat nila kay
Florante, maliban kay Adolfo.

Nais pakasalan ni Adolfo si Laura dahil sa intensyon


nitong makuha ang posisyon ng pagiging hari sa Albanya.

Naramdaman din niyang mahal ni Laura si Florante kaya mas


lalo itong nainggit. Nagdaan ang panahon at nakaranas pa
din ng pagsalakay ang Albanya katulad ng hukbo mula sa
Turkiya at marami pang digmaan.
Ngunit dahil si Florante ang inaatasang maging heneral ay
napapagtagumpayan nito ang lahat ng laban. Pagkatapos ng
isa pang laban sa Etolia, nakatanggap siya ng liham mula
kay Haring Linceo na nagsasabing bumalik na siya sa
Albanya.

Ipinasa ni Florante kay Menandro ang pamamahala sa hukbo


sa Etolia. Laking gulat ni Florante ng makita niyang
pinaliligiran siya ng 30,000 mga sundalo sa kanyang pag-
uwi at agad itong nilagyan ng gapos at ikinulong.

Labis ang pagkagulat at pagkalungkot ng malaman niyang


pinatay nito sila Haring Linceo at Duke Briseo. Nasilaw
si Adolfo sa kasikatan at kinain ng galit at inggit kay
Florante, kaya puro paghihiganti ang nasa isip nito at
pagpatay kay Florante.

Talasalitaan:

 Binihag – ikinulong, ibinilanggo


 Lusubin – sugurin
 Bukal – natural
 Pagsalakay – pagsugod, paglusob
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
 Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
 Liham – sulat
 Gapos – tali

Florante at Laura Buod Kabanata


27: Nagsalaysay si Aladin (Saknong
344 – 360)
Labing walong araw na si Florante sa bilangguan. Gabi ng
kinuha siya sa kulungan pagkatapos ay dinala ito sa gubat
at iginapos sa puno.
Dalawang araw naman ang lumipas bago ito muling magising.
Pagdilat niya ay ayun siya sa kandungan ni Aladin.

Nagpakilala si Aladin bilang taga-Persiya na anak ni


Sultan Ali Adab. Sinubukan niyang ikwento ang tungkol kay
Flerida at kanyang ama ngunit naunahan ito ng kanyang mga
luha.

Minsan na ring nakaranas si Aladin ng madaming giyera


ngunit mas nahirapan siya kay Flerida.

Masuwerte siya sa matagumpay na panliligaw kay Flerida


ngunit pumasok naman sa eksena ang kanyang ama.

Kaya kahit nagtagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi


parin siya sa Persiya na parang bilanggo.

Nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania kaya


kinakailangan na pugutan si Aladin.

May dumating na Heneral sa kulangan nito bago pa man ito


pugutan. Ang Heneral ay may dala-dalang balita na hindi
na raw pupugutan ito ng ulo ngunit kailangan niyang
umalis sa Persiya.

Ang balitang ito ang lalong nagpahirap kay Aladin dahil


mas nanaisin nalang niyang pugutan ng ulo kaysa sa
mabuhay nang alam naman niyang may kasamang iba ang mahal
niyang si Flerida.

Talasalitaan:

 Nagsalaysay – nagkuwento
 Bilangguan – kulungan
 Iginapos – itinali
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
 Nanaisin – gugustuhin
Florante at Laura Buod Kabanata
28: Si Flerida (Saknong 361 – 369)
Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo si Aladin ay
nagmakaawa at lumuhod ito sa paanan ng masamang hari na
si Sultan Ali Adab.

Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida ang


pagmamahal nito ay hindi nito papatawarin si Aladin at
tutuluyan na mapugutan.

Dahil sa takot na mamatay si Aladin ay pumayag na ito sa


kagustuhan ng sultan. Natuwa ang sultan sa naging
desisyon ni Flerida kaya napahinunod niya ito at
pinakawalan.

Ngunit katulad ng napag-usapan ay pinalayas niya ito sa


Persiya. Sobra ang pagdurusa ni Flerida sa pagkawala ni
Aladin.

Pinaghandaan ng buong Persiya ang kasal nina Flerida at


ng sultan. Bago pa man maikasal ay naisipan na ni Flerida
na mag damit ng pang sundalo at tumakas sa palasyo.

Pagala-gala si Flerida sa gubat ng halos ilang taon,


hanggang sa isang araw ay naabutan niyang pinupwersa ni
Konde Adolfo si Laura.

Talasalitaan:

 Napahinunod – napapayag
 Pinalayas – pinaalis
 Pagdurusa – paghihirap
 Tumakas – umalis o lumayo ng walang paalam
 Naabutan – nadatnan
Florante at Laura Buod Kabanata
29: Mga Salaysay ni Laura at
Flerida (Saknong 370 – 392)
Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ni Flerida at Laura ay
biglang dumating sina Prinsipe Aladin at Duke Florante.
Galak na galak ang mga ito dahil kilala nila ang mga
boses ng mga nagsasalita.

Tuwang-tuwa si Florante ng makita niya si Laura.


Masayang-masaya ang apat dahil nakasama nila ang kanilang
mga minamahal.

Nagkwento si Laura na nung umalis daw si Florante sa


Albanya ay kumalat ang sabi-sabi na may nagaganap na
kaguluhan sa kaharian. Ngunit ‘di matukoy kung ano ang
pinagmulan nito.

Ang paniniwala ng mga tao ay si Haring Linceo ay


nagmomonopolya sa mga pagkain at trigo ngunit si Adolfo
pala ang nag-uutos ng pagkubkob sa pagkain.

Agad na pinatalsik ng taumbayan si Haring Linceo sa trono


at pinugutan ito. Umakyat sa trono si Adolfo at binalaan
niya si Laura na papatayin ito kung hindi susundin ang
gusto.

Nagkunwaring gusto na ni Laura si Adolfo para makahanap


ng paraan para masulatan si Florante at ikwento ang
nangyari sa Albanya habang wala ito.

Ngunit huwad na sulat na may selya ng hari ang natanggap


ni Florante. Nakasaad doon na umuwi siya ng mag-isa sa
Albanya at iwan ang hukbo kay Menandro.

Samantalang ang sulat ni Laura ay nakarating naman kay


Menandro kaya agad itong sumugod kasama ang kanilang
hukbo pabalik ng Albanya.
Tumakas si Adolfo at dinala si Laura sa gubat. Dito na
naabutan ni Flerida ang pagsasamantala ni Adolfo kay
Laura.

Pagkatapos ay si Flerida naman ang nagkwento, nung


dumating daw siya sa gubat ay may narinig siyang boses ng
babae na sinasaktan.

Pinuntahan niya kung saan nagmula ang ungol at nakita


niyang si Laura pala iyon na pinipilit ni Adolfo.
Pinaliparan ni Flerida ng palaso si Adolfo.

Talasalitaan:

 Monopolyo – uri ng kalakaran na kung saan ay isang


kumpanya lang ang nagbibigay ng isang partikular na
produkto o serbisyo
 Trigo – uri ng bigas na ginagawang harina
 Pagkubkob – pagsalakay
 Tunod – shaft
 Palaso – arrow

Florante at Laura Buod Kabanata


30: Wakas
Sa pagkukuwento ni Flerida ay biglang dumating si
Menandro. Labis ang tuwa ng makita niya si Florante.

Nagdiwang din ang mga ehersito mula sa Etolia. Pagkalaon


ay dinala ang apat sa kaharian ng Albanya.

Nagpabinyag sina Aladin at Flerida bilang isang


Kristiyano at nagpakasal.

Nasawi si Sultan Ali Adab kaya bumalik na si Aladin sa


Persiya.
Bumalik ang kaayusan sa kaharian dahil sa bagong pamumuno
ng bagong hari at reyna na sina Duke Florante at Reyna
Laura.

Talasalitaan:

 Nagdiwang – nagsaya
 Ehersito – hukbo, military
 Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
 Nasawi – namatay
 Pamumuno – pagpapatakbo

You might also like