Araling Panlipunan 8: Kagawaran NG Edukasyon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 8
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ikaapat na Markahan – Ikaapat na Linggo

Myla J. Bacong
Manunulat

Ma. Martha R. Ullero


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad
Schools Division Office – Muntinlupa City
Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Bibigyang pansin sa araling ito ang mga naging bunga ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig. Tutukuyin ang mga naging epekto ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa ibat –ibang aspeto ng pamumuhay ng tao at
kalagayan ng mga bansang naging bahagi nito. Sa modyul na ito ay
inaasahang matataya ang mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga naging
masamang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

I. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang


LETRA ng wastong sagot.
1. Ang pulong na naganap sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaag Pandaigdig
ay naganap sa _____.
a. Yalta c. London
b. Vienna d. Potsdom
2. Nang bata pa si Adolf Hitler, nangarap siyang maging isang _____.
a. pintor c. sundalo
b. diktador d. manunulat

3. Si Anne Frank ay kilala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa,


a. pagtulong sa mga Pranses sa kaniang kilusan
b. pagsulat ng diary noong siya ay nagtatago sa mga Nazis
c. siya ang asawa ni Hitler
d. paggagamot sa mga maysakit sa digmaan

4. Pagkatapos ng pasuko ng Germany, si Winston Churchill ay ________.


a. naalis sa kanyang pwesto bilang Punong Ministro
b. naging punong heneral
c. naging pangulo ng UN
d. namuno sa Nuremberg trial

2
5. Pamahalaang bumagsak pagkatapos ng World War II?
a. Totalitaryan c. Aristokrasya
b. Monarkiya d. Demokrasya

6. Ang Germany, Italy at Japan ay tinawag na


a. Triple Alliance c. The Big Three
b. Axis Powers d. Eastern at Western Block
7. Ang sekretong pangalan ng proyekto kung saan nalikha ang atomic bomb
sa digmaan ay tinatawag na__________________.
a. Manhatan Project c. Berlin Project
b. Manchurian Project d. Nazi Project

8. Ang tawag sa paglalarawan ng ekonomiya ng Estados Unidos pagkatapos


ng digmaan ay _____________.
a. Economic Depression c. Economic Boom
b. inflation d. War bonds

9. Ang Estados Unidos ay ipinagbawal ang pagluluwas ng _________ sa Japan


na siyang nakaapekto sa ekonomiya ng Japan.
a. bakal c. goma
b. langis d. ginto

10. Ang grupo ngmga tao na lubos na naapektuhan at naging target ni


Hitler ay ang mga ________.
a. Muslim c. Russian
b. Hudyo d.Amerikano

II.Tama o Mali. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi
wasto .

11. Malaki ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.

12. Mas maraming namatay na sundalo kaysa sa sibilyan sa panahon ng


digmaan.

13. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng prinsipyo ng


Command Responsibility.

14. Muling nangibabaw ang tatlong imperyo ng Italy, Germany at Japan


pagkatapos ng World War 2.

15. Ang digmaan ay nagbuga ng teribleng pagkawala ng buhay ng tao at


ariarian.

3
Gawain 1: Sulyap Sa Nakaraan!

Naaalala mo pa ba ang mga sanhi at mahahalagang pangyayaring naganap


noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ating balikan ang nakaraang aralin.
Halina at isa-isahin ang mga sanhi at mahahalagang pangyayaring naganap
sa digmaan noong 1935 hanggang 1945 sa mundo. Isulat ang buod ng inyong
sagot sa patlang o sa inyong kwaderno.
_______________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

Ang Ikalawang Digmang Pandaigdig na nagsimula noong 1939 at


nagwakas noong 1945 ay itinuturing na pinakamapaminsalang pangyayari
na naranasan ng tao. Pinaglabanan ito sa lahat ng bahagi ng mundo-lupa,
himpapawid at dagat. Ang mga naglabanan ay ang pwersa ng Allied Nations
at Axis Power. Pinili ng ibang mga bansa na maging neutral tulad ng Portugal,
Spain, Switzerland at Egypt. Lumitaw ang higit na mapaminsalang sandata
tulad ng automatic rifle, bazooka, mga tangke, aircraft guns, balloon
barrages, dive bombers at bombang nukleyar. Ang Nazi Germany ay
nagpakilala ng blitzkrieg (giyerang parang kidlat).

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaapekto sa ibat- ibang aspeto


ng pamumuhay ng tao na nakaranas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Bilang pinakamapinsalang digmaan sa mundo, ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng mga resulta na nagpabago sa
kasaysayan ng daigdig.

1. Ang digmaan ay nagdulot ng pagkawala ng maraming buhay at


pagkawasak ng mga ari-arian kaysa noong Unang Digmaang
4
Pandaigdig. Ang kabuuang pinsala ng digmaan ay umabot sa
50,000,000 (21,000,000 sundalo at 29,000,000 sibilyan. Ang kabuuang
halaga ng digmaan ay $1,384,000,000,000. Higit na naapektuhan ang
mga sibilyan. Marami sa kanila ay namatay dahil sa mga sakit at
matinding kagutuman.

2. Nagtatag ito ng prinsipyo ng Command Responsibility para sa mga


krimeng nagawa ng mga opisyal ng pamahalaan at mga opisyal militar,
maging mga Punong Ministro at Punong Tagapagpatupad. Ang daigdig
ay nagulantang sa mga gas chambers at prison camp kung saan ang
mga Nazi ay nagsagawa ng genocide (maramihang pagpatay) ng mga
Hudyo.Ilan sa dokumentong naglalarawn ng mga naranasan ng mga
Hudyo sa kamay ng mga Nazi ay mababasa sa talaarawan ni Anne
Frank, isang biktima ng malagim na Holocaust. Naganap ang
Nuremberg Trial, kung saan dalawamput-isang lider ng Nazi ang
inakusahan ng krimen mula sa pakikipagsabwatan laban sa
kapayapaang pandaigdig, pananalakay, paglabag sa mga batas ng
digmaan at pagpatay kabilang ang genocide. Kabilang sa mga
nahatulan ng kamatayan ay sina Hermann Goering at Admiral
Doenitz.

3. Bumagsak ang ekonomiya dahil sa pagkawasak ng agrikultura,


industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.
Maraming lungsod at bayan at nasira dahil sa pagbomba at mabigat
na artillery.Ang pagkasira ng mga tahanan ay nagdulot ng pagkawala
ng tahanan. Isa ang Alemanya sa nakaranas ng matinding kakulangan
ng pagkain, pagkawala ng mga tirahan at enerhiya.

5
4. Nauwi ito sa pagbagsak ng tatlong imperyong totalitarian, ang Nazi
Empire ni Hitler, Fascist Empire ni Mussolini at Militaristang
pamumuno ni Hideki Tojo.

5. Nagsilang ito ng mga nagsasariling bansa tulad ng East at West


Germany, Nationalist China, Philippines, Indonesia, Malaysia, India,
Pakistan, Jordan, Israel, Iran, Iraq, Syria, Egypt at Sudan.

Gawain 2 : The Who? Kilalanin ang mga taong naging bahagi ng World War
II. Sundan ang klu para sa kanilang pangalan.Isulat sa ikatlong patlang
ang kanilang naging papel sa digmaan.

6
1. 2. 3.
A_________ D___________ B__________
H_________ E____________ M__________
___________ _____________ ____________

4. 5. 6.
H_________ J__________ W_________
T_________ S__________ C__________
___________ ____________ ____________

GAWAIN 3: Tukuyin Natin!


Isulat ang B kung ito ay bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at X kung
ito ay hindi epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

_____1. Ang pag-iral ng Command Responsbility.


_____2. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria.
_____3. Ang pagbagsak ng ekonomiya at pagkawasak ng mga istraktura.
_____4. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa.
_____5. Ang pagbagsak ng makapangyarihang imperyo.
_____6. Ang paglusob ng Germany sa Poland.
_____7. Paghulog ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki.
_____8. Ang paglaya ng mga bansa tulad ng Pilipinas at Israel.
_____9. Pagkakabuo ng Liga ng mga bansa.
_____10. Teribleng pagkawala ng buhay at pagkasira ng mga ari –arian.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong 1939 ng lusubin


ng Germany ang Poland. Ang Digmaan sa Europa ay nagtapos sa pagsuko ng

7
Germany noong Mayo 7, 1945. Ang digmaan sa Pasipiko ay nagwakas sa
pagkatalo at pagsuko ng Japan noong Septyembre 2, 1945.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay itnuturing na
pinakamapaminsalang digmaang naranasan ng tao. May iba’t ibang mga
kadahilanan ang nag-udyok sa pagsiklab ng digmaan. Maraming
mahahalagang pangyayari ang naganap at nagdulot ng masamang epekto sa
tao at sa mundo.

Unawain ang tema na ipinapahiwatig ng kanta. Isulat ang mensahe


na nais isaad ng awit na One Day sa inyong modyul o
kwaderno.

ONE DAY
Matisyahu

Sometimes I lay under the moon For the people to say


And thank God I'm breathin' That we don't wanna fight no more
Then I pray, "Don't take me soon There'll be no more war
'Cause I am here for a reason." And our children will play
Sometimes in my tears I drown One day, one day, one day, oh
But I never let it get me down One day, one day, one day, oh
So when negativity surrounds
I know some day it'll all turn around because
All my life I've been waitin' for Stop with the violence, down with
the hate
I've been prayin' for One day we'll all be free, and proud
to be
For the people to say
That we don't wanna fight no more Why-ohh! (One day, one day)
whyoh, oh, oh!
There'll be no more war Why-ohh! (One day, one day)
whyoh, oh, oh!
And our children will play
One day, one day, one day, oh All my life I've been waitin' for
One day, one day, one day, oh I've been prayin' for
It's not about win or lose, 'cause we all lose For the people to say
When they feed on the souls of the innocent That we don't wanna fight no more
Blood-drenched pavement There'll be no more war
Keep on movin' though the waters stay ragin' And our children will play
In this maze One day, one day, one day, oh
You can lose your way, your way One day, one day, one day, oh
It might drive you crazy but
Don't let it faze you, no way, no way!
Sometimes in my tears I drown
But I never let it get me down
So when negativity surrounds
I know some day it'll all turn around because
All my life I've been waitin' for
8
I've been prayin' for

\
I. Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik ng wastong sagot.

_____ 1. Winston Churchill a. Nazismo


_____ 2. Hideki Tojo b.Lalaki ng Sandali
_____ 3. Dwight Eisenhower c.Pasismo
_____ 4. Adolf hitler d. Japanese Premier
_____ 5. Benito Mussolini e. Supreme Allied Commander
II. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag. Sundan ang klu.
6. G_____ Maramihang pagpatay sa mga Hudyo.
7. N_____Dito isinagawa ang makasaysayang paglilitis
8. Y_____Ang Tigre ng Malaya
9. U_____Samahan ng mga bansang naitatag pagkatapos ng World War II.
10. I____ Dominasyon ng makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa.
III. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi wasto
ang pangungusap.
_____11. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay higit na mapaminsala kaysa
Unang Digmaang Pandaigdig.
_____12. Nagsimula ang digmaan sa Europa ng salakayin ng Poland ang Germany.
_____13. Nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya ang pagkakaroon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
_____14. Ang Command Responsibility ay para sa pagkakasala ng mga opisyal ng
pamahalaan at pinunong militar.
_____15. Malulutas ang mga suliranin sa pamamagitan ng digmaan.

9
Sanggunian:
A.Aklat
- Kasaysayan ng Daigdig, Gregorio F. Zaide, Sonia M. Zaide, 343-358.
- Pana-Panahon, Cecelia D. Soriano, et.al, 415-429
- Kayamanan, Cecilia D. Soriano, et.al, 276-288

B. Modyul
- Project Ease, Araling Panlipunan 8, Modyul IV Ang Kontemporaryong Daigdig,
470-487

C. Website
- http://signaturesofwar.com/id32.html
- https://www.musixmatch.com/
_www.duplinschoolsnet
-www.azylyrics.com>lyrics>oneday

10

You might also like