Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGSUSURI NG PANG-EKONOMIYANG BALITA

A. HONTIVEROS ON SELLING SEIZED SUGAR: “BAKIT HINDI NA LANG


IPAMIGAY?”
Source: Senate of the Philippines
Press Release (April 21, 2023)

Senator Risa Hontiveros on Friday said that instead of selling seized sugar in Kadiwa stores, it
is more favorable to turn it over to the Department of Social Welfare and Development for the
benefit of the less fortunate and victims of calamities.

"Kaysa mabulok o ibenta para pagkakitaan pa, bakit hindi na lang ibigay ng libre sa mga
kababayan nating nangangailangan at biktima ng kalamidad? Maraming nagugutom ngayon at
kinakapos dahil sa mataas na presyo ng bilihin," Hontiveros said.

The Sugar Regulatory Administration (SRA) recently announced that it has revised existing
regulations to authorize the sale of at least 4,000 metric tons of smuggled refined sugar in
Kadiwa stores around the country. The said sugar stocks, which were earlier confiscated in
joint Bureau of Custom and Department of Agriculture operations, will be sold to consumers at
P70 per kilo.

"Bakit pagkakakitaan pa ang galing sa iligal? Sa komputasyon ng aking opisina, dapat P65
lang ang presyo ng asukal na imported galing Thailand. Hindi ba ang layunin ay maging abot-
kaya ang presyo para sa lahat ng Pilipino? Pero bakit mataas pa rin ang presyo kung
ibebenta?," she said.

Instead of relying on smuggled sugar to supply Kadiwa stores, Hontiveros said that the Sugar
Regulatory Administration needs only to expand the list of traders and industries authorized to
procure their own sugar supplies.

She furthered that the right to import sugar should not be limited to three "favored" suppliers:
All Asian Countertrade Inc, Edison Lee Marketing Corporation, and Sucden Philippines. There
should also be an expanded list of traders and industries that will be allowed to import the
450,000 metric tons that the SRA wants to bring into the country. As in previous years, these
will then compete to offer the lowest price to the market, in contrast to the prospect of high
cartel-dictated prices.

"Hindi kailangang umasa ng Kadiwa stores sa mga puslit na asukal para mura ang benta nito.
Kailangang sugpuin ang pribadong kartel sa asukal na nagpapataas ng presyo, dahil na rin sa
kagagawan ng gubyerno." Hontiveros stated.

She likewise said that the DA and SRA could also expand their cooperation with stakeholders
in the local sugar industry, so that production yields can be increased even during the ongoing
milling season for sugar - in line with proposals by groups like the Samahang Industriya ng
Agrikultura (SINAG).

"Hindi pagkunsinti sa smuggling ang sagot sa ating problema sa mataas na presyo ng asukal.
Huwag tayong magpadala sa palusot ng mga nais manamantala sa problema sa hapag-kainan
ng taumbayan," Hontiveros concluded.

B. BONG GO: ISMAGEL NA ASUKAL, BABAGSAK SA KADIWA


Source: Remate (Abril 25, 2023)
https://www.remate.ph/bong-go-ismagel-na-asukal-tiyaking-babagsak-sa-kadiwa/
MANILA, Philippines- Sa harap ng hakbang ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na
ibenta ang mga nasamsam na smuggled sugar sa publiko sa pamamagitan ng mga Kadiwa sa
buong bansa, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat tiyaking sa mga tindahan
ngang ito babagsak at abot-kaya ng mga mahihirap ang presyo ng mga ito.

Ipinatupad ng Department of Agriculture, ang programang Kadiwa ay isang inisyatiba ng


pamahalaan na mabigyan ng mura o abot-kayang halaga ng mga pagkain ang mga
Pilipino.Layon ng Kadiwa na magbenta ng mga produktong pang-agrikultura sa mas
mababang presyo kumpara sa mga nasa komersyal na pamilihan.

“As per report po, the Sugar Regulatory Administration amended its rules para ma-turn over
na po ang mga confiscated smuggled sugar sa mga Kadiwa stores at maibenta sa general
public sa mas murang halaga. Agree po ako diyan kaysa naman masayang ay ibenta sa
murang halaga dahil confiscated naman ito. Ang importante po ay ma-stabilize po ang presyo,”
ani Go na nagsagawa ng inspeksyon sa operasyon ng Malasakit Center sa Quirino Province
Medical Center sa Cabarroguis, Quirino.

Ani Go, maganda rin ang mga proposal na ipamigay na lang ito nang libre sa pamamagitan ng
Department of Social Welfare and Development (DSWD) pero dapat itong araling mabuti.“Kung
sa Kadiwa stores ibebenta po, ang tanong ko lang po, ilang Kadiwa stores ba tayo mayroon sa
buong Pilipinas? Lahat ba ng lalawigan ay may Kadiwa stores?” anang senador.

Nauna rito, inamyendahan ng SRA ang rules nito para pahintulutan ang donasyon ng mga
nakumpiskang smuggled na asukal sa mga ng Kadiwa.
Pinaplano ng ahensya na mag-roll out ng 4,000 metriko tonelada ng smuggled na asukal sa
darating na Mayo.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtiyak na ang mga Pilipino ay may access sa abot-kaya
at masustansyang pagkain, pabor si Go na ang hakbang ng SRA ay pakikinabangan ng mga
mamimili, lalo ng mga nahihirapan sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya na dulot ng
pandemya.

“Ang importante po para sa akin ay ma-dispose po agad ito kaysa masira, papakinabangan pa
ito ng gobyerno. Agree po ako kung ano pong pamamaraan na mapakinabangan po ito ng
mahihirap at ma-stabilize po ang presyo ng sugar. Mas mabuti na lang po kaysa naman
masayang diyan at nakatiwangwang,” diin ni Go.
Samantala, nanawagan ang senador sa Bureau of Customs (BOC) na pag-ibayuhin ang
kampanya nito na pigilan ang pagpasok ng smuggled goods sa bansa.

“Mas paigtingin pa natin ang kampanya kontra agricultural smuggling. Tingnan natin kung
mayroon bang sindikatong nasa likod nito. Tingnan natin, mayroon naman tayong batas, ‘yung
Anti-Agricultural Smuggling Law,” giit ni Go.

“Gamitin natin ang ngipin ng batas. Ipahuli, ipakulong talaga. Dapat madala talaga itong mga
smuggler na ito. Kawawa po ang maliliit nating local producers lalo na po ang mga
magsasaka,” idiniin pa niya.

Si Go ay isa sa mga may-akda ng panukala na naging Republic Act No. 11901, na


nagpapalawak sa sistema ng pagpopondo sa agrikultura, pangisdaan, at pag-unlad sa
kanayunan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nilalaman ng balita? Ilahad ang impormasyon tungkol sa balita.
2. Paano naapektuhan ang kabuhayan/ekonomiya ng bansa ng pumapasok na
produktong “smuggled” sa Pilipinas?
3. Sa inyong palagay, ano ang mas kapaki-pakinabang sa pamahalaan at mamamayan,
ang pagbebenta o pamimigay ng “smuggled” na asukal? Ilahad ang inyong argumento
kung bakit mo napili ang ibebenta o ipapamigay ang asukal.

4. Ano- ano ang maaaring hakbang ng pamahalaan upang maiwasan ang illegal na
pagpasok ng mga produkto sa Pilipinas? Magbigay 3 pataas na possibleng solusyon o
hakbang na dapat gawin ng pamahalaan.
Sa pagpayag na ibenta smuggled sugar sa Kadiwa KMP: SMUGGLING KINUKUNSINTE
NI BONGBONG
March 23, 2023
SAKSI: Balitang Totoo Ngayon(BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG pagpayag o pangungunsinte sa smuggling ang pagbibigay ng basbas ni


Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibenta sa Kadiwa centers ang mga nakumpiskang
smuggled sugar.

Reaksyon ito ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) matapos aprubahan ni


Marcos Jr. ang pagbebenta ng smuggled sugar sa Kadiwa centers sa halagang P70
kada kilo.

“Ang dapat gawin ng Pangulo, pigilan at sugpuin ang smuggling, hindi gawing legal
ang pagbebenta ng mga kontrabandong asukal at iba pang produktong agricultural,”
ani Danilo Ramos ng KMP.

Hindi aniya dapat gamitin ni Marcos ang mga magsasaka ng asukal para ikatwiran
ang pagbebenta ng smuggled sugar bagkus ay suportahan ang mga ito at palakasin
ang industriya upang magkaroon ng sapat na supply.

Nasa 12,000 metric tons (MT) ng smuggled sugar ang ibebenta sa mga Kadiwa ng
Pangulo na kinabibilangan ng 8,000 MT na nakumpiska sa Batangas at 4,000 MT
naman sa Subic.

“Kapag ibinenta ang mga smuggled na asukal, kikita pa rin ang mga smuggler pati na
ang mga protektor at kasabwat nila sa DA,” ayon pa kay Ramos, subalit hindi nito
nilinaw kung papaano.

Tila sinang-ayunan din nito si Senador Risa Hontiveros na naunang nagsabi na


mistulang state-sponsored smuggling ang nangyayari sa Pilipinas.

“Hangga’t mismong ang mga mataas na opisyal ng DA ang sangkot sa state-sponsored


smuggling, magiging napakahirap na masawata ng smuggling at ng malawakang
korapsyon sa industriya ng asukal,” dagdag pa ni Ramos.

Noong Marso 17, nasa 530 bags o 780,000 kilo ng kontrabandong asukal ang nasabat
sa Port of Subic na idineklarang tsinelas at nakapangalan umano sa MFBY Consumer
Goods Trading na kung ibebenta sa prevailing price na P110 kada kilo ay aabot ng
P85 million.

“Maraming nasasabat ang DA at Bureau of Customs na mga kontrabandong


produktong agrikultural pero hindi talaga natitigil ang smuggling dahil malakas ang
proteksyon nila mula sa DA at Malakanyang,” ayon kay Ramos.

Binigyan ng basbas
Nauna rito, pinayagan ni Pangulong Marcos Jr. ang pagbebenta ng mga nasamsam na
smuggled sugar sa Kadiwa centers.

“Kamakailan, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang


rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ibigay bilang donasyon
sa Department of Agriculture (DA) ang 4,000 metric tons na nahuling smuggled
refined sugar upang maipagbili sa publiko sa mga Kadiwa Centers sa halagang
katumbas ng actual mill gate prices na sa ngayon ay nasa P70 per kilo,” ayon sa
kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).

Ipinag-utos din ng Pangulo sa DA at SRA na makipag-ugnayan sa BOC at iba pang


ahensiya ng pamahalaan upang masiguro na ang ibebentang asukal ay pumasa sa
“food safety act” at iba pang regulasyon.

Sa kasalukuyan, nasa pagitan ng P86 at P110 kada kilo ang presyo ng refined sugar
sa mga pamilihan.

“Naisin mang ipamigay ito ng libre direkta sa mga nangangailangan, kailangang


isaalang-alang ang industriya ng asukal, kasama ang mga maliliit na magsasaka. Ang
pagbigay ng libre ng mga asukal ay magreresulta sa artipisyal na pagbagsak ng presyo
na ikalulugi ng mga kababayan nating nasa industriya ng asukal,” ayon sa PCO.

“Yung layunin po nito is to provide the consuming public with the cheaper sugar in
the market,” ang sinabi naman ni SRA board member at planters’ representative Pablo
Luis Azcona sa isang panayam.

Suportado naman ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED)


ang naging hakbang ng Malakanyang.

“Itong mga smugglers hindi na nila mare-recycle po. Kasi ang ginagawa, ang madakip
ng authorities bini-bidding, ina-auction eh ang bumibili ganun pa rin, sila pa rin mga
smugglers. So nare-recycle. So ito no chance to recycle,” ang wika naman ni UNIFED
president Manuel Lamata.

You might also like