Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Pambansang Kita

– Nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya.

– Masusubaybayan ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at


malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa.

– Magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga


patakaran at polisiya na makakapagpabuti sa economic performance ng bansa.

GNI/GNP (Gross National Income/Gross National Product)


– Kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo
na gawa ng mga mamamayan sa loob ng itinakdang panahon.
– GNP (Gawa Ng Pinoy)
– Hindi binibilang ang raw materials.
– Kahit nasa ibang bansa basta ikaw ay mamamayan (OFW), kasama pa rin sa
GNI
– Kapag nagmigrate o iba na ang citizenship hindi na kasama sa GNI.

GDP (Gross Domestic Product)


– Kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
– Kahit dayuhan (foreigner) kasama pa rin sa GDP basta sa bansa ginawa. Ang
mga dayuhan ay hindi kasama sa GNI ng bansa.

Mga Paraan ng Pagsukat sa GNI at GDP


1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure Approach)
a. Gastusing personal ( C ) - Gastusin ng mamamayan tulad ng
pagkain, damit, serbisyo at paglilibang.
b. Gastuhin ng mga namumuhunan ( I ) - Gastos ng bahay-
kalakal tulad ng gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa
produksiyon, at sahod ng mga manggagawa.

c. Gastusin ng Pamahalaan ( G ) - Pagsasagawa ng mga


proyektong panlipunan.

d. Gastusin ng panlabas na sektor ( X - M ) - ibabawas ang


iniluluwas (export) sa inaangkat (import).

e. Statistical Discrepancy ( SD ) - Anumang kakulangan o


kalabisan sa pagkwenta na hindi malaman kung saan ibibilang.

f. Net Factor Income from Abroad ( NFIFA )


- net primary income
- Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga
mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhan nasa
loob ng bansa. ( OFW expenses – Foreigners inside the country
expenses)

Formula :

GNI = C + G + I + ( X - M ) + SD + NFIFA

2. Paraan batay sa kita ng mga sangkap ng produksiyon


(Income Approach)
a. Sahod ng mga mamamayan - binabayad sa sambahayan mula
sa bahay-kalakal at pamahalaan
b. Net Operating Surplus - tinubo ng korporasyong pribado at pag-
aari at pinapatakbo ng pamahalaan at iba pang negosyo.
c. Depresasyon - pagbaba ng halaga ng yamang piskal bunga ng
pagkaluma at tuloy tuloy na paggamit sa paglipas na panahon.
d. Di-tuwirang buwis ( subsidiya )
: Di tuwirang buwis - kabilang ang sales tax, custom duties,
lisensya at iba pang di-tuwirang buwis.
: Subsidiya - salaping binabalik at binabayaran ng pamahalaan na
hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo.

Formula : GNI = EC + EI + CI + G
(EC) Employees Compensation
(EI) Entrepreneurial Income
(CI) Corporate Income
(G) Government Income

3. Paraan batay sa pinagmulang industriya ( Industrial


Origin )
- Pagsasama-samahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga
pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng
agrikultura, industriya at serbisyo.

Formula :
GDP = A + I + S or P
A - Agrikultura
I - Industriya
S or P = Serbisyo o Paglilingkod

GNI = GDP + NFIFA

You might also like