Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pandemiya

Sinalubong natin ang pagsapit ng bagong taon ng tila kaysaya, kay gandang
simula, at nagdarasal na sana magiging maganda ang daloy ng buong taon, ngunit ang
mundo nga talaga ay puno ng supresa. Hindi natin inakala na ang simpleng ubo’t sipon
at pagsakit ng ulo ay dulot pala ng virus na labis na nakahahawa at nakamamatay. Ang
kumakalat na sakit na ito ay tinatawag na CoViD - 19 na nagsimulang kumalat sa
bansang Tsina noong 2019 hanggang sa unti unti itong kumalat sa mga karatig na
bansa at kabilang ang bansang Pilipinas sa mga bansang naapektuhan nito. Ang
nakahahawang sakit na ito ay kumalat na sa buong mundo na naging dahilan upang
ang mga tao ay mabalutan ng takot at pangamba. Ang problemang kinakaharap ng
mundo ngayon ay labis na nagkaroon ng maraming epekto sa atin.

Noong nakapasok ang CoVid -19 sa ating bansa, tayo ay nabahala dahil labis na
maaapektuhan ang ating paraan ng pamumuhay. Naglunsad ng pangmalawakang
lockdown ang gobyerno upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa, dahil dito ay nag
sara ang mga kompanya’t establisiyemento na naging dahilan upang mawalan ng
hanapbuhay ang marami sa atin. Maraming pamilya ang nagkaroon ng maraming
problema sa pagkain, sa pera at sa kung ano ano pa ngunit sa tulong ng gobyerno, sila
ay namigay ng mga relief goods at tulong pinansiyal sa bawat sulok ng bansa upang sa
kakaunting panahon ay maibsan ang nararanasang hirap dulot ng pandemiya. Dahil sa
kumakalat na sakit ay kinakailangan na ang bawat isa ay magsuot ng facemask at face
shield upang maiwasan ang hawaan, nagkaroon din ng mga patakaran na bawal
lumabas ang iilan sa atin lalo na ang mga bata at matatanda. Bawal rin ang mga salo
salong pagtitipon sa panahon ngayon kahit na simpleng pagyakap sa mga mahal natin
sa buhay o sa ating mga kaibigan ay ipinagbabawal kung kaya’t labis na naging
mahalaga ang mga makabagong teknolohiya sa panahon ng pandemiya. Ang mga
telepono o gadiyets na naging tulay upang mapanatili ang koneksyon natin sa bawat isa
sa pamamagitan ng tawag o “chat” gamit ang mga iba’t ibang “social media
applications” hanggang sa doon nalang umiikot ang mundo ng maraming kabataan. Sa
panahon din na ito ay sumikat ang ibat ibang mga “online games” na kinahuhumalingan
ng maraming tao hanggang sa nakakalimutan na nila ang kanilang kalusugan at ang
pag aaral ng maraming kabataan ay labis na naaapektuhan. Noong magsimula ang
pandemiya ay ipinatigil muna pansamantala ng sektor ng edukasyon ang pagpasok ng
mga mag-aaral sa kani kanilang paaralan hanggang sa nakaisip sila ng magandang
alternatibo bukod sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo at ito ay ang blended learning
o online class kung saan ang mga kabataan ay kinakailangang ng sapat na gamit o
gadiyet at malakas na internet connection para sa kaayusan ng kanilang pag aaral
ngunit hindi lahat ay sumasang ayon ukol dito. Maraming mahihirap na kabataan ang
hindi pa rin makapag aral dahil sa kawalan ng pera pambili ng kanilang gamit na
kinakailangan sa kanilang online class kaya mas pinili nalang nila na tumigil at
magtrabaho kahit mahirap. Isa ring problema ng mga mag-aaral ang kanilang mabagal
na internet connection dahil naapektuhan nito ang kanilang pag aaral lalo na sa tuwing
may klase dahil minsan ay hindi na nila naiintindihan ang sinasabi o tinuturo ng kanilang
mga guro. Ang mga mag aaral din ay nagkakaroon ng mga tambak na gawain kaya
madalas sila ay nalulungkot at minsan naman ay nakararamdam ng anxiety o
depression, hindi lang ang mga kabataan kundi pati na rin ang mga tao na patuloy na
nawawawalan na ng pag-asa. Marami na rin ang kinikitil ang sariling buhay upang
maging malaya at ang ilan ay kumakapit na sa patalim upang matugunan lamang ang
kanilang mga pangangailangan. Marami na rin ang mga namamatay dulot ng CoVid -
19 na labis na nagbibigay ng sakit sa mga taong naiwan o naapektuhan, at
magpasahanggang ngayon ay wala paring gamot sa sakit na ito. Iilan lamang ito sa
mga epekto ng pandemiya na kinakaharap ng ating bansa at sana ay mabigyang
pansin pa ang mga hinaing ng mga tao dahil sa panahon ngayon ang
pakikipagtulungan sa bawat isa ang ating dapat isaalang alang. Ang problemang
kinakaharap ng mundo ngayon ay sadyang makapag iiwan talaga ng mga masasakit na
alaala na tatak sa puso’t isipan ng mga tao.

Masasabi nating malaki talaga ang epekto ng pandemiya sa atin at sa buong


mundo ngunit wala tayong magagawa kung hindi ay magpatulong pa rin sa ating buhay.
Mayroon din namang magandang epekto ang pandemiya sa atin kung saaan mas
nakakasama na natin ngayon at nakikilala pa natin ang ating mga pamilya tuwing tayo
ay magkakasama, mas madali nating natutulungan ang bawat problema na
kinakaharap ng bawat kasapi ng pamilya, at ang dating siyudad na puno ng polusyon
ngayon ay nabibigyan ng pagkakataon na mabalik ang dating kalinisan nito. Alam natin
na walang pinipili ang CoViD 19 at buhay ang laging sinisingil nito ngunit huwag nating
hahayaang lamunin tayo ng takot at pangamba, alisin natin ang mga negatibong bagay
sa ating isipan. Tulungan natin ang bawat isa at wag tayo magpahintulot sa tukso,
gawin ang mabuti at hindi ang masama, huwag nating balewalain ang sarili bagkus ay
gamiting motibasyon ang mga problemang kinakaharap sa buhay upang maging
malakas. Paigtingin ang pananampalataya sa Diyos, at isipin na ang mga ito ay
malalagpasan din sa tamang panahon, kailangan lang lumaban sa mga hamon sa
buhay dahil sa dulo tayo parin ang mananalo, padayon!

You might also like