Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IBONG ADARNA SCRIPT 11-23

Scene 11:

Don Juan (ALVEY): Inang birhen, ako po'y nananalangin. Ngayon pong ramdam
ko na ang malapit kong kamatayan, ang hangad ko lamang ay ang kaginhawaan ng
pakiramdam ng aking ama.
Matanda (REIN): O, Mahabaging Diyos! Ano ang nangyari sa inyo, Ginoo?
Halika't ika'y aking gagamutin.
Juan (ALVEY): Isang himala! Ang pakiramdam ko ay ayos na. Maraming salamat
po. Sinagip niyo ang aking buhay na nasa pangil na ng kamatayan! Ano po ang
maaari kong gawin upang mabayaran ang kabutihang inyong nagawa.
Matanda (REIN): Ang layon ng kawanggawa ay hindi nangangailangan ng
kabayaran. Ika'y aking tinulungan sapagkat tiyak ako'y iginayak dito ng Diyos
upang ika'y matagpuan. Hala, humayo ka na at ang Berbanya sa'yo ay naghihintay
na.
Juan (ALVEY): Salamat. Kayo po sana ay ipagpala.
Scene 12:
Juan (ALVEY): Amang Hari at Inang Reyna! Ako'y nagbabalik na.
Haring Fernando (RHANDEL): O, aking bunso. Ako'y lubos na nag-alala sa iyong
kalagayan.
Reyna Valeriana (JAMLEI): Aking Mahal na Hari, tingnan mo ang Ibong Adarna
at nag-iba na ng anyo
Ibong Adarna (CHARLES): (song at Page 45-46 and page 48 of the book; at ang
pitong pagpapalit balahibo)
Scene 13:
Hari Fernando (RHANDEL): Ang pakiramdam ko ay magaan na. Isa nga talagang
himala.
Reyna Valeriana (JAMLEI): Ito ay isang magandang balita, aking mahal
(Ibong Adarna ay lumapit kay Don Juan at yinakap ito na para bang mag-ama)
Hari Fernando (RHANDEL): Pedro, Diego! Totoo ba ang sinasabi ng Ibong
Adarna?! Sumagot kayo!
Diego (HENDRIX): Opo, mahal na hari.
Hari Fernando (RHANDEL): Ipatapon ang dalawang ito at bawian ng lahat ng
karapatan. Hindi mapapantayan ng kapatawaran ang ginawa ninyong pagtataksil sa
inyong kapatid, sarili niyong dugo't laman!
Juan (ALVEY): O, aking amang ginigiliw, ang kanilang ginawa ay tapos na at
ngayon ako'y buhay pa. Sila rin po ay mga anak ninyo, sana po'y sila'y kaawaan.
Hari Fernando (RHANDEL): Tama ka, aking bunso. Sila nga ay aking mga anak
kaya't kakalimutan ko ang hatol na ito, Ngunit, magkasala silang muli ay hindi ko
na papatawarin at kamatayan ang magiging kapalit. Nagkakaintindihan ba tayo?!
Pedro at Diego (CARL AT HENDRIX): Opo, amang hari.
Scene 14:
Pedro (CARL): Hindi ko ito matatanggap! Maghihiganti ako sa kahiyaang ibinigay
ni Juan sa atin!
Diego (HENDRIX): Don Pedro, ngunit hindi ka ba natatakot sa maaaring
mangyari kapag nalaman ito ng amang hari?
Pedro (CARL): Bakit ako matatakot? Gisingin mo si Juan at siya ang ipagbantay
mo sa Ibong Adarna.
Scene 15
Diego (HENDRIX): Juan! Ikaw na ang magbabantay sa Adarna. Hintayin mo na
lamang si Pedro na halinhinan ka pagkatapos.
Scene 16
Juan (ALVEY): (inaantok sa pagbabantay at tuluyan na itong nakatulog)
(Habang sina Pedro at Diego ay pinakawalan na ang Adarna!)
Scene 17
Juan (ALVEY): Nasaan na ang Ibong Adarna? Hindi kaya ako'y nilinlang ulit ng
aking mga kapatid?
Scene 18
Hari Fernando (RHANDEL): Pedro, Diego, Juan! Nasaan ang Adarna?! Bakit wala
ito sa kanyang hawla?!
Diego (HENDRIX): Ama, ewan, ang bantay po kagabi ay si Don Juan.
Hari Fernando (RHANDEL): Nasaan si Juan? Hanapin niyo si Juan ngayundin!
Pedro (CARL): Ama, bakit kailangan pa naming hanapin ang taong taksil at
sumuway ng iyong utos na bantayan ang Adarna?
Hari Fernando (RHANDEL): Tumahimik ka, Pedro! Ang utos ko ay hanapin niyo
si Juan at ibalik sa Berbanya!
Scene 19
Pedro (CARL): Huwag kang ganyan, Diego. Ang iyong takot at hiya ay dapat
ilihim kay Juan. Lakasan mo ang iyong loob. May naisip ako upang tayong mga
kapatid niya ay makabawi man lang sa kanya.
Diego (HENDRIX): Ano iyon?
Pedro (CARL): Huwag na tayong bumalik sa Berbanya. Tayo'y sumama na kay
Juan at makipagsapalaran sa ibang kaharian.
Diego (HENDRIX): Iyan nga ay isang magandang ideya.
Pedro (CARL): O, siya at lapitan na natin si Juan.
Pedro (CARL): Juan! (niyakap ang kapatid) (group hug with Diego) Kami ay
nagkasundong lisanin ang Berbanya at maglakbay sa malayo. Ibig sana naming
imbitahan kang sumama sa aming paglalakbay?
Juan (ALVEY): O, sige. Ako'y pumapayag.
Scene 20
Diego (HENDRIX): Tingnan niyo isang balong marmol ay may mga gintong
nakaukit!
(nilapitan nilang tatlo ang balon)
Juan (ALVEY): Ang balong ito ay mahiwaga. Subukan nating bumaba at tuklasin
ang nasa loob nito.
Diego (HENDRIX): Ako'y mas matanda sa iyo kaya ako muna ang mauunang
bumaba.
Pedro (CARL): Aba! Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay kaya ako
ang may karapatang unang sumubok.
Juan (ALVEY): Kung gayon, ikaw na ang mauna.
(tinalian si Pedro at pumasok na ito sa balon)
Diego (HENDRIX): Narating mo ba ang hangganan? Ano ang iyong nakikita?
Pedro (CARL): Maghintay muna kayo! Ako'y kinukulang pa ng hininga.
Diego (HENDRIX): Takot? Sabi mo ang isang Don ay dapat walang
kinakatakutan.
Pedro (CARL): Tumahimik ka Diego. Sige nga, ikaw nga ang sumubok at tingnan
natin kung ika'w di matakot
(tinalian si Diego at pumasok na ito sa balon)
Juan (ALVEY): O, anong balita? May natuklasan ka ba?
Diego (HENDRIX): Ewan ko..Wala! Wala! Sa lalim na parang walang hangganan,
ang takot ko ay umiral.
Juan (ALVEY): Kung iyan rin lamang ay ako na ang susubok. (tinalian ang sarili
at pumasok sa sa balon)
Scene 21
Juan (ALVEY): O, hiwaga! Mala-engkanto nga ang balong ito. Mayroong
palasyong kumikinang sa loob nito.
(Naglalakad-lakad siya at nakita nito si Donya Juana)
Juan (ALVEY): Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang
aking pangalan.
Juana: Magandang araw rin sa iyo, ginoo. Ako'y manghang-mangha at ikaw ay
narito. Ang aking ngalan ay Donya Juana.
Juan (ALVEY): Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ika'y makita.
(lumuhod at hinalikan ang kamay ni Donya Juana
Juan (ALVEY): Kung walang pagmamahal na ika'y nadarama, kitilin mo na
lamang ang aking buhay.
Juana: (hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito'y
naglaho, patunay na ikaw ay nagtaksil sa pangako.
Juan (ALVEY): O, aking prinsesa. Ako'y kailanman hindi magtataksil.
Juana: Ngunit, ngayon. Saan kita itatago laban sa Higanteng malupit na
nagbabantay sa akin?
Juan (ALVEY): Aking mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo. Hayaan mong
labanan ko ang Higante upang makamtan mo ang iyong kalayaang inaasam.
Scene 22
Higante (RHANDEL): Juana!! Amo'y ibang tao! May ibang taong naparito!
Nasaan ang taong iyon?!
Juana: Hindi ko alam.
Higante (RHANDEL): Kung sinuswerte ka nga naman, (tawa) hindi ko na
kailangan pang mamundok upang makahanap ng makakain, gayong may kusang
lumapit.
Juan (ALVEY): Higante! Tumahimik ka! Ako'y hindi mo makakain!
Higante (RHANDEL): Kung ikaw man ay kilabot sa iyong kaharian. Dito ay hindi
kaya ikaw ay magiging aking pagkain!
(insert fight scene here)
Juan (ALVEY): Aking mahal na prinsesa, ika'y malaya na.
Juana: (niyakap si Juan) Salamat, Juan! Salamat!
Juan (ALVEY): Kaya, halika na at umalis na tayo sa lugar na ito.
Juana: Sandali, Juan. Hindi ko maiiwan ang aking kapatid na si Leonora. Nandoon
siya sa loob ng palasyo at bantay niya'y isang serpyente.
Juan (ALVEY): Kung iyan ang iyong kagustuhan, prinsesa kong nililiyag.
Juana: Ngunit, ako'y natatakot. Baka ikaw ay masawi at ako'y maiiwang mag-isa.
Juan (ALVEY): Pangako. Magbabalik ako sa iyong tabi. (hug)

You might also like