Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LINGGUHANG TALA SA Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Markahan: Ikaapat

PAGTUTURO Baitang: Labindalawa (12) Semestre: Ikalawa

ARALIN 2 – Pagbibigay-kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik

Layuning Pampagkatuto
Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (F11PT-IVcd-89)

Mga Tiyak na Layunin:


A. Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal atbp.
B. Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa kahulugan nito
C. Nagagamit ang konseptong kaugnay ng pananaliksik ayon sa kahulugan nito

INTRODUKSYON (INTRODUCTION)
 Ibigay ang ibig sabihin ng salitang BALANGKAS.
 Mahalaga ba na magkaroon ng balangkas ang isang gawain? Bakit?
PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)
 Basahin ang bahaging SURIIN sa Modyul 2 na nasa pahina 10 – 14
PAKIKIPAGPALIHAN (ENGAGEMENT)
 Sagutin ang mga pagsasanay sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na nasa pahina 15 – 17 (Pagsasanay A – B at ang Isaisip).
Pagkatapos ay iwasto na rin ang Pagsasanay A at B. Tingnan ang susing sagot.
PAGLALAPAT (ASSIMILATION)
A. Ipalagay ang inyong sarili na gagawa kayo ng pananaliksik sa inyong asignatura. Sa ibaba ay may nakatalang mga paksang maaaring
gawan ng saliksik. Bumuo ka ng isang konseptwal na balangkas sa paksang iyong napili. Mayroong halimbawa na nasa ibaba na maaari
mong gawing gabay sa iyong pagbuo.

Mga Paksang Pagpipilian


1. Pagkakaroon ng mababang marka sa Filipino 3. Buhay - estudyante sa panahon ng pandemya
2. Pagiging laging huli o liban sa klase 4. Halalan sa Infanta

HALIMBAWA NG BALANGKAS KONSEPTWAL


Konseptwal na Balangkas
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang pinaka-epektibong paraan ng pagsasaling-wika sa aspeto ng
pananalapi at ekonomiks sa wikang Filipino. Ito ay ginamitan ng input-process-output model. Sa input frame, inilahad ditto ang mga
kwalipikado sa pagtugon sa sarbey na kumukuha ng kursong Pananalapi. Sa process frame naman ay makikita ang mga hakbang na gagawin
ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon. Ang output frame ay sumasaklaw sa mga
nakalap na mga datos ukol sa kung ano ang pinaka-epektibong paraan ng pagsasaling-wika sa aspeto ng pananalapi at ekonomiks sa wikang
Filipino.

INPUT PROCESS OUTPUT


Mag-aaral ng Pamantasan  Paggawa ng Pinaka-epektibong Paraan
ng Maynila na Kumukuha Talatanungan sa Pagsasaling-Wika sa
ng Kursong Pananalapi  Interview o Sarbey Aspeto ng Pananalapi at
 Analisis Ekonomiks sa Wikang
Filipino”

RUBRIK SA PAGBUO NG BALANGKAS


1. Kawastuan at pagkakasunod-sunod ng nilalaman 15 puntos
2. Kaayusan at kalinisan ng gawa 10 puntos

B. PANGWAKAS NA PAGSUBOK
I. Tukuyin at isulat ang tamang sagot.
1. Ang nagsisilbing “blueprint” sa pananaliksik.
2. Ang patalatang paglalarawan sa mga datos.
3. Naglalaman ito ng sariling konsepto ng mananaliksik sa kanyang ginawang pag-aaral.
4. Ang mga nakalap na impormasyon mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo.
5. Ito ay nakabatay sa umiiral na mga teorya na kaugnay ng ginagawang pananaliksik.

II. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayga ng pangungusap at MALI kung di-wasto ang pahayag.
1. Ang pagbuo ng konseptwal na balangkas ay nakasalalay sa nais na estruktura ng mananaliksik.
2. Ang dalawang balangkas (teoretikal at konseptwal) ay katuwang ng mananaliksik sa pagsagot sa mga suliranin sa
pananaliksik.
3. Ang mga teoryang gagamitin sa pananaliksik ay maaaring sariling likha ng mananaliksik.
4. Ang pagbuo ng balangkas konseptwal ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng teoryang ginamit sa pananaliksik.
5. Maaaring hindi na gumawa ng balangkas sa pagbuo ng isang saliksik.

You might also like