Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION

SENIOR HIGH SCHOOL

Ang Hindi Pagsang-ayon ng mga Bawat Pilipino Tungo sa


Aborsyon

Isusumite kay:
Bb. Cristine Joy Calalang

Isusumite nina:
Gueco, Jaimie
Feliciano, Nathaniel
Pabalan, Rod Patrick
Palo, Matt Andrei
Parico, Adrian
Canlas, Andrea
Pangilinan, Paulina
Sanchez, Mikaela

11 ABM – Hera
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL

Rasyunal

Ang aborsyon ay isang medikal na pamamaraan ng pagtanggal


ng embriyo mula sa matris ng isang ina at tinatawag rin
itong “termination of pregnancy”. Binibigyan nito ang mga
kababaihan ng kalayaan na ipatigil ang isang hindi
kanais-nais o hindi planadong pagbubuntis. Ang aborsyon
ay ilegal at isa sa mga kontrobersyal na isyu sa ating
bansa. Maraming humahatol sa pagsasagawa ng aborsyon sa
Pilipinas kung kaya’t nagreresulta ito sa malaking bilang
ng mga kababaihang Pilipino na nagsasagawa ng hindi
ligtas na mga pamamaraan upang maitigil ang kanilang
pagbubuntis. Ang aborsyon ay katumbas ng pagpatay, sa
pagsagawa nito mayroong sanggol na nawawalan ng
karapatang mabuhay. Marahil ay mayroong mga sitwasyon
kung saan ito ay kinakailangan, tulad ng kung ang
kalagayan ng sanggol sa sinapupunan ay nagdudulot ng
panganib sa buhay ng ina. Ngunit sa kabila nito, ang
pagpapalaglag ay hindi pa rin maganda dahil sa mga
epektong dulot nito. Sa kadahilanang ito pa lamang, hindi
na katanggap-tanggap ang pagkonsidera sa aborsyon bilang
normal na proseso ng pagpigil sa pagbubuntis. Ang
abortion ay hindi makatarungan at makataong paraan upang
masolusyunan ang problema ng isang taong may dinadala sa
sinapupunan. Hindi dapat pahintulutan na mapasa-legal ang
aborsyon dito sa ating bansa dahil sa mga negatibong
epekto nito.
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
Ayon sa (Manuel S. Enverga University Foundation
[MSEUF], 2021), Ang aborsyon ay isa sa mga komplikadong
isyu sa ating bansa na mainit na pinag-uusapan hanggang
sa kasalukuyan. Marami ang sumasangayon na ipatupad ito,
ganon din ang mga sumasalungat dito.
Hindi nararapat na isa-legal ang aborsyon sa
kadahilanan ang aborsyon ay isang pagkitil at pag pigil
sa isang tao na hindi pa naisisilang sa sinapupunan ng
kababaihan at isa itong paglabag sa karapatang pantao na
hindi dapat isa batas dahil isa itong kamalian sa buhay
ng isang tao na nasa batas ng diyos na walang karapatan
ang sino man na kumitil ng buhay (Pantaleon, 2019).
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Albumaid (2023)
tungkol sa pag-suri ng saloobin ng mga etudyante tungo sa
aborsyon, ang mga resulta ng pag-aaral ay nagpakita na
ang karamihan sa mga mag-aaral ay naniniwala na ang
aborsyon ay dapat itakda ng batas, relihiyon, at pagsang-
ayon ng asawa. Ang karamihan rin ay sumusuporta sa
aborsyon sa mga kaso ng peligro sa buhay ng ina,
kompromiso sa buhay ng sanggol, at mga biktima ng
panggagahasa. Gayunpaman, tutol sila sa aborsyon sa mga
kaso ng kawalan ng kakayahang pinansyal ng mga magulang
at mga kaso ng hindi inaasahang pagbubuntis.
Ang aborsyon ay isang krimen sapakat ito ay
pagpatay. Ang sinumang nagtatangkang kitilin ang buhay o
kumitil ng buhay ay mapaparusahan. Hindi ito karapat-
dapat sa harap ng Diyos. Kahit pa anong sabihin natin,
mapait man ang mga ala-alang naranasan o sinadya kahit
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
alam mong hindi pa ito ang takdang panahon para sa
pagbubuntis, ang bata ay likha ng Diyos. Kung ang ating
pinoproblema ay ang ating kinabukasan sa pag-aalaga ng
bata, o kaya ay wala pa tayo sa tamang edad upang gawin
ang napakabigat na tungkulin, hindi iyon kasalanan ng
bata (Tabalon, 2017)
Kung papatupad man ito, imbes na mahikayat ang
ibang kababaihan na buhayin ang kanilang dinadala,
nagkakaroon pa ang mga ito ng pagkakataong pumili sa
pagbuhay sa isang bata na hindi naman nararapat piliin.
Hindi kalayaan ang kanilang matatamasa kundi mabigat na
kasalanan na walang kapatawaran sa mata ng Diyos. Nais
nilang ipalegal ito gayong, isinasagawa na naman nila
kung kailan nila gusto ngunit sa paraang patago. Paano pa
kaya kung ipatupad na ito? Mas lalo lang itong maaabuso.
Imbes na tanggapin ang mga masasalimuot na pangyayari,
mas pinipili pa ng iba na dagdagan ito ng isa pang
kasalanan (MSEUF, 2021)

Sa karamihan ng mga bansa, ang pinakamadalas na


binabanggit na mga dahilan para sa pagpapalaglag ay ang
mga alalahaning sosyoekonomiko o paglimita sa
panganganak. Sa ilang mga pagbubukod, nagkaroon ng maliit
na pagkakaiba-iba sa mga dahilan na ibinigay ng mga
katangiang sosyodemograpiko ng kababaihan. Impormasyon
mula sa tatlong bansa kung saan maraming dahilan ang
maaaring iulat sa survey ay nagpakita na ang mga
kababaihan ay kadalasang may higit sa isang dahilan para
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL
magsagawa ito ng pagpapalaglag. At ayon sa mga may-akda
ng pag-aaral na ito na ang mga kababaihan ay
nagpapalaglag o nagsasagawa ng aborsyon ay mayroong iba't
ibang dahilan, at nagbibigay ng marami o malawak na
larawan ng mga suliranin na nagtutulak sa mga kababaihan
na magpalaglag (Chae et. al., 2017).
Ayon kina Antonio (2021) at Valdezco et. al. (2017)
Sa modernong panahon ngayon na bukas ang isip ng mga tao
sa halos lahat na mga bagay, ang pre-marital sex o
pagtatalik bago ang kasal ay isang laganap na kaugalian.
Ang mga kabataan ay lubhang mapupusok at mausisa sa kung
ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng sekswal na relasyon
na labas sa pag-aasawa. Dahil sa ganitong mga kaugalian
at kakulangan ng wastong kaalaman, taon-taon ay dumadami
ang mga kaso ng hindi ginustong pagbubuntis. At dahil sa
ito ay pangkaraniwang problema ng mga kabataan sa ngayon
na sa karaniwang pagkakataon ay hindi pa handa sa
pagsasabalikat ng mga pananagutan bilang isang magulang,
ang hindi ginustong pagbubuntis ay kadalasang nauuwi sa
aborsyon. Dahil sa maagang pag-bubuntis ng mga babaeng
tinedyer ay lumalaki ang porsyento ng mga nag-aaborsyon.
Nagagawa nila ito dahil sa takot na magalit sa kanila ang
kani-kanilang magulang dahil sa kanilang maagang
pagbubuntis. Ang takot sa malaking responsibilidad ay isa
rin sa mga dahilan kung bakit nag-sasagawa sila ng
aborsyon.

(HINDI PA PO KAMI TAPOS MAG HANAP NG MGA RRL)


SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL

Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay maliwanagan ang mga


estudyante patungkol sa mga epekto ng aborsyon. Ang mga
sumusunod ay ang mga particular na layunin ng mga
mananaliksik tungkol sa paksang ito:

1). Matukoy kung ano ang mga kadalasang dahilan ng mga


kababaihan sa pag-aaborsyon.
2). Mabigyang karapatan ang mga kababaihan na biktima ng
seksuwal na pang-aabuso.
3). Maipaliwanag kung paano nabigyang solusyon ng mga
kababaihang nagpa-aborsyon ang diskriminasyong nagmumula
sa lipunan.
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL

Metodolohiya
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL

Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod


na tanong:

1. Dapat bang isabatas ang Aborsyon?


2. Ano-ano ang kadalasang nagiging dahilan ng mga
kababaihan upang magsa-gawa ng aborsyon?
3. Paano nalalagpasan ng mga kababaihang nagpa-aborsyon
ang mga diskriminasyon ng mga taong naka paligid sa
kanila?
SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION
SENIOR HIGH SCHOOL

Resulta

You might also like