Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang Umaga sainyong lahat!

Tatalakayin natin sa Araling


dalawampu’t anim Ang panangis ni Prinsesa Leonora. Bago tayo
magsimula ay ipapakilala ko muna sainyo ang tauhan at ang
nabanggit na tagpuan sa araling ito.
Tauhan
 Prinsesa Leonora
 Don Pedro
Don Juan

Tagpuan
bundok
silid ni prinsesa Leonora
 dampa ng ermitanyo

Habang si Don Juan ay patuloy sa paglalakbay, si Prinsesa


Leonora naman ay patuloy din sa pag-iyak. Sa tuwing
nalalaman niyang hindi si Don Juan ang dumadalaw sa
kanyang silid kundi si Don Pedro ay ayaw niya itong
pinagbubuksan ng pinto. Ang pangalan pa rin ni Don Juan
ang laging sambit ng prinsesa.
Nagbanta naman si Don Pedro na may mangyayaring
masama kung siya ay mabibigo sa pag-ibig niya kay
Prinsesa Leonora. Hiniling ni Don Pedro kay Prinsesa
Leonora na kalimutan na nito si Don Juan dahil ito ay hindi
na muling magbabalik sapagkat ito patay na.

Sa kabila ng lahat ay si Don Juan pa rin ang nasa isip at


puso ni Prinsesa Leonora. Sa kabila ng tatlong taong
paghihintay at pagtitiis ay hindi nito magawang pakasalan
ang panganay na kapatid ni Don Juan na si Don Pedro

Pinagtatakhan niya ng labis na kung hindi nakaligtas si


Don Juan, ay bakit hindi nagbalik ang engkantadang lobo
sakaniya?

Samantala, nagpatuloy sa paglalakbay si Don Juan. Inabot


siya ng limang buwan sa paglalakbay. Pitong bundok ang
kaniyang binagtas (nilakbay) bago tuluyang makarating
sa dampa ng ermitanyo.

Talasalitaan:
 Panangis – pag-iyak
 Paglalakbay – paglalakad
 Binagtas – nilakbay
 Dampa – bahay kubo
 Ermitanyo – taong nabubuhay mag-isa

You might also like