Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

RITU NG PAGTATALAGA at PAGHAHAYO PARA SA MGA

PPCRV VOLUNTEERS PARA SA


HALALANG PAMBANSA AT LOKAL 2022

Fr. Jess :Minamahal naming Kura paroko, Fr. Narcing Sampana,


malugod ko pong ipinakikilala sa inyo at sa ating
sambayanang nagkakatipon ngayon ang mga
nagpahayag ng pagnanais ng boluntaryong
makapaglingkod sa darating na Halalan sa Lunes, ika
siyam ng Mayo mula sa iba’t ibang Sub-Parishes na
nasasakupan ng ating Parokya at mga Parokya ng ating
Bikarya ng San Agustin. Narito po ang mga myembro
ng PPCRV.

Fr. Narcing: Mga Minamahal kong kapatid, ating balikan ang


panawagan ng Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng
Pilipinas na ang mga laiko ay siyang manguna kasama
ng mga Pari sa pagpapahayag ng mabuting balita sa
makabagong panahon. Ito ay siya ring pagtugon sa
hamon ng Panginoong muling nabuhay at Mabuting
Pastol upang tayo bilang mga binyagang kristiyano ay
makisangkot sa pulitika at maging asin at liwanag sa
papanibago ng ating lipunan.
(magsisindi ng kandila ang pari mula sa ningas ng Kandilang
Pampaskwa)

Tanggapin Ninyo ang liwanag ni Kristo, na siyang ating


tanglaw;
Lahat: Si Jesukristo’y nabuhay, Siya’y ating kaliwanagan!
Fr. Narcing: Bilang pagpapakita ng inyong taos pusong
paglilingkod sa Diyos at sa bayan, mangyaring inyong
ngayong itaas ang inyong kanang kamay at ipahayag
ang inyong mga tugon sa mga sumusunod na
katanungan:
Buong katapatan ba kayong mag-aalay ng inyong sarili
bilang mga boluntaryong lingkod ng Diyos na
magsisiskap panatilihing malinis, tapat, tumpak,
makabuluhan at payapa ang darating na halalan?
PPCRV: OPO.
Fr. Narcing: Buong katapatan n’yo bang gagampanan ang inyong
mga tungkulin at pananagutang ipagkakaloob sa inyo
ng PPCRV ng may paggalang at buong pag-iingat?
PPCRV: OPO, SA AWA NG DIYOS.
Fr. Narcing: Kalingain nawa kayo ng Diyos sa inyong pagbibigay
ng sarili at pagnanais magkaroon ng isang payapa at
matapat na halalan.
Buong pananalig tayong manalangin sa ating
manlilikha, hingin natin ang kanyang pagbabasbas sa
mga nais na maglingkod na nasa kanyang harapan.
Sandaling katahimikan

Commentator: MAGSITAYO ANG LAHAT.


Fr. Narcing: Sumainyo ang Panginoon.
Lahat: at sumainyo rin.
Commentator: MAGSIYUKO ANG MGA PPCRV VOLUNTEERS.
Fr. Narcing: Manalangin Tayo.
Diyos ng kaluwalhatian,
Ang iyong anak ay ipinakita sa amin
Na ang tunay na pagsamba ay nagmumula
Sa kababaang-loob, at nagsisising puso.
Basbasan + mo ang aming mga kapatid
na nasa harapan mo na tumugon
sa tawag ng pangangailangan
ng iyong simbahan at sinsintang bayan
bilang mga boluntaryong lingkod sa darating na
halalan.
Gawing mong mabunga ang kanilang gampanin
At ang kanilang mga pagsisikap
at maging kalugod-lugod sa iyong harapan.
Ilayo sila sa lahat ng kapahamakan
at banta ng karamdaman
Balutin nawa sila ng manto ng Mahal na Birheng Maria,
Ina ng Diyos sa lahat ng kanilang gawain.
Manatili nawa silang nakatanaw kay Kristo bilang
halimbawa ng paglilingkod at buong galak at
kababaang loob na sundin ang kalooban ng Ama.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming
Panginoon kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang
hanggan.

Lahat: Amen.
(Wiwisikan ng banal na tubig ang lahat ng mga Volunteers na natitipon
habang inaawit ang “Isang Pananampalataya”.)

(Matapos mawisikan ng banal na tubig ang mga PPCRV Volunteers,


wiwikain ng Pari,)

Fr. Narcing: Baunin Ninyo ang kapayapaang hatid ni Jesus na


muling nabuhay sa inyong misyon para sa Halalan.
Sambayanan ng Diyos, mga kapatid, ating suportahan
ang ating mga PPCRV Volunteers at atin silang
pasalubungan ng palakpakan.

You might also like