Aralin 6 Tekstong Naratibo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik

Aralin 6
Tekstong
Naratibo
PANIMULANG GAWAIN
Sundin ang sumusunod na panuto:
Bawat mag-aaral /miyembro ng pangkat ay susulat/magbibigay ng isang bagay, tao,
lugat, o hayop, pantangi man (Leni Robredo) o karaniwan (Pangulo).
Mag-iisip ang grupo ng isang maikling kuwento na binubuo lamang ng sampung
pangungusap. Dapat ay kasama sa pagkukuwento ang pitong salita na ibinigay ng bawat
miyembro.
Bawat grupo ay magbabahagi ng kanilang kuwento sa pamamagitan ng isang kinatawan
na pipiliin ng miyembro, Sa pagbabahagi, huwag kalimutang tukuyin ang pitong salita na
napasama sa salaysay na ginawa
Tekstong Naratibo
Ito ay nagkukuwento ng mga serye ng
pangyayari na maaaring piksiyon (nobela,
maikling kuwento, tula atbp.) o di-piksiyon
(memoir, biyograpiya, balita, malikhaing
sanaysay atbp).
Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon,
at kumakasangkapan ng iba't ibang
imahen, metapora, at simbolo upang
maging malikhain ang katha.
Layunin ng Tekstong
Naratibo
Magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na
pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring isalaysay
na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na
pangyayari o kathang-isip lamang.
Manlibang o magbigay-aliw sa mambabasa, ngunit
may mas malalim at tiyak na halaga pa ang
tekstong ito.
Ayon kay Patricia Melendrez-Cruz (1994) sa kaniyang artikulong
''Ideolohiya Bilang Perspektibong Pampanitikan'' na nasa aklat na
''Filipinong Pananaw sa Wika, Panitikan at Lipunan'', kailangang
suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso
ng lipunan. Siyentipiko sapagkat ang mahusay na panitikan ay
kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at
nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.
Tinukoy niya rin na ang masining at panlipunang kalikasan ng
panitikan ang kailangang pagtuunan ng sinumang mag-aaral nito.
Pundamental ang layunin maipakilala sa mga mag-aaral ang
kaniyang sarili't lipunan upang ang kaniyang pambansang
identidad at kamalayan ay mapag-isa.
Elemento ng
Naratibong Teksto
PAKSA
Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na
nakabatay sa personal na karanasan ang kuwentong nais
isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa
ang panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito
ESTRUKTURA
Kailanngang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas
na makikitang ginagamit na paraan ng pagkukuwento ang iba't ibang estilo ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Maaaring gumamit ng iba't ibang paraan
ng pagkakaayos, tiyakin lamang na sistematiko at lohikal ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari upang madaling maunawaan ang narasyon.
ORYENTASYON
Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o
panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang
mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan
at kailan. Ang mahusay na deskripsyon sa mga detalyeng ito ang magtatakda
kung gaano kahusay na nasapul ng manunulat ang realidad sa kaniyang akda.
PAMAMARAAN
NG NARASYON
Kailangan ang detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa
unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng
komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. May
iba't ibang paraan ng narasyon na maaaring gamitin ng manunulat upang
maging kapana-panabik ang pagsasalaysay. Hindi laging epektibo ang mga
pamamaraang ito. Tandaan na bumabagay ang iba't ibang pamamaraan ng
narasyon nito ayon sa layunin at estilo ng pagkukuwento ng manunulat at sa
kalikasan ng paksa.
Pamamaraan ng Narasyon
DIYALOGO- sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-
uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
FORESHADOWING- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano
ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
PLOT TWIST- tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan
ng isang kuwento.
ELLIPSIS- omisyon o pag-alis ng ilang yugto ng kuwento kung saan
hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala.
COMIC BOOK DEATH- isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang
karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa
kuwento
Pamamaraan ng Narasyon
REVERSE CHRONOLOGY- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
IN MEDIAS RES- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang
ipinakikilala ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng mga flashbacks.
DEUS EX MACHINA (GOD FROM THE MACHINE)- isang plot device na ipinaliwanag ni
Horace sa kaniyang ''Ars Poetica'' kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian
sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay. Nababago
rin ang kahihinatnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suliranin na tila
walang solusyon sa pamamagitan ng isang tao, baga at pangyayari na hindi naman
ipinakilala sa unang bahagi ng kwento.
KOMPLIKASYON
O TUNGGALIAN
Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito ang
mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago
sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda rin ito ng magiging
resolusyon ng kuwento
RESOLUSYON
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang resolusyon
ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.
Creative Non-Fiction
kilala rin bilang literary non-fiction o narrative
non-fiction. Ito ay isang bagong genre sa
malikhaing pagsulat na gumagamit ng istilo at
teknik na pampanitikan upang makabuo ng
makatotohanan at tumpak na salaysay o
narasyon.
Katangian at Layunin ng
Creative Non-Fiction
Makatotohanan, ibig sabihin naglalahad ng tunay na
karanasan.
Naglalarawan ng realidad ng natural na mundo at hindi bunga
ng imahinasyon.
Ang pangunahing layunin nito ay maglahad ng impormasyon sa
malikhaing paraan.
Iba't Ibang porma ng CNF
biography
food writing/blogging
literary journalism (feature writing)
memoir
personal essay
travel writing
Ayon kay Barbara Lounsberry sa ''The
Art of Fact'', ang apat na katangian
ng CNF ay:

Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng


manunulat
Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang
kredibilidad ng narasyon
Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at
kontektuwalisasyon ng karanasan
Mahusay ang panulat o literary prose style, na
nangangahulugang mahalaga ang pagiging malikhain ng
manunulat at husay ng gamit sa wika.
Nangangailangan lamang na maging tapat ang akda sa katotohanan ng diyalogo,
kronolohiya ng narasyon, iba't ibang hulwaran ng organisasyon at pagsipi ng
mahahalagang bahagi ng tula, kasabihan at iba pa.
Mahalaga rin ang insight o nalilikhang pananaw ng isinasalaysay na karanasan. Ang CNF
ay hindi lamang basta nagkukuwento ng karanasan kundi layon nitong ipakita ang mas
malalilm na implikasyon nito sa karanasan ng nakararami at ng kabuuan ng lipunan.
Akdang Di-Tuwiran- ang insight ay gumagamit ng mga simbolismo o nagsasalaysay ng
tiyak na karanasan upang maipakita ang aral at pananaw ng akda.
Akdang tuwiran- direktang sinasabi ng may-akda ang kaniyang pananaw sa tiyak na
karanasan.

You might also like