Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Nasaan si Hanah?

Mary Grace V. Delos Santos


Tinsley S. Garanchon
“Yohoo! Hanah, lumabas ka na,
ang hirap mo talagang hanapin
kapag ikaw ang nagtatago.”
Aminado si Tim na hindi niya
kayang hanapin si Hanah
Hunyango.

1
“Bulaga! Hahaha! Nandito lang
naman ako, di niyo ako nakikita?”
“Ang daya mo naman Hanah.
Hindi ka niyan magiging taya,”
ang sabi naman ni Tor Tuko.
“Ganito na talaga ako. Madali
kong nagagaya ang kulay ng
aking nadidikitan o
napapatungan.”

2
“Hanah, pwede bang ikaw
naman muna ang taya,” sabi ni
Tim Tambibili. “Hmm! Sige na
nga ako muna ang taya,” ang
pagpayag ni Hanah.

3
“Pagbilang kong sampu
nakatago na kayo. Isa, dalawa,
tatlo, apat, lima...Nagsitago na
ang kaniyang mga kalaro.
“Anim, pito, walo, siyam, sampu.
Andyan na ako, hahanapin ko na
kayo.”

4
“Saan kaya sila nagtago?”
Lumukso si Hanah sa kaliwa at
pinakiramdaman niya. “Wala sila
dito.”

5
Lumukso naman siya sa kanan
an pinakiramdaman niya. “Wala
rin sila rito.” “Magagaling naman
pala kayong tumago,” sabi ni
Hanah Hunyango.

6
May narinig siya sa bandang
likuran. “Aha! Nandiyan lang pala
kayo,” sabi ni Hanah sabay
lingon sa likuran. Nagulat siya sa
kaniyang nakita. Hindi alam ng
kaniyang mga kaibigan na
papunta na sa kanila ang isang
agila.

7
“Hala! Anong gagawin ko?
Tatago ba ako o tutulungan ko
sila? Kaya ko ba silang
tulungan?” 

8
Tumalon-talon si Hanah
Hunyango kaya nakuha niya ang
atensyon ng agila. Papunta na ito
sa kaniya. Sa ginawa niyang ito
nabigyan ng oras na makatakbo
at makatago ang dalawa niyang
kaibigan.

9
Mabilis ang takbo ni Hanah
Hunyango habang nakasunod sa
kaniya ang agila. “Sige, habol
agila. Hindi mo ako mahahanap
kahit maabutan mo ako!” ang
malakas na loob na sabi ni
Hanah sa sarili.

10
Nang malapit nang maabutan si
Hanah...
“Ooops! Ito na ang pagkakataon
ko.”
Nakakabit si Hanah sa sanga at
maayos ang pagkakayakap nito.

11
“Ha! Asan na ‘yon? Napakabilis
niya naming makatago,” ang
nagtatakang sabi ng agila. Ang
hindi alam ng agila nandoon lang
si Hanah Hunyango. Ginaya niya
ang kulay ng paligid kaya di siya
makita.

12
Pagod na at gutom ang agila
kaya nang di niya na makanap si
Hanah Hunyango ay lumipad na
ito palayo.
“Wheew! Buti nalang nakatago
agad ako.” Lumabas na rin ang
dalawang kaibigan ni Hanah
Hunyango sa pinagtataguan nila.

13
“Salamat talaga Hanah dahil
tinulungan mo kami at hindi mo
kami iniwan,” sabi ni Tor Tuko.
“Ngayon alam na namin na
malaking tulong ang kakayahan
mong magbagong kulang. Hindi
lamang para sa sarili mo kundi
pati na sa ibang
nangangailangan,” ang sabi
naman ni Tim Tambibili.

14
15
“Mga kaibigan ko kayo kaya hindi
ko kayo pababayaan. Buti nalang
di rin ako nakita ng agila.”
“O, Ako pa ba ang taya?
Hehehe! Kaya niyo na akong
hanapin dahil alam niyo na kung
paano ko gamitin ang aking
kakayahan!”

16
Tumawa ang tatlong
magkakaibigan. Maya
-maya...
“O, nasaan na si Hanah?” sabay
na tanong ng dalawa.
“Hahaha! Nakatago na agad si
Hanah Hunyango,” sabi ni Tor
Tuko.
“Hahaha! Oy, Hanah ikaw pa rin
ang taya,” sabi ni Tim Tambibili

17
18
This book was developed as part of the ABC+:
Advancing Basic Education in the Philippines
project. ABC+ is a partnership of USAID
and the Department of Education (DepEd),
implemented by RTI International together
with The Asia Foundation, SIL LEAD, and
Florida State University.
This book was quality assured by Junee
L. Abetria, Fatima B. Refamonte, and Jane
Abejuela and was approved for publishing
by the Department of Education Region V –
Bicol Learning Resource Management Section
(LRMS) of the Curriculum and Learning
Management Division (CLMD).
This book was field tested by Maria Lourdes
Bulan.

19
This work is licensed under the Creative
Commons Attribution-NonCommercial 4. 0
International License (CC BY-NC 4. 0). You are
free to copy, distribute, transmit, and adapt
this work but not for commercial purposes
and under the following conditions:
If you copy and distribute this work in its
entirety, without making changes to content
or
illustrations, please label the work as follows:
“Reproduced on the basis of an original work
developed under the USAID ABC+: Advancing
Basic Education in the Philippines project
and licensed under the Creative Commons
AttributionNonCommercial 4. 0 International
License.”
If you create a translation of this work,
please use the following label on your work:
“Translated from an original work developed
under the USAID ABC+: Advancing Basic
Education in the Philippines project and

20
licensed under the Creative Commons
Attribution-NonCommercial 4. 0 International
License.”
If you create an adaptation of this work,
please use the following label on your work:
“This is an adaptation of an original work
developed under the USAID ABC+: Advancing
Basic Education in the Philippines project
and licensed under the Creative Commons
Attribution-NonCommercial 4. 0 International
License.”

21
Brought to you by

Let’s Read is an initiative of The Asia Foundation’s Books for Asia


program that fosters young readers in Asia and the Pacific.
booksforasia.org
To read more books like this and get further information about
this book, visit letsreadasia.org

Original Story
Nasaan si Hanah? (Where is the Chameleon?). Author: Mary Grace
V. Delos Santos. Illustrator: Tinsley S. Garanchon. Contributor:
USAID’s ABC+: Advancing Basic Education in the Philippines.

Published by The Asia Foundation - Let’s Read, © The Asia


Foundation - Let’s Read. Released under CC-BY-NC-4.0.

This work is a modified version of the original story. @ The Asia


Foundation, 2023. Some rights reserved. Released under
CC-BY-NC-4.0.

For full terms of use and attribution,


http://creativecommons.org/licenses/by-nc/4.0/

Contributing translators: Arianne Huelva

You might also like