Ang-Yuhum-ni-Ningning Fil PORTRAIT V12023.04.14T122654+0000

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

Ang Ngiti ni Ningning

Jessa Payofelin
Justin Loise Madriaga
Si Ningning ay isang batang papel na hindi
ngumingiti. Anak-anakan siya ni Marie.
Pinapabihisan siya ni Marie araw-gabi. Iba-
iba ang kulay ng kaniyang damit na yari sa
papel. Meron siyang damit na naka-ayon sa
iba’t ibang okasyon. 

1
Nang pumasok na sa eskwelahan si Marie
ay nagbago na ang pagturing nito sa batang
papel. Marami nang pinagkakaabalahan si
Marie.

2
Sa kaniyang pag-iisa sa gabi, tinatanaw niya
si Bituon. ”Gusto kong makangiti. Gusto kong
maging masaya si Marie habang naglalaro
kami. Gusto kong hindi niya makalimutan
ang aking ngiti kahit na marami na siyang
pinagkakaabalahan.”

3
Narinig ni Bituon ang hiling ni Ningning.
Isang gabi ay nagpakita ito kay Ningning
”Ibibigay ko ang hinihiling mo, pero bago kita
bigyan ng ngiti ay gagawin muna kitang isang
totoong bata,” sabi ni Bituon.
Binalot ng liwanang si
Ningning. Naramdaman niyang nagbabago
ang kaniyang katawan. Lumaki at bumigat
na siya. Nang buksan niya ang kaniyang mga
mata ay nakita niya sa salamin na siya ay isa
nang ganap na bata. Nasiyahan si Ningning.

4
Makakasama na ito kay Marie. Ngingiti sana
siya ngunit hindi niya magawa. Nahihirapan
siyang ngumiti!

5
”Bituon, bakit hindi ako makangiti?”
Bago pa makasagot si Bituon ay dahan-
dahan na itong nawawalan ng liwanag.
Dagling kislap lamang at tuluyan na siyang
nawalan ng liwanag. ”Paumanhin, Ningning.
Naubusan na ako ng liwanag. Hindi kita
mabibigyan ng ngiti.”
”Gusto kong ngumiti at tumawa. Bituon, ano
ang puwede kong gawin?”

6
Isinalaysay ni Bituon ang nangyari dalawang
gabi na ang nakalipas.

7
”Dumating si Balabaw. Kinakailangan niya raw
ng liwanag upang gumaling ang kaniyang
sakit. Nang maipasok na niya ang liwanag sa
loob ng bote, inihayag pangloloko lamang
iyon, at wala talaga siyang sakit. Kinuha niya
ang bote at agad na tumakbo palayo.

8
Narinig ni Marie ang pag-uusap nina
Ningning at Bituon.
”Gusto kong makalaro pa si Ningning. Gusto
ko siyang makita na nakangiti at tumatawa.
Tutulong ako. Ibabalik natin ang liwanag mo,
Bituon,” pahayag ni Marie.

9
Nang sumunod na gabi ay nagsimulang
maghanap sina Marie, Ningning, at Bituon.
Hinagilap nila si Balabaw.
Sa kanilang paglalakad ay may nakita silang
isang butas sa lupa. Para makapasok sa
butas, ginamit ni Bituon ang kaniyang
natitirang liwanag upang sila ay maging
maliit.

10
Sa kanilang paglalakad ay may nakita silang
isang butas sa lupa. Para makapasok sa
butas, ginamit ni Bituon ang kaniyang
natitirang liwanag upang sila ay maging
maliit.

11
Makalipas ang ilang sandali ay nakakita sina
Ningning, Marie, at Bituon ng isang pares ng
matang lumiliwanag sa dilim.
”Si Balabaw!” sigaw ng tatlong
magkakaibigan.
Tumakbo papalayo si Balabaw. Hinabol
nila ito hanggang sa makarating sila sa
pinaglalagyan niya ng kaniyang mga ninakaw
— isang kutsara, dalawang butones, tatlong
plato, at isang tumpok ng palay. Sa taas
ng bato ay naroon ang isang bote na

12
lumiliwanag. Bago pa ito makuha ni Ningning
ay inunahan na ito ni Balabaw.

13
”Balabaw, ibalik mo sa amin ang ninakaw
mong liwanag!” sigaw ni Ningning.
”Binigay ito sa akin ni Bituon. Hindi ko ito
ninakaw.”
”Niloko mo ako Balabaw. Sabi mo ay
kailangan mo ng liwanag para gumaling ang
sakit mo. Hindi pala totoong may sakit ka,”
sabi ni Bituon.

14
”Hahaha! Kasalanan ko ba kung mabilis kang
mapapaniwala, Bituon?”
”Ibalik mo ang liwanag ni Bituon. Marami
pang nilalang ang puwedeng matulungan
nito kung ibabalik mo ang liwanag na nasa
bote,” sabi ni Ningning.
”Ayaw ko,” pagmamatigas ni Balabaw.
”Pagsisisihan mo ang iyong panloloko at
pagkasakim,” sabi ni Marie.
Biglang nahulog sa lupa si Bituon. Dahan-
dahang nawala ang liwanag sa kaniyang

15
katawan.
”Bituon!” sabay na sigaw nina Marie at
Ningning.
”Ipagpaumanhin mo, Ningning. Hindi na kita
mabibigyan ng ngiti,” sabi ng nag-aagaw
buhay na si Bituon.
”Mas pipiliin ko pang hindi nalang magkaroon
ng ngiti basta mabuhay ka lang, Bituon,” sabi
ni Ningning.

16
Tumango-tango si Marie habang nakikinig.
”Ningning, kahit na hindi ka makangiti, ikaw
parin ang matalik kong kaibigan,” sabi ni
Marie.
”Maraming salamat, Marie. Kahit hindi ako
makangiti ay may isang tao na handang
tumanggap sa akin.”

17
Pumatak ang mga butil ng luha sa mga mata
nina Marie at Ningning.
Nasaksihan ni Balabaw ang totoong
pagkakaibigan nina Ningning, Marie, at
Bituon. At nagkonsensiya ito.

18
Pumunta siya kay Bituon. Ibinalik niyang muli
kay Bituon ang liwanag na nasa bote. Unti-
unting lumiwanag si Bituon.

19
”Bumalik ang iyong liwanag, Bituon,” sigaw ni
Marie at Ningning, at bigla nilang niyakap si
Bituon.
”Ipagpaumanhin ninyo ang ginawa ko,
Bituon. Paumanhin, Marie at Ningning,”
pagmamakaawa ni Balabaw.
”Pinapatawad ka namin, Balabaw, ” sagot
ni Bituon, habang nakatingin kina Marie at
Ningning na tumango rin bilang pagsang-
ayon.

20
Pinatawag ni Bituon ang mga tutubi. Sa isang
iglap lang ay nagsiliparan ang mga tutubi sa
paligid. Lumaki ang mga mata nina Marie,
Ningning, at Balabaw. Naging maliwanag ang
lugar ni Balabaw.
”Maraming salamat, Bituon. Salamat, Marie at
Ningning,” sagot ni Balabaw.
Laking tuwa ang naramdaman ni Ningning
nang may dumapong tutubi sa kaniyang
ilong. Masaya siya dahil nabuhay si Bituon
at nakita niya ang matamis na ngiti ni Marie.

21
Mas lalong naging masaya siya dahil nagbago
na ang ugali ni Balabaw.

22
Sa sobrang kasiyahan ni Ningning, may
gumuhit na ngiti sa kaniyang mga labi. 
Talasalitaan:
Bituon- bituin
Balabaw- daga 

23
  

24
This book was developed as part of the ABC+:
Advancing Basic Education in the Philippines
project. ABC+ is a partnership of USAID
and the Department of Education (DepEd),
implemented by RTI International together
with The Asia Foundation, SIL LEAD, and
Florida State University.
This book was quality assured by Donald T.
Genine, EPS-LRMS, Celestino S. Dalumpines
IV, EPS-Filipino, and Schubert Anthony C.
Sialongo, EPS-LRMS, and was approved for
publishing by the Department of Education
Region VI - Western Visayas Learning
Resource Management Section (LRMS) of
the Curriculum and Learning Management
Division (CLMD).

25
This book was also evaluated by Rea Veñegas,
Remiflor Paguntalan and Mark Joseph
Salinog, and field tested by Cherry Pie Peralta.
If you copy and distribute this work in
its entirety, without making changes to
content or illustrations, please label the
work as follows: “Reproduced on the basis
of an original work developed under the
USAID ABC+: Advancing Basic Education
in the Philippines project and licensed
under the Creative Commons Attribution-
NonCommercial 4. 0 International License.”
If you create a translation of this work,
please use the following label on your work:
“Translated from an original work developed
under the USAID ABC+: Advancing Basic
Education in the Philippines project and
licensed under the Creative Commons
Attribution-NonCommercial 4. 0 International
License.”
If you create an adaptation of this work,

26
please use the following label on your work:
“This is an adaptation of an original work
developed under the USAID ABC+: Advancing
Basic Education in the Philippines project
and licensed under the Creative Commons
Attribution-NonCommercial 4. 0 International
License.”

27
Brought to you by

Let’s Read is an initiative of The Asia Foundation’s Books for Asia


program that fosters young readers in Asia and the Pacific.
booksforasia.org
To read more books like this and get further information about
this book, visit letsreadasia.org

Original Story
Ang Ngiti ni Ningning (The Smile of Ningning). Author: Jessa
Payofelin. Illustrator: Justin Loise Madriaga. Contributor: USAID’s
ABC+: Advancing Basic Education in the Philippines.

Published by The Asia Foundation - Let’s Read, © The Asia


Foundation - Let’s Read. Released under CC-BY-NC-4.0.

This work is a modified version of the original story. @ The Asia


Foundation, 2023. Some rights reserved. Released under
CC-BY-NC-4.0.

For full terms of use and attribution,


http://creativecommons.org/licenses/by-nc/4.0/

Contributing translators: Kea Chiva

You might also like