FLDP ESP 8 Q2 W7 and 8 Revised Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan

FLEXIBLE LEARNING DELIVERY PLAN


LEARNING AREA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO QUARTER 2
SCHOOL GRADE LEVEL 8
NAME OF TEACHER WEEK 7/8

Most Essential Learning 1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at


Competency tagasunod (EsP8PIIg8.1)
2. Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na
nakasama, naobserbahan o napanood (EsP8PIIg8.2);
3. Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kaniyang gampanin bilang lider
at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa
mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan (EsP8PIIh8.3); at
4. Ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging
mapanagutang lider at tagasunod (EsP8PIIh8).
Layunin 1. Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagiging mabuting lider at tagasunod
2. Nabibigyang-pansin ang inaasahang katangiang taglay ng mapanagutang
lider at ulirang tagasunod
3. Nakapagbabanggit ng mga paraan upang mapaunlad ang kakayahang
maging mapanagutang lider at ulirang tagasunod
Nilalaman Paksa: Ang Mapanagutang Pamumuno at Mabuting Tagasunod
Sanggunian: Book, SLeM, Link
Kagamitan: Batayang aklat, SLeM, cellphone, desktop, laptop, tablet etc.

PAMAMARAAN
Balik -tanaw Panuto: Sikaping isaayos ang mga “jamboletra” sa bawat bilang upang mabalikan ang
mahahalagang konseptong pinag-aralan sa nakaraang Aralin.

Mahalagang mapamahalaan natin ang ating 1. NOYSOME upang hindi madala sa


bugso ng ating 2. DAMAMIND. Dahil mahirap ng bawiin ang mga salitang nabitiwan lalo
na kung ikaw ay 3. TIGLA. May mga sitwasyon sa buhay ng tao na kapag masidhing
damdamin ang nangingibabaw ay maari siyang makagawa ng 4. SIKLO na sa
bandang huli ay kanya ring pagsisisihan at magiging sanhi pa ng 5. NAYANUG
sa isang samahan na iyong kinabibilangan.
(Ang bahaging ito ng FLDP ay iniambag ng gurong sumulat ng FLDP na ito mula
sa sariling karanasan ng pagtuturo sa paksang ito sa EsP8)
Paunang Panuto: Tukuyin kung anong uri ng lider ang inilalarawan sa mga sumusunod
Pagsusulit na pangungusap. Isulat Ang I - kung ito ay Pamumunong Inspirasyonal,
T –kung Pamumunong Transpormasyonal at A – kung Pamumunong
Adaptibo.Isulat ang iyong tugon sa iyong sagutang papel.
1. Nakikinig at pinamumunuan niya ang mga kasapi ng kaniyang pangkat
tungo sa nagkakaisang layunin para sa kabutihang panlahat.
2. Mayroon siyang mataas na emotional quotient (EQ) at personalidad na
madaling makakuha ng paggalang at tagasunod.
3. May kakayahan siyang gawing kalakasan ang mga kahinaan at magamit
ang mga karanasan ng nakalipas, kasalukuyan, at hinaharap upang
makamit ang mithiin ng pangkat na pinamumunuan.
4. May mataas na antas ng pagkilala sa sarili (self-awareness) at kakayahang
pamahalaan ang sarili (self-mastery).
5. Modelo at halimbawa siya ng mga mabubuting pagpapahalaga at
ipinalalagay ang kaniyang sarili na punong tagapaglingkod (servant
leader).

Maikling Lider ka ba o tagasunod? Sa mga pangkatang gawain, minsan ikaw ang


Pagpapakilala namumuno, di ba?Pero may pagkakataon din na ikaw ang sumusunod sa lider.
Mahirap paghiwalayin ang pagtalakay sa mga konsepto ng pagiging lider at
tagasunod. Kung walang tagasunod, walang halaga ang pagiging lider. Kailangan
din naman ng isang pangkat ang lider na magbibigay ng direksyon. Hindi rin
naman pwede na lahat ng miyembro ng pangkat ay lider. Minsan, mayroon na
ngang lider at may tagasunod, hindi pa rin magkasundo at nagkakaroon ng
suliranin sa pakikipag-ugnayan ang pangkat.
May mga bagay na kahit gusto mong gawin, hindi mo magawa dahil walang
lider o taong mamumuno o aalalay sa iyo. Ang madalas, kailangan mo ng isang
tao na magbibigay sa iyo ng lakas ng loob at inspirasyon upang maisakatuparan
mo ang mga bagay na gusto mong gawin. Minsan ay naghahanap ka ng isang tao

Q2 ESP 8 WEEK 7-8 RRTorrefranca


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan
na susundin mo dahil magkatulad kayo ng pananaw o dahil ang taong iyon ay
may taglay na katapangan at katatagan na kumatawan sa pananaw ng
nakararami at handang ipaglaban ang katotohanan para sa kabutihang panlahat.
LEARNING RESOURCES

Textbook/USLMs Pahina: 203-204


Panuto: Magtala ng limang salita o grupo ng salita na naiuugnay mo sa salitang
LIDER at TAGASUNOD. Sumangguni sa dalawang kamag-aral at
pag-usapan ang grupo ng mga salita tungkol sa lider at tagasunod
Gawing gabay sa inyong pag-uusap ang sumusunod na tanong.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang mga salitang inyong naisip at isinulat?
2. Bakit ito ang sumagi sa iyong isip?
3. Ano ang kinalaman nito sa mga katangiang hinahanap mo sa isang lider at
tagasunod?
SLMs Pahina: 4
Gawain: Pangarap kong Maging…
1. Itala ang mga pagkakataon na naging kasapi ka ng mga samahan o
pangkat sa loob ng paaralan (Hal. pangkatang gawain sa klase, Pangkat
Masipag) at sa labas ng paaralan (Hal. Sangguniang Kabataan, basketball
team).
2. Ilagay kung ano ang iyong naging katungkulan. Maaari mong dagdagan
ang talaan. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
Mga Samahan o Pangkat na Aking Sinalihan Katungkulan/Posisyong Ginampanan
Halimbawa:  Supreme Student Government       Pangalawang Pangulo
Mga Samahan o Pangkat na Aking Sinalihan Katungkulan/Posisyong Ginampanan
Ikaw naman…
1.
2.
3.
4.
5.

Mga Gabay na Tanong:

1. Suriin ang mga tungkuling ginampanan mo sa mga samahang iyong


kinabilangan. Alin ang mas marami, ang iyong pagiging lider o ang
pagiging tagasunod? Ipaliwanag.
2. Alin sa mga kinabibilangan mong samahan ang labis mong
pinahalagahan? Bakit?
3. Ano ang iyong tungkulin sa nabanggit na samahan? Paano mo bibigyang
iskor ang antas ng iyong pagganap sa iyong tungkulin? (Mula 1 hanggang
10; iskor na 1 ang pinakamababa at 10 kung pinakamataas). Ipaliwanag
ang iskor na ibinigay.
Teacher-Made Paksa/Gawain: Ang Mapanagutang Pamumuno at Mabuting Tagasunod
Video Lesson/ Panuto: Tunghayan ang video lesson na nasa link sa ibaba.
Demo Teaching Gabay na tanong:
1. Ano ang mga mahahalagang kaisipang nakuha mo mula sa iyong
napanood?
2. Paano inilarawan ang mapanagutang pamumuno batay sa inilahad ng
guro sa video lesson?
3. Ano naman ang mga katangian ng mabuting tagasunod mula sa iyong
napanood sa video lesson?
Link: https://youtu.be/Ryl7hFS_Xxo

Audio Recorded ESP Grade 8 Week 7 – 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Mabuting


Lesson Tagasunod
Audio Title: Aegis - May Bukas Pa Bangon Bayan
Pagpapakilala: Ang awit na ito ang napili ng guro upang mabigyang-pansin ang
mga katangiang dapat hanapin sa mapanagutang lider na upang
sundin at gawing huwaran sa kasalukuyang panahon.)
Gabay na tanong:
1. Paano inilarawan sa awit ang mga katangiang dapat nating hanapin sa
mapanagutang pinuno ng bansa?
2. Anong mensahe ang ibig ipahatid ng nabanggit na awitin ukol sa
inaasahan natin sa ating pinuno nang sa gayon ay makabangon sa
kasalukuyang kalagayan ng ating bansa?
3. Ano ang maitutulong mo bilang kabataan sa pagbangon ng ating bayan
mula sa mga pagsubok na kinakaharap sa pandaigdigang krisis
pangkalusugan at pangkabuhayan?

Q2 ESP 8 WEEK 7-8 RRTorrefranca


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan
Link: https://youtu.be/kNOZi-xgQTI

YouTube Video Video title: CGI Animated Short Film: “Mr. Indifferent” by Aryasb Feiz I CGMeetup
Pagpapakilala: Ang Short Film na ito ay nasa wikang Ingles at makatutulong din
kung magtatala ng mga salitang hindi gaanong nauunawaan upang sa gayon ay
madagdagan ang bokabolaryo o mga talasalitaan na alam mo at nauunawaan.
Matapos ay sagutin ang mga gabay na tanong.
Gabay na tanong:
1. Bakit ito pinamagatang “Mr. Indifferent” batay sa inyong palagay?
2. Ano ang kinalaman ng short film na ito sa ating paksang-aralin?
3. Paano mo maisasabuhay ang aral na iyong napulot sa short film?
Link: https://www.youtube.com/watch?v=Ryl7hFS_Xxo

CID FB Learning Schedule:


Station Paksa: Ang CID FB Learning station ay wala pang LMs para sa Ikalawang
Markahan
Gabay na tanong:
Link:
DepEd TV/E- Schedule: Uploaded on Youtube June 24, 2021 (DepEd TV schedule 2:15 –
TULAY/ 2:40pm – Fridays; Replays on Saturdays)
Paksa: EsP 8 Episodes
Gabay na tanong:
1. Ano ang naunawaan mo sa napanood mong episode sa DepEd TV?
2. Ano ang napulot mong aral sa iyong napanood na episode?
3. Paano mo iuugnay ang aral na napulot mo sa panonood nito sa paksang
may kinalaman sa Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod?
Link: http://testpinoy.com>Others :

Related Paksa: Modyul 4: Ang Mapanagutang Pamumuno at Mabuting Tagasunod


Educational Pagpapakilala: Ang mga slides na matutunghayan dito ay may kinalaman sa
Websites Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod. Inaasahan pong mabigyan ng
DepEd Common pansin ang bawat slides at maunawaan ang nilalaman nito.
Related Educational Website:
https://www.slideshare.net/ednaazarcon7/es-p-8-modyul-8-ang-mapanagutang-
pamumuno-at?
fbclid=IwAR2ik6m9M4ZAEAPgs2k97yaJqwM5_bBE3JKMR9UyU8AcbR3kqDyJlMK
Y6jI

DepEd Common Link: Wala pong natagpuang laman sa nasabing link kaugnay
sa Paksang-Aralin.
Tandaan Ayon kay John C. Maxwell, dalubhasa sa mga paksang tungkol sa pamumuno, ang
pamumuno o ang pagiging lider ay
pagkakaroon ng impluwensya.
Kung mapalalawak ng isang tao ang
kaniyang impluwensya, mas
magiging epektibo siyang lider.
Ang pagtatagumpay at pagkabigo sa
lahat ng mga bagay ay dahil sa
pamumuno. Kung nais mo na
magkaroon ng positibo at
pangmatagalang epekto at
impluwensya sa mundo,
kailangang linangin at
pagsumikapan ang maging mas
mabuting lider at ang mabuting
pamumuno.
Pamumunong
Inspirasyunal. Nagbibigay ng
inspirasyon at direksyon ang
ganitong uri ng lider.
Transpormasyonal. Ang
pagkakaroon ng pagbabago ang
pinakatuon ng ganitong lider.
Pamumunong Adaptibo.
Ibinabatay sa sitwasyon ang istilo ng
pamumunong adaptibo.

Q2 ESP 8 WEEK 7-8 RRTorrefranca


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan

Mga Kasanayang Dapat Linangin ng isang Ulirang Tagasunod (Kelly,1992) 


Nababahagi ito sa tatlong malalawak na kategorya: 
1. Kakayahan sa trabaho (job skills)  
2. Kakayahang mag-organisa (organizational skills).
3. Mga pagpapahalaga (values component )

Panghuling Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang isinasaad na pangungusap ay naglalarawan
Pagsusulit sa isang lider, ekis (x) sa tagasunod sa iyong sagutang papel.
______1. Naglilingkod siya at nagtitiwala sa kakayahan ng iba.
______2. Kasama ang pangkat, tinatapos niya ang mga gawain at tungkuling
iniaatang.
______3. Responsibilidad ko ang pumili ng matalino at maabilidad na pinuno na
Susundin ng aming pangkat.
______4. Nagsisilbing inspirasyon siya ng mga kasamang nakapaligid sa kaniya.
______5. Nakikipag-ugnayan siya at nagpapahayag ng opinyon nang malinaw at
may paggalang.
Pagninilay Panuto: Umisip ng tatlong kilalang pinuno sa iyong paligid (sa tahanan, paaralan,
at sa barangay). Isulat ang naging impluwensiya nito sa iyo bilang
lider/tagasunod. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Kasunduan Paksa: Ang Mapanagutang Pamumuno at Mabuting Tagasunod

Panuto: Magdikit ng isang larawan ng lubos mong hinahangaang lider at idikit ito
sa isang bond paper. Pagkatapos ay sumulat ka ng maikling paliwanag
ukol dito para sa pagbabahagi sa birtwal na klase o di kaya ay ipasa sa
araw ng “retrieval of answer sheets” na itinakda ng pamunuan ng inyong
paaralan.

REFLECTION
Total No.
Section With Mastery Significant Insignificant Remarks
Of learners

Prepared by: _____________________________


Validated by:_____________________________
Date:______________________________

Q2 ESP 8 WEEK 7-8 RRTorrefranca

You might also like