Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

ULAT-PAPEL SA FIL166

KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL


AARAL NG WIKA

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2022-2023

MGA PANGALAN Aprilyn Taotao


Ashley Mae Tranquillero
Charelyn Dacay Tupas
Deobert Sale
Imjay Sabiala
Irish Nichole Siosan
Mery Jean Sinena
Roby Anne Reyes
Thricia Nicole Sumadia
Vincent Salazar
PAKSA Wika at Pilosopiyang Pilipino
 Mailahad ang kahulugan ng Pilosopiya at ang mga katangian
ng Pilosopiyang Pilipino na maiuugnay sa Wika.
MGA LAYUNIN  Malaman ang Pitong Sulyap sa Wika ni Padre Ferriols at iilang
halimbawa ng mga Pilosopiyang Pilipino.
 Nagagamit ang kaalaman sa isang pangkatang na gawain
gamit ang paggawa ng sanaysay.
GIBBERISH: HULA, SALITA!
Ang bawat grupo ay bibigyan ng isa at kalahating minuto upang
PANIMULANG hulaan ang mga salita o terminong mabubunot. Bawat grupo ay bibigyan
GAWAIN ng sampung salita. Isa-isang bubunot ang bawat membro ng pangkat,
(Pagganyak) kung nahihirap sa nabunot na salita maaring gumamit ng pass ang
manlalaro, ngunit dalawang pass lamang ang pweding gamitin ng
pangkat. Ang grupong may pinakamaraming salitang nahulaan sa loob
ng isa at kalahating minuto ay siyang panalo.

Halimbawa:
Pay Low Sue Pay
Sagot: Philosophy

1
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

KAHULUGAN NG PILOSOPIYA
PAGLALAHAD
NG PAKSA
Ang mga kahulugang ito ay nasasalamin sa kung paano natin
ginagamit ang naturang salita sa mga pangkaraniwang sitwasyon o
pangaraw-araw na pag-uusap. Ang mga kahulugang ito ay
kadalasang di-eksaktong natutumbok ang tunay na kahulugan ng
sinusuring salita o konsepto dahil ang mga ito ay kalimitang hango
sa mga nakasanayang gawi, kolektibong interes, kombensiyon, o
napagkasunduang hangarin.Gayunpaman, ang mga ito ay
magandang panimula tungo sa isang masusing pagsisiyasat sa
tunay na kahulugan ng sinusuring salita o konsepto, dahil ang
kanilang mga kakulangan o limitasyon ay makapagbibigay ng
direksyon sa kung paano masusumpungan ang hinahangad na
kahulugan.

Ayon kay Dr. Napoleon M. Mabaquiao, Jr., isang manunulat


at propesor ng Pilosopiya sa Unibersidad ng De La Salle, narito ang
ordinaryong pagpapakahulugan sa konsepto ng pilosopiya kung
saan ang pilosopiya ay inuunawa bilang:

(1) ideya, pananaw, prinsipyo, paniniwala, at iba pang mga katulad


ng mga ito, sa pangkalahatang pag-unawa sa mga ito;

(2) pangangatwiran ng isang taong tinatawag na “pilosopo”; at

2
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

(3) isang uri ng pag-aaral sa akademiya bilang isang asignatura o


kurso.

Una, ang pilosopiya ay karaniwang inuunawa na tumutukoy sa


ideya, pananaw, prinsipyo, o paniniwala ng isang tao o grupo ng mga
tao, ano man ang klasipikasyon ng mga ito sa mga sangay ng
kaalaman. Ibig sabihin, sa mga karaniwang sitwasyon, ang isang
ideya, bagamat maiuuring pangrelihiyon, pangkasaysayan, o
pawang opinyon, at hindi naman pilosopiko (sa estriktong pag-
unawa dito), ay maaaring tawagin na isang “pilosopiya.” Halimbawa,
sa halip na sabihin na “Ang ideya ni Jose tungkol sa katarungan” ay
maaaring sabihin na “Ang pilosopiya ni Jose tungkol sa katarungan”;
sa halip na sabihing “Ang pananaw ni Mario sa kalayaan ng bayan”
ay maaaring sabihing “Ang pilosopiya ni Mario sa kalayaan ng
bayan.” Ang salitang “pilosopiya,” sa kontektstong ito, ay ginagamit
bilang isang pamalit-salita lamang sa mga salitang “ideya,”
“pananaw,” “prinsipyo,” “paniniwala,” at iba pang mga katulad nito.

Ikalawa, ang pilosopiya ay karaniwang inuunawa rin bilang


pangangatwiran ng isang pilosopo. Tatalakayin natin mamaya kung
sino ang pilosopo sa konteksto ng mga taong unang gumamit ng
salitang ito. Sa bahaging ito, tingnan muna natin ang karaniwang
Pilipinong konteksto ng paggamit ng naturang salita. Sa konteksto
ng mga Pilipino, ang karaniwang gamit ng salitang “pilosopo” ay may
kakaibang konotasyon.

Ayon nga kay De Leon (2016), hindi natin matatangihan ang


negatibong konotasyon ng katawagang "Pilosopo". Sa kanyang
artikulo ay nabanggit na isa ito sa mga dahilan sa patuloy na
pagkalugmok ng Pilosopiya at pamimilosopiya sa Pilipinas.

Isang halimbawa ng Pamimilosopo sa konteksto ng mga


Pilipino ay katulad ng pamimilosopo ni Vice Ganda, isang Pilipinong

3
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

komedyante sa kanyang mga pelikula. Halimbawa, sa pelikulang


Petrang kabayo na makikitaan ng mga linyang pamimilosopo na
nakakatawa para sa manonood.

(Sa opisina)

Sekretarya: ay good morning po sir nandito na po pala kayo.

Peter: Hindi, wala pa picture ko lang 'to hindi pa ako 'to.

Peter: Tse! Timpla mo nga akong coffee.

Sekretarya: Black coffee sir?

Peter: Hindi blue, blue coffee kaya mo?

Peter: Nasaan na ba ang mga papeles ko? Lina! Ipasok mo nga dito
ang mga papeles ko.

Lina: ah sir, Saan ko po ipapasok, dito sa loob?

Peter: Hindi sa labas! ipasok nga diba? Pwede bang ipasok sa


labas? Sige nga subukan mo ngayong ipasok sa labas!

Ikatlo, ang pilosopiya ay karaniwang inuunawa na tumutukoy


sa isang uri ng pag-aaral sa akademiya o institusyong pang-
edukasyon bilang isang asignatura (na dati ay kalimitang itinuturo
lamang sa kolehiyo subalit ngayon ay itinuturo na rin sa senior high)
o kurso sa kolehiyo. Sa asignaturang ito, kalimitang tinatalakay ang
mga paksang o usaping pilosopiko tulad ng tamang pangangatwiran,
mga batayan ng katotohanan, mga isyung pang-etika, katarungan sa
lipunan, pundasyon ng mga paniniwala sa relihiyon, at iba pa.

Malinaw na may mga kakulangan at limitasyon ang mga


karaniwang kahulugang ito namaipaliwanag ang tunay na kalikasan

4
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

ng pilosopiya, subalit ipinahihiwatig ng mga kakulangang at


limitasyong ito ang ilang mahahalagang aspekto o elemento ng
pilosopiya. Una, totoo na ang pilosopiya ay may mahalagang
kaugnayan sa mga ideya, pananaw, prinsipyo, at paniniwala; ngunit
tinatalakay ang mga ito sa pilosopiya sa isang mataas na antas at
kakaibang pamamaraan. Ang pilosopikong antas sa pagtalakay ng
mga ito ay may kinalaman sa kanilang katotohanan (truth), pagkaka-
ugnay-uganay (coherence), at batayan (justification). Samantala,
ang pilosopikong pamamaraan sa pagtalakay sa kanila ay kritikal at
mapanuri kung saan sinisayasat ang kahinaan at kalakasan ng
kanilang mga batayan o pamantayan at mga kailangan at sapat na
kondisyon ng kanilang katotohanan. Ang pamamaraang ito ay may
iba’t ibang anyo, na makikitang nakapaloob sa mga tatawagin nating
“mga metodolohiyang uri ng pilosopiya”.

Ikalawa, totoo na ang pilosopiya ay may mahalagang


kinalaman sa pangangatwiran, ngunit ang pilosopiya ay gumagawa
ng pagkakaiba sa tuwid at baluktot na pangangatwiran, at ginagamit
ang pangangatwiran para sa isang layunin lamang: ang malaman o
matukoy ang katotohanan. Ang ganitong pag-aaral ay ginagawa sa
isang sangay ng pilosopiya na tinatawag na “lohika,” na itinuring ni
Aristotle na ating pangunahing instrumento (instrumenting pang-isip,
sa partikular) sa pag-alam. Bukod dito, ang pilosopiya ay higit pa sa
lohika o pag-aaral ng pagkamatuwid ng ating pangangatwiran, dahil
ang lohika ay isa lamang sa mga sangay ng pilosopiya, na ating
tatalakayin mamaya kaugnay ng saklaw ng pilosopiya.

At ikatlo, totoo na ang pilosopiya ay tumutukoy sa isang uri ng


asignatura o kurso na pormal na inaaral sa isang institusyong pang-
edukasyon; ngunit hindi tumitigil ang pamimilosopiya dito. Ang
akademikong pag-aaral sa pilosopiya ay isa lamang antas sa
kabuuang pag-aaral sa pilosopiya. Hindi natatapos ang

5
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

pamimilosopiya sa akademiya; ito ay nakikisangkot sa mga aktwal


na kaganapan sa lipunan. Ang puntong ito ay mabibigyang-diin sa
ating pagtalakay mamaya sa mga mahahalagang ambag ng
pilosopiya sa mga larangan ng kaalaman at lipunan, kaugnay ng
diskusyon sa kahalagahan ng pilosopiya

Mula sa mga karaniwang pag-unawang ito sa kahulugan ng


pilosopiya, narito ngayon ang masusing pag-unawa nito. Simulan
natin ito sa pagbabalik sa orihinal na kahulugan nito. Hango sa
etimolohiya o pinagmulan ng salitang “pilosopiya,” ang pilosopiya ay
orihinal na inuunawa bilang pagmamahal sa karunungan (love of
wisdom). Ang salitang “pilosopiya,” o “philosophy’ sa Ingles, ay isang
salin mula sa salitang Griyego na “philosophia,” na kombinasyon ng
dalawang payak na salitang Griyego: ang salitang “philo,” na ang ibig
sabihin ay pagmamahal; at “sophia,” na ang ibig sabihin ay
karunungan (na, sa kontekstong ito, ay inuunawa bilang tumutugma
sa kahulugan ng salitang “wisdom” sa halip na “knowledge” sa
wikang Ingles). Ang pilosopo (philosopher, na isinasalin din kung
minsan bilang “pilosoper”), samakatuwid, ay isang taong
nagmamahal sa karunungan. Ang salitang “pilosopo” ay unang
ginamit ni Pythagoras (Fremantle 1954, 13), ang isa sa mga
sinaunang Griyegong intelektwal na kilala rin sa kanyang theorem sa
larangan ng matematika—ang tinaguriang Pythagorean Theorem.
Sa mga panahong iyon, ang literal na katawagan sa taong marunong
(wise person) ay “sopista” (“sophist”), subalit mas ginusto ni
Pythagoras na ituring ang sarili bilang isang pilosopo—bilang isang
taong nagmamahal sa karunungan—sa halip na isang sopista
(bilang isang taong marunong). Si Pythagoras ay sinundan ng mga
sinaunang Griyegong pilosopo na sina Socrates at Plato sa paggamit
ng salitang “pilosopo” bilang taong nagmamahal sa karunungan.

6
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

Ang pangunahinag paksa ng Pilosopiya ng wika ayon kay


Mabaquiao (2012), ay ang kahulugan ng mga salita at ang ilang
partikular na paksang sinisiyasat ay ang kahulugan ng iba't ibang uri
ng salita at pahayag.

Sa artikulong isinulat nina Ada et.al (WP) Mayroong iba't ibang


Pilosopiyang pangwika na ang tao at may mga dalubhasang
manunulat ang nagpatotoo nito.

1. Benjamin Lee Whorf (1996). “Ang wika ay nakabatay sa


pagpapakahulugan ng tao sa kanyang kapaligiran”.Ipinakikita dito ni
Whorf na galing sa binuo nating kahulugan o larawan ang salitang
ating binibitawan. Marami ang tumutol sa sinabing ito ni Whorf. Sabi
ng ilang linggwista, maaari raw matuto ng ibang salita ang tao kahit
wala sa kapaligiran o paligid ang nasabing salita. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagbabasa, pagmamasid at pakikisalamuha.

2. Noam Chomsky (1968). “Ang wika ay nakabatay sa kakayahan


at kagalingan sa pakikinig”. Kapag ang isang tao ay marunong
making sa kanyang kausap, mabilis na makabubuo ng mga salitang
sasabihin sa tao. Mas naitatala raw sa utak ang anumang
napakinggan kaysa nabasa. Ayon sa ilang dalubhasa, mas malaki
ang nagagawa ng pakikinig sapagkat ito raw ang may
pinakamalaking porsyento ng pagkatuto sa makrong kasanayan.

3. Allan Pace Nielsen (1990). “Ang wika ay nakabatay sa kasarian


(Language Sexism)”. Mayroong restriktibong pananaw sa paggamit
ng wika ang lalaki at babae. May istiryotayping o leybeling ng salita
- pro o anti, salitang negatibo, at ekslusibo. Pagdating sa lalaki, sila
ay may awtoroti sa lipunang patriarchal. Dahil itinuturing na haligi ng
tahanan/ama ng tahanan ang mga lalaki, sila ay itinuturing na
dominante sa lipunang ginagalawan - mas malakas, responsable at
may karapatang magdesisyon. Samantalang ang babae ay

7
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

pantahanan, tagapag-alaga ng mga bata at tagalinis ng bahay.


Ipinapakita ang kaibahan at distinksyon ng pagiging lalaki at babae
dahil sapagkakaiba ng papel na kanilang ginagampanan,
kapangyarihan at gawain. Kung ating lilimiin, tama lamang na
mayroong kanya-kanyang papel na dapat gampanan ang bawat isa,
subalit sa panahon ngayon, ganoon pa rin ba?

4. Liam Hudson (1967). “Ang wika ay nakabatay sa karaniwang


karanasan”. Ang bawat tao ay mayroong kanya-kanyang karanasan
at ito ay malimit maranasan. Marahil ang ibig sabihin ni Hudson
(1967), madali tayong makatanda ng mga salita base sa karanasan
na naiuugnay sa kasalukuyan. May dalawang mahalagang
kaalaman na ibinahagi si Hudson. Binigyan niya ng distinksyon ang
bawat isa at tinukoy niya ang paraan kung paano mag-isip: Una, ang
kaalamang “convergent” na nagsasabing ang lahat ng suliranin ay
mayroong tama at maling sagot, isang koneksyon sa pagitan ng
abstraktong konseptuwalisasyon at aktibong eksperementasyon;
ikalawa, ang kaalamang “divergent” na nakapokus sa kreeytibiti –
paglikha ng maraming karanasan para sa ikatututo o pagkatuto.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng koneksyon sa konkretong
karanasan sa obserbasyong reflektibo.

UGNAYAN NG WIKA AT PILOSOPIYANG PILIPINO

Ayon kay Rodrigo, nababakas ang kaunlaran at kabihasnan ng


bayan sa pamamagitan ng wika na ginagamit ng mamayanan
kasabay ng tao sa pag-unlad ng wika.

Ayon kay Timbreze, ang pilosopiya ay napakaloob sa kultura


kagaya ng naturang tuklasan ng mga sosyologo at antropologi, tiyak
na mayroong kulturang umiiral sa mga Pilipino na kasing taman ng
ibang lahi.

8
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

Inilahad naman ni Pe Pua, kakaunti na lamang o halos wala na


ang mga Filipinong nag-aalinlangan sa sariling wika at kultura.
Bukod sa ikaw ang kultura, ikaw rin ang tagapagpadala nito at ang
wika rin ang iyong daigdig.

PILOSOPIYANG PILIPINO: ISANG PAGSUSURI

ni Napoleon M. Mabaquaio Jr.

Si Napoleon M. Mabaquiao Jr. ay isang Assistant Professor sa


Departamento ng Pilosopiya, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at
Pilosopiya, sa UP Diliman.

Naniniwala si Mabaquiao na matagal nang mayroong


Pilosopiyang Pilipino. Ang Pilosopiyang Pilipino, sa kanyang opinyon,
ay ang Pilosopiya kung saan ang kamalayang taglay ng
mamimilosopiya ay Pilipino. Pangunahing layunin ng sanaysay na ito
na bigyang linaw ang konsepto ng Pilosopiyang Pilipino at alisin ang
anumang pagdududa sa pag-iiral nito.

Anim na posibleng depinisyon ng Pilosopiyang Pilipino

Sa kanyang obserbasyon, sa mga posibleng konteksto kung saan


maaaring sabihin na ang isang Pilosopiya ay Pilipino, anim ang katangi-
tangi. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang isang Pilosopiya ay Pilipino kung ito ay humuhubog ng


ideolohiyang Pilipino.

2. Ang isang Pilosopiya ay Pilipino kung ito ay humuhubog ng


etikang Pilipino.

3. Ang isang Pilosopiya ay Pilipino kung ang mga kategoryang


ginagamit sa pamimilosopiya ay katutubong Pilipino.

4. Ang isang Pilosopiya ay Pilipino kung ito ay pinapahayag sa


Wikang Filipino.

9
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

5. Ang isang Pilosopiya ay Pilipino kung ang pagkamamamayan


(“citizenship”) ng namimilosopiya ay Pilipino.

6. Ang isang Pilosopiya ay Pilipino kung ang kamalayang taglay ng


namimilosopiya ay Pilipino.

Anim na Katangian ng Pilosopiyang Pilipino

1. Ito ay humuhubog ng ideolohiyang Pilipino. Inilarawan ni


Mabaquiao ang ideolohiyang Pilipino bilang isang pananaw,
teyorya, o sistema ng mga ideya na may layuning pulitikal:
ang palayain ang bansang Pilipinas sa anumang uri ng
pagkaalipin o pagkaapi. Maaaring ihanay dito ang mga ideya
ng ating mga pambansang bayani at mga grupong pulitikal na
ang pangunahing layunin ay tulad ng nabanggit. Ang ganitong
depenisyon ng Pilosopiyang Pilipino ay may dalawang
palagay tungkol sa kalikasan ng Pilosopiya. Ang unang
palagay ay may kinalaman sa kung saan nakasalalay ang
kahalagahan ng Pilosopiya. Ang Pilosopiya ay sinasabing
may teyoretikal at praktikal na aspeto. May mahabang
tradisyon na nagsasabi na ang praktikal na aplikasyon ng
Pilosopiya ay aksidente lamang sa kahalagahan nito, dahil
bilang pinakamataas na kaalaman ito ay inaalam para sa sarili
nitong kapakanan (“sought for its own sake”). Ngunit
mayroong mga pilosopo na salungat sa pananaw na ito. Isa
na rito si Marx na pinatanyag ang sumusunod na pahayag:
“Ang mga pilosopo ay iniintindi ang mundo sa iba’t ibang
paraan, ngunit ang punto ay ang baguhin ito.” Dito gumagawa
ng posisyon si Marx na ang kahalagahan ng Pilosopiya ay
nakasalalay sa praktikal na aplikasyon nito sa pgapapabuti ng
buhay ng tao sa lipunan.

Ang ikalawang palagay naman ay may kinalaman sa


kung ano ang tamang pamamaraan sa pagpapabuti ng

10
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

kalagayan ng tao. Ayon dito, ang kabutihan o kalagayan ng


tao ay nakasalalay sa istruktura ng lipunan na kanyang
ginagalawan, kung kaya anumang diskusyon tungkol sa
pagpapabuti ng kalagayan ng tao ay kailangang nasa
konteksto ng istruktura ng lipunan. At alinsunod sa dalawang
palagay na ito, ang ganitong Pilosopiya naman ay matatawag
na Pilipino kung ito ay nakatuon sa pagpapabuti ng buhay ng
mga Pilipino.

Ang ideolohiya ay ang agham ng mga ideya o kaisipan.


Ito ay sistema ng mga ideya na naglalayong maipaliwanag
ang daigdig at mga pagbabago nito. Maituturing din itong
pamantayan at gabay ng mga pinuno kung paano nila
pamahahalaan ang kanilang nasasakupan. Sa iba pang
kahulugan, ang ideolohiya ay ang koleksyon ng mga
kaisipang pinaniniwalaan at sinusunod ng malaking pangkat
ng mga tao. Nakapaloob sa kaisipang ito ang kanilang mga
ideya, simulain, prinsipyo at paniniwala. Samakatuwid, ito ay
ang pwersa na nagpapakilos sa kanila bilang isang bansa.
Ang salitang ito ay pinakilala ni Destutt de Tracy, isang
Pranses na pilosopo noong ika 18 siglo.

Ang ideolohiya ay isang sistema ng paniniwala, ideya, at


damdamin na gumagabay sa ating pag-iisip pagdating sa
pagbibigay kahulugan ng kung ano ang mundo at ang mga
pangyayaring panlipunan na nagaganap dito.

2. Ito ay humuhubog ng etikang Pilipino. Pumapailalim dito


ang mga pagsusuri tungkol sa mga pagpapahalagang
pinaniniwalaang likas sa mga Pilipino, tulad ng utang-ng-loob,
kapwa, pakikisama, hiya, at kagandahang-loob. Sa mga ilang
pagsusuri, ang mga pagpapahalagang ito ay hinahanap o
hinuhugot sa mga kasabihan mula sa iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas. Sa ilang mga pagsusuri naman, ang kahulugan ng
11
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

mga konseptong ito ay hinahanap sa mga konkretong


pagkakagamit sa kanila sa mga ordinaryo at konkretong
konteksto. At sa ilang mga pagsusuri muli, ang mga nasabing
pagpapahalaga ay hinahalintulad sa mga tradisyunal na
teyorya sa Etika, tulad ng mga teorya nina Kant at Mill. Bahagi
ng layunin ng ganitong proyekto ang maipakita na ang ating
kultura ay mayaman na sa mga konseptong etikal, ang
kailangan lamang ay mailagay o maiayos ang mga ito sa
isang sistema. Tulad ng naunang konteksto, ang ganitong
proyekto ay hindi mapagkakaila na mahalagang gawain ng
Pilosopiyang Plilpino; ngunit tulad din ng naunang konteksto,
hindi lamang ito ang maaaring gawin ng Pilosopiyang Pilipino.
Ito ay tulad rin ng pagsabi na ang Pilosopiya ay hindi lamang
Etika, bagamat ang Etika ay mahalagang sangay ng
Pilosopiya. Samakatuwid, ang ganitong depenisyon ay hindi
isang depenisyon ng Pilosopiyang Pilipino, kundi isang
halimbawa lamang.

Ang etika ay bahagi ng pilosopiya na sumasalamin sa


katotohanang moral, ibig-sabihin, tungkol sa kung ano ang
tama o mali. Sa gayon, sa ating pang-araw-araw na buhay,
nagsasaayos tayo sa ilang mga prinsipyo o pamantayan na
gumagabay o nakatuon sa ating pag-uugali. Sa ganitong
paraan, maaari nating makilala ang mabuti sa hindi, tama o
mali. Ang etika rin ay maaaring sundin sa ating pang-araw-
araw na buhay sa lahat ng mga aksyon, desisyon, at pag-
uugali na ginagawa natin. Alinman sa trabaho o paaralan, sa
paraan ng pakikipag-ugnayan sa ating mga mahal sa buhay
o sa ibang mga tao, pati na rin sa kapaligiran.

Pitong halimbawa ng etika sa pang-araw-araw na buhay:


Personal na etika
Etika sa propesyonal na buhay

11
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

Etika sa paaralan
Etika sa lipunan
Etika ng mamamayan
Mga etika sa kapaligiran
Mga etika sa ekonomiya
Personal na etika – ang etika ay maaaring mailapat sa
personal na buhay ng isang tao na kinabibilangan hindi
lamang ng kanilang mga relasyon sa pamilya, kaibigan at
kapareha, kundi pati na rin sa kanilang ugnayan sa kanilang
sarili at kung paano sila kumilos at gumawa ng mga desisyon
batay sa kanilang pangunahing pagpapahalagang moral.
Kaya, ang etika sa personal na buhay ay dinadaanan din ng
mga damdamin, emosyon, sensasyon, pangarap, ideya at
opinyon ng isang tao na sa huli, ang mga tumutukoy sa
kanilang paraan ng pagiging at pag-uugali sa buhay.
Etika sa propesyonal na buhay – sa lugar ng trabaho, ang
mga propesyonal na etika ay nilalaman ng mga dentological
code na kinokontrol ang propesyonal na aktibidad, iyon ay
ang hanay ng mga patakaran at alituntunin na dapat sundin
sa pagsasagawa ng isang propesyon. Ang etikal na pag-
uugali ay binibigyan din ng prestihiyo at reputasyon ng mga
propesyonal, ginagawang mapagkakatiwalaan at ipinapakita
ang kanilang mga kakayahan hindi lamang sa pagpapatupad
ng kanilang mga gawain, kundi pati na rin sa paraan ng
pagsasagawa nito, napapailalim sa mga pamantayang moral.
Etika sa paaralan – kapag dumalo ka sa isang institusyong
pang-edukasyon, pupunta ka pang sanayin ang iyong sarili
bilang mamamayan, sa mga halagang panlipunan at sa
kaalaman n gating oras. Sa kadahilanang ito, ang paaralan o
unibersidad ay mga lugar kung saan sa pamamagitan ng
pagkakaugnay sa iba, natutunan din nating kumilos nang may
etika: pagiging matapat, magalang at matapat sa ating mga
kamag-aral, kinikilala ang awtoridad ng guro, at tinutupad an

11
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

gating mga tungkulin sa paaralan.


Etika sa lipunan – ang etika na inilapat sa buhay panlipunan
sa pangkalahatan ay ipinakita sa mga halagang tulad ng
paggalang, pagpapaubaya, katapatan, pagsasama at
pagkakapantay-pantay. Sa gayon, lumilitaw ang etika sa
lipunan sa lahat ng mga pakikipag-ugnayan na pinapanatili
natin sa iba para sa iba’t ibang mga kadahilanan na maaaring
pang-ekonomiya, pampulitika, paggawa, sibiko o kahit
pangyayari.
Etika ng mamamayan – ang etika ng mamamayan ay
nagmamasid sa isang hanay ng mga patakaran na nauugnay
sa wastong paraan ng pag-uugali sa mga pampublikong
puwang, hindi lamang paggalang sa mga karapatan ng iba,
kundi maging mabait at mabait sa iba.
Mga etika sa kapaligiran – ang paraan kung saan nauugnay
tayo sa kapaligiran ay nagpapahiwatig ng ilang mga
pamantayang etikal, na batay sa paggalang at pag-aalaga sa
kalikasan, mga hayop, mapagkukunan at ang ekolohikal na
balanse ng isang lugar. Ang etika sa kapaligiran ay nasa
paraan din ng responsableng paggamit ng mga
mapagkukunan na magagamit sa atin ng kalikasan.
Mga etika sa ekonomiya – ang etika ay ipinakita rin sa
paraan ng pamamahala sa ating mga mapagkukunang pang-
ekonomiya, pag-iwas sa pag-aaksaya, pagsasamantala sa
pag-ipon, at pamumuhunan n gating pera sa mga kumikitang
negosyong may integridad sa moralidad. Ang etika sa
ekonomiya ay nagpapahiwatig din ng pag-iwas sa maruming
pera na nagmula sa mga immoral na aktibidad tulad ng drug
trafficking o pagbebenta ng sandata, o nakikinabang mula sa
mga paghihirap ng iba tulad ng mga nagsasagawa ng
pautang.

3. Ang mga kategoryang ginagamit sa pamimilosopiya ay

11
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

katutubong wika.

Tatlo ang maaaring pagpapakahulugan nito;

a. Pagiging likas. Ang pagiging likas ng isang konsepto


ay tumutukoy sa natural na pag-usbong ng nasabing
konsepto.
b. Pagiging natatangi. Ang pagiging natatangi ng isang
konsepto naman ay tumutukoy sa kawalang ng katulad
ng nasabing konsepto.
c. Pagiging puro at dalisay. Ang pagiging puro o dalisay
nito ay tumutukoy sa kawalan ng impluwensya o
pagkakahalo sa nasabing konsepto ng mga
konseptong banyaga (o mga konseptong labas sa
kalikasan nito).

4. Pinapahayag sa Wikang Filipino. Sinasabi na malaki ang


nagagawa ng wika sa paghubog ng identidad ng isang
kamalayan, dahil nakapaloob sa wika ang isang mundo ng
tradisyon, o kaya ay ang wika ay isang depositoryo ng kultura.
Kung kaya, kung ipapahayag natin sa wikang Filipino ang
ating pamimilosopiya, nagkakaroon ng isang uri ng
komunikasyon sa pagitan ng ating kultura at ng mga
problemang ating sinusuri, kahit na masasabing hindi
natatanging Pilipino ang mga problemang ito.

5. Ang pagkamamayanan (citizenship) ng mamilosopiya ay


Pilipino. Ang anumang Pilosopiya ng isang mamamayang
Pilipino ay pawang mga halimbawa ng Pilosopiyang Pilipino.

6. May kamalayang taglay ng namimilosopiya ay Pilipino.


Masasabing may kamalayang taglay ito dahil sa;
a. Ang pamimilosopiya ay isang uri ng proseso o kilos ng
kamalayan, kung saan ang Pilosopiya ang siyang

11
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

bunga.
b. Ang pagka-Pilipino ng isang bagay ay isang uri o antas
ng identidad nito.

Tatlong Kategorya ng Ideolohiya

1. Ideolohiyang Pangkabuhayan – nakapokus sa mga patakaran


na magpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Tinatalakay
din dito ang wastong pagbabahagi ng kayamanan sa mga
mamamayan. Nakapaloob sa talakayang ito ang karapatan ng
mga mamamayan na makapagtayo ng negosyo, mamasukan,
makapagbuo ng samahan, at ang karapatan ng mga
manggagawa na magreklamo sa mga kapitalista.

2. Ideolohiyang Pampulitika – nakasentro sa pakikipag-ugnayan


ng mamamayan sa pamahalaan. Tinatalakay dito ang mga
pamamaraan na dapat gawin ng mga namumuno, at ang
pakikilahok ng mga nasasakupan sa mga desisyon ng mga
nakatataas. Binibigyang diin ng ideolohiya na ito ang karapatan
ng mga mamamayan na magsalita laban sa mga anomalyang
nagaganap sa gobyerno.

3. Ideolohiyang Panlipunan – tumutukoy naman ito sa karapatan


ng mamamayan na maging pantay-pantay sa mata ng batas at
iba pang aspeto ng pamumuhay.

Ideolohiyang niyakap ng Pilipinas

1. Demokrasya – pinamamahalaan ng sangkatauhan. Sa


ideolohiyang ito, ang mga tao ay pantay-pantay sa pagpili ng
kanilang mga lider. Ito’y ginagawa sa pamamagitan ng botohan
kung para sa tao ay sino ang pinakamabisang tagapagmuno.

2. Komunismo – ang salitang “komunismo” ay nagmula sa salitang


Latin na “komunis” na nangangahulugang “unibersal”. Sa

11
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

konseptong ito, lahat ay pantay, mayaman o mahirap. Ang


gobyerno ang namamahala sa produksyon. Ang pangunahing
partido komunista sa Pilipinas ay ang “Communist Party of the
Philippines”.

3. Sosyalismo – ang salitang “sociare” ay salitang Latin na


nangangahulugang “ibahagi”. Ang mga tao, ayon sa konsepto na
ito, ay namamahala sa mga negosyo. Bukod dito, ang mga
mapagkukunan ng isang bansa ay pantay na ipinamamahagi
Ang “Philippine Democratic Socialist Party” na pinamumunuan ni
Norberto Gonzales, ay itinatag noong Mayo 1, 1973.

11
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

PITONG SULYAP SA PILOSOPIYA NG WIKA

ni Padre Ferriols

Sino si Padre Ferriols?

PADRE ROQUE FERRIOLS (1924-2021) Anim na taon nang


siya’y nagsimula na magturo sa Ateneo de Manila University ng
pilosopiya ng wikang Filipino. Isinulat ang unang libro na A Memoir
of Six Years, noong 1975. Isinulat niya ito upang makapagbigay-
linaw sa iilan na tumatanong sa kanya ukol sa kalikasan ng
pilosopiya, wika at ng tao bilang tagapagsalita.

Dalawang dekada ang nakalipas, nilimbag niya ang Pambungad


sa Metapisika, gumamit sya ng tekstong Ingles kasabay nito ang
mga nota niya sa Filipino para mga estudyante niya nang taong iyon.

Noong 2012-2016, isinulat niya ang Sulyap sa Aking


Pinanggalingan, na aklat ang aklat ay bunga ng pagbibugay-loob kay
Genesis John M. Martinez, at sa panahong iyon ay nagretiro siya
bilang guro sa unibersidad.

PITONG SULYAP SA PILOSOPIYA NG WIKA

1. Pilosopiyang Filipino. May malaking kaibahan sa pagitan ng


Pilosopiyang Filipino at pamimilosopiya sa Filipino. Ang una
ay nakatuon sa tatak, kung saan nagiging abala ang tao sa
tanong hinggil sa indentidad Kung kaya’t natatanggal ang
kanyang pansin sa mismong akto ng pamimilosopiya. Ang
panghuli, pagsusumubok mamilosopiya sa katutubong wika
tulad ng maraming pilosopo sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Halimbawa nito, ang paggamit ng taga-Cebu ng


wikang Maguindanaon, di naman sa lahat ng
pagkakataon na kapag taga-Cebu ka ay talagang
wikang Bisaya lang ang gagamitin mo, di naman natin

1
18
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

alam ang danas ng taga-Cebu na iyon, marahil ay may


pamilya siya na pure Maguindanaon kung kaya iyon
ang nakaimpluwensya sa kanya o marahil yun pala
ang Mother Tongue niya. At ganoon ang
pamimilosopiya, kung tatanungin Yung taga-Cebu
kung nagbibisaya ba talaga siya, madidiskaril ang
puntong iyon ang kanyang wika ay di lang nakatuon sa
wikang Cebuano.

2. Ang Wika bilang Di Makatawag Pansin sa Sarili. Tuwing


tinatanong si Ferriols ukol sa kanyang pangangahas na
mamilosopiya sa wikang Filipino, palagi niyang idinidiin na
ang tunay na pakay ay ang mamilosopiya at hindi ang
anumang pulitikal, lingwistiko o kultural na dahilan. Ang
hamon ay hindi ang hamon ng pagbigkas ng anumang wika.
Bagkus, ang tunay na hamon ay ang hamon ng pilosopiya at
ang hamon ng akto ng pamimilosopiya.

Halimbawa nito, Yung panahon na dineklara noong


Disyembre 30, 1937 ni Pang. Quezon ang maging
pagbabatayan ng wikang pambasa ay Tagalog, apat
na rason kung bakit:

i. Lahat ng pampanitikan, panggramatika ay


nakalimbag sa Tagalog,
ii. May palatunugang maihahalintulad sa mga
wikang banyaga,
iii. Madaling matutunan ang wikang Tagalog dahil
sa kung anong bigkas, siyang baybay.
iv. Madaling maunawaan ng makararami

Ngunit di natin masasabi na naging makatarungan ang


wikang Tagalog bilang ating batayan, kung kaya ito ang
isa sa salik kung bakit sinasabing purista ang mga SWP
noon, makikitang di makatawag pansin sa sarili ang wika.

1
19
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

Sa madaling salita, ang tunay na dahilan ng pagbabad sa


wikang Filipino ay ang halaga ng pagbabad sa danas-daigdig ng
estudyante at ng lokalidad ng paaralan.

3. Ang Wika bilang Paraan sa Pagiging Buháy. Kung sakaling


kaliligtaan at lilimutin ng isang Pilipino, may paraan ng
pagiging buhay na mawawala sa kanya, lilimutin niya rin at
hihiwalayan; masasayang ang potensyal. At mula sa
natuklasan niyang katutubo at likas na pagkiling sa pakiki-
ugnay, binibigkas ni Ferriols ang hamon at tungkulin ng
kasalukuyang tao sa harap ng kasalukuyang teknolohiya.

Halimbawa, may mga iilang wika sa ating bansa ay


yumayabong at malaput ng mamatay, yung wika ng mga Aytana
wikang Tayabas.

Durungawan > Ventana > Bintana

Sambalilo > Sumbrero, Salakot o Kálo

Masasabing kalikasan ng wika ay pagkawala o


ekstensyon ng wika at dinamiko o nagbabago.

4. Ang Wika bilang Potensyal ng mas Matinding Ugnayan.


Ang pasyang mamilosopiya sa wika ng mundong
ginagalawan ng tao ay tugon sa panawagan tungo sa mas
malalim na pakiki-ugnay. Sa ganitong paraan nagigisnan ng
tao ang wika bilang potensyal ng ugnayan at punto ng
hugpungan ng samu’t saring tao. Ang pasyang mamilosopiya
sa wika ng mundong ginagalawan ay isang pag-amin na nasa
iisa at pareho tayong daigdig. Iisa ang ating tahanan, dangal,
at larangan. Tao ako sa harap mo at tao ka sa harap ko.

5. Ang Wika at ang Kayamanan ng Daigdig. Inuulat ni

1
20
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

Ferriols na ang isang bagay na ikinagugulat ng mga


estudyante ay ang kayamanan ng wikang Filipino at ang mga
hangganan ng Wikang Ingles. Ang hamon ngayon sa mga
guro, lalo na ng balarila, panitikan, at pilosopiya ay ang
gawain ng paggising sa mga estudyante na ang tunay na diwa
ng mga tekstong binabasa nila ay lagpas sa mga pinag-
aaralan nilang mga balangkas, gramatika, sistema, at teorya.
Kung hindi nararanasan ng mga estudyante ang diwa na ito,
hindi sila talaga nabubuhay o natututo.

6. Ang Sentro ng Wika bilang Sentro ng Pagkamalikhain.


Lumalalim ang wika, tumatalas ang kakayahan nitong
magpahayag ng kahulugan, at lumalalim din ang karanasan

7. Ang Wika at ang Danas-Daigdig ng Nagsasalita. Sa harapng


daigdig, ng lipunan, ng kapwa tao na sumasalubong sa atin sa
loob ng abot-tanaw ng sariling katutubong wika, ang pinaka-
nababagay na tugon sa karanasang ito ay gagalaw at gagalaw
pa rin sa loob ng abot-tanaw ng sarili nating katutubong wika.
Kung sisikapin nating harapin ito sa wikang iba, di hamak, sa
ating katutubong salita, umaapak na tayo palabas ng orihinal
nating karanasan at lumalayo na tayo sa daigdig na ating
iniiralan mismo.

1
21
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

MGA BATAYANG PILOSOPIYANG FILIPINO


(Florentino Timbreza)

1. Kung ang pilosopiya ay ngamumula sa pagtataka na siyang


sinabi nina Plato at Aristotle, nangangahulugan lamang na
mayroon ding pilosopiyang Filipino sapagkat marunong din
namang mag-usisa at magtaka ang mga taumbayan.

2. Kung ang pilosopiya ay lumulutang mula sa karanasang-tao,


na siyang itinuturo ng mga pantas eksistensiyalista at
penomenologo, nangangahulugan ding mayroong pilosopiyang
Filipino sapagkat mayroon din namang karanasang Filipino na
kasindakila ng karanasan ng ibang mga tao sa mundo.

3. Kung ang pilosopiya ay nakapaloob sa kultura, na siyang


natuklasan ng mga sosyologo at antropologo, ay tiyak ngang
mayroong pilosopiyang Filipino sapagkat mayroon din namang
kulturang Pilipino na kasingyaman ng kultura ng ibang mga lahi.

4. Kung ang pag-iisip at ang wika ay magkakabit pagkat ang


wika ay siyang tagadala ng pag-iisip, na siyang iginigiit ng mga
dalubwika, hindi nga maipagkakailang mayroong kaisipang
Filipino sapagkat mayroon din namang wikang Filipino na
kasingganda ng mga wika ng ibang mga tao sa daigdig.
Samakatuwid, hindi na kailangang maging Pranses o
Amerikano, hindi na kailangang marunong ng Ingles o Aleman
upang mamilosopiya. Sapat na ang maging tao na may
katutubong karanasan, sariling kultura at sariling wika.

1
22
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

PILOSOPIYANG PILIPINO
(The Stete of Philosophy in the Philippines:
Florentino Timbreza)

 Filipino time– Isang di makatarungang ugali ng Filipino na kung


saan ginagamit ang oras sa iresponsableng paraan. Nahuhuli ng
minuto o oras sa tinukoy na oras ng pagdating.
Halimbawa: Magsisimula ang pagpupulong alas 3 ng hapon, ngunit
hindi pa magawang masimulan ang pagpupulong sa kadahilanang
hindi pa dumating ang ibang miyembro.
 Pakikisama- Ang Pilipino ay naniniwala sa "pakikisama" o
"smooth interpersonal relationships". Isang diwa ng
pakikipaghalubilo at pakipagkaibigan sa bawat taong kasangkot
sa tinatayuang lipunan.
Halimbawa: Paggalang sa pamamagitan ng paggamit ng “po” at
‘opo”. Pagiging mabuti sa kapwa.
 Bayanihan- Diwa ng samabayanang Filipino na gumalaw upang
magtulungan o maghandog ng tulong sa sinumang
nangangailangan ng tulong, siya man ay katutubo o dayuhan.
Halimbawa: Sama-samang paglinis ng mamamayan.
Paglipat ng tirahan ng isang pamilya na kung saan ay
pinagtutulungan ng buoang bayan.
 Utang na Loob- Naniniwala rin ang Pilipino sa "utang na loob.
May mga pabor at mabuting gawa na maaaring hinding-hindi
masusuklian ng pera. Nararapat na bigyang kapalit ang tulong
na inihandog sa iyo. Ang ugaling ito ay hindi nakasulat sa batas
ngunit naging karaniwang at kinakailangang gawin.
Halimbawa: Pinahiram ng pera sa panahon ng kagipitan. Nararapat
na may gagawin kang masusuklian ang tulong o magpapahiram ka
rin ng pera pag sila na yung nakaranas ng kagipitan
 Bahala na- Literal na nangangahulugang isabuhay lahat ng
problema sa Diyos na tinatawag na "Bathala". Pagbibigay ng
lubos na pagtitiwala sa nakatataas at makapangyarihan na uri.

1
23
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

Halmbawa: Si Jane ay natambakan ng maraming gawain sa


paaralan. Nawawalan na siya ng pag-asa at biglang lumabas sa
kanyang bibig ang pangngusap na “Bahala na, Ginoo na lang bahala
ani.”
 TATAK TATE

Ayon kay De Quiros, ang Ingles ay “susi” at kahit aminin man


natin o hindi, kailangan din natin ang lenggwaheng ito sa
pakikipagtalastasan lalo na kapag magtatrabaho sa ibang bansa.
Dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay nabibilad sa wikang Ingles,
na tila kung umasta ay Amerikano. “imported foods, players,
produktong stateside, sabi nga tatak TATE”

 TALANGKA MENTALITY (CRAB MENTALITY)

Sabi ni Trimbeza, sa loob ng Isang lalagyan ay nag-uunahanat


nagkakahilahan sa kanyang pag-akyat para makaalis sa kanilang
kinalalagyan. Kumbaga utak-talangka ang pagpapakahulugan nito.
Kilala ang mga Pinoy sa pagkakaroon ng utak-talangka. Ang totoo,
wala namang utak ang mga talangka. Kaya kapag sinabing utak-
talangka, ito ang mindset na kung saan ay gagawin ng isang tao ang
1
24
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

lahatng bagay huwag lang siyang maangatan ng iba.

Halimbawa nito, utak-talangka sa Pilipinas dahil matagal ring


nasakop ng mga dayuhan ang ating bansa. Dahil sa pagiging sunud-
sunuran ng mga Pinoy noon, naging kuntentona lamang sila sa kung
ano ang ihahain sa kanila. Sinimulan ng mga Kastila ang relihiyong
Katoliko, niyakap ito agad. Ginamit ng mga Amerikano ang Ingles
bilang wika sa paaralan, walang nagawa ang mga Pilipino kundi
yakapin ito.

 BAYAD NGA
Sa pagsakay ng pampasaherong dyip, dito nakikita ang maling
kaugalian ng mga Pilipino na naitunuturing gawi sa atin. Isa sa di-
magandang gawi ay ang pag-abot ng bayad o pamasahe. Gamit ang
wika na tila nawala na ang kagandahang asal sa pakikisuyo sa pag-
abot sa bayad.

Madalang na lamang ang makarinig ng “pasasalamat” sa mga


nagkusang kumuha at umabot ng bayad para sa ibigay sa kanya.

1
25
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

SANGGUNIAN:
Ada, et.al (WP). Tradisyunal na Pilosopiya ng Wika. Kinuha mula sa
https://www.studocu.com/ph/document/pamantasan-ng lungsod-ng-
maynila/interdisiplinayong-pagdulog-sa-pagbasa-at
pagsulat/lecture/notes/tradisyunal-na-pilosopiya-ng
wika/5207233/view
De Leon, Emmanuel (2016). Pamimilosopiya, Wika, at Mga Baluktot
na Katuwiran. Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/28774667/Pamimilosopiya_Wika_at
_Mga_Baluktot_n a_Katuwiran Kahulugan ng etimolohikal na pilosopiya.
Kinuha mula sa
https://tl.warbletoncouncil.org/definicion-etimologica-filosofia-
7987
Mabaquiao(2012). Pilosopiya: Isang Pag-unawa. Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/44239114/Pilosopiya_Isang_Pag_un
awa
Young, K. (2014). Ang “Crab Mentality” sa Ating Buhay.Kinuha sa
https://kmdyoung16-wordpress
com.translate.goog/2014/12/01/ang-crab-mentality-sa-aming
buhay/?_x_tr_sl=tl&_x_tr_tl=en&_x_tr_hl=en&_x_tr_pto=sc
https://archive.org/details/TheStateOfPhilosophyInThePhilippines/page/n
5/mode/1upa

30
21
ULAT-PAPEL SA FIL166
KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG- CSSH-ABFIL
AARAL NG WIKA

pilosopiya. Kinuha mula sa


https://tl.warbletoncouncil.org/definicion-etimologica-filosofia-
7987
Mabaquiao(2012). Pilosopiya: Isang Pag-unawa. Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/44239114/Pilosopiya_Isang_Pag_un
awa
Young, K. (2014). Ang “Crab Mentality” sa Ating Buhay.Kinuha sa
https://kmdyoung16-wordpress-
com.translate.goog/2014/12/01/ang-crab-mentality-sa-aming-
buhay/?_x_tr_sl=tl&_x_tr_tl=en&_x_tr_hl=en&_x_tr_pto=sc

https://archive.org/details/TheStateOfPhilosophyInThePhilippines/p
age/n5/mode/1upa

31

You might also like