Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

Isinulat ni: Anna Liza O.

Javier
Iginuhit ni: Mae Ann V. Pimentel
Published by the
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SDO-La Carlota City
Curriculum Implementation Division
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
(LRMDS)
La Carlota City
---oOo---
Copyright 2022
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior ap-
proval of the government agency of the office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit.”

This material has been developed by Curriculum Implementation Division (CID), of the Schools Division of La
Carlota City, Region VI-Western Visayas. It can be reproduced for educational purposes and the source must be clearly
acknowledged. The material be modified for the purpose of translation into another language but the original work must
be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work
are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from
this material for commercial purposes and profit.

“Ang Espesyal Na Pulang Lubo”

Isinulat ni: ANNA LIZA O. JAVIER Iginuhit ni: MAE ANN V. PIMENTEL
T-III, La Granja ES T-III, La Granja ES

Quality Assured by:

PETRONILO R. BARTOLO ANA LEE C. BARTOLO ARNIE G. HIPONIA

EPS-I, ESP EPS-I, LRMDS T-I, Ara-al Elementary School

Recommending Approval:

MELGAR B. CORONEL

Chief Education Supervisor-CID

Approval for the use of the Schools Division:

BERNIE L. LIBO-ON PhD

OIC-Asst. Schools Division Superintendent

ALLAN B. YAP PhD, CESO V

Schools Division Superintendent

This first digital edition has been produced for print and online distribution within the
Department of Education, Philippines at the Learning Resource Management Development Systems
(LRMDS) by the Division of La Carlota City.

i
Competencies:

5.Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng: (EsP4PIIa18)


5.1. pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob
5.2. pagtanggap ng puna ng kapwa nang maluwag sa kaloob
5.3. pagpili ng mga salitang di nakakasakit ng damdamin sa pagbibiro

ii
1
Simula pa noon, nagtataka talaga ako kung bakit espesyal si Kuya Boboy

sa lahat. Kahit na tumigil siya sa pag-aaral at makulit paminsan-minsan, hindi

talaga nagagalit si Nanay at Tatay sa kaniya. At ngayon, tumigil na talaga sa

pagtatrabaho si Nanay para alagaan si Kuya. Ano ba ang mayroon kay Kuya

Boboy na wala ako?

“Ako ay may lobo lumipad sa langit, hindi ko na nakita pumutok na

pala….”

Ito na naman si Nanay Lisa, kumakanta nang paulit-ulit habang

ginigising si Kuya Boboy.

“Gising na Boboy,” paglalambing ni Nanay Lisa. “Gising na para hindi ka

mahuli anak sa unang araw ng iyong klase.” Pangungulit na paalala nito sa

anak.

2
3
“Ha?! Mag-aaral na muli si Kuya Boboy?” May pagtatakang

tanong ko sa aking sarili.

Simula pa noong nagkaisip ako, espesyal na talaga ang turing ng

Nanay at Tatay sa aking Kuya Boboy. Ramdam ko naman na pareho

kaming mahal na mahal at mahalaga sa kanila ngunit espesyal talaga

si Kuya.

4
5
Noong nagsimula si Kuya mag-aral, si tatay ang nagbabantay sa kaniya

sa eskwela. Ngunit noong ako na ang nag-aral, wala na.

Nong unang umakyat sa entablado si Kuya upang kumanta, lumiban

talaga si Nanay sa kaniyang trabaho. Ngunit noong ako ay sumali sa

patimpalak, wala siya.

Noong nag-birthday si Kuya, may magarbong handaan at dumating ang

iba pa naming kamag-anak. Pero noong ako, wala daw kaming pera.

6
7
Simula pa noon, nagtataka talaga ako kung bakit espesyal si Kuya

Boboy sa lahat. Kahit na tumigil siya sa pag-aaral at makulit paminsan-

minsan, hindi talaga nagagalit si Nanay at Tatay sa kanya. At ngayon,

tumigil na talaga sa pagtatrabaho si Nanay para alagaan si Kuya. Ano ba

ang mayroon kay Kuya Boboy na wala ako?

“Boboy, anak, halika na. Pumasok ka na sa banyo upang hindi

lumamig ang tubig na inihanda ko sa iyo,” tawag ni Nanay kay Kuya

Boboy.

8
9
“Nay, mag-aaral na ba ulit si Kuya Boboy? Akala ko ba hindi na siya

puwede doon sa aming paaralan?” tanong ko kay Nanay Lisa.

Napatigil si Nanay sa kaniyang ginagawa at ngumiting sinagot ang

aking katanungan. “Mag-aaral ang Kuya Boboy mo, anak. Ngunit lilipat

na siya ng ibang paaralan.”

“Sa ibang paaralan na siya papasok? Bakit naman? Puwede bang

doon na rin ako mag-aaral ‘Nay?” pagbabasakali kong pakiusap kay

Nanay.

“Hindi puwede anak. Ang paaralan ni Kuya Boboy ay para lang sa

mga kagaya niya na may espesyal na pangangailangan,” pagpapaliwanag

ni Nanay sa akin.

10
11
Kinahapunan, habang papauwi na ako mula sa eskwelahan,

nakita ko si Kuya Boboy na naglalaro ng mga lobo sa harap ng aming

bahay. Siya ay nag-iisa at walang kalaro. Siguro nga espesyal si Kuya

Boboy dahil ayaw niyang makipaglaro sa ibang bata maliban sa akin.

12
13
“Ken! … Ken! Laro Ken …. Ken!” May tuwang tawag ni Kuya Boboy

sa akin noong nakita niya na akong paparating.

“Gusto mo bang maglaro tayo Kuya?” Tanong ko kay Kuya Boboy.

Alam kong hinihintay niya na akong dumating upang kami ay

makapaglaro.

“Laro ng lobo…lobo…laro,” sagot ni Kuya Boboy sa akin.

“Sige Kuya basta sa akin ang pulang lobo na ýan ha,” sabi ko sa

kanya sabay kuha ng pulang lobo.

Sa tingin ko wala naman talagang espesyal kay Kuya Boboy dahil

wala naman espesyal sa kanyang mukha o sa kanyang katawan. Wala

naman siyang espesyal na talento o kakayahan. Hindi naman siya

magaling sa isports o sa kanilang klase. Ano ang “ESPESYAL” kay Kuya

Boboy?

14
15
Dumating ang araw ng “PASALAMAT FESTIVAL”, ang pista ng

aming bayan. Namasyal kami ni Nanay at ni Kuya Boboy sa plasa.

Maraming tao at may mga makukulay na banderitas , may mga

nagtutugtugan gamit ang drum at may mga nagsasayawan na nakasuot

ng nagagandahan at magarbong kasuotan. Mayroon ding mga nagtitinda

ng pagkain, laruan at kung anu-ano pa . Siyempre, hindi mawawala ang

paborito namin ni Kuya, mga makukulay at may iba’t- ibang hugis ng

lobo kahit saang sulok ay makikita.

16
17
“Wow! Lobo, daming lobo!” Sigaw ni Kuya Boboy habang tumatalon sa

tuwa.

“Ang gaganda naman ng mga lobo! Nanay puwede mo ba kaming

ipagbili ni Kuya?” May paglalambing na hiling ko kay Nanay.

At hindi nga kami binigo ni Nanay, ipinagbili niya kami ni Kuya.

Siyempre pinili ko ang aking paboritong pulang lobo.

Ang saya! Sana araw- araw ay Pasalamat Festival.

18
19
Isang gabi, habang tumutulong ako sa paghahanda ng hapunan

namin, inutusan ako ni Nanay na tawagin si Kuya Boboy.

“Ken, anak, tawagin mo nga si Kuya Boboy mo upang

makapaghapunan na tayo,” utos ni Nanay Lisa sa akin.

“Opo ‘Nay, sandali lang po,” sagot ko naman kay Nanay Lisa at

tinungo kaagad ang sala kung saan naglalarong mag-isa si Kuya Boboy.

Habang papunta na ako ng sala, narinig ko na tila tuwang-tuwa

si Kuya sa kaniyang ginagawa.

“Pok! Pok! Pok!” ang tunog na narinig ko kasabay ng kaniyang

tawa at hampas ng kamay sa sahig.

20
21
“Kuya, ano ‘yang ginagawa mo? Ang saya-saya ng Kuya ko ah.”

pagtataka kong tanong kay Kuya Boboy.

Ang lahat ng lobo na aming pinaglaruan ay isa-isa niyang pinaputok,

kaya tuwang-tuwa siya sa kaniyang ginagawa. Ang ibang lobo ay

nagsiliparan sa kung saan-saan. Mayroon ding nagkalat sa loob ng bahay.

Siguradong ako na naman ang mag-aayos at maglilinis nang lahat ng kalat

nito.

“Naku! Kuya! Ano na naman ba ito? Ang kalat mo talaga!” galit na

sigaw ko kay Kuya Boboy.

Nagulat si Kuya Boboy sa aking pagsigaw kaya bigla siyang umiyak

ng malakas sabay takbo papunta kay nanay sa kusina. Siguradong

pagagalitan na naman ako ni nanay. At hindi nga ako nagkamali,

pinagalitan ako ni Nanay sa aking ginawa. Ano nga ba ang espesyal kay

Kuya Boboy?

Paborito talaga ng lahat si Kuya Boboy. Ano ba talaga ang mayroon

siya na wala ako? Noong gabi ding ýon, hiniling ko na sana wala na akong

Kuya Boboy upang hindi na ako mapapagalitan at ako na lang ang

mamahalin nina nanay at tatay. Kapag nandiyan kasi si Kuya Boboy,

siguradong hindi nila ako mapapansin.

22
23
Kinaumagahan, nagising akong kumakanta na naman si Nanay

ng paboritong awitin ni Kuya. Masama pa rin ang loob ko kay Kuya

Boboy. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako napagalitan ni nanay

kagabi.

Paglabas ko ng kwarto, sinalubong ako ni Kuya Boboy at iniabot

ang isang kulay pula na lobo. Siguro, tanda ito ng paghingi niya ng

paumanhin sa akin. Nang kinuha ko ang lobo, nagulat ako nang

niyakap niya ako ng mahigpit. Dahil masama pa rin ang loob ko sa

kaniya, pinilit kong kumawala sa yakap niya at hindi ko siya kinibo.

24
25
Lumipas ang buong araw ng mabilis, nagmamadali akong umuwi

dahil alam kong mag-aaya na namang maglalaro ng lobo ni Kuya Boboy.

Hindi na masama ang loob ko sa kaniya dahil alam ko na hindi niya

naman talaga sinadya na gawin ang lahat ng iyon upang mapagalitan ako

ni nanay.

Nang malapit na ako sa aming bahay, nagtataka ako kung bakit tila

maraming tao ang nagkukumpulan sa labas. Nakita ko ang nanay na

hindi mapakali at umiiyak. Nakaramdam ako ng takot sa puntong iyon at

tumakbo ako nang mabilis papunta sa kanya.

26
27
“Nay, ano po ang nangyari? Bakit maraming tao? Bakit ka umiiyak?”

sunod- sunod na tanong ko sa kaniya.

“Ang Kuya Boboy mo, nawalala,” ang sagot sa akin ni Nanay Lisa na

taranta habang umiiyak.

“Bakit nawala si kuya? Paano nangyari iyon? Kuya Boboy!’’ hindi ko

malaman ang gagawin kaya napaiyak na rin ako sabay sigaw sa pangalan

niya.

Lumipas na ang ilang oras at hindi pa rin nakikita si Kuya Boboy.

Walang tigil ang paghahanap na ginawa ng mga kapitbahay namin.

Tumulong na rin ang mga tanod at mga kaibigan ng aming pamilya sa

paghahanap kay kuya ngunit nagdilim na at hindi pa rin siya nakikita.

Tumawag na rin ang barangay sa istasyon ng pulis upang tumulong sa

paghahanap at dudulog na rin daw ang mga kakilala namin sa

tanggapan ng radyo upang humingi ng tulong.

28
29
Hindi ko lubos maisip kung bakit nawala si Kuya Boboy. Sabi ni

Nanay, naglalaro lang daw siya ng lobo sa harapan ng bahay namin

habang hinihintay ako na makauwi. Nagsisisi talaga ako kung bakit

hiniling ko na mawala si Kuya Boboy. Natatandaan ko pa ang ginawa

niyang pagyakap sa akin nang umagang ‘yon na tila humihingi ng tawad

sa akin. Lumuhod ako at nagdasal ng mataimtim na sana makauwi ng

ligtas si Kuya Boboy sa amin. Nangako ako sa aking sarili na hindi na

muling aawayin o sisigawan si Kuya kahit kailan. Hindi ko na iisipin pa

kung ano ang espesyal sa kaniya basta makauwi lamang siyang ligtas at

nasa maayos na kalagayan.

“Normal ang pisikal niyang kalagayan ngunit may mga espesyal

siyang kailangan,” narinig kong paliwanag ni nanay sa mga pulis.

“Labing-limang taong gulang na si Boboy ngunit hindi siya katulad

ng mga batang ka edad niya. Hindi pa niya kayang alagaan nang maayos

ang kaniyang sarili at hindi siya ganun kadaling makaintinde. Katulad

lamang siya ng apat na taong gulang na bata,” dugtong pa ni Nanay.

Si Kuya Boboy? Apat na taong gulang ang pag-iisip? Kaya pala

ganun si Kuya kung ituring ng lahat. Kaya pala parang ako ang naging

kuya sa amin. Kaya pala, ganun siya kong mag-isip. Kaya pala pili lang

ang kaniyang gustong gawin. Kaya pala…… Naliwanagan ako sa aking

narinig.

30
31
“Ako ay may lobo lumipad sa langit, hindi ko na nakita pumutok na

pala….” Narinig ko na naman ang paboritong awitin ni kuya. Umaga na

pala. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa kahihintay ng balita

tungkol kay Kuya Boboy.

“Ken, ….. Ken, …… laro tayo lobo,” sabi ni Kuya Boboy.

Nagulat ako sa aking narinig. Napaupo ako sa aking kama at si

Kuya nga ang aking nakita. Hawak ang isang pulang lobo, nakatayo siya

sa pintuan ng aking silid.

32
33
“Kuya Boboy! Ikaw nga!” sa sobrang tuwa ko ng makita siya,

napatalon ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya.

“Ken, dahan-dahan lang. Masyado mo yatang na miss si Kuya

Boboy mo,” sabi ni Nanay na di maipinta ang saya sa mukha.

Hindi ko maintindihan ang tuwa at saya na aking naramdaman ng

mga oras na iyon. Sinuklian din ako ni Kuya Boboy nang mahigpit na

yakap na tila natutuwa din sa aking ginawa.

34
35
Nakita daw ng mga pulis si Kuya Boboy na umiiyak dala-dala ang

isang pulang lobo sa labas ng aming paaralan. Baka hinihintay niya daw

ako na lumabas sa eskwela kaya doon siya namalagi at nang nagdilim na,

ay hindi niya na matandaan ang daan pauwi. Doon ko naisip kung gaano

ako kamahal ni Kuya Boboy. Naglakad pala siyang mag-isa para ibigay sa

akin ang bitbit niyang lobo.

Mula noon, ipinangako ko sa aking sarili na aalagaan at mamahalin

ko si Kuya Boboy kahit anuman ang mangyari. Kahit na sa pagtanda

namin, ibibigay ko sa kaniya ang mga bagay na makapagpapasaya sa

kaniya. Alam ko na kung bakit ganun ka espesyal si Kuya Boboy sa lahat

dahil ganun din siya ka Espesyal sa akin.

36
ESPESYAL. Ito ang turing ng lahat sa nakatatandang kapatid ni Ken

na si Boboy. Hindi naging madali kay Ken ang pagtanggap sa sitwasyong ito.

Hanggang kailan matitiis ni Ken ang reyalidad na ito? Ano ang pangyayari na

makapagbabago sa relasyon ng magkapatid? Tunghayan ang Espesyal na

kuwento ng magkapatid na Boboy at Ken. Alamin ang tunay na kahulugan

ng isang ESPESYAL na pagmamahal.


37

You might also like