Professional Documents
Culture Documents
Gay Luv
Gay Luv
sa buhay niya lately. Open pa rin siya sa akin at mukhang wala namang itinatago.
Wala naman siyang resentment nang sabihin niya sa aking umalis na sa Pilipinas si
Carmi.
Pero ako na naman ang naipit sa sitwasyon. Kung pagdedesisyunin ko siya, baka di
ko makaya. Pero dalawa lang naman ang maaari niyang isagot: oo, mahal din niya
ako bilang lover. Ang problema na lang ay kung matatanggap kong hanggang sa
pagiging magkaibigan na lang talaga ang relasyon namin.
Ayain ko kaya siyang maki-share sa aking apartment? ‘Pag pumayag siya, di
magkakaroon ako—at kami—ng pagkakataong palalimin ang aming relasyon. ‘Pag
tumanggi siya, bahala na. Sanay na naman akong nag-iisa.
Tiningnan ko sandali si Mike at pagkaraan ay muli kong ibinaling sa may bintana ang
aking tingin. Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road. Mayamaya lang ay
nasa Maynila na kami. Sana, bago kami makarating ng Maynila, masabi ko na sa
kanya ang balak ko. Ano kaya ang isasagot ni Mike? But, does it matter?
Hindi na siya uli nagsalita. Pero, habang nagbibiyahe kami ay marami na uli akong
naikuwento sa kanya. Nai-enroll ko na uli ‘yung MA thesis ko at papasok na uli ako
this semester. Tinanong ko siya kung pwede niya akong tulungan sa research dahil
‘yung thesis ko rin ang balak kong pag-umpisahan ng isinusulat kong libro.
Ikinuwento ko ring umalis na si Carmi at kasama ako sa mga naghatid. Tumawag
nga rin daw sa kanya at ibinigay ang address sa States para daw sulatan niya.
tinanong ko kung susulatan niya. Kung may time raw siya.
Inaya niya akong umuwi ng Los Baños para dalawin ang puntod ng nanay niya. Sabi
ko’y sure this coming weekend.
‘Yung tungkol doon sa sinabi niya sa akin noong isang gabi, pinag-iisipan ko naman
talaga nang malalim. Di ako na-offend pero di rin naman ako sure kung gusto ko
nga ulit marinig sa kanyang mahal niya ako. Natatakot akong magbigay ng
anumang reaksyon sa kanya. baka mai-misinterpret niya ako. Ayokong mag-away
kami dahil sa nararamdaman niya sa akit at nararamdaman ko sa kanya. One thing
is sure, though. Ayokong mawala si Benjie sa akin. Napakahalaga niya sa akin para
mawala.
Ang balak ko’y ganito: tatanungin ko siya kung puwede akong maki-share sa
Senior High School Training for the K to 12 Basic Education Program February 5 – 22, 2018 DMMMSU-SLUC, Agoo, La Union
Page | 5