Filipino 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Misamis Oriental
INITAO NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO 7

PANGALAN: ____________________________________ ISKOR: __________________

SEKSYON: ______________________________________ PETSA: __________________

I. PAMIMILI. (15 PUNTOS)

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay mga awitin na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon.
a. epiko b. awiting bayan c. alamat d. awiting pambansa

2. Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.

a. Impormal b. kolokyal c. paghahabi d. pormal
3. Ano sa wikang balbal ang salitang kapatid?
a. ermat b. utol c. kano d. astig
4. Ito ay mga salitang istandard dahil ginagamit ito ng karamihan na nakapag-aral sa wika.
a. pormal b. lalawiganin c. balbal d. kolokyal
5. Bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay turing ng pangngalan o panghalip.
a. Pang-abay b. Pandiwa c. Pang-uri d. Pantukoy
6. Isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.
a. balbal b. pagkiklino c. bulong d. pamahiin
7. Alamin kung anong uri ng paghahambing ang pangungusap na ito. Mas masaya angmagulang kung makikita ang anak
na nagpupursige sa buhay.
a. Palamang b. Patulad c. Pasukdol d. Pang-uri
8. Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan, probinsiya o kaya‟y sa partikular na pook kung saan nagmula o
kilala ang wika.
a. salitang di-lantad b. paghahatol c. paghahambing d. lalawiganin
9. Pinaghahambing pareho o timbang ang uri na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip.
a. Patulad b. Palamang c. Pahambing d. Pasukdol
10. Ang mga sumusunod ay mga salitang gagamitin sa paghahambing na palamangmaliban sa isa.
a. Higit b. Sobra c. Ubod d. Pareho
11. “Si Pilemon, si Pilemon namasol sa kadagatan”, anong pamagat ng awiting-bayan na ito?
a. Si Pilemon b. Manang Biday c. Leron, leron sinta d. Kundiman
12. Ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya‟t madalas na tinatawag ding salitang kanto o
salitang kalye.
a. balbal b. Pilemon c. kolokyal d. lalawiganin
13. Ang mga sumusunod ay mga salitang gagamitin sa paghahambing na patulad maliban sa isa.
a. Kapwa b. Magkasing c. Pareho d. Sobra
14. Ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Ito ay madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas sa ilang
titik ng salita.
a. pamahiin b. paghahambing c. pormal d. kolokyal
15. Ang salitang “silid-aklatan” ay salitang ano?
a. lalawiganin b. balbal c. pormal d. bulong
II. PAGTATAMBAL (10 PUNTOS)
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bigyang kahulugan ang mga salitang sinalungguhitan. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang ito sa patlang.

dala nakiramay
naiibigan nangangarap
nagpunta lumangoy sa dagat
tinitignan umaasang makakuha
matitipuno umiyak ng malakas
napag-alaman namangka papunta sa gitna ng dagat

_____1. Ang bawat isa sa kanila’y naghahangad na makuha ang kamay ng isa sa napupusuang dalaga.
_____2. Humagulgol nang malakas ang kanilang ama dahil sa pagdaramdam sa ginawa ng mga suwail na anak.
_____3. Kinabukasan ay maagang pumalaot ang matanda upang hanapin sa karagatan ang kanyang mga anak.
_____4. Pinagmamasdan niya ang kanyang mga anak na abala sa mga gawaingbahay.
_____5. Naghahangad ang mga binata na makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan.
_____6. Tila ang langit ay nakidalamhati sa kanyang pagluluksa.
_____7. Bitbit ng mga dalaga ang kani-kanilang mga pansariling gamit na sumakay sa bangka.
_____8. Nabalitaan ng mga binata ang tungkol sa mga dalaga kaya pumunta sila sa bayan.
_____9. Ang mga makikisig na binata ay nagbigay ng mga mamahaling regalo sa magagandang dalaga.
_____10. Nagsadya ang mga binata sa bayan para makilala ang mga dalaga.

III. PAGBUBUO (10 PUNTOS)

Panuto: Punan ng sariling nabuong linya ng kanta ang patlang. Kailangang isaalang-alang ang kumbensyon sa
paggawa ng isang awiting-bayan.

Corona, Corona
I. Corona, corona, ‘di ka nakakatuwa
_____________________________________
Corona, corona, lumayo-layo ka na
_____________________________________
II. Corona, corona, salot ka ng mundo
_____________________________________
Corona, corona, lumayo-layo ka na
____________________________________
III. Ulo’y ‘wag tigasan, aking kaibigan
____________________________________
Pwedeng mahawaan, katawan ay ingatan
Kapos kapalaran, wala pang gamot diyan.
IV. Panuto: Kilalanin ang mga uring paghahambing na makikita sa loob ng kahon sa susunod na pahina. Isulat sa
unang hanay ang pahambing na patulad at sa ikalawang hanay naman ang pahambing na pasahol. Isulat sa
sagutang papelang tamang sagot. (10 Puntos)

di-gaanong malaki higit na masaya

parehong maganda kapwa masipag
mas maliit simbango ng rosas

V. PAGBUBUOD (5 Puntos)
Panuto: Isulat ang buod ng ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN.
ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN
__________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________.
GOD BLESS, STUDENTS!
ALL IS WELL 😊
PHIL. 4:13

You might also like