Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran.


Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga
pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na nakalulunas ng
ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng


erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed
para sa sapat na pagdaloy ng tubig.

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating


lugar na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti
nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na
ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang
pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and


Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-
aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan
ng solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga
pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR. Maraming
tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang panahon na
manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.

Mga Tanong:
1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng
tao?
a. bato
b. ginto
c. lupa
d. punungkahoy

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?


a. pagsunog ng puno
b. pagtanim ng puno
c. pagputol ng puno
d. pagparami ng puno
3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga
puno?
a. Naliligaw sila sa gubat.
b. Wala silang matitirahan.
c. Nakakain sila ng ibang hayop.
d. Madali silang nahuhuli ng tao.

4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal) a. erosyon


b. kalamidad
c. reforestation
d. watershed

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol


ng mga puno ng kagubatan?
a. mapagbigay
b. masipag
c. sakim
d. tamad
6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?
a. maiiwasan ang tagtuyot
b. maiiwasan ang pagbaha
c. maiiwasan ang pag-ulan
d. maiiwasan ang pagbagyo

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang


Kabundukan: ______________________________________”
a. Magtanim ng Mga Puno
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon
c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha


sa kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.
ANG PUERTO PRINCESA
UNDERGROUND RIVER
Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) ay makikita
sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Puerto
Princesa.

Ipinakikita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng limestone na nasa


kuwebang pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang kamangha-manghang hugis ang
nabuo mula sa mga limestone sa loob ng kuweba. Ang ilog ay tinatayang 8.2
kilometro ang haba at ito ay tumutuloy sa dagat. Ang kagandahan nito ang
dahilan kung bakit nakilala ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa
Pitong New Wonders of Nature.

Makikita sa paligid ng ilog ang kabundukan at kagubatan. Ang makapal na


kagubatan ang nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na pambihira at
endangered. Sa baybayin naman nito makikita ang halamang bakawan at mga
coral reefs.

Mula nang maitalaga ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa
Pitong New Wonders of Nature, dumami na ang mga taong gustong makita ito,
maging Pilipino man o dayuhan.

Maliban sa pagsakay sa bangka upang makita ang limestones sa loob ng


kuweba, marami pang maaaring gawin dito na ikasasaya ng mga turista.
Kinagigiliwan ng mga bisita rito ang jungle trekking, wildlife watching, mangrove
forest tour at ang paglangoy sa tabing-dagat na puti ang buhangin.

Mga Tanong:
1. Saang lalawigan matatagpuan ang Underground River?
a. sa Bicol
b. sa Iloilo
c. sa Mindoro
d. sa Palawan

2. Ano ang kamangha-manghang tingnan sa loob ng kuweba ng Underground


River?
a. ang napakalinaw na tubig-ilog
b. ang mga hayop sa loob ng kuweba
c. ang iba't-ibang hugis ng limestone
d. ang mga halaman sa loob ng kuweba

3. Bakit kaya dumami ang turistang bumibisita sa Underground River?


a. madali lang puntahan ito
b. nakamamangha ang tubig sa ilog
c. naging tanyag ito sa buong mundo
d. pambihira ang hugis ng kuweba sa ilog

4. Bakit dapat alagaan ang mga hayop na makikita sa kagubatan sa paligid


ng Underground River?
a. dahil ito ay endangered at pambihira
b. dahil may karapatan itong mabuhay
c. dahil makukulay ito at magaganda
d. dahil maaari itong pagkakitaan
5. Ano kaya ang kailangang gawin ng lokal na pamahalaan para sa
Underground River?
a. magtayo ng iba’t ibang water sports dito
b. lagyan ito ng mga bahay-bakasyunan
c. pangalagaan at proteksyonan ito
d. pagbawalan ang bumibisita rito

6. Ayon sa seleksyon, ano pa ang maaaring gawin ng mga pumupunta sa


Underground River maliban sa pagpasok sa kuweba?
a. mangisda sa ilog
b. maglaro sa kuweba
c. lumangoy sa tabindagat
d. kumain ng masasarap na pagkain

7. Ano kaya ang naramdaman ng mga Pilipino nang mahirang ang


Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature?
a. Nagulat dahil hindi ito dapat nangyari.
b. Natuwa dahil maipagmamalaki nila ito.
c. Nalito at nakipagtalo kung kailangang puntahan ito.
d. Nag-alala dahil magiging mahal na ang pagpunta rito.

8. Alin sa sumusunod ang pinakamagandang sabihin sa mga turistang


bumibisita sa Underground River? (Pagsusuri)
a. Kaunting halaman lamang ang kunin mula dito.
b. Ingatan ang kapaligiran sa Underground River.
c. Iwasang mag-ingay habang nasa loob ng kuweba.
d. Ingatan ang pagkuha ng litrato sa Underground River.
KALABANIN ANG DENGUE
Ang dengue fever ay isang kondisyong dulot ng dengue virus. Ang virus na ito
ay dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes Aegypti. Kagat ng lamok na may
dalang dengue virus ang sanhi ng pagkakasakit.

Patuloy na gumagawa ng hakbang ang Department of Health para sugpuin ang


dengue. Itong taon na ito, may naitala na mahigit na tatlumpung libong kaso ng
dengue. Kailangan na ng gobyernong gumawa ng mga bagong paraan upang
maibaba ang bilang ng mga kasong ito.

Ang isang dahilan kung bakit patuloy sa pagdami ang may sakit na dengue ay
dahil binibigyan ng pagkakataon ang mga lamok na mabuhay sa paligid.
Kailangan ng pakikipagtulungan ng lahat sa mga simpleng gawaing makaiiwas
sa sakit na ito.

Una, dapat malaman na ang lamok na Aedes aegypti ay nabubuhay sa malinis


na tubig. Palagi dapat sinusuri ang loob at labas ng bahay kung may mga
naipong tubig na hindi napapalitan. Kung minsan ay may mga programa rin ang
lokal na gobyerno para mapuksa ang mga lamok katulad ng fogging.

Iginiit ng DOH na sa lahat ng mga paraang ito, mahalaga talaga ang pakikiisa
ng bawat mamamayan sa komunidad. Ito ang pinakamabisang paraan upang
mapuksa ang sakit na ito.

Mga Tanong:
1. Ano ang kondisyon na dala ng ilang uri ng lamok tulad ng Aedes aegypti?
a. dengue fever
b. hepatitis
c. hika
d. malaria

2. Anong ahensya ng gobyerno ang namamahala sa paghanap ng solusyon


tungkol sa problema ng dengue?
a. Department of Health
b. Department of Education
c. Department of Science and Technology
d. Department of Public Works and Highways

3. Bakit patuloy ang pagdami ng may sakit na dengue?


a. patuloy na nagkakahawaan ang may sakit
b. patuloy na walang mainom na tamang gamot
c. patuloy na di kumakain nang tama ang mga tao
d. patuloy na nabubuhay ang lamok sa maruming paligid

4. Ano ang mararamdaman ng babasa ng unang bahagi ng seleksyong ito? a.


magagalit
b. mananabik
c. mangangamba
d. matutuwa

5. Ano ang kasingkahulugan ng sugpuin sa pangungusap sa kahon?

Patuloy na gumagawa ng paraan ang DOH upang sugpuin ang dengue.

a. pigilan
b. paalisin
c. subukan
d. tulungan
6. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi nagtulong-tulong ang mga
mamamayan sa problemang nakasaad sa seleksyon?
a. Magiging marumi ang kapaligiran.
b. Patuloy ang pagkakaroon ng dengue.
c. Mag-aaway-away ang magkakapitbahay.
d. Hindi magagawa ang programang fogging.

7. Ano ang katangian ng mga tao sa DOH na patuloy na naghahanap ng


paraan upang malutas ang problema sa seleksyon?
a. maawain
b. magalang
c. matiyaga
d. mapagbigay

8. Ano kaya ang layunin ng sumulat ng seleksyong ito?


a. maghatid ng impormasyon sa tao
b. magbahagi ng ginawang pag-aaral
c. magbigay aliw sa mga may dengue
d. magbigay ng mabuting halimbawa
PUNO PA RIN NG BUHAY
Sa kapaligiran ng bansang Pilipinas, marami ang makikitang punong niyog.
Kahit saang panig ng bansa, may mga produktong ibinebenta na galing sa puno
ng niyog.

Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Ang mga bahagi nito mula ugat
hanggang dahon ay napakikinabangan. Ang laman ng niyog ay ginagawang
buko salad, buko pie at minatamis. Ginagamit din ito bilang sangkap sa
paggawa ng arina, mantikilya, sabon, krudong langis, at iba pa.

Natuklasan ni Dr. Eufemio Macalalag, Jr., isang urologist na ang paginom ng


sabaw ng buko araw-araw ay nakatutulong sa kidney ng isang tao. Nadiskubre
rin niya na nakatutulong ang araw-araw na pag-inom nito para maiwasan ang
pagkabuo ng bato sa daanan ng ihi (urinary tract). Ginagamit din itong pamalit
ng dextrose.

Natuklasan pa na mas maraming protina ang nakukuha sa gata ng niyog kaysa


sa gatas ng baka. May 2.08 porsiyento ng protina ang gata samantalang 1.63
porsyento lamang ang sa gatas ng baka. Ang langis ng niyog ay nagagamit din
bilang preservative, lubricant, pamahid sa anit, at iba pa.

Ang bulaklak ng niyog ay ginagawang suka at alak. Ang ubod naman ay


ginagawang atsara, sariwang lumpiya, at panghalo sa mga lutuing karne o
lamang dagat. Pati ang ugat nito ay ginagamit pang panlunas sa iba’t ibang
karamdaman.

Mga Tanong:
1. Ano ang tinaguriang puno ng buhay? (Literal)
a. puno ng buko
b. puno ng narra
c. puno ng niyog
d. puno ng mangga

2. Alin sa sumusunod ang HINDI maaaring gawin sa laman ng niyog?


(Literal)
a. kendi
b. buko pie
c. dextrose
d. minatamis
3. Ilang porsiyento ng protina ang makukuha sa gata ng niyog? (Literal) a.
1.63
b. 2.08
c. 2.9
d. 3.0

4. Sa anong bahagi ng katawan nakabubuti ang pag-inom ng sabaw ng


buko/niyog? (Paghinuha)
a. atay
b. baga
c. kidney
d. puso
5. Bakit mas mainam ang gata ng niyog kaysa gatas ng baka? (Paghinuha)
a. Mas masarap ito.
b. Mas mura ang niyog kaysa gatas.
c. Mas maraming pagkukuhanan ng niyog.
d. Mas maraming protina ang nakukuha rito.

6. Bakit tinaguriang puno ng buhay ang puno ng niyog? (Paghinuha)


a. Hanapbuhay ng maraming tao ang pagtatanim ng niyog.
b. Maraming nagbebenta ng produkto ng niyog.
c. Marami ang pakinabang sa niyog.
d. Marami ang niyog sa Pilipinas.

7. Ano ang tinitingnan ng isang urologist? (Pagsusuri)


a. ugat ng tao
b. dugo at atay
c. puso at dugo
d. urinary tract

8. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Pagsusuri)


a. Nais nitong hikayatin ang tao na magtanim ng puno ng niyog.
b. Gusto nitong ipaalam ang iba't ibang gamit ng niyog.
c. Hangad nitong magbenta tayo ng produkto ng niyog.
d. Nais nitong magbigay ng ikabubuhay ng tao.

You might also like