Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MADULANG DAYALOGO

SEPARADA

Dondi: O, maaga ka yata. Paalis na sana ako eh.


Melissa: San ka pupunta? Sa kerida mo? Dondi, totoo ba? Totoo ba?
Dondi: Melissa, magpapaliwanag muna ako.
Melissa: (Nagwala) Hmp! Hmp!
Dondi: Melissa sandali.
Melissa: Paano mo nagagawa sa akin ‘to. Asawa mo ako…may mga anak
tayo!
Dondi: Melissa, hayaan mo akong magpaliwanag.

Melissa: Papano mo ipapaliwanag? Ano yun? Isang araw nalang nagising


ka na mayroon ka ng ibang mahal? Na hindi mo sinasadya?
Meron ka bang naisip na… magandang dahilan para… hindi mo
man lang ako masyadong masaktan?
Dondi: Noon ko pa gustong sabihin sayo, ayaw lang kitang saktan.
Melissa: Walang hiya ka! Sinasaktan mo na ako. Ano pa ba ang ginagawa mo sa
akin?

Dondi: Melissa, it’s useless trying to talk to you.


Melissa: Lahat ginawa ko… Lahat ng kailangan mo.. Sabi nila, hindi mo raw
pwedeng pagsabayin ang career at ang marriage…Pero ginawa
ko. (umiiyak) Ikaw, ano ang ginawa mo? Ginawa mo akong tanga…
Ang tanga-tanga ko (tumitindi ang iyak) Hindi ko alam kung paano
mo nagawa sa akin ‘to. Saan ba ako nagkulang? Ano pa ba ang
di ko ginawa? Ano ba ang kasalanan ko?
Dondi: Hindi ko alam…. Basta na lang nangyari.
Melissa: Dondi, nakikiusap ako sa’yo. Maawa ka sa akin. Lalo na sa mga
anak mo. Huwag mo lang kaming iwan. Mangangako ako sayo,
lahat gagawin ko, para mag-improve lang ako. Huwag mo lang
kaming iwan. Kailangan ka ng mga anak mo. (Humahagulgol)

Dondi: Kailangan kong gawin Mel.


Melissa: Sige, iwan mo kami. Get out of my house. Oo, bahay ko ‘to. Bahay
ko ‘to dahil ako ng gumagastos dito. Ako ang nagbabayad ng ilaw,
ako ang nagbabayad ng tubig. Get out of my house. I don’t need
a parasite!
Dondi: And I don’t need a part-time wife.
Melissa: Dondi…

You might also like