General Luna

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Panitikan ng Pilipinas

Final exam
Reaksyon sa pelikulang "Heneral Luna"

Matapos kong mapanuod ang pelikulang pinamagatang "Heneral Luna", unti-unting


nahuhubog ang aking puso't isispan na pahalagahan ang ating tinatamasang kalayaan sa
kasalukuyan sapagkat pinaghirapan ito ng ating mga ninuno kabilang na si Heneral
Antonio Luna.

Naitatak sa aking murang isipan ang mga salitang "Kalayaan: Pinaghirapan,


Pahalagahan" dahil damang-dama ko ang sakit at pighati na dinanas ng ating mga bayani
sa kanilang pakikipaglaban sa mga mananakop. Damang-dama ko ang lungkot ng
kanilang mga naulilang pamilya gayundin ang pangamba ng mga kapwa ko Pilipino sa
tuwing darating ang mga dayuhan. Sa pamamagitan ng pelikula, kitang-kita ng dalawang
mata ko ang hirap na dinanas ng ating mga bayani sa pagkamit ang ating tinatamasang
kalayaan sa kasalukuyan kaya't nararapat lang na pahalagahan. ito.

Ang malaking katanungan, "Paano ba natin maipapakita na may pagpapahalaga tayo sa


ating kalayaan?" Simple lang! Kailangan lang nating ipakita ang ating pagiging
makabansa. Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga napakaraming paraan upang
maipakita natin ang ating pagkamakabayan. Una, ang pagpapakita ng respeto sa ating
watawat, at sa ating pambansang awit. Pangalawa, ang simpleng pagsunod sa batas
trapiko. Bakit ba maituturing na paraan ito? Sa pamamagitan nito ay naipapakita natin
ang ating paggalang sa kinauukulan at pagmamahal sa bayan. Panghuli at ang
pinakamabisang paraan sa lahat, bilang isang Pilipino, nararapat lamang na makialam
tayo sa pamamalakad sa ating pamahalaan. Kung may alam tayong nangyayaring hindi
tama, gawa'n ng paraan upang maitama.  Sa pamamagitan ng mga ito maipapakita natin
ang ating pagkamakabayan. Mga simpleng paraan ngunit mayroong napakahalagang
epekto.
IPAHIWATIG ANG MGA SUMUSUNOD:
“Ganyan naman po ang mga Pilipino laging inuuna ang pamilya. “

 Ang ipinahiwatig dito ay ang mga Pilipino ay talagang magpagmahal sa kanilang


pamilya. Ang ating bansa ay kinikilala tungkol dito. Tayo ay maalaga sa ating mga
anak kahit pa man meron na itong sariling pamilya, hindi madali ito para sa mga
magulang ang hayaan ang anak di gaya ng sa ibang bansa pag tungtong sa edad na
18 or 25, ang anak ay pwede ng mabuhay, humanap ng trabaho, at lumipat sa isang
apartment. Naipakita rin pelikula na kahit kasagsagan ng gyera, si Heneral Luna ay
patuloy pa rin na bumibisita sa kaniyang inay. Ito ay nagpapahiwating na mahalaga
sa atin ang ating mga magulang, at ugaliin rin na marunong tayong tumanaw ng
utang na loob sa kanila dahil sa kanilang sakripisyo para mabigyan tayo ng
magandang kinabukasan. Palagi nating inuuna ang ating pamilya kung meron
mang problema ito. Kaya nating ipagpaliban ang ating trabaho o kung anong
importanteng bagay para lang sa ating pamilya dahil ito ay ating kayamanan na
hinding hindi kukupas.

“Mas magandang mamatay sa digmaan kaysa magpasakop sa dayuhan.”

 Ipinapahiwatig dito na mas maganda nalang na mamamatay sa digmaan kaysa


magpasakop sa dayuhan. Kalayaan ang sinisigaw ng mga Pilipino noong panahon
nina Dr. Jose Rizal, kaya nga maraming mga propaganda and naitatag upang
sibakin sa pamumuno ang mga Kastila. Itong katagang to ay nagsasalamin sa
katapangan ng mga Pilipino na kayang gawin lahat para sa bayan at gustuhin
nalang nilang mamatay sa pakikidigma upang makamit ang kalaayan.

Pag-hahambing :Pilipino noon ( panahon ng Amerikano, ayon sa pelikula) at


ngayon (magbigay ng limang sagot (5) bawat bilang)=30 puntos.

4.1. Positibong ugali ng mga Pilipino

 Pagmamahal sa pamilya
 Pakikisama sa kapwa
 Masayahin sa gitna ng pagsubok
 Respeto sa matatanda
 Relihiyoso

4.2. Negatibong ugali ng mga Pilipino.

 Manana Habit- ugaling pagpapaliban muna ng ga gawaing pwede namang tapusin


na.
 Ningas Cogon- kasipagan o motibasyon ay sa simula lamang at unti-unting
nawawala habang nagtatagal hanggang sa tuluyan nang hindi matapos ang gawain.
 Crab Mentality o Pagkakaroon ng Isip-Talangka- nagpapakita ng pagkainggit sa
mga taong umuunlad at pagsira sa kanila upang mapigilan silang umangat o
umunlad.
 Kaisipang Kolonyal- paniniwalang mas mahusay at mas maganda ang gawa o
anumang bagay na banyaga.

4.3. Pagkakapareho si Joven sa mga kabataan ngayon.

 ang karakter ni Joven ay kumakatawan sa bagong henerasyon. Sa gitna ng pelikula


kung saan nabaril si Joven sa kamay at tenga, at matapos makita ang reaksyon ni
Heneral Luna, napatanong ako kung bakit ganoon na lang kahalaga sa kanya na
maprotektahan ang batang ito. Mayroon pang solong kuha si Joven nang itinataas
siya ng mga mediko. Bukod dito, sa huling bahagi ng pelikula ay ipinakitang
binibigkas ng heneral ang tulang isinulat niya, at sa huli ay makikitang si Joven na
ang nagbibigkas nito. ang karakter ni Joven ay kumakatawan sa bagong
henerasyon. Ang bagong henerasyon na kailangang pangalagaan at protektahan.
Ang bagong henerasyon na kailangang makinig at umaksyon. Ang bagong
henerasyon ng mga Pilipino na nangangailangang matutunan ang kasaysayan upang
malaman kung ano ang totoo at dapat ipaglaban.

You might also like