Professional Documents
Culture Documents
Readings Dec 19
Readings Dec 19
1
Salmo Responsorio:
AWIT 80:2-3, 15-16, 17-19
#Tugon:
AKITIN MO, POONG MAHAL,
ILIGTAS KAMI'T TANGLAWAN.
2
Ang lingkod mong mahal ay iyong ingatan,
yamang hinirang mo ay iyong ipagsanggalang,
iyong palakasin bilang isang bansang
makapangyarihan!
At kung magkagayon,magbabalik kami’t di na
magtataksil sa ‘yo kailanman,
kami’y pasiglahi’t aming pupurihin ang iyong
pangalan.
#Tugon:
AKITIN MO, POONG MAHAL,
ILIGTAS KAMI'T TANGLAWAN.
Ikalawang Pagbasa:
3
HEBREO 10:5-10
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Noong si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa
Diyos, “Ang mga hain at handog na mga hayop ay
hindi mo ibig, kaya’t inihanda mo ang aking katawan
upang maging hain. Hindi mo kinalugdan ang mga
handog na susunugin at ang mga handog na susunugin
at ang mga handog dahil sa kasalanan. Kaya’t aking
sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong
kalooban’ Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa
akin.”
Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang
mga hain at handog na mga hayop, mga handog na
susunugin ay mga handog dahil sa kasalanan” –
bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka
niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong
kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog at
pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang
pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni
Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng
minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat
na.
Ang Salita ng Diyos.
Aleluya
4
LUCAS 1: 38
Aleluya! Aleluya!
Narito ang lingkod ng D’yos
maganap nawa nang lubos
ang salita mong kaloob.
Aleluya! Aleluya!
Mabuting Balita
5
LUCAS 1:39-45
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San
Lucas
Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta
sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa
bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig
ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol
sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si
Elisabet, at buong galak na sinabi, "Pinagpala ka sa
mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong
sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking
Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay
naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang
ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!"
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
6
Kasama ni Mariang Kabanal-banalan at ni Elisabet,
tayo’ y dumulog kay Hesus, na masuyo nating
Tagapagligtas, at magsumamo tayong:
#Tugon:
HALINA, PANGINOONG HESUS,
HUWAG NANG MAGTAGAL!
Panginoong Hesus, sa mula’t mula pa man, kabahagi
ka na ng Ama. Halina ngayon at bigyan kami ng buhay
na walang hanggan.
Manalangin tayo!
7
Anak ng Kalinis-linisang Ina. Halina’t bahaginan kami
ng iyong walang hanggang kaluwalhatian. Manalangin
tayo!
8
Mahabagin at mapagmahal na Ama, nagsusumamo
kami sa iyo upang hilingin ang iyong patnubay laban
sa Covid-19 na nagpapahirap sa marami at kumitil na
ng mga buhay.
Tunghayan mo kami nang may pagmamahal at ipag-
adya kami ng inyong mapaghilom na kamay mula sa
takot sa kamatayan at karamdaman, itaguyod mo kami
sa pag-asa at patatagin sa pananampalataya.
Gabayan mo ang mga dalubhasang naatasan na
tumuklas ng mga lunas at paraan upang ihinto ang
paglaganap nito.
Nagpapasalamat kami sa mga bakunang naisulong sa
patnubay ng iyong mga kamay.
Pagpalain mo ang aming mga pagsisikap na
mawakasan ng mga bakuna ang pandemya sa aming
bayan.
Patnubayan mo ang mga lumilingap sa maysakit upang
ang kanilang pagkalinga ay malakipan ng husay at
malasakit.
Pagkalooban mo sila ng kalusugan sa isip at katawan,
katatagan sa kanilang paninindigang maglingkod at
ipagsanggalang sa karamdaman.
Itinataas namin ang mga nagdurusa. Makamtan nawa
nila ang mabuting kalusugan. Lingapin mo rin ang mga
kumakalinga sa kanila. Pagkamitin mo ng kapayapaang
walang hanggan ang mga pumanaw na.
9
Pagkalooban mo kami ng biyaya na magtulong tulong
tungo sa ikabubuti ng lahat. Pukawin sa amin ang
pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Sa
pagdamay at malasakit namin sa bawat isa,
malampasan nawa namin ang krisis na ito at lumago sa
kabanalan at pagbabalik loob sa iyo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo, Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.
Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng
Diyos. Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa
aming pangangailangan at ipagadya mo kami sa lahat
ng kasamaan, maluwalhati at pinagpalang Birhen.
Amen.
Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit,
ipanalangin mo po kami.
10
San Roque, ipanalangin mo po kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo po kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo po kami.
PANGINOON, DINGGIN MO PO ANG AMING
PANALANGIN
Ingatan nawa tayong lahat ng Panginoon
11