Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Division of Bohol
De La Paz High School

QUARTER 2- FILIPINO 7
(SUMMATIVE TEST WEEK 1& 5)

Pangalan: _______________________________________________ Iskor: __________________

Taon & Seksyon: _________________________________________ Petsa: __________________

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang titik na nagtataglay ng wastong sagot sa patlang
bago ang bilang.

_________1. Ang pitong dalaga ay madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o masayang
lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Mahihinuha mula rito na ang dalaga ay …
a. masayahin b. mapagwalambahala c. palakaibigan d. malaro

_________2. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kani-kaniyang gawaing bahay.
Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay …
a. palautos b. malilinis c. masisipag d. masayahin

_________3. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi niyo pa kilala
nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papaya.” Mahihinuha mula rito na ang
ama ay …
a. magagalitin b. mainisin c. mapagmalasakit d. mapagbigay

_________4. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan.
Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Alin sa palagay mo ang hindi nararamdaman ng
ama sa mga sandaling ito?
a. labis na nasaktan b. labis na nagdaramdam c. labis na nalulungkot d. labis na nagmamalaki

_________5. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama, “ang wika ng panganay na si Delay.
Mahihinuha mula rito na si Delay ay …

a. may sariling desisyon b. magagalitin c. malupit d. mapagbigay

_________6. Dito binabanggit ang balitang tatalakayin.


a. panimula b. katawan c. wakas d. banghay

_________7. Dito ipinapahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.
a. panimula b. katawan c. wakas d. banghay

_________8. Sa bahaging ito ipinapahayag ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot.


a. panimula b. katawan c. wakas d. banghay

_________9. Uri ng editoryal na ttumatalakay sa anumang panig ng buhay, kaya’t madalas na kawi-wili ang
paksa, nakalilibang sa mambabasa o maging sentimental na alaala.

a. namumuna b. nanlilibang c. nagpapabatid d. nanghihikayat

________10. Ang epiko na Hinilawod ay nagmula ______.


a. Kapatagan ng Halawod c. Ilog ng Halawod
b. Kagubatan ng Halawod d. Karagatan ng Halawod

________11. Pinili ng diwatang Alunsina na mapangasawa si Datu Paubari na isang _______.


a. diyos b. mortal c. siyokoy d. engkanto
__________12. Nagalit ang ibang manliligaw ni Alunsina sa nagging desisyon niyang magpakasal kaya’t
nagkaisa silang gantihan ang mag-asawa sa pamamagitan ng isa __________.
a. sunog b. lindol c. pagguho ng lupa d. baha

__________13. Nang manganak si Alunsina ay ipinatawag agad nila ang iginagalang na paring si Bungot-Banwa
upang magsagawa ng ritwal na magdudulot sa tatlong sanggol ng ___________________________.
a. malaking kayamanan c. matipuno at makisig na anyo
b. mabuting kalusugan d. magara at malaking palasyo

___________14. Uri ng epiko na maaring matapos sa isang upuan lamang, may may simula at wakas,
kompleto ang epikong ito hal. Biag ni Lam-ang.
a. microepic b. macroepic c. mesoepic d. monoepic

___________15. Ipinakikita lamang ang partikulat na bahagi ng isang epiko dahil nag-iisang awit lamang ito
hal. Tuwaang
a. microepic b. macroepic c. mesoepic d. monoepic

__________16. Uri ng epiko kung saaan maraming masalimuot na insidente hal. Labaw Donggon.
a. microepic b. macroepic c. mesoepic d. monoepic

___________17. Elemento ng maikling kwento na ang kawilihan ng mambabasa ay nakasalalay sa bahaging


ito.
a. simula b. tunggalian c. kasukdulan d. kakalasan

___________18. Makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan.


a. simula b. tunggalian c. kasukdulan d. kakalasan

___________19. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kwento kaya’t ito ang pinakamaaksiyon.
a. simula b. tunggalian c. kasukdulan d. kakalasan

___________20. Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kwento.


a. simula b. tunggalian c. kasukdulan d. kakalasan

You might also like