Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Title: Banda Ng Bayan

Characters: 
Almina, 18 yrs old, panganay na kapatid ni Miko. 
Miko, 15 yrs old, bunsong kapatid ni Almina. 
Sebastian, 17 yrs old, victim of violence kaya lumayas sa bahay nila  
Josh, 18 yrs old, takas sa bahay ampunan kaya umaasa lamang sa pangangalakal para
mabuhay. 
 
Settings:  +
Tagpi tagping bahay nila Almina at Miko sa gilid ng riles ng tren sa Tondo, Maynila. 
Time: afternoon, about 12:30 pm. December 2023 
Bumisita sina Sebastian, Miko at Josh sa tagpi tagpi nilang bahay sa tabi ng riles ng tren. Tanda
ng pag celebrate nila sa kamatayan ni Almina. Nakapabilog silang tatlo habang mayroong
Spaghetti, manok at cake sa harapan nila. Andon din ang kaisa isang litrato ni Almina 

 214 by Rivermaya:
“I want you to know
The world could lie, and everything may die
Still, you shan't cry
'Cause time may pass, and everything won't last
I'll be by your side, forever by your side
Forever by your side
So you won't cry”
Miko: “Napakaganda talaga ng kanta favorite ni ate. Kamusta na ate?Kagaya ng gusto mo ate,
kumpleto pa rin kami." (nakatingin sa litrato ni Almina habang nakikinig sa radio) 
Josh: "Ingat na ingat 'tong gitara na to, Almina. Parang shota ko na 'to sa sobrang pag aalaga
ko." (Natatawa habang tinuturo ang kanyang gitara.) 
Seb: "Dapat lang, kung ayaw mong bumalik sa gitara mong dalawang string na lang ang
natitira." (Natatawa habang nagsasandok ng spaghetti.) 
Josh: "Nga pala Almina, yan si Miko 'wag kang mag alala, alagang alaga ko yan. Atsaka yung
pangako ko sayo, kahit na may banda na kami hindi pa rin kami humihinto sa pag aaral."  
Miko: "Nako ate, si Kuya Josh? Pasaway pa rin yan, pero hindi na yan nagnanakaw. Natuto na
'ata dahil sa sampal mo sa kanya noon. (umiling iling habang natatawa) 
Seb: (natawa nang bahagya) "nako, naalala ko na naman yung araw na yon…" 
 
FLASHBACK  Tuesday. May 12, 2021 tanghaling tapat at natutulog sina Miko, Sebastian at
Almina sa ginawa nilang tagpi tagping bahay sa gilid ng riles ng tren sa Tondo, Maynila.
Madadaanan ni Josh ang kanilang bahay at makikita ang kanilang mga kalakal. 
Josh: (bubulong) “Ngayon lang, kailangan ko lang ng pambili ng pagkain. Bakit kasi ang hirap
maghanap ng kalakal dito.” 
Josh will slowly get inside. When he’s already there, the only thing that he needs to do is to
grab all the cardboard boxes but he noticed something with the house. It was narrow, fragile-
looking and bland since you can only see limited things. Napansin nya na rin na gawa lamang
ang bahay sa pinagtagpi tagping yero at mga kahoy na nagiging dahilan kung bakit ang tatlong
natutulog na mga tao sa loob ng bahay na yon ay tagaktak ang mga pawis. Nakokonsensya man,
kinuha na lang kaagad ni Josh ang mga kalakal na gusto nya nang kunin kanina pa at mabilis na
umalis sa loob. 
Josh: (walking away) (confused) “Tama ba na kinuha ko ‘to?” Bakit parang mas nangangailangan
pa yung mga ‘yon kaysa sakin? (dire diretso lamang ang pag lakad) 
Josh is still feeling guilty but he still walking. After a few minutes, Josh stop walking. He can’t
bear the guilt. 
Josh: “Bahala na, ibabalik ko na lang kaysa kumain ako habang ganito nararamdaman ko.”
(tumakbo papunta muli sa bahay nila Almina) 
END OF FLASHBACK 

Seb: “Tapos pagbalik mo, gising na kami ni Almina at hinahanap namin yung mga kalakal na
kinuha mo.” (Tumawa) -- kaya naman sa huli, natikman mo ang sampal ni Almina!" 
Josh: “Nakakamiss yung panahon na buhay ka pa Almina. Paano kaya kung may isa lang na
sumama sayo? Baka hanggang ngayon baon pa rin namin yang mga word of encouragement
mo.” 
(biglang tahimik at nag play sa radio ang kantang :“Tayo” by RiverMaya)
Sa isang gabing tulad nito
Napapadungaw sa bintanang, wala namang tanaw
Isipa'y di mapigilang lumipad
Kung pwede lang makisabay
Magpahatid sa piling mo
Ginawa ko na
Babawiin ang lahat ng binitawang salita
Makasama ka
Kahit man lang sa isang paalam
Seb: (biglang tumayo at pinatay ang Radio) “Josh, andito tayo para maging masaya. Pwede bang
‘wag na natin yan pag usapan?” (naiinis na sabi)
Josh: “Hanggang kailan ba natin iiwasan na pag usapan yung ganito, Seb? Dalawang taon na
simula mamatay si Almina.”  
Seb: “Wala namang mababago kahit pag usapan natin diba? Mabubuhay ba si Almina kapag
pinag usapan natin siya?”.                                                                                                                    
Josh: “Bakit ba iniiwasan mo na pagusapan natin si Almina?” 
Seb: “Because I’m guilty! Hirap na hirap na sa amin noon si Almina! Tapos ganon pa yung
kinamatay nya! (Tumutulo na ang luha) h-hawak ni Almina yung d-drumsticks ko noong nakita
natin syang puno ng saksak noong gabi na yon!” 
Seb: “Wala naman dapat na poprotekahan na gitara at mga tambol si Almina kung hindi nya
lang ako narinig na kumakanta!-- k-kaya ano sa tingin mo Josh?! Gusto mo pa bang pag usapan
ang pagkamatay ni Almina?!” 
Miko: “T-tama na!” (papiyok na sigaw)  
(Silence) 
Miko: “Noong gabi na ‘yon, Masayang masaya tayong lahat kasi nakaipon na tayo sa pagkanta
kanta natin sa labasan gamit ang boses ni Seb, yung gitarang dalawa lang ang string ni kuya
Josh, at ang Lata ng lactum na napulot ni Ate Almina. Kaya nakabili tayo ng gitara at tambol
natin. Kaya naman bumili tayo ng pagkain para mag celebrate— 
Josh: “At kung hindi lang ako sumama sa inyo sana naligtas ko si Almina— 
Miko: “Kuya Josh, ako muna pwede? Alam ko lahat tayo sinisisi yung mga sarili natin sa
nangyari kay ate. Alam ko iniisip mo kuya Josh na baka k-kung nag stay ka baka buhay pa si ate.
Tingin mo ba hahayaan ka ni Ate na makipag saksakan sa nanloob sa bahay natin? at ikaw Seb?
Isa isang na discover ni ate yung mga talent natin! A-alam nyang hilig na hilig mong kumanta, at
ako alam nyang hilig ko ang pagtatambol at si kuya Josh! Alam nyang g-gustong magkaroon ng
bagong gitara ni kuya Josh. Kaya nga nagkaroon tayo ng banda dahil kay Ate Almina!” 
Seb: “noong gabing pauwi na tayo, hindi ko sinabi pero akala ko sumunod sa atin si Almina kasi
nakita ko sya sa eskinitang dinadaanan natin pauwi pero... Walang ulo si Almina.” 
(Mapapatingin si Miko at Josh, halatang bakas sa kanila ang pagkagulat) 
Seb: “Nagtatawanan kasi tayo that time kaya hindi ko sinabi sa inyo ‘yon. Sorry Josh at Miko, ito
yung rason kaya ayaw kong pag usapan si Almina. Kasi binalewala ko yung babala na nakita ko.
Baka sana hindi tayo nahuli at nasugod pa natin sa hospital si Almina. 
 
FLASHBACK Saturday July 7, 2021 makulit at nagtatawanan sina josh, seb at miko habang nag
lalakad 
Josh: “Naalala mo ba ‘yung mukha ni seb nung sinampal siya ni almina HAHAHAHA” (humawak
sa tiyan habang tumatawa) 
Miko: “Oo! Grabe ‘yung pula nang mukha ni kuya seb noon, lumatay ‘yung palad ni ate
HAHAHAHA” 
Seb: (umakbay sa dalawa at binatuka) “Ah ganon ako ang trip niy--- “(napatingin sa eskinita at
nakita si almina na walang ulo) 
Josh: “oh ba’t natulala ka riyan? Dama mo pa rin ba ang sampal ni almina? HHAHAHAH” 
Seb: ”loko! Tara na nga” 
END OF FLASHBACK 
Liwanag Sa Dilim by RiverMaya
Seb: Almina..... (nag humming nang mahina hangang sa ito’y lumakas) 
Miko: (sinundan ng kanta ang pag humming at kinuha nag kaniyang guitarang dala)
“Ituring ang iyong sariling tagahawi ng ulap Sa kalangitang kulimlim  , Kampanang yayanig sa
bawat nilalang Magigising ang lupang kulang sa dilig.”
Josh: Ikaw ang magsasabing,
Lahat: "Kaya mo 'to"
Josh: Tulad ng isang tanglaw sa gitna ng bagyo 
Lahat: Isigaw mo sa hangin, tumindig at magsilbing
Liwanag, liwanag sa dilim
Seb: “Liwanag sa dilim” ( mahinang kanta niya habang pinupunasan ang kaniyang luha) 
Josh: “Nagustuhan mo ba almina? New composed namin ‘yan at dedicated ang kantang iyan
para sa’yo.” 
Miko: ”Dahil Ikaw ang nagsilbing liwanag sa madilim naming mundo. Ikaw ang liwanag na
tumaglaw sa madilim na daan na tila walang patutunguhan.” 
Josh: Patuloy kaming gagawa ng kanta at ipakikilala sa mga tao ang pangalan mo ate, ang aming
banda at ang banda ng bayan ... “ALMINA”

You might also like