Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

PANGKOMUNIKATIBONG PAGSUSURI: IMPLIKASYON NG MGA SALITANG

BALBAL SA PASULAT AT PASALITANG SALIK NG MGA MAG-AARAL NA

KUMUKUHA NG KURSONG BSED FILIPINO MAJOR

____________________

Isang Pag- aaral na Iniharap

ng mga Mag-aaral sa 2ND YEAR

Kursong Bachelor of Secondary Education sa

University of Cagayan Valley

____________________

Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan sa

Assignaturang Introduksyon sa Pananaliksik

Mga Mananaliksik:

BILAG, KRISHELLE
CAJEPE, MARK
CALONGE, NOVELY FLOR
DIONISIO, ANGELIE
MONTERO, RIZALYN
TAGUINOD, APRIL JOY

January 2021
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, alam naman natin na

mahalaga ang pakikipag-komunikasyon o pakikipag-usap upang

maipahayag natin ang ating mga saloobin o kuro-kuro. At alam

naman natin na wika ang midyum na ating ginagamit upang

maisagawa ito. Wika ang daan tungo sa pagkakaunawaan ng bawat

tao’t mag-aaral. Wika rin ang dahilan kaya nagbubuklod-buklod

ang bawat tao sa iba’t ibang bansa. Ang wika ay may iba’t

ibang antas isa na roon ang pinakamababang antas o ang balbal.

May katumbas itong “Slang” sa Ingles. Ito ay bagong salita na

kadalasan ay maririnig sa mga kanto o sa mga kalye maging sa

paaralan. Nanggagaling ang mga salitang ito sa mga grupo ng

mga tao na ginagamit ang mga salita upang magkaroon

ng sariling codes. Dagdag pa nila, ang isang wika ay

maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo bunga ng

pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha

ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa

nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataang

pananalita (Aldaca at Villarin, 2012).

Ang mga ito ay gawa-gawa lamang o kaya’y kumbinasyon ng

mga salitang galing sa ating wika o wikang banyaga. Ang

halimbawa ng mga balbal na salita ay tol (kapatid, tawagan ng


magkaibigan), pre (tawag sa kaibigang lalake), mudra (nanay),

pudra (tatay), petmalu (malupet), lodi (idol), yorme (mayor),

chicks (magandang babae), abnoy (Abnormal), charing (biro),

syota (kasintahan), chaka (hindi maganda), at maraming pang

iba na kalimitang ginagamit sa pang-araw-araw na

pakikipagtalastasan. Sa balbal din pumapasok ang mga “Gay

lingo” o salitang beki na kadalasang ginagamit na rin ngayon.

At ang mga ito ay tinatawag ding mga salitang panlansangan.

Tunay ngang wala ng permanente sa mundo kundi ang

pagbabago. Ang lahat ng bagay ay sumasailalim sa pagbabago.

Pagbabago na naayon sa ating panahon na maging ang ating wika

ay tumutugon sa mga pagbabagong ito.

Salitang balbal, ito ang mga salitang nabuo sa impormal na

paraan, mga salitang nabuo sa mga pagsama-sama o pinag-

dugtong-tugtong na salita na maaaring maging mahaba o mailkli

lang. Ano kaya ang epekto nito sa mga mag-aaral ngayon?

Lumalabas sa isinasagawang pag aaral na ang likhang

salitang kanto, likhang salitang bakla at likhang salitang

sosyal ay madalas gamitin ng mga mag-aaral sa kanilang pang

araw-araw. Ang paggamit ng salitang balbal ay nagdudulot ng

kahinaan sa ispeling, malabong pakikipag komunikasyon at

pinang hahali sa mga wastong salita.


Ang akademikong sulatin o akademikong pagsulat ay nakalaan

sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong

komunidad. (Gocsik, 2004) Ang akademikong pagsulat ay

nangangailangan ng mataas na antas ng wika kung kaya naman

magiging problema para sa mga mag-aaral ang pagsusulat nito

sapagkat salitang balbal o mababang antas ng wika ang kanilang

ginagamit sa araw-araw hindi magiging madali para sa mga mag-

aaral ang paggawa ng mga ganitong uri ng sulatin sapagkat

salitang balbal ang antas ng wika na kanilang nililinang.

Ayon kay Catfford (1965), sa lahat ng antas ng wika, ang

balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang

balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan

kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa

napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang

balbal, nagiging lubhang mahirap nang ungkatin

ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang

gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano ito

nabuo.

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay

ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan

naglalayong manghikayat sa mga kabataan na makasanayang

bigkasing madalas ang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang


magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na

lunas o solusyon ang suliraning ito.

Ayon kay Ocampo (2013), ang salitang babal ay naging

bahagi na ng bokubularyong Filipino na tumutugon sa

kinakailangan ng lipunan. Masasabing ang wika ng ito ay

pampersonal na pakikipagkomunikasyon at tinawag ding “salitang

kalye” (halaw sa Estanislao et al., 2018)

Kakailanganin ng mga mananaliksik ang lahat ng mag-aaral

na na kumukuha ng kursong nabanggit upang maisagawa ang pag-

aaral. Ang nasabing respondente ay bibigyan ng mga katanungan

na naka-survey format. Ito ay naglalaman ng mga katanungan

ukol sa kung ano nga ba ang implikasyon ng salitang balbal. Sa

pag-aaral na ito ay bibigyang diin ang pangkomunikatibong

pagsusuri sa implikasyon ng mga salitang balbal sa anyong

pasulat at pasalitang salik ng mga mag-aaaral na kumukuha ng

kursong Batsilyer sa Edukasyon- Filipino sa University of

Cagayan Valley.

Layon ng pag-aaral na matukoy ang epekto o implikasyon ng

salitang balbal sa mga mag-aaral. At upang maimulat sa isipan

ng mga mag-aaral sa implikasyon o epekto nito sa kanilang pag-

pangkomunikatibong kasanayan.

Ang mananaliksik, ay ang mga mag aaral na kumukuha ng

sabjek na Filipino ay nagnanais na matumbok ang


epekto o implikasyon ng salitang balbal sa mga mag-aaral na

karaniwang ginagamit ng mga estudyante. Sa ganitong

paraan, lubusang mauunawaan ng pangkalahatan ang bawat

epekto na maaaring maidulot nito sa kanilang akademik at

pananalita . Dagdag pa nito, mapalalawak ang kaalaman at pang-

unawa sa paraan ng pagpapahayag ng kabataan sa kasalukyan,

ang kanilang pakikisalamuha o pakikisama maging ang

kanilang pag-uugali. Ito ang nagtulak sa mananaliksik upang

isagawa ang pag-aaral. Sa ganitong paraan, maisusulong ang

pagkakaunawaan at makadaragdag sa kaalaman sa wikang

gamit ng kasalukuyan tungo sa pagpapayaman ng diskursong

pilipino.

Batayang Teoritikal

Individuation Theory. Ito ay hinggil sa pagkawala ng

indibidwal na kakayahan at pagkakakilanlan dahil ang mga

salitang nakaugalian ng mga Pilipino ay napapalitan ng mga

pagkakakilanlan sa salita na nangangailangan sa isang grupo ng

lipunan o mas kilala sa tinatawag na mga salitang balbal. Ang

teoryang ito ay nagpapahiwatig na sa pagdating ng bagong

henerasyon ang bawat isa ay lumilikha na ng mga salitang

balbal, at gumagawa sila ng mga bagong salita na may kaugnayan

parin sa wikang Filipino. Nagpapalit sila ng mga salita na

kinukuha nila mula sa wikang Filipino (Syque,2010).


Batayang Konseptwal na Sandigan

INPUT PROCESS OUTPUT


1. Pagkakakilanlan ng
respondante ayon
sa:
1.1. Kasarian
1.2. Edad - Pagsusuri sa
1.3. Etnisidad
pagkakakilanlan ng
1.4. Trabaho ng mga
magulang mga respondente.
1.4.1. Trabaho ng - Pagtuklas sa mga
Tatay
implikasyon ng mga
1.4.2. Trabaho ng
Nanay salitang balbal sa
1.5. Antas ng pinag- pangkomunikatibong
aralan ng mga
kasanayan ng mga - Suring implikasyon
magulang
2. Ang kaalaman ng mag-aaral. sa paggamit ng
mga respondante sa - Pagsusuri sa salitang balbal sa
paggamit ng mga kabuluhang pangkomunikatibong
salitang balbal?
3. Ang mga kaugnayan ng kasanayan ng mga
implikasyon ng mga implikasyon ng mga mag-aaral
salitang balbal sa salitang balbal sa at mga paraan
pangkomunikatibong
pangkomunikatibong upang maiwasan
kasanayan ng mga
mag-aaral kaugnay kasanayan ng mga ang paggamit ng
sa mga sumusunod mag-aaral. salitang balbal.
na salik.
- Pagtukoy sa mga
3.1. Pasulat Salik
3.2. Pasalitang paraan upang
Salik maiwasan ang
4. Ang kabuluhang paggamit ng
kaugnayan ng mga
salik na ito sa salitang balbal ng
implikasyon ng mga mag-aaral.
salitang balbal sa
pangkomunikatibong
kasanayan ng mga
mag-aaral?
5. Ang maaaring
paraan upang
maiwasan ang
paggamit ng mga

FEEDBACK
-------------------- --------------

Ang balangkas ay nagpapakita ng mga proseso kung ano ang

galaw ng pananliksik at magsisilbing gabay upang maging

organisado at mapadali ang takbo ang isasagawang pananaliksik.

Kinapapalooban ang input ng mga datos na magsisilbing

instrumento upang masagot ang mga katanungang nais masagot ng

mga mananaliksik.

Sa proseso ipasasagot ng mga mananaliksik ang

talatanungan sa mga mag-aaral na magsisilbing kinatawan ng

pag-aaral. Susuriing mabuti ang iba’t ibang kasagutan upang

matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa implikasyon ng

salitang balbal sa pag-aaral at pagkakatuto ng mga mag-aaral.

At magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga paraan upang maiwasan

ang paggamit ng salitang balbal ng mga mag-aaral.

Sa awtput makikita ang resulta ng pag-aaral na nakatuon

sa mga implikasyon ng salitang balbal sa pangkomunikatibong

kasanayan ng mga mag-aaral at paglalahad ng mga paraan upang

maiwasan ang paggamit ng mga salitang balbal ng mga mag-aaral.

Sintesis

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na

ito ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pinag-aaralan. Ang


dating mananaliksik at ang kasalukuyang mananaliksik ay

parehong nakatuon sa IMPLIKASYON NG MGA SALITANG BALBAL SA

PASULAT AT PASALITANG SALIK NG MGA MAG-AARAL. Ang tanging

pagkakaiba sa nakaraang pag-aaral ay ang mga respondente at

ginawa ito sa ibang paaralan samantalang ang kasalukuyang pag-

aaral ay isasagawa sa paraalan ng Unversity of Cagayan Valley.

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin pag-aaral na ito na matukoy ang mga

implikasyon ng mga salitang balbal sa pangkomunikatibong

kasanayan ng mga mag-aaral.

Sa partikular, layon ng pag-aaral na masagot ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Pagkakakilanlan ng respondante ayon sa:

1.1. Kasarian

1.2. Edad

1.3. Etnisidad

1.4. Trabaho ng mga magulang

1.4.1 Trabaho ng Tatay

1.4.2 Trabaho ng Nanay

2. Ano-ano ang mga implikasyon ng mga salitang balbal sa

pangkomunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral kaugnay sa

mga sumusunod na salik.

2.1. Pasulat Salik

2.2. Pasalitang Salik


3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa implikasyon ng

salitang balbal sa pangkomunikatibong kasanayan ng mga

mag-aaral kung maipapangkat ayon sa kanilang propayl?

4. Mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng mga

propayl ng mga mag-aaral at ng implikasyon ng salitang

balbal sa pangkomunikatibong kasanayan batay sa kanilang

pagsusuri?

Pagpapalagay( Ipotesis)

Ang pag-aaral na ito ay batay sa kaisipang kuro-kuro na:

- Walang kabuluhang kaugnayan ang implikasyon ng mga salitang


balbal sa pangkomunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral.

Layunin at Kahalagahan ng Pag- aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang matuklasan ang


mga salik na nakaaapekto sa implikasyon ng mga salitang balbal
sa pangkomunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral at matukoy
ang mga paraan upang maiwasan ang paggamit ng salitang balbal.
Gayon pa man, ang mga mananaliksik ay naniniwalang magiging
kapaki-pakinabang at hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng
pag-aaral sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang

malaman kung ang mga salitang balbal ay nakatutulong ba.

Malaman ang kanilang limitasyon sa paggamit ng mga salitang

balbal. Upang malaman kung kailan at kanino ito maaaring

gamitin.
Sa mga Guro. Magsisilbi itong gabay upang maitawid ang mga

mag-aaral sa paggamit ng salitang balbal. At upang maturuan

ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng salitang balbal.

Sa mga Magulang. Makatutulong ito upang kanilang gabayan at

para bigyang limitasyon ang kanilang mga anak sa paggamit ng

mga salitang balbal.

Sa mga bagong Mananaliksik. Makatutulong ito sa kanila upang

magbigay ideya sa gagawin nilang pananaliksik. Maaari sila

ritong kumuha ng mga impormasyon.

Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral

Saklaw ng pag-aaral ang pagtuklas sa mga implikasyon ng

salitang balbal sa pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral at

pagtukoy sa mga paraan upang maiwasan ang paggamit ng salitang

balbal.

Magsisilbing respondente ng mga mananaliksik ang

limampung (50) piling mag-aaral ng BSEd Filipino major ng

University of Cagayan Valley taong panuruan 2021-2022.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit sa Pag- aaral


Upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral

na ito, narito ang ilan sa mga terminolohiyang ginamit at ang

mga angkop na kahulugan para rito:

Akademik. Tumutukoy sa Edukasyon ng bawat mga-aaral na may

kaugnay sa knailang grado.

Akademikong Pagsulat. Ginagamit ng mga pormal na salita at

iniiwasan ang paggamit ng kolokyal o balbal.

Akademikong Sulatin. Uri ng pagsulat na kung saan ito ay

naglalaan ng mga impormasyon.

Balbal. ito ang salitang nabuo o nalikha sa inpormal na

paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o

pinagdugtong na salita, maaari itong mahaba oo maikling salita

lamang.

Bokabolaryo. Mga salitang ginagamit ng isang partikular na tao

o group.

Codes. Pagkakakilanlan ng isang grupo sa lipunan.

Datos. Mga impormasyon na magagamit sa pag-aaral upang masagot

ang partikular na suliranin.

Etnisidad. Tumutukoy sa mga pangkat ng tao sa isang lugar o

bans ana may magkakaparehong wika at kultura.

Gay lingo. isang palihim na salita o balbal na ginagamit ng

mga beki o bakla maging ang maraming kabataan sa panahon

ngayon.
Respondate. Isang indibidwal o grupo na sasagot sa mga

naihandang katanungan.

Salik. Mga bagay na maaaring maging dahilan ng isang

pangyayari.

Slang- katumbas ng salitang balbal sa Ingles.

Survey Format. ito ay isang instrumento sa pagsasaliksik na

binubuo ng isang hanay ng mga katanungan o iba pang mga uri ng

mga senyas na naglalayong mangolekta ng impormasyon mula sa

isang tumutugon.

Wika. ito ay isa behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o

palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o

pasulat.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Lokal na Literatura

Ang wika ay lubhang makapangyarihan kaya naman maraming

tao ang madaling maimpluwensyahan sa paggamit ng salitang

balbal. Binibigyang kahulugan ni Gette ang salitang balbal o

slang na salita bilang isang di-pamantayang paggamit ng mga

salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan.

Tinatawag din ito ng salitang kanto o salitang kalye.

Ang Ingles at slang ay inihalintulad ni Coleman (2012) sa

tao. Kung ang wika ay may sapat na lakas, maari itong maging

ama sa sarili nitong salitang slang. Ang bagong salita,

katulad ng mga bata, nagpapakita ito ng kalakasan ngunit kung

nanggaling ang salita sa labas magkakaroon ito ng mantsa.

Ayon kay (Celera, 2017) (Polonuis sa Hamet) tinutukoy na

ang katalinuhan sa pagsasalita at pagsulat ay may layuning

gumamit ng kaunting salita. Ang makapagbigay ng impormasyon sa

maiksing salita ay mas maganda o mas maayos.


Ayon kay (Pardianti, 2013) ang kadalasang gumagamit ng

mga salitang balbal ay ang mga mag-aaral ng “sekondarya”,

ginagamit nila ito sa kanilang pang-araw-araw na pag-aaral.

Natutunan nila ang pagsasalita ng mga ito sa kanilang mga

barkada, o sa kanilang mga nakakasalamuha.

Ayon kay (J. Lee, 2015) ang tamang paglikha sa pagbuo ng

mga salita at pangungusap ay kinakailangang may maayos na

deliberasyon sa mga terminolohiya ng mga pangungusap upang ang

pagsasalita nito ay magiging maayos pagdating sa larangan ng

pakikipag-komunikasyon. Kinakailangan na sa pagbuo ng mga

salita ay magiging maayos ito nang sa ganun ay walang mangyari

na maling interpretasyon sa mga salitang iyong pinapalabas.

Habang ayon kina (Muharotuyo and Wijaya, 2014) ang

salitang balbal ay mayroong masamang epekto sa

pakikipagkomunikasyon. Karamihan sa mga taong ito ay yong

taong mabababa ang antas, hindi nila alam ang paggamit ng mga

salitang ito na kung minsan ay nagkakamali pa sila sa paggamit

dito na siyang kadahilanan sa hindi nila pagkakaintindihan.

Dayuhan na Literatura

Tinutukoy ni (Munro sa Fasola, 2012) binanggit na ang

salitang balbal ay kabilang sa hindi pamantayan ng wika dahil

ang ibang uri ng mga salita at ekspresyon ay maaaring gamitin

ng kahit sino sa pakikipag-usap o sa isang liham, ngunit hindi

ginagamit sa pagsasalita o pormal na sanaysay.


MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral nina (Pillo, 2019) na may paksang “Mga

Epekto ng mga salitang Balbal at Salitang Kanto sa Wikang

Filipino”. Ang pananaliksik na ito ay sinusuri ang mga epekto

ng salitang balbal at kanto sa wikang Filipino. Sinisiyasat

din nila ang mga epekto at dahilan kung bakit ang wikang

Filipino ay dahan-dahan nang napapalitan ng salitang balbal at

kung bakit ito gingamit ng mga mag-aaral sa kanilang

pakikipagkomunikasyon.

Ja S. Lg

Ayon kay (Quia et al, 2018) sa pag-aaral na “Pag-aaral

tungkol sa Epekto ng paggamit ng mga salitang balbal sa Piling

mag-aral ng 11 ABM”, ang mga Pilipino ay likas na malikhain sa

maraming aspekto, higit na lalo sa kanyang wika. Sa pang-araw-

araw na paggamit ng wikang ito, patuloy rin itong umuunlad na

nagiging dahilan sa paglawak ng saklaw na bokabularyo nito.

Isang mahalagang katangian ng wika ay ang pagkakaroon

nito ng antas. May iba’t ibang kategoryang kinabibilangan na

naayon sa klasipikasyon ng antas nito. Ang antas ng wika ay

kadalasang may kaugnayan sa katayuan sa lipunan ng taong

gumagamit nito (Dumapias, 2018).


Natuklasan sa pag-aaral nina Tubio et al, (2017) na

maraming mga salita ang umiiral sa social media sa kasalukuyan

panahon at karamihan dito ay ngayon pa lamang narinig dahil na

rin sa pag-usbong ng makabagong panahon. Maraming mag-aaral

ang nagsasabi na ang mga salitang ito ay mahalaga para sa

kanila at natutulungan sila nito para mapadali ang pakikipag-

usap sa ibang tao ngunit karamihan sa mga salitang ito ay

hindi nagugustuhan at nauunawaan ng ibang mag-aaral.

Sa pag-aaral nina Abel et al, (2016), binanggit nila ang

mga bagong salita at pagpapakahulugan nalinang ng mga

Pilipinong manlalaro ay simbolo ng pagkakakilanlan ng

kalagayan ng lipunan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkilala

kung paano ito ginagamit sa pakikipagtalastasan. Kaugnay nito,

ang komunidad ng mga manlalarong Pilipino ay itunuturing na

toxic ngunit dahil sa larong ito, ang dinamikong interaksyon

at komunikasyon ng mga manlalaro ay nabubuo anuman ang

kalalabasan ng kanilang laro.

Ayon kay (Cabuhat et al, 2016) sa pag-aaral na “Paggamit

ng wikang balbal ng mga Mag-aaral ng Grade 11 sa Pambansang

Mataas na Paaralan ng Bongabon”, ang wika ay isang mahalagang

parte ng pakikipag-komunikasyon kung saan nagkakaisa at

nagkakaintindihan. Ang wika rin ang dahilan kung bakit

nabubuklod ang iba’t ibang bansa sa mundo. Ang balbal naman ay

isang wika ng isang partikular na grupo o lipunan.


Inilahad ni Quijote et al, (2016) sa pag-aaral na “Ang

Wikang Filipino sa makabagong Panahon”, Ang wika ay isang

importanteng susi ng isang bansa dahil ito ay ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipag-talastasan at pakikipag-

ugnayan ng bawat mamamayan. Mahalaga ito sapagkat kung wala

ito, hindi lalago ang ekonomiya kung hindi nagkakaisa o

nagkakaintindian ang mga tao. Sa pagyabong ng henerasyon,

kasabay din nito ang pagyabong ng Wikang Filipino. Nagkakaroon

ng mas maraming uri ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng

mga panibagong balbal na lenggwahe katulad na lang ng beki

language; Jejemon at marami pang kalyeng lenggwahe.

Ayon kina Valenzuela, et al, (2016), ang slang sa Ingles

ay katulad o kagaya ng Wikangb Balbal at napapalitan ito sa

paglaon ng panahon. Ang mga salitang ito rin ay madalas na

maririnig sa lansangan. Ang mga salitang Tsikot (Kotse),

Chicha (Pagkain), Epal (Mapapel), Utol (Kapatid, at Sekyu

(Guwardiya) ay ilan lamang sa mga binigay na halimbawa ng

salitang Balbal.

Binanggit sa pag-aaral nina Oco


et al. (2015), napag-alaman na
ang resorses, isyu, pagsubok at
kompyutisyunal na karakteristik ay
madetalyado. Natuklasan sa pag-
aaral na ito na ang karamihan sa
mga
pananalitang beki ay hindi saklaw
ng rule file at hindi makikita sa
mga ginagamit na resorses. Bilang
isang
sosyolek na naging bahagi na ng
lipunan, kinakailangan ang constant
na pag-update sa pagbabago at pag-
usbong
ng mga pananalitang ito.
Binanggit sa pag-aaral nina Oco
et al. (2015), napag-alaman na
ang resorses, isyu, pagsubok at
kompyutisyunal na karakteristik ay
madetalyado. Natuklasan sa pag-
aaral na ito na ang karamihan sa
mga
pananalitang beki ay hindi saklaw
ng rule file at hindi makikita sa
mga ginagamit na resorses. Bilang
isang
sosyolek na naging bahagi na ng
lipunan, kinakailangan ang constant
na pag-update sa pagbabago at pag-
usbong
ng mga pananalitang ito.
Binanggit sa pag-aaral nina Oco
et al. (2015), napag-alaman na
ang resorses, isyu, pagsubok at
kompyutisyunal na karakteristik ay
madetalyado. Natuklasan sa pag-
aaral na ito na ang karamihan sa
mga
pananalitang beki ay hindi saklaw
ng rule file at hindi makikita sa
mga ginagamit na resorses. Bilang
isang
sosyolek na naging bahagi na ng
lipunan, kinakailangan ang constant
na pag-update sa pagbabago at pag-
usbong
ng mga pananalitang ito.
Ayon naman kay Güniz (2015), “Tanggapin man natin o

hindi ang wikang balbal ay nakaimpluwensya sa wikang

Ingles. Kinalimutan natin ang pagkakaiba ng pormal at impormal

na piyesa ng pagsulat at ginamit natin ang mga salitang

balbal. Dumarami ang mga taong nagsisimula at nakauunawa

sa mga wikang balbal. Kung kaya ang salitang balbal ay

hindi lamang wika, diyalekto o ordinaryong rejister. Ito ay

isang espesyal na koda na naiiba sa gumagamit nito, gumagawa

ng eksena. Ipinapakahulugan na ang eksena ay kultura ng

kabataan. Ang mga salitang balbal ay hindi isang profanity o

walang barila. May mga salitang balbal para sa droga at

pagtatalik ngunit ito ay dahil sa paksang kinagustuhan

ng kabataan.” Sa madaling salita, ang mga wikang

balbal ng modernong panahon ay may mahalagang gampanin sa

diskurso ng mga kabataan sa modernong panahon. Hindi lamang

ito nabubuo ng basta-basta lang kundi may mga dahilan sa

pagkakabuo nito.

Binanggit sa pag-aaral nina Oco et al. (2015),

napag-alaman na ang resorses, isyu, pagsubok at

kompyutisyunal na karakteristik ay madetalyado.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang karamihan sa


mga pananalitang beki ay hindi saklaw ng rule file at

hindi makikita sa mga ginagamit na resorses. Bilang

isang sosyolek na naging bahagi na ng lipunan, kinakailangan

ang constant na pag-update sa pagbabago at pag-usbong ng mga

pananalitang ito.

Tinalakay ni (Baldon et al, 2014) sa pag-aaral ng “Wikang

Filipino, sa makabagong Panahon”, ang Wikang Filipino sa

makabagong panahon ay nagbabago at patuloy na umuunlad.

Gumagamit na ng iba’t ibang paraan ang mga tao upang mapaikli

ang pagsulat at pagbigkas ng wikang filipino, katulad ng

pagpapaiksi ng mga salita na nagiging isang balbal dahil sa

sobrang pagpapaiksi.

KABANATA 3

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK


Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito ang iba’t

ibang pamamaraan na gagamitin sa pangangalap ng mga datos at

sa paggawa ng instrumento. Tatalakayin din dito kung paano

bubuuin ang instrumento, ang lugar ng pananaliksik at

pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng pananaliksik

Gagamitan ng disenyong deskriptibong-korelasyonal ang

pagsusuring pagtatangka sa propayl baryabols ng mga

respondante. Ang mga mga mananaliksik ay gagamit din ng

korelasyonal na disenyo sa pagsusuri ng kabuluhang kaugnayan

ng implikasyon ng mga salitang balbal sa pangkomunikatibong

kasanayan ng mga mag-aaral.

Mga Respondante ng Pag- aaral

Magsisilbing respondante ng pag-aaral na ito ang mga mag-

aaral mag-aaral na kumukuha ng kursong BSED Filipino Major sa

University of Cagayan Valley sa taong panuruan 2021-2022.

Sa pagkuha ng respondante, gagamitin ang “Random

sampling” na magrerepresenta sa pangkabuuang populasyon ng mga

respondante.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga respondante.


Grade level Bilang Porsyento

7 0 3

8 6 13

9 6 16

10

Total

Kagamitan sa Pag- aaral

Magsisilbing instrumento ng mananaliksik ang

talatanungang ibinatay sa pananaliksik na akda ni David (2020)

na pinamagatang “LAWAK NG KAALAMAN SA PAGGAMIT NG WIKANG

BALBAL SA MAS MABILIS NA PAGKAKAUNAWAAN NG MGA MAG-AARAL”.

Kinapapalooban ang talatanungan ng dalawang bahagi: ang unang

bahagi ay kaugnay sa propayl ng mga respondante at ang

ikalawang bahagi ay naglalaman ng mga tanong na makatutukoy sa

mga implikasyon ng mga salitang balbal sa pangkomunikatibong

kasanayan ng mga mag-aaral.

Paraan ng Pangongolekta ng Datos


Sa pamamagitan ng isang liham, hihingi ng pahintulot ang

mga mananaliksik para maisagawa ang pangongolekta ng datos

mula sa mga respondante. Pagkatapos, ipasasagot sa mga

respondante ang talatanungan, lilikumin ng mga mananaliksik at

isasaayos ang mga nakalap na datos mula sa mga respondante na

magsisilbing tagatugon sa pag- aaral. Susuriin ito ng mabuti

at maingat na isasaayos upang matukoy ang implikasyon ng mga

salitang balbal sa pangkomunikatibong kasanayan ng mga mag-

aaral.

Paglalapat sa istatistikal na Pagsusuri ng mga Datos

Gagamitin sa pag-aaral na ito ang “ Frequency and Percentage

distribution” para sa pagsusuri ng propayl ng mga respondante

at sa pagsusuri ng kaugnayan ng implikasyon ng mga salitang

balbal sa pangkomunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral. Ang

komputasyon sa mga kaukulang datos ang magsisilbing batayan sa

pagsusuri at interpretasyon.

Pormula: P = (F/n) x 100

Kung saan:

P = porsyento

F = prikwensiya

n= kabuuang bilang ng mga respondante

Ang “weighted mean” ang magsisilbing batayan sa pagsusuri at

interpretasyon ng propayl ng mga respondante.


Mean Range Descriptive Scale

2.54 -3.00 Palagi

1.67 – 2.53 Minsan

1.00 – 1.66 Hindi Kailanman

Gagamitin ang “Pearson” sa pagsusuri sa kabuluhang

kaugnayan ng implikasyon ng mga salitang balbal sa

pangkomunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral.

Sa kabuuan, ang mga datos na makakalap mula sa

instrumentong ginamit ang magsisilbing suporta na magpapatibay

sa pag-aaral.

TALATANUNGAN
Ang talatanungan na ito ay ginawa upang subukang tukuyin

ang mga implikasyon ng salitang balbal sa anyong pasulat at

pasalitang salik bilang pagsusuri sa pangkomunikatibong

kasanayan ng mga mag-aaral na kumuha ng BSED Filipino sa

University of Cagayan Valley.

I. Propayl ng respondante

Pangalan (Opsyonal): _________________________

Edad: 17-19

20-22

23 pataas

Kasarian: Babae

Lalake

Ikatlong kasarianr

Etnisidad:

Trabaho ng mga magulang:

Trabaho ng Tatay:

Trabaho ng Nanay:

II. Lagyan ng (/) ang kahon na may katumbas ng iyong

kasagutan.
1. Mga katanungang kaugnay sa lawak ng kaalaman sa paggamit

ng mga salitang balbal.

OO MINSAN HINDI

 Pamilyar ka ba sa wikang balbal?

 Madalas ka bang gumagamit ng

wikang balbal? Halimbawa: ermat o

pudra sa halip na tatay, pak sa

halip na tumpak atbp.

 Nakatutulong ba ang paggamit mo ng

wikang balbal sa iyong pag-aaral,

pamumuhay, pakikipag- usap atbp.

 Mas madali bang maunawaan ang

teksto kapag gumamit ng mga

salitang balbal?

 Naniniwala ka ba na may epekto ang

wikang balbal sa pag-unlad ng

wika?

2. Nagagamit mo ba ang mga salitang balbal sa pang-akademiko

o pangkomunikatibong aspeto?

Oo Minsan Hindi

3. Ano-ano ang mga implikasyon ng mga salitang balbal sa

pangkomunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral kaugnay sa

mga sumusunod na salik:


OO MINSAN HINDI

Pasulat na salik

1. Nagagamit ang mga

salitang balbal sa

pagsusulat ng iba’t

ibang uri ng pang-

akademikong sulatin.

2. Nakapagdudulot ng

kamalian sa pagbubuo

ng iba’t ibang sulatin

paggamit ng salitang

balbal.

3. Nababago ang ispeling

o baybay ng isang

salita dahil sa

paggamit ng salitang

balbal.

4. Nababago ang

kahulugang nais

ipabatid ng isang

sulatin dahil sa

paggamit ng salitang
balbal.

5. Hindi naisasalang-

alang ang kaligiran ng

isang pormal na

sulatin.

6. Mabilis na nailalahad

ang ideya sa pagbubuo

ng nilalaman ng isang

sulatin.

7. Nakakapaglagay ng mga

salitang balbal sa

pormal na sulatin.

8. Nakatutulong ang mga

salitang balbal upang

makumpleto ang

sulatin.

9. Ang paglagay ng

salitang balbal sa

sulatin ay nagbibigay

aliw.

10. Nagiging

komplikado ang sulatin


kung maglalagay ng

salitang balbal.

Pasalitang salik

1. Nagkakaintindihan ang

bawat tao kung sila ay

gumagamit ng salitang

balbal.

2. Nagagamit ang balbal

na salita sa

pagpapahayag o

pakikipagtalastasan sa

kapwa.

3. Naipapahayag ang nais

na maipabatid na

mensahe sa paggamit ng

mga salitang balbal.

4. Nagdudulot ng maling

interpretasyon o

pagpapakahulugan ang

paggamit ng salitang
balbal.

5. Naiimpluwensyahan ang

bigkas, diin at tono

ng isang salita dahil

sa mga salitang

balbal.

6. Ginagamit ang salitang

balbal upang lituhin o

magpakitang gilasn sa

mga taong di

nakakaalam ng salitang

ito.

7. Nakakagiliw bigkasin

ang mga ito.

8. Nauunawaan ka ba ng

iyong kausap sa tuwing

ikaw ay gumagamit ng

pormat na gay lingo o

jejemon.

9. Nakadadagdag

kumpiyansa ang

salitang balbal sa

pagpapahayag ng
saloobin.

10. Ginagamit ito

upang maging “in” sa

uso.

Mga Sanggunian:

Cabanes, R. & J.C. Estanislao (2017-2018)

Epekto ng salitang Balbal sa Pag-aaral ng mga Piling

Mag-aaral sa Ikalabing Dalawang Baitang sa Strand na ABM

at TVL ICT 11- Maasahan.

Ocampo, G. (2013, September 12)

Implikasyon ng Salitang Balbal sa Pag-aaral at pagkatuto

ng mga mag-aaral sa Piling Paaralang Pansekondarya.

Cauinian, A. & A. Delivios (2012, December 01)

Implikasyon ng Paggamit ng Wikang Balbal sa Mag-aaral

na nasa Unang taon na kumukuha ng kursong BS Social

Work sa PLM.

Baybay, K.M.M & J.J.H Leal (2012, Pebrero)

Epekto ng Paggamit ng Balbal na salita ng mga Mag-aaral

sa Ikatlong Antas ng Sekondarya ng St. Thomas Academy.

Austria, J.M.Z & G.S Beldad.

Epekto ng paggamit ng salitang Balbal sa araw-araw na

pamumuhay sa kahusayan sa pagsulat ng Akademikong

Sulatin ng mga Mag-aaral ng Ika-11 na Baitang sa Holy


Rosary College.

Noval, A. (2020, December 7)

Pag-usbong ng balbal na pananalita bilang modernong wika


ng kabataan: Isang pagsusuri. Cebu Philippines.

You might also like