Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Camarines Norte College Inc.

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2021-2022
Learning Module para sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9

IKATLONG KWARTER

Mga Pagpapahalaga sa
Paggawa

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng kasipagan sa paggawa at pamamahala


ng paggamit ng oras.
 Naipamamalas ng mag-aaral ang kahalagahan ng kagalingan sa paggawa.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

 Nakagagawa ang mag-aaral ng hakbang upang mapanatili ang kasipagan at pamamahala sa oras batay
sa pagsasagawa ng mga gawaing nakatala sa iskedyul.
 Nakatatapos ang mag-aaral ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa
paggawa.

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 1


e
TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL 3: Mga Pagpapahalaga sa Paggawa
Linggo Nilalaman Mga Gawain Pahina sa modyul
UNANG LINGGO *Panimula  Panimulang Pagtataya
*Saklaw ng Modyul  Pagsasanay 1: Mapa ng
*Grapikong Pantulong Konsepto ng Pagbabago
sa Aralin  Pagsasanay 2: 3-5
*Inaasahang Kasanayan Kasipagan, Isabuhay!
*Panimulang Pagtataya
*Pagtuklas
IKALAWANG *Paglinang  Gawain 1: Disiplinadong
LINGGO *Mga Pagpapahalaga sa tunay!
Paggawa  Gawain 2: Kasipagan,
*Pagtitiyaga at Tagumpay ang hatid!
5-7
Pagpupunyagi  Gawain 3-A: Pagbubuod
*Pagpapalalim sa Pagkatuto
 Gawain 3-B: Talahanayang
C-E-R
IKATLONG  Gawain 4: Pagsunod sa
LINGGO mga Hakbang
*Paglipat 7-8
 Gawain 5: Aking Plano ay
gagawin
IKAAPAT NA
IKATLONG ANTASANG PAGSUSULIT
LINGGO
IKALIMANG *Pagtuklas  Pagsasanay 3: Ang aking
LINGGO *Paglinang pasya
*Mga Pagpapahalaga  Pagsasanay 4: Kagalingan
sa Paggawa sa Paggawa 8
*Wastong Gamit ng
Oras Tungo sa
Pag-unlad
IKAANIM NA *Pagpapalalim  Gawain 1: Oras ko,
LINGGO * Mga Pagpapahalaga Pananagutan Ko!
sa Paggawa  Gawain 2: Walang Wakas
9
*Wastong Gamit ng ang Panahon
Oras Tungo sa
Pag-unlad
IKAPITONG  Gawain 3: Pinatnubayang
LINGGO Paglalahat
 Mapa ng Konsepto ng
*Paglipat 9-11
Pagbabago
 Gawain 4: Ang Aking
Nagawa
IKAWALONG LINGGO IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 2


e
UNANG LINGGO
MODYUL 3: Mga Pagpapahalaga sa Paggawa
Panimula
Ang yunit na ito ay naglalayong malinang ang mga pagpapahalaga sa paggawa upang maisagawa nang
mabuti ang kanilang mga tungkulin sa lipunan. Ang bawat mamamayan ay nagnanasa ng maayos, payapa at
maunlad na buhay sa pamayanan at lipunang kinabibilangan. Kaya dapat lahat ng tao ay matutong
maisabuhay ang mga moral na pagpapahalaga sa araw-araw na paggawa. Ang mga makabuluhang pag-
unawa, damdamin at pagkilos na nilalaman ng bawat aralin sa yunit na ito ay mga kinakailangang salik sa
pagpapaunlad ng pagpapahalaga para sa paggawa. Inaasahang masagot ang mga tanong na “Paano
nakatutulong ang kasipagan at wastong disiplina sa produktibong paggawa?” at “Paano
maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakaroon ng tiyak na layunin at pagbuo ng
produktong mayroong kalidad?”

SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga sumusunod:
Mga Aralin Magagawa mong…
Aralin 14: Kasipagan at  matukoy ang ugnayan ng kasipagan ng tao para sa paggawa.
Disiplina sa Paggawa  matukoy ang mga positibong bunga ng kasipagan at pagiging disiplinado.
Aralin 15: Sa  masuri ang mga sitwasyon ng may patunay sa isinagawang pag-aaral.
Pagtitiyaga, May Higit  masuri ang kahalagahan ng kasipagan at disiplinadong mamamayan.
pa sa Nilaga  makagawa ng sariling pananaw para sa gawain sa araw-araw.
 makabuo ng plano para sa gawain sa araw-araw nang may kasipagan at
pagpupunyagi.
Aralin 16: Wastong  matukoy ang kahalagahan ng tamang pamamahala sa oras at panahon.
Gamit ng Oras Tungo  maipaliwanag ang kahalagahan ng wastong pamamahala sa paggamit ng oras.
sa Pag-unlad
Aralin 17: Kagalingan  masuri ang sitwasyon tungkol sa wastong paggamit ng oras at panahon.
sa Paggawa at  makagawa ng journal o listahan ng aking mga napagtagumpayang gawain sa
Paglilingkod itinakdang oras at panahon.
Grapikong Pantulong sa Aralin

Mga Pagpapahalaga sa Paggawa


(QUARTER 3)

Taglay na kasipagan Pagpapahalaga sa


at disiplinado oras at panahon

Tungo sa wastong gamit ng oras at panahon, kagalingan sa paggawa at paglilingkod bilang


pagsasakatuparan ng tungkulin sa lipunan.

INAASAHANG KASANAYAN:
Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na
mga gawaing pampagkatuto.
 natutukoy ang ugnayan ng kasipagan ng tao para sa paggawa
 natutukoy ang mga positibong bunga ng kasipagan at pagiging disiplinado
 nasusuri ang mga sitwasyon ng may patunay sa isinagawang pag-aaral
 nasusuri ang kahalagahan ng kasipagan at disiplinadong mamamayan
 nakagagawa ng sariling pananaw para sa gawain sa araw-araw
 nakabubuo ng plano para sa gawain sa araw-araw nang may kasipagan at pagpupunyagi
 natutukoy ang kahalagahan ng tamang pamamahala sa oras at panahon
 naipaliliwanag ang kahalagahan ng wastong pamamahala sa paggamit ng oras
 nasusuri ang sitwasyon tungkol sa wastong paggamit ng oras at panahon
 nakagagawa ng journal o listahan ng aking mga napagtagumpayang gawain sa itinakdang oras at
panahon

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 3


e
Halina, Sagutin mo ang panimulang pagtataya sa iyong sagutang papel bilang paghahanda sa
paglalakbay mo sa araling ito. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat mo.
Panimulang Pagtataya
1. Alin ang pinakamabisang pagtataya na nagpapakita ng kasipagan sa paggawa?
a. nasasabi niya ang mga tiyak na hakbang sa mahusay na pagganap ng isang gawain
b. nabubuo niya ang inaasahang gawain sa panahong itinakda para tapusin ito
c. humihingi siya ng tulong sa mga eksperto upang mabilis na matapos ang gawain
d. lahat ng nabanggit
2. Aling pagkilos ang makikita sa isang tao na may positibong pananaw sa pagganap ng kanyang paggawa o
tungkulin?
a. hindi siya mababagot sa pagganap ng karaniwang gawain sa araw-araw
b. mararamdaman niya ang paggalang ng mga kasama sa samahang pinaglilingkuran
c. siya ay nagtitiyaga hanggang sa matapos ang gawain na may mataas na kalidad
d. wala sa nabanggit
3. Sino sa sumusunod ang higit na nagsasabuhay ng pagtitiyaga sa paggawa?
a. Si Roger na nagsisimula agad ng isang bagong gawain na itinakda ng kanyang tagapamahala
b. Si Ernest na iniiwasan na magkamali upang mabuo ang gawain nang mahusay at maayos
c. Si James na may tiwala sa sarili at hindi na kailangan pa ng tulong mula sa mga kasamahan
d. lahat ng nabanggit
4. Aling kasabihan ang nagpapahiwatig ng mabisang pamamahala sa oras ng paggawa?
a. kung nais ang gawain ay laging may paraan, kung inaayawan ito ay laging may dahilan
b. mabilis ang paglipas ng oras kaya madalas na hindi natatapos ang mahirap na gawain
c. magiging produktibo sa paggawa kung may tiyak na oras upang makapahinga sa pagitan ng
tuloy-tuloy na gawain
d. lahat ng nabanggit
5. Aling gawi ang titiyak na mabisang magagamit ang oras sa simula pa man ng gawain?
a. paglista ng mga dapat unahing gawain bago umalis sa samahang pinagsisilbihan
b. laging isasaisip na ang wastong paggamit ng oras sa gawain ay paraan ng pagsisilbi sa kapwa
c. laging isasaisip ang itinakdang oras o petsa para matapos ang itinakdang gawain
d. wala sa nabanggit
6. Madalas kang mahuli sa paaralan dahil sa palagiang trapik sa simula pa lamang ng bawat araw. Ano ang
pinakamabisang paraan upang masolusyonan ang suliraning ito?
a. iwasan ang matagal na panonood ng TV bago matulog
b. gumamit ng alarm clock upang magising ng mas maaga
c. uminom ng gatas upang mabawasan ang pagiging antukin
d. wala sa nabanggit
7. Lumapit ang isang kasamahan mo upang magpaturo ng paggamit ng Excel para sa kanyang bahagi ng inyong
pangkatang ulat sa araw na iyon. Madalas na nag-aaksaya siya ng oras sa trabaho. Alin ang maaari mong
gawin sa sitwasyong ito?
a. sasabihin ko na tuturuan ko siya kapag natapos na ang gawain ko
b. sasabihin ko na hindi pa ako gaanong marunong gumamit ng Excel
c. tuturuan ko siya para matapos ang aming pangkatang ulat sa araw na iyon
d. wala sa nabanggit
8. Alin ang nararapat gawin ng isang mahusay na manggagawa upang patuloy na maging magaling sa kanyang
paggawa?
a. ipagpatuloy na maging tutok at masipag sa kanyang trabaho
b. maglaan ng oras at panahon na magrelaks pagkatapos ng mahirap na gawain sa trabaho
c. mag-aral ng mga karagdagan at makabagong kasanayan na magagamit sa iyong trabaho
d. wala sa nabanggit
9. Alin ang dapat maging pangunahing batayan ng isang manggagawa sa pakikiisa o teamwork sa pagganap ng
kanyang tungkulin sa pinaglilingkurang samahan?
a. ang pangunahing layunin o misyon ng institusyon o samahang pinaglilingkuran
b. ang pagsasamahan at pagkakaibigan ng mga kasama sa samahang pinaglilingkuran
c. ang bilang ng kapwa na nilalayong pagsilbihan ng samahang kinaaaniban
d. wala sa nabanggit
10. Alin ang pinakapraktikal na magagawa ng isang kabataan sa kanyang tahanan na nagpapakita ng
nasyonalismo at patriyotismo tungo sa pag-unlad ng kanyang pamayanan?
a. tulungan ang mga kapamilya na panatilihing malinis ang loob at labas ng kanilang tahanan
b. ang pagtatanim ng mapakinabangang pananim sa mga bakanteng bahagi sa paligid ng tahanan
c. ang paghihiwalay ng basura at paglalabas ng mga ito sa itinakdang lugar at araw ng pagkokolekta
d. wala sa nabanggit
ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 4
e
Binabati kita! Natutuwa ako at napagtagumpayan mong masagot ang mga inihandang tanong. Ngayon, tingnan
natin kung ilan ang nakuha mong tamang sagot. Ikumpara mo ang iyong gawa sa susi sa pagwawasto na nasa
huling pahina ng modyul na ito.

PAGTUKLAS
Pagsasanay 1: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago

Sa bahaging ito, makikita mo ang mapa ng konsepto ng pagbabago na Bago at Pagkatapos. Ito ang magiging
gabay mo upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto.
Panuto: Kopyahin ang tsart sa iyong intermediate paper. Sagutin mo lamang ang mga tanong sa bahagi ng
BAGO. Hindi muna ito ipapasa ngunit huwag hayaang mawala.
Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos
1. Paano nakatutulong ang kasipagan at wastong disiplina sa
produktibong paggawa?
2. Paano maipamamalas ang pag-unawa sa pagkakaroon ng tiyak na
layunin at pagbuo ng produktong may kalidad?

Sa kasunod na mga gawain, tutuklasin mo kung ano ang nalalaman mo tungkol sa aralin. Halina, simulan mo
na ito. Tiyak akong magagawa mo ang bahaging ito.

Pagsasanay 2: Kasipagan, Isabuhay!


Panuto: Pansinin ang mga manggagawa sa larawan. Isulat sa isang buong papel ang mga pagpapahalaga sa
paggawa na iyong nasalamin sa mga ito.
1 2 3 4 5

Mahusay! Nagawa mo ang mga gawain sa bahaging pagtuklas. Simulan mong linangin ang mga mahahalagang
impormasyong bahagi ng aralin sa modyul na ito.

IKALAWANG LINGGO
PAGLINANG
Ngayon ay paghandaan mo ang iyong magiging aralin. May mga inilaang gawain para sa iyo upang unti-
untiin mong tuklasin ang mga aralin sa modyul na ito. Tara, magsimula na tayo.

Gawain 1: Disiplinadong tunay!

Sa bahaging ito ay malalaman mo ang ugnayan ng kasipagan at wastong disiplina sa paggawa ng isang
indibidwal sa lipunan. Bilang isang indibidwal, mainam na alam natin na ang kasipagan at wastong disiplina
sa paggawa ay isang kasangkapan sa pag-unlad ng tao. Marahil ay handa ka na sa iyong mga matutuhan.
Simulan na natin!

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 5


e
Panuto: Tukuyin ang ugnayan ng kasipagan at wastong disiplina sa paggawa ng tao para sa pag-unlad ng
,
sariling pagkatao.

KASIPAGAN

DISIPLINADO

PAGKAKAUGNAY NG DALAWA:

Gawain 2: Kasipagan, Tagumpay ang hatid!


Panuto: Isulat ang benepisyo o ibubunga ng kasipagan at disiplina sa paggawa. May nakalaang halimbawa para
sa iyo.
Bunga
Kasipagan 1. Halimbawa: pagkakaroon ng magandang kinabukasan
2.
3.
4.
5.
Disiplina 1. Halimbawa: pagkakaroon ng respeto
2.
3.
4.
5.

Mahusay! Nagawa mo ang mga gawain sa Paglinang. Upang higit kang magkaroon ng kaalaman sa ating
aralin, muli mong isagawa ang mga gawain sa bahagi ng Pagpapalalim. Alam kong kayang-kaya mo ang
inihandang gawain para dito.

PAGPAPALALIM
Gawain 3-A: Pagbubuod sa Pagkatuto

Sitwasyon 1
Si Ana ay isang mag-aaral na nasa ikasiyam na baitang. Siya ay nag-iisang anak lamang. Araw iyon ng Sabado kung
kaya’t siya ay nasa tahanan lamang. Bago umalis ang kanyang magulang upang magtrabaho, ito ay naglilinis muna ng
kanilang bahay. Iyon na ang nakagawian niyang gawain. Kita sa kanyang mukha ang pagod sa araw-araw ng kanyang
buhay. Naisip mong siya ay tulungan upang mabawasan ang pagod na kanyang nararamdaman. Kinabukasan, si Ana ay
gumising nang maaga upang maglinis ng bahay. Palagi na niya iyong ginagawa tuwing wala siyang pasok sa paaralan.

Sitwasyon 2
Si Myra ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa mga gawain na nakalaan para sa kanya. Natatapos niya ito sa takdang
oras at nakakapagpahinga nang maaga. Samantala, ang kanyang kapatid ay hindi pa natatapos ang kanyang gawain kung kaya’t
tinulungan niya agad ito.

Sitwasyon 3
Hindi matapos tapos ni Julie ang proyekto sa Science. Ilang beses na siyang gumagawa pero laging mali. Naiinis na siya dahil
nahihirapan sa mga gawain. Maya-maya, nakita niya ang kaniyang pinsan na nagkakasiyahan sa labas. Tinawag siya nito at
pilit na pinapasama. Tinanggihan niya ito dahil inuna niya ang gawaing pampaaralan. Kinailangan niyang magsipag at
magsikap sa pag-aaral.

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 6


e
Guided Generalization Table
Mahalagang Tanong Sitwasyon 1 Sitwasyon 2 Sitwasyon 3
Paano nakatutulong ang C: Tanong: Tanong: Tanong:
kasipagan at wastong Paano ipinakita ang ang Paano ipinakita ang ang Paano ipinakita ang ang
disipilina sa produktibong pagkakaroon ng disiplina pagkakaroon ng disiplina pagkakaroon ng disiplina
paggawa? at kasipagan sa paggawa? at kasipagan sa paggawa? at kasipagan sa paggawa?
E: Tanong: Tanong: Tanong:
Ano ang patunay sa iyong Ano ang patunay sa iyong Ano ang patunay sa iyong
sagot? sagot? sagot?
R: Tanong: Tanong: Tanong:
Paano mo nasabing ito Paano mo nasabing ito Paano mo nasabing ito
ang magpapatunay sa ang magpapatunay sa ang magpapatunay sa
iyong sagot iyong sagot iyong sagot
Magkaparehong ideya ng tatlong sitwasyon na nasa katuwiran:

Gawain 3-B: Talahanayang C-E-R


Panuto: Mula sa sitwasyong nakalahad, suriin ito at isagawa ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa isang buong papel.

Sitwasyon
Likas na kay Sonia ang hilig sa pag-aaral. Bata pa lamang siya ay kakikitaan na siya ng hilig sa pagbabasa.
Hindi man siya nakatatanggap ng malalaking parangal sa paaralan, sinikap pa rin makapagtapos ng pag-
aaral upang maabot ang kaniyang pangarap. Ngayon, siya ay isa ng guro sa pampublikong paaralan.
Naiahon niya sa hirap ang kanyang mga magulang. Tunay ngang makakamit lamang ng tao ang bunga ng
magandang buhay kung siya ay masipag, may dedikasyon at disiplina.

C-E-R TABLE
Bakit mahalagang maisabuhay ang kasipagan at disiplinadong mamamayan?
Sagot sa tanong:
Ano ang iyong patunay sa iyong sagot?
Paano mo nasabing ito ay magpapatunay sa iyong sagot?

IKATLONG LINGGO
PAGLILIPAT
Gawain 4: Pagsunod sa mga Hakbang
Panuto: Sumulat ng sariling pananaw sa paggawa. Katapat nito, ilahad ang mga positibong pagpapahalaga na
inilalarawan. Isulat ito sa isang buong papel. Ang unang bilang ay inilaang halimbawa para sa iyo.
Ang Aking Pananaw sa Paggawa Mga Positibong Pagpapahalaga
1. Aalis ako nang maaga upang hindi mahuli sa oras Pagiging maagap
na itinakda para simulan ang aking gawain.
2.
3.
4.
5.
6.
7
8.

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 7


e
9.
10.

Gawain 5: Aking plano ay gagawin


Panuto: Bumuo ng sariling plano para sa pang-araw-araw na gawain na kakikitaan ng kasipagan at
pagpupunyagi.
Araw Itinakdang Gawain
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo

Magaling! Buong husay mong natapos ang unang bahagi ng modyul na ito. `Di ba sabi ko, kayang-kaya
mo itong gawin.

IKALIMANG LINGGO
PAGTUKLAS
Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating tatalakayin. Subukin mong
sagutin ang mga gawain sa ibaba.

Pagsasanay 3: Ang Aking Pasya

Panuto: Isulat sa unang kolum ang iyong mga wastong nagawa sa buhay at sa kabilang kolum naman ay ang
maling nagawa. Gawin ito sa isang buong papel.
WASTONG NAGAWA MALING NAGAWA
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Pagsasanay 4: Kagalingan sa Paggawa

Panuto: Bilang isang kabataang Pilipino, itala ang mga pangkasalukuyan mong gawain na nagpapakita ng mga
pagpapahalaga sa kagalingan at mabuting etika sa paggawa. Isulat ito sa isang buong papel.
KAGALINGAN SA PAGGAWA
1.
2.
3.
4.
5.

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 8


e
PAGLINANG
Gawain 1: Oras ko, Pananagutan ko!
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng tamang paggamit ng oras at MALI kung hindi
nagpapakita ng tamang paggamit ng oras. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.
______1. Pagiging organisado.
______2. Paghahanda sa kakailanganin o gagamitin sa gagawing paggawa.
______3. Pag-aaral nang naaayon sa kagustuhan ng panahon.
______4. Paghahanapbuhay sa murang edad upang magkaroon ng pang-araw-araw na gastusin.
______5. Pagpaplano nang mabisa at makatotohanan.
______6. Pagtalaga ng mga priyoridad
______7. Paglilibang tulad ng barkada, inuman at paninigarilyo.
______8. Hindi pagtulog sa takdang oras.
______9. Paglikha ng mga kondisyon.
______10. Pagtakda ng deadline o takdang petsa para tapusin ang gawain.

Gawain 2: Walang Wakas ang Panahon


Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa papel ng sinundang gawain.
Si Dahlia ay isang dalagang ina. Ang kanyang anak ay isang taong gulang pa lamang. Siya ay
nakapagtapos ng pag-aaral at nagtatrabaho sa isang kumpanya para sa pangangailangan ng kanyang anak. Hindi
man niya hawak lahat ng kaniyang oras, subalit nakagagawa siya ng paraan upang mabigyan ng sapat na oras ang
kaniyang anak. Mahusay niyang napamamahalaan ang panahon na may mabisang paggamit ng oras upang
magawa ang tamang gawain. Umiiwas siya sa anumang di-mahalagang gawain na magiging sagabal sa pagkilos
at matapos agad ang itinakdang gawain sa trabaho man o sa kanilang tahanan.

Mga Tanong:
1. Ano ang pag-uugali ng taong may wastong pamamahala ng panahon?
2. May nakita bang suliranin o sagabal sa pagkilos mula sa sitwasyon? Ano ito?
3. Ano-ano ang mabuting bunga sa pagkatao ng wastong pamamahala ng panahon sa sarili, sa kapwa,
at sa lipunan?

IKAANIM LINGGO
PAGPAPALALIM
Gawain 3: Pinatnubayang Paglalahat

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa para masagot ang Guided Generalization Table.
Sitwasyon 1
Si Andy ay lumaking walang nakagisnang mga magulang. Ang kaniyang lolo at lola lamang ang
siyang nagtaguyod upang siya ay makapag-aral. Nang pumanaw ang kaniyang lola, huminto siya sa pag-
aaral at napasama sa mga barkada. Naubos ang kaniyang oras sa pag gugol sa masamang gawain. Lahat ng
bisyo ay kaniyang naranasan at nasira ang kaniyang buhay. Nang makilala niya ang kaniyang napupusuan,
siya ay nagbagong-buhay. Inayos niya ang kaniyang sarili at ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Nagsisi
siya sa huli at hinarap ang bagong buhay.

Sitwasyon 2
Si Rex ay nasa ikaanim na baitang na sa paaralan. Sa gitna ng pandemya siya ay nawiling maglaro
ng mga online games. Palagi siyang napagagalitan ng kanyang nanay dahil hindi niya nasasagutan ang
kaniyang modyul dahilan ng pagbaba ng kaniyang marka.

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 9


e
Sitwasyon 3
Si Leni ay isang maralita. Sa kabila ng kaniyang sitwasyon sa buhay, sinikap niyang makapag-aral. Siya ay
pumasok bilang working student sa kaniyang pinapasukang pampublikong paaralan. Lahat ng oras at
panahon ay kaniyang ginugol sa pag-aaral. Siya ay umiwas sa mga manliligaw, barkada at iba pang
masamang impluwensya upang hindi siya maligaw ng landas at sa halip ay matupad ang kaniyang
minimithiing pangarap.

Guided Generalization Table


Mahalagang Tanong Sitwasyon 1 Sitwasyon 2 Sitwasyon 3
Paano maipamamalas ng C: Tanong: Tanong: Tanong:
mag-aaral ang pag- Paano ipinakita ang ang Paano ipinakita ang ang Paano ipinakita ang ang
unawa sa pagkakaroon pagkakaroon ng tamang pagkakaroon ng tamang pagkakaroon ng tamang
ng tiyak na layunin at paggamit sa panahon? paggamit sa panahon? paggamit sa panahon?
pagbuo ng produktong E: Tanong: Tanong: Tanong:
mayroong kalidad? Ano ang patunay sa Ano ang patunay sa Ano ang patunay sa
iyong sagot? iyong sagot? iyong sagot?
R: Tanong: Tanong: Tanong:
Paano mo nasabing ito Paano mo nasabing ito Paano mo nasabing ito
ang magpapatunay sa ang magpapatunay sa ang magpapatunay sa
iyong sagot iyong sagot iyong sagot
Magkaparehong ideya ng tatlong sitwasyon na nasa katuwiran.

Mapa ng Konsepto ng Pagbabago


Sa bahaging ito, makikita mo ang mapa ng konsepto ng pagbabago na bago at pagkatapos. Ito ang magiging
gabay mo upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto.
Panuto: Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa yunit na ito, tingnan natin ang pagkakaiba ng iyong
sagot sa naunang gawain. Ang bahaging Pagkatapos lamang ang iyong sasagutan. Gamitin ang
kaparehong papel na ginamit sa Pagsasanay 1.
Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos
1. Paano nakatutulong ang kasipagan at wastong disiplina sa
produktibong paggawa?
2. Paano maipamamalas ang pag-unawa sa pagkakaroon ng tiyak
na layunin at pagbuo ng produktong may kalidad?
Ang dami mo nang natapos na gawain. Ngayon, ating alamin ang mga pagkatutong natamo mo sa bahaging
ito. Gawin mo ang pormatibong pagtataya sa ibaba.
PORMATIBONG PAGTATAYA (3-2-1 EXIT SLIP)
3 Tatlong bagay na aking natutuhan sa aralin
2 Dalawang bagay na maaari kong maibahagi sa iba
1 Isang bagay o konsepto na nais pang matutuhan

Walang duda ang kahusayan mo! Natapos mong gawin ang bahagi ng Pagpapalalim. `Di ba madali
lamang. Natutuwa ako sa iyo. Ihanda mo na lamang ang iyong sarili para sa huling linggo.

IKAPITONG LINGGO
PAGLILIPAT
Sa nakaraang mga gawain, ikaw ay nakapagtala ng iyong plano para sa gawain sa araw-araw. Ngayon,
isulat mo ang mga gawaing iyong napagtagumpayan sa itinakdang araw at panahon.

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 10


e
Gawain 4: Ang Aking Nagawa

Panuto: Magtala ng mga napagtagumpayang gawain na nabigyang prayoridad sa takdang araw. Isulat ito sa
isang long bondpaper.
Pangalan: Baitang 9-
Gawaing bahay Gawaing Pampaaralan
Halimbawa: Halimbawa:
1. Paglilinis ng bahay 1. Pagsagot ng modyul sa tamang oras

Binabati kita at matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa modyul na ito.
Walang dudang isa kang masipag at matalinong mag-aaral.

SUSI SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagtataya
1. B 6. B
2. C 7. C
3. B 8. C
4. A 9. A
5. A 10. C
Pagsasanay 2: Kasipagan, Isabuhay!
Ang mga nasa larawan ay mga manggagawa na ginugugol ang oras at panahon sa paggawa at
paghahanapbuhay upang magkaroon ng sapat na kita at panahon sa pagtatrabaho para sa pamilya.
Pagsasanay 3: Ang Aking Pasya
WASTONG NAGAWA MALING NAGAWA
1. Pag-aaral nang mabuti 1. Hindi pakikiisa sa mga gawaing pampamayanan
2. Pagtulong sa mga gawaing bahay at komunidad 2. Pagiging tamad sa gawaing bahay
3. Pakikilahok sa mga gawaing pambarangay 3. Kawalan ng oras sa pag-aaral dulot ng gadget
Gawain 1: Oras ko, Pananagutan ko!
1. Tama 6. Tama
2. Tama 7. Mali
3. Mali 8. Mali
4. Mali 9. Tama
5. Tama 10. Tama

ESP 9// MGA PAGPAPAHALAGA SA PAGGAWA // S.Y. 2021-2022 11


e

You might also like