Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FLORANTE AT LAURA

Francisco “Balagtas” Baltazar

- Isinilang noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan


- Sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz, mga magulang
- Felipe, Concha at Nicolasa, mga nakatatandang kapatid
- Noong 1799, lalabing-isang taon si Kiko, pumasok siyang katulong sa isang nakaririwasang malayong
kamag-anak na naninirahan sa Tundo dahil sa gusto niyang makapag-aral at makatulong sa ama na isang
panday.
- Noong 1812, sa gulang na 24 natapos niya ang Canoness a Colegio de San Jose na paaralan ng
Heswita sa Intramuros.
- Isa sa mga naging guro niya sa paaralang ito ay si Padre Mariano Pilapil, sa panahong niya nailathala ang
Pasyon (1814).
- Itinuturing na pinakatanyag na makata si Jose dela Cruz na kilala sa tawag na “Huseng Sisiw”. Ganito
ang tawag sa kanya sapagkat sisiw ang hinihingi niyang bayad sa bawat tulang ipinasusulat o ipinaaayos sa
kanya ng mga binate para sa kanilang mga nililigawan.
- Si Kiko ay suki ni Huseng sisiw, na minsa’y tinanggihan nito nang hindi makabayad ng hinihinging sisiw.
Mula noon, hindi na muling nagpaayos ng tula si Kiko at nag-aral nang sumulat ayon sa sariling istilo.
- Noong 1835-1836, lumipat ang makata sa Pandacan at nakilala si MARIA ASUNCION RIVERA, ang Celia
o Selya na pinaghandugan niya ng kanyang Florante at Laura.
- Sinasabing may Biyanang, Lucena at Maria Ana Ramos na unang pinag-ukulan ng makata ng
pagmamahal.
- Nakaagaw niya sa pag-ibig kay Maria Asuncion ang isang mayamang binata, si MARIANO CAPULE na
gumamit ng kapangyarihan upang maipakulong si Kiko sa maling bintang.
- Sa loob ng bilangguan hinabi ang Florante at Laura. Maaaring itinulak ang makata ng pangungulila sa
dalagang minamahal at ng tinitimping poot sa kanyang kaapihan upang makalikha ng isang tulang
naglalarawan sa kalupitang pinamamayani ng mga Kastila sa nasasakupang mga Pilipino.
- “Itong ‘di matiis na pagdaralita ang siyang umakay na ako’y tumula.”
- 1838, pagkalabas sa kulungan ay ipinalathala niya ang Florante at Laura.
- 1840, lumipat siya sa Bataan. Dito ay humawak siya ng iba’t ibang tungkulin sa pamahalaan at nakilala si
JUANA TIAMBENG na taga-Orion at bata sa kanya ng maraming taon. Nagkaroon sila ng Labing-isang
anak.
- Muling siyang nakulong sa sumbong ng katulong ng Alferez Lucas, ‘di umano’y pinutulan niya ito ng buhok,
nan ang panahong iyong ay karaniwang parusa sa mga babaing may nagawang kasalanan. Anim na buwan
siyang nakulong dito sa Balanga at nilipat sa Bilibid, Maynila. Nakalaya siya noong 1860.
- Namatay siya noong 1862, bago namatay ay nakasulat siya ng mahigit sandaang dula, komedya, awit at
korido. Sa kasamaang-palad, nasunog ang marami sa mga ito nang magkasunog sa Udyong noong 1892.

“Balagtas” o “Baltazar”?

- Ayon kay Padre Blas M. de Guernica, kura paroko ng bayang Bigaa sa kanyang partida de bautismo ay
“Francisco Balagtas” na nakatala sa Indice alfabetico del libro de bautismo de Bigaa “Francisco, anak
na tunay ng mag-asawang sina Juan Balagtas at Juana Cruz, mga taong tunay ng bayang ito.”
- Sa kasulatan ng pag-aasawa at sa pagkakalibing ay “Francisco Baltazar ” na tumutukoy sa “Francisco
Baltazar na anak nina GG. Juan Baltazar at Juana de la Cruz.”
- Sinabi ni Hermenegildo Cruz na ayon kay Padre de Tavera, ang apelyidong “Baltazar ay ginamit ng
makata magmula nang siya’y manirahan sa Tundo.”
- Isa pang apelyido ng makata alinsunod sa utos ni Goberanador-Heneral Claveria noong 1842 na gumamit
ng apelyidong Kastila ang katutubong mga mamamaya, NARVAEZ ang kanyang piniling apelyido.

FLORANTE AT LAURA

- Ay isang awit na binubuo ng 399 saknong.


- Ito ay may 12 pantig sa bawat taludtod.
- Maituturing na isang Alegorya, isang akda na ang mga tauhan at pangyayari ay sumasagisag sa ibang
bagay. Noong panahon ni Francisco, mahigpit ang mga paring sensor. Walang kalayaan sa pagsasalita.
Gaya ng sinabi ng binatang nakagapos, sino mang magsabi ng totoo ay “agad binibiyak at sinisikangang
kalis ng lalong dusting kamatayan.
- Wala ring kalayaan sa pananampalataya. Naghahari ang kasamaan at kalupitan ng mga Kastilang
namumuno na walang hangad kundi ang yaman ng Pilipinas.
- Ganito ang namamayaning kalagayan ng kanyang panahon na tinutulan ni Balagtas sa kanyang akda. Ang
patutol na ito ay tinawag ni Lope K. Santos na “mga himagsik” ni Balagtas. Ito ay ang pagtutol sa maling
pamamahala ng mga namumuno sa isang bayan, sa maling pagppapalaki ng mga anak, sa maling
paniniwala hinggil sa relihiyon at sa kawalan ng kalayaan sa pagsasalita.
- Ngunit hindi tuwiran ang pagpapahayag ng kanyang pagtutol. Ginamit ni Balagtas na tagpuan ang isang
bayang Europeo, ang Albanya. Gumamit siya ng mga hayop na tulad ng leon, buwitre atbp. Sa gayo’y
naikubli ng makata ang kanyang tunay na hangaring ibunyag ang kasamaang sumisikil sa mga kalayaan ng
bawat isa.

You might also like