Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang pagkaligaw ay maaaring bahagi ng paglalakbay.

Sa daang ating tinatahak


maaaring lumihis tayo sa orihinal na landas na ating pinlano ngunit sa pamamagitan
nito maaaring makatagpo tayo ng tanawin na hindi natin inaasahang may tinataglay na
lubos na kagandahan. May mga pagkakataong mahahanap natin mula sa pagkaligaw
ang ating di-matukoy na inaasam.

Bago libutin ang mundo maging turista ka muna sa iyong sariling bayan. Noon pa
man ninanais ko nang makapunta sa Subic Bay na matatagpuan sa Zambales. Bukod
sa tinataglay nitong natatanging kagandahan, hitik din ito sa kasaysayan. Ang
karagatang ito ay kasudlong pa ng West Philippines Sea at ang baybayin naman nito ay
dating kampo ng US Navy. Sa kasalukuyan ito ay mayroong daungan ng mga yate at
barko, paliguan, at pasyalan. Dalawang taon mula ngayon natupad ko na ang aking
mithiin na makapunta sa lugar na ito. Nakakatwang napadpad kami sa lugar na ito dala
ng pagkaligaw. Ang aming orihinal na ruta ay patungo sa Olongapo ngunit naligaw kami
at sa halip ay nakapunta sa Subic Bay. Labis ang kagandahang tinataglay nito. Ang
maalat na ihip ng hanging-dagat ay sadyang nakapaghahatid ng kapayapaan. Ang
pinong buhangin at asul na dagat ay nakatutuwang tanawin.

Ang karanasan na iyon, bagamat hindi inaasahan ay sulit at hindi


matutumbasan. Ang kabuoan ng lugar ay tunay na kawili-wili. Ang bawat marahang
hampas ng alon ay nagsisilbing ala-ala ng aming pagbisita sa Subic Bay na noong
aking pagkabata ay inaasam ko lamang.

You might also like