Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Jan Faustine L. Soriano (May 27,2017) Sabi ni Jose Rizal “Kabataan

angasa ng bayan”, ngunit ano na nga ba angnangyayari sa mga kabataan ngayon? Sila

parin ba ang pag-asa ng ating bayan o sila nalang ang siyang nagbibigay problema sa

ating bayan? Oo, ang kabataan ang pag-asa ng bayan, totoo ito dahil sila ang tutulong

magangat samga suliranin ng bayan at haharap sa panibagong bukas ng masagana

dahil matatalas ang mga pagiisip nila at nakikita na nila ang mga mali at pagkukulang ng

mga mas matatanda na kanilang itatama sa takdang panahon ngunit ganyan parin ba sa

ngayong henerasyon? Ganyan parin ba ang pagiisip ng mga kabataan para sa kanilang

sarili at sa kanilang bayan?

“Ang mga kabataan sa ngayon ay ibang iba sa henerasyon namin noon”, “malaki

ang pagbabago ng mga kabataan”, “ibang iba na talaga ang panahon ngayon lalo ng

ang mgakabataan” yan ang laging sinasabi ng aking lolo’t lola. Nagbabago ang

panahon, ang heneresyon at pati rin ang mga kabataan ay nagbabago sa iba’t ibang

larangan mapanegatibo man o positibo. Laging nakwekwento ng akin lolo at lola ang

buhay nila nung sila ay mga kabataan pa lamang. Sa pag ayos ng pananamit, maayos

na pananalita at pagsagot sa mga nakakatanda, sa pag aaral mabuti, sa kilos at galaw

at kung ano ano pa. Noon daw pag pinagalitan na ng mga magulang ang mga kabataan

sila nalang ay tumatahimik hindi gaya ngayon na kahit mangiyak na ang magulang sa

pagsasaway sasagot at sasagot parin ang mga kabataan. Noon napaka konserbatibo

nila sa pananamit hindi gaya ngayon basta makisama sa uso. Lalo na rin sa pag-aaral

noon sobrang seryoso ng mga kabataan gagawin ang lahat para makapagtapos hindi

katulad ngayon hindi na pinapahalagaan ang pag-aaral at nagiging pabaya na rin.

Makikita mo nalang ang mgakabataan nasa mall, sa mga computer shop, sa mga bar at

sa mga gilid tumatabay at nakakalimutan na nila ang kanilang ibang prioridad.


(https://www.academia.edu/36294100/Ang_Kabataan_Noon_at_Ngayon)

Sa pananaw ni Cyril Cabahug (Friday,December 2018) ang kabataan noon at

ngayon ay may malaking pagbabago at pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit,

damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang,

masunurin dahil sa isang tingin lang ng magulang sa kanilang anak tumatahimik na o

kaya'y sumusunod na agad. Ang mga kabataan noon ay lubhang taimtim sa puso’t

isipan nila ang kanilang ginagawa, may respito sa kapwa, mga walang bisyo at maka-

Diyos; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay di na gaanong nagbibigay galang at

pinipilit ang sarili na maki-uso at magbago. Pagdating sa pananamit, lalong masinop sa

pag-aayos ng katawan at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan

noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay may disiplina sa sarili habang ngayon ay di

na gaanong napapansin o sinusunod ang mga magagandang bagay o asal.

Noong unang panahon ang mga kabataan ay palaging nasa tahanan lalo na ang

kababaihan. Sila ay tumutulong sa kanilang mga magulang sa gawaing bahay. Sa

panahon noon ay mas makapag-aaral pa sila ng mabuti dahil noon wala pa ang

tinatawag nilang Internet o di kaya ay T.V. at cellphone at iba pa. Hiindi pa sila

bubulakbol o sumasama sa kanilang mga barkada kung wala ang pahintulot ng kanilang

mga magulang. Kung sila'y sumasama sinisigurado ng mga magulang na nasa tapat ng

bahay lamang ang mga ito at nagsasayahan habang naglalaro kasama ang mga

kaibigan. Samantalang ngayon, hindi sila natatakot sa kahit na sino. Sa madaling salita

matigasin na talaga ang kanilang mga ulo. Kahit hindi pinapayagan ng magulang na

sumama sa kanilang mga kaibigan, hindi talaga nila ito sinusunod kaya minsan ang

kadalasang nangyari ay marami ang nabuntis na mga dalagang kabataan at marami din

ang nalulong sa masamang bisyo. Hindi lamang ang mga magulang ang may

pagkukulang sapagkat ang mga kabataan na sinusunod ang kanilang gusto na walang
pakikipag-ugnayan sa magulang. At nag lalaro narin sila ng online games o sa tinatawag

nilang internet. At minsan hindi na sila pumapasok sa skwela para mag-aral, imbis na

mag-aral sila ay nagtatambay na sila kahit saan. Kadalasan sa kanila hindi na

pumapasok ng dahil sa kawilihan sa teknolohiya.

(https://pahinanimatahum.blogspot.com/2018/12/ang-pagbabago-ng-kabataan-noon-at-

ngayon.html?m=1)

Sa pananaw ni jhiaganda (June,12 2019) Malaking bagay ang nagagawa ng

impluwensiya mayroon sa bawat henerasyon sa pagkahubog ng mga kaugaliang

pinahahalagahan ng mga tao, lalo at higit ng mga kabataan. Anumang salik mayroon sa

henerasyon na iyon ay masasalamin sa mga gawi, pananalita at kahit sa takbo ng

pananaw ng mga taong makagigisnan ito. Sa makatuwid, ang bawat henerasyon ay may

pagkakaiba; may kanya kanyang kahinaan at kalakasan, may mga tunay na ginto at ang

iba ay pilak.

Ang mga kabataan noon kung ihahambing sa ngayon ay masasabing nabuhay sa mas

simpleng mundo; malaya mula sa impluwensiya ng kasalukuyang teknolohiya. Sila ay

namulat sa mas payak na pinagkalilibangan. Ang paglalaro o paglilibang ay

pinagbubuhusan ng pisikal na pagganap at ang epekto nito ay mas dalisay na

kaligayahan na nagpapalalim ng personal na relasyon sa kapwa. Higit sa lahat ang

kanilang pananaw ukol sa pagsusumikap ay naka angkla sa ibayong pagbabanat ng

buto, pagtitiis ng hirap, tagaktak ng pawis at seryosong dedikasyon patungo sa kanilang

ninanais na tagumpay.

Samantala, ang mga kabataan ngayon ay may sariling paraan ng pagpapakita ng

pagpapahalaga sa mga bagay na may kabuluhan. Ibayong pagsisikap pa rin ang

puhunan ng matamis na tagumpay. Ngunit sa kumplikadong mundo na nakabalatkayo


sa teknolohiyang ang alok ay mas magaang pamumuhay, ang balik ay madaling

pakikipag-ugnayan ngunit madalas ay paimbabaw lamang. Sa ganitong aspeto

matatagpuan ang hamon sa mga kabataang nasa henerasyong ito. Paano nga ba

mapapalalim ang pagpapahalaga sa mga makabuluhang bahagi ng pamumuhay at

pakikipagkapwa-tao? Paano nga ba manunumbalik ang sigla ng pagpapahalaga sa

dignidad ng pagkatao, dangal ng prinsipyo, pananampalataya at respeto sa kapwa?

Ang bawat henerasyon ay tunay ngang may sari-sariling pinagkakaiba. Ang kaibahang

ito ay maghatid nawa sa bawat isa ng mas kaaya-ayang paglago at makatulong sa

kaganapan ng pagiging isang tunay na tao na sa bawat sandali ng buhay ay

nagpapakatao.

(https://stakecommunity.com/topic/21706-ang-kaibahan-ng-mga-kabataan-noon-sa-

mga-kabataan-ngayon/)

Malaki ang pinagbago sa mga kabataan noon at sa modernong panahon. Kahit sa

ating henerasyon, makikita mo ang malaking pag-angay ng teknolohiya at antas ng

pamumuhay. Kahit ika’y nasa edad na 20 pa lamang, ang mga nakababatan na nasa 10

o 15 na taong masbata sa yo’ ay malaki na ang pinagkaiba. Ito’y dahil sa modernisasyon

at pag laganap ng teknolohiya. Dati, ang mga kabataan ay naglalaro pa sa labas ng

habulan, tago-taguan, chinese garter, at iba pang larong Pinoy. Pero, dahil sa

teknolohiya, mas naaakit na ang mga kabataan sa panonood ng mga video sa YouTube

at paglalaro ng mga games sa selpon. Ngunit, ang pinagkaiba lamang dito ay ang

paraan kung paano sila mag laro at mag libang. Nabigyan lamang ng bagong

plataporma upang gawin ito. Sa ngayon, hindi mo na kailangang puntahan ang bahay ng

kaibigan mong malayo upang kayo’y makapaglaro.


(https://philnews.ph/2021/02/04/kabataan-noon-at-kabataan-ngayon-paghahambing/?

utm_content=expand_article)

Sa pananaw naman ni Rose Ann Delos Santos (August 29,2021) Noon,

sinasabi nila na ang mga kabataan ang pag-asa nang ating bayan. Subalit, sa panahong

ito’y mukhang nag-iiba na ang turing nang mga tao o mga nakatatanda sa mga

kabataan ngayon. Dahil sinasabi na nila na ang mga kabataan sa panahon ngayon ay

ang siyang nagiging salot nang bayan. Hindi ba’y ang laki nang pagkakaiba?

Mula sa sinabi nilang… “Ang mga kabataan ang pag-asa nang bayan.” Hanggang

sa… “Ang mga kabataan sa panahong ito’y salot sa lipunan.”

Noon ri’y ang mga kabataan ay nakikitang naglalaro sa labas sa tuwing wala nang

gagawin sa loob ng bahay. Maging ang mga kabataang babae’y hindi lumalabas nang

bahay dahil mas mabuting tingnan na ang isang babae ay nananatili lamang sa loob

nang kanilang bahay. Pero ngayon… Makikita mo na ang mga kabataan ngayo’y

nasasama na sa gulo, napapabarkada. Maging ang mga kabataang babae ay hindi na

napipirmi sa loob nang bahay.

Makikita mo na kung kani-kaninong mga lalaki ito kung sumasama o

napababarkada.

Sinusuway ang payo nang kani-kanilang mga magulang. Minsa’y inaabot na nang

umaga sa bahay nang ibang tao.

Hindi ba’t ang dami talagang pinagkaiba nang mga kabataan noon sa mga kabataan

ngayon.

(https://medium.com/@roseanndelossantos71/mga-kabataan-noon-at-ngayon-

3b3c2227ef8)

You might also like