Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

THEATER PLAY:

Lucid Dream

DIRECTOR (PLAYWRITER):
C.Joy Villalobos

ASS.DIRECTOR:
D.Nichole Verdad

MUSICAL DIRECTOR:
A.Eunice Sumilang

STAGED DESIGNER:
Janelle Sebuc

TIME:
15 minutes play

“I knew from the moment I laid my eyes on him that it was


a lucid dream”
CHARACTERS FOR SCENE 1 (LANSANGAN)

PULUBI: Eunice Sumilang

BASKETBALL PLAYER: Shan Hanley


Dhan Manalo
Sam Enriquez

BISAYANG TINDERA: Hershey Adobas

ANAK NG BISAYANG TINDERA: Maureen Welgas

TAMBAY/MAG-IINOM: Jericho Rivera


Lorence Villalobos
Elaine Maulion
Raquel Mendoza
MANICURISTA: Ronald Pawilan

NAGPAPAMANICURE: Aliyah Sinuhin

NAGSASAMPAY: Kristalyn Carbon


Angelina Pelayo

NAGWAWALIS: Janelle Wapin


Mary Grace Miranda
Rizalyn Masalunga
Angel Jasmine Maniagale

BATANGUENONG MATANDA: Janelle Sebuc


[SCENE 1] LANSANGAN

[Nakaharang muna ang mahabang tela para hindi kita ang mga pagsset-up
sa stage. Once na all set na, nasa stage na mismo ang mga gaganap. Naka
freeze muna sila until marinig na nila ang background music na hudyat ng
pagsisimula ng play.]

(Si Eunice ay nagkakalkal ng basura. Sina Ronald at Aliyah ay nasa malapit


sa tindahan at nagmmanicure. Sina Jericho, Lorence Raquel at Elaine na
may hawak ng gitara ay nasa isang pwesto katapat ng tindahan ni Hershey.
Sina Krista at Angelina naman ay nagsasampay sa gilid katabi ng tindahan.
Sina Wapin and the other girls naman ay nagwawalis sa gilid. Wala pa sa
eksena sina Janelle at yung mga basketball players.)

NOTE: Kahit wala pa kayong lines kailangan tuloy padin kayo sa inyong mga
ginagawa. Kung lines nyo na naman, pwede kayong mag-adlib basta yung
thought naandon padin.

HERSHEY: (nasa loob ng tindahan nya, nagpapaypay hawak ang listahan ng


mga utang) Aba! Aba! Mahaba haba na din tong listahan, mabuti sana kung
nagbabayad ano, may pandagdag na sana ako sa pambili ng mga paninda.
Kung di lang talaga makakapal ang muka (in bisaya language)

(Papasok si Janelle)
JANELLE: Kakahapon laang ako sa iyo umutang ay ano ga’t palakat na.
Hindi ka ga nakapag-almusal at barino na agang-aga (in batangueno
language)

(Iirapan ni Hershey si Janelle at magpapatuloy sa pag-aayos ng kanyang


paninda. Si Janelle naman ay tutungo sa mga nag-iinom)

JERICHO: Naingay na talaga pag natanda ano Pareng Enchong. (makikipag


cheers sa tumatawang si Lorence)
JANELLE: (hahalukipkip) Kaysa naman gumaya sa inyong ke aga-aga ay
alak na agad ang dale. Maka-tsismis na nga laang dine kina mare, anong
aga naman kung maglaba. (lalapit kina Angelina at Carbon)

(Magchichikahan ang tatlo. Maya-maya’y mapapansin ni Janelle si Eunice)

JANELLE: (nakaharap pa rin sa dalawa) Ala eh, sino ga naman areng


batang areng dungising dungisin?

ANGELINA: Naku nga-ngayon ko nga laang din yan nakita.

KRISTA: (kakantahin ang “PULUBI” ni Freddie Aguilar with gestures,


movement and expression)
Ang suot nya ay lumang-luma
At ang kanyang mga mata’y malamlam
Banaag mo sa kanyang muka ang kahirapan
Maghapon sya sa mga daan,
Nanghihingi ng konting tulong
At madalas nyo syang hamakin at libakin
Siya ay pulubi, hinahamak ninyo
Siya ay pulubi, tao ring katulad nyo

(Habang kumakanta si Krista ay ang expression ng muka ni Janelle at


Angelina ay parang naguguluhan at di makapaniwala)
(Pagkatapos ng kanta ay lalapitan nila si Eunice)
(Papasok na sa scene ang mga basketball player)

SHAN: (may hawak na bola) Ano mga pare, g ba kayo sa laban mamaya.
Pupusta daw ‘yung mga taga kabilang baranggay, sayang din ‘yon.

DHAN: Aba syempre naman, g tayo dyan, pampapawis din. Wala naman
tayong gagawin mamaya diba.
SAM: Baka makakita din tayo ng chix don, ayos din (magtatawanan)

(Iddribble ni Shan ang hawak na bola at isshoot sa ring pero si Eunice ang
matatamaan)

EUNICE: (hahawak sa ulo at sasamaan ng tingin si Shan bago lapitan) May


problema ka ba sakin!?

SHAN: (itataas ang dalawang kamay at medyo uurong) Teka Miss wala
akong problema sayo ha. Hindi mo ba nakitang aksidente yon?

EUNICE: (itutulak tulak si Shan) Wala akong pakialam. Nasaktan ako, okay!
(akmang lalapit si Shan ngunit uurong si Eunice at kakantahin ang mga
linyang ito na may tonong Porque, with emotion)
Huwag ng lumapit at baka masampal lang kita
Magsisi ka mang ako ay tamaan…

SHAN: (hahawakan ni Shan ang siko ni Eunice at ihaharap sa kanya bago


kantahin ang mga linyang ito na may tonong “Sorry Na” ng Parokya ni
Edgar with emotion)
Sorry na kung nagalit ka, di naman sinasadya
Kung natamaan man kita, ay patawarin mo ako
Sorry na, nakikinig ka ba?

(Iirapan ni Eunice si Shan at magtutungo ito sa tindahan ni Hershey at uupo


sa upuan malapit kina Ronald)
(Lalapit naman sina Dhan at Sam kay Shan na ngiting ngiti at aasarin nila ito)

DHAN: Grabe pare nagayuma ka ata. (yuyugyugin ito)

SAM: Kung nakikita mo lang sarili mo ngayon, para kang baliw sa kangingiti.
(hahampasin ito ng pabiro sa balikat)
SHAN: (iiling iling at bahagyang lalayo. Kakantahin nya ang linyang ito mula
sa “Love Story Ko” ni Gloc 9 with emotion, feelings and gestures)
Ako’y nagtataka saking nadarama
Nang makita sya ay kumislap aking mata
Kahit ligaw tingin sana ay yong mapansin
Nang makumpleto ko ang love story ko

(Sa third to fourth line ay titingin si Shan sa pwesto ni Eunice. Pag natapos
na ang kanta ay iiling iling na aakayin nina Dhan at Sam si Shan para umalis
na sa scene. Pagka-alis nila, tska papasok ang scene nina Ronald)

RONALD: (Mapapatingin sa pwesto ni Eunice at bahagyang magugulat)


Ay kabayo! Aba ining hindi ba sayo uso ang maligo at magbihis ng malinis?

EUNICE: (Mapapakamot sa ulo) Ahm mabaho po ba ako? (aamuyin ang


sarili) Pasensya na po kayo napadpad lang naman po ako sa lugar ninyo. Eh
hindi ko nga ho alam anong nangyari at naririto ako (tunog nahihiya)

ALIYAH: (hahampasin ng malumanay si Eunice gamit ang pamaypay) Kay


gandang bata mo naman! (tatayo sa pwesto niya) Halika, umupo ka rito at
magto-total make over tayo! (hihilahin si Eunice at pwersahang pauupuin)

EUNICE: (Maguguluhan) Ha? Ano pong gagawin nyo sakin?

RONALD: (ngi-ngiti ng malawak at kukunin ang kanyang pang make-up)


EUNICE: (after a minute ay kakantahin ang lines from the song “What’s
Gonna Happen” ng Barbie In a Secret Door)
What’s gonna happen, I can’t wait to see
What’s gonna happen, it’s all a mistery
I need to turn the page, prepare to be amazed
See if she’s got it made, whoa-ah-ah-ah-oh
It’s nothing I’d expect, what’s gonna happen next
[Dito na yung scene kung saan parang magttransform na si Eunice into a
beautiful girl. Bale magical, habang mini-make over ay may nakanta at sayaw
din. UPBEAT. Don’t forget the smiles, the expression and the movement]

ALIYAH: OMG! It’s done! (kukunin ang salamin) Tingnan mo, you look
different now!
(mamamangha si Eunice at ang mga taong nasa paligid nya)

[After ng total make over ay may isa pang kanta with choreo]
HERE I AM - Barbie: The Princess and The Popstar
When I was young I played for fun
Made up the words, nobody heard
But now I see, All eyes on me
And suddenly, I’m in a dream
I got a feeling now, everything’s right somehow
Here I am being who I want
Giving what I got, never a doubt now
Here I go, burning like a sparks, light up the dark again
(Pag na settle na, papasok na ang grupo nina Shan)

SHAN: (mamamangha si Shan at lalapit kay Eunice) Wow, anong nangyari


sayo? Tinamaan ka lang ng bola, pagbalik ko ang ganda ganda mo na.

EUNICE: (Mahihiya at hahampasin si Shan) Nambola ka na agad, akala mo


ba makakalimutan ko yung nangyari kanina. (hahalukipkip at tatalikod
bahagya)

SHAN: (hahawakan si Eunice sa siko at ihaharap) Sige, hate me all you want
pero ang ganda mo talaga. You look magical. (hahawakan nya ang chin ni
Eunice habang kinakanta ang mga linya sa kantang “Alapaap” ng
Eraserheads)
Masdan mo aking mata, di mo ba nakikita
Ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama

DHAN/SAM: (nasa gilid lang sila habang kinakanta ang mga linya sa kantang
“Akin ka na Lang” ng Itchyworms)
Wag kang maniwala dyan, di ka nya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo, kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang nyan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae nya..
(Habang kinakanta nila yan, na act sina Eunice at Shan na parang sinusuyo)
(Parang naiinis na rin si Shan sa mga kaibigan nya)

SHAN: (masuyo) Huwag kang maniwala sa kanila. Ngayon lang kita nakita
pero you really caught my heart. (maghahanda para sa pagkanta)

[Ito na ‘yung musical part, may sayaw at acting din]


[Given sa ibaba ang lines ng Oh Pag-ibig at kung saang part kayo]

SHAN: Bakit ganito ang nadarama, makita kang kita ng isang saglit
Ang araw ko ay buong-buo, sa gabi ikaw ang panaginip
Dahil sa iyo puso ko’y sumasayaw, isip di mapakali ngiti ay laging nasa labi

ALL: Nakakakaba, nakakaaliw, nakakakilig, nakakabaliw


Napapakanta, napapaisip, napapangiti, nakakabaliw
Oh oh pag-ibig, (3x) oh oh

SHAN: Oh ano itong aking nadarama, marinig ang boses mong kay tamis
Ang araw ko ay puno ng musika, sa gabi ikaw ang nasa isip

EUNICE/SHAN: Oh dahil sa iyo puso ko’y sumasayaw


Isip di mapakali, ngiti ang laging nasa labi…
(bale dito sa duet nila ang last step sa sayaw ay iikot ni Shan si Eunice then
magkakatinginan sila. After a moment parang may mangyayari then
magsasarado na ulit yung tabing para hindi makita ng audience ang
pagpapalit ng set up para sa next scene)

NOTE: Please make it smooth. For the next scene make sure na hindi
maingay at mabilis dapat ang kilos.

CHARACTERS FOR SCENE 2 (KWARTO)

ANAK: Eunice Sumilang

INA: Janelle Sebuc


[SCENE 2]: KWARTO

[Sa pagbubukas ng tabing, makikita si Eunice na nakahiga sa isang kama.


Kasabay nito ang pagtunog ng isang alarm clock.]

(Mula sa hagdan ng staged ay aakyat si Janelle at kakatukin ang isang


pintuan. Pagkatapos ay titigil na sa pagtunog ang alarm clock)

JANELLE: (Pasigaw but still in Batangueno accent) Lucy! Lucy! (bubuksan)


Lucy! Aber, ikaw ba ga’y papasok pa, ba’y ika’y hindi naiingli (naka-
pamewang) Sikat na ang araw ika’y nakahilata pa rin. (hahampasin sa hita
ang nakahilata paring si Eunice)

EUNICE: (mapapa aray sa sakit, bedroom voice, yung parang kagigising lang
ang boses) Aray ko naman Nay, ang ganda ganda na nung panaginip ko oh
(ngingisi ng nakakaloko) Hanggang sa panaginip Nay nangungutang ka
padin

JANELLE: (hahampasin tas nakapamewang na ulit) Ewan ko sayong bata


ka, kung ano anong pinagsasabi-sabi mo dyan. Kung hindi kita ginising
malamang mas late ka na para sa eskwela, wala namang silbi itong alarm
clock mo (kukutingtingin ang alarm clock) (after a moment ay haharap kay
Eunice) Ay sya, sulong na Senorita! Kilos na agad at wag ng pakupad-kupad,
hindi ko alam san ka nagmana. (mapapakamot sa ulo) Naku ang sinaing ko
pala, sumunod ka na din ha! (lalabas na)

(maguunat-unat si Eunice then habang nakaupong nakaharap sa audience


ay magwiwika ito)
EUNICE: Ano kayang ibig-sabihin ng panaginip na ‘yon? Parang totoo ang
lahat. Ang magical! Sino kaya ang lalaking ‘yon? (may excitement sa boses)
(tatayo na at aawitin ang mga linyang ito mula sa kantang “Estranghero” -
Cup of Joe with action and emotion)

Ang dating alam, panaginip na lang, mga sana’y di mabilang


Hinahanap hanap tamis ng nakaraan, ba’t tinatalikuran
Ako ay litong-lito saan ba ito patungo
‘Di ko na alam kung dapat bang ihinto
‘Di alam ang sasabihin, di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa’yo minamahal kong estranghero

(deep sigh after ng awitin)


(hindi magpapakita si Janelle pero maririnig pa rin ang boses niya)

JANELLE: Ano ba Lucy! May balak ka pa bang kumilos!


EUNICE: Opo Nay! Kikilos na po! (tatayo na at magbibihis na)

(Papasok sa dressing room, tapos mabilisang magbibihis ng uniform. After ay


magmamadaling lalabas. Kasabay ng paglabas ni Eunice ang pag-aalis ng
mga props na ginamit sa scene 2, katulad ng kama at iba pa. May nag-aalis,
may mga naglalagay naman ng mga props for scene 3 (lansangan)

NOTE: Please make it smooth and mas mabilis ang pag-kilos

CHARACTERS FOR SCENE 3 (LANSANGAN)

Estudyante: Eunice, Shan Hanley, Dhan, Sam, Kristalyn, Aliyah, Ronald,


Angelina, Maureen, Raquel, Elaine

Tindera: Hershey
Driver: Lorence and Jericho

Nagwawalis: Wapin, Rizalyn, Miranda, Angel Jasmine

SCENE 3 (LANSANGAN)

[Sabay-sabay papasok maliban kina Eunice, Shan, Dhan at Sam. Scattered


na, kanya-kanya na ng pwesto especially if estudyante role mo, kanya-kanya
din ng ginagawa. Typical lansangan set up.]

(Sa pagpasok ni Eunice medyo aligaga sya since alam nyang late na sya.
Magkaiba sila ng way ng dadaanan ni Shan, Dhan at Sam, the reason why
magkakabunggo si Eunice at Shan. Parang matutumba si Eunice so
sasaluhin sya ni Shan by grabbing her waist. Magkakatitigan sila for a minute
then after that, sasabihin ni Eunice ay “nagkita na ba tayo?” pero ngingiti
lang si Shan.)

(After that ay tutugtog na ang kantang “PANAGINIP LANG” ni Alex


Gonzaga) (emotion, acting, choreo-all in one. Mas hype)

ALL: Panaginip lang ba no’ng ika’y nakilala?


Katabi sa klase, tsikahan ang naging hobby
Panaginip lang ba no’ng ika’y napatawa
Sa matalik na kaibigan na hindi namamalayan?

Hindi ko inakalang, doon pala nagsimula


Love story’ng hindi inaasahan
Sa huli, tayo pala sa isa’t isa

Magkahawak ang mga kamay


Magkasabay sa lakad ng buhay
Ang araw at ang buwan
Na ang nagsasabing ako’y sa’yo lamang
At ikaw ay para sa’kin lamang
Parang panaginip lamang
Parang panaginip lamang

ENDING

JANELLE: Maraming salamat po sa inyong panood!


Behind this theatre play is our Musical Director, Aerich Eunice Sumilang.
Staged Designer, your very own Janelle Sebuc. Our Assistant Director,
Dioney Nichole Verdad. And our Director slash Playwriter, Christmas Joy
Villalobos.

JOY: During the creation of this theatre play, I realize that this is not about
who works more or kung sino ang mas nagpuyat at nagpaka-busy, but it is
about how the group was develop through helping each other, may it be sa
pagsasaulo ng lines, choreography and much good acting, all for the
betterment of the play. So, for SET B AGONCILLO, lets all give ourselves a
round of applause for another milestone and success that we reach together.
Thank you Sir Garcia for building us onto something we did not expect we
could be!

ALL: Mahirap pero kinaya! Salamat sa ilang linggong pagsasama at


pagtutulungan!

NOTE: Hindi naman need gawin ang part na to, if in case lang.
“Believing in each other’s capabilities will surely lead us to success”
- SET B AGON (LUCID DREAMER)

You might also like