Professional Documents
Culture Documents
ESP5 Diagnostic Test
ESP5 Diagnostic Test
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kalagayan. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Napakinggan ni Jhoever ang balita sa radyo na may paparating na bagyo. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magsaya dahil may paparating na bagyo.
B. Ipagwalang bahala ang napakinggang balita.
C. Maghanda alang-alang sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
D. Manalangin na sana lalong lumakas ang ihip ng hangin at ulan.
2. Hilig ni Jhociel na manood ng programang pantelebisyon. Napansin niya na inaway ng bata ang kalaro niya. Ano
kaya ang naramdaman ni Jhociel sa kanyang napanood?
A. Nainis sa batang nang-away pagkat batid niyang masama iyon
B. Natuwa siya at nagtatatalon sa kasiyahan.
C. Natulala at napaluha sa nakita.
D. Namangha at napaisip sa ginawa ng bata.
3. Libangan ng pamilya ni G. Angelo Sarmiento ang panonood ng telebisyon. Ano ang kabutihang dulot nito sa bawat
kasapi ng pamilya?
A. Nagiging matibay ang samahan ng bawat kasapi ng pamilya.
B. Napapabayaan ng mag-anak ang isa’t-isa
C. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-anak
D. Nagkakanya-kanya ang bawat kasapi
4. Si Jezza ay mahilig mag-internet na kung saan umaabot siya ng madaling araw sa pag-FB. Ano ang magiging epekto
nito sa kanya?
A. Hihina ang kanyang resistensiya at maapektuhan ang kanyang kalusugan
B. Dadami ang kanyang magiging kaibigan
C. Magiging kilala siya sa social media
D. Dadami ang magmemensahe sa bawat post niya.
5. Nakita mong kinuha ng iyong nakatatandang kapatid ang dalawampung peso ng iyong nanay sa kanyang pitaka.
Naghanap ang iyong nanay sa nawawalang pera. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihin ko ang totoo kahit magalit sa akin ang aking nakatatandang kapatid
B. Ipagkikibit balikat na lamang ang nalalaman
C. Pagtatakpan ang nakitang pangyayari
D. Lahat ng nabanggit
6. Nagkaroon ng munting pagsusulit sa asignaturang Araling Panlipunan. Napansin mong ang iyong katabi ay
nangongopya at minsan binubuklat ang kanyang kwaderno. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan ko siya sa kanyang ginagawa
B. Sasabihin ko sa guro namin ang kanyang ginagawa
C. Gagayahin ko siya para pareho kaming mataas ang makuha
D. Hindi ako magpapaapekto sa aking nakita
7. Hiniram mo ang gunting ng iyong guro. At sa di inaasahan, ito ay naiuwi mo sa inyong bahay. Dahil sa nahihiya ka,
hindi mo na ito isinauli sa kinabukasan at tuluyan mo itong inangkin. Sa mga sumunod na araw, ito ay hinanap ng
iyong guro pagkat ito’y kanyang gagamitin. Ano ang iyong gagawin?
A. Di ako iimik na nasa akin ang kanyang gunting
B. Magbibingi-bingihan ako sa aking narinig
C. Aaminin ko ang aking ginawa at ibabalik ang gunting
D. Magpapakasaya ako kasi hindi mahanap ng aking guro ang gunting niya
9. Nabalitaan mong nasalanta ng bagyo ang iyong kaibigan.Ano ang gagawin mo?
A. Isumbong sa pulis
B. Hayaan na lang sila.
C. Sabihin sa mga kapitbahay
D. Tulungan kung ano man ang kailangan nila.
13. May dayuhan na dumating sa ating bansa at nagtatanong sa iyo ng direksyon.Ano ang dapat mong gawin?
A. Humingi ng saklolo sa taong marunong makipag-usap ng mga dayuhan.
B. Iwasan ko sila dahil hindi ko sila maintindihan.
C. Tatakbo ako sa likod ng bahay at magtago.
D. Hindi sila papansinin.
14. Inutusan ka ng iyong nanay na ihanda ang meryenda para sa panauhin ninyong dayuhan.Paano mo ito ibibigay sa
kanila?
A. Iabot sa kanila na nakangiti kahit hindi mo na sila kakausapin.
B. Ilagay na lang sa mesa at iwanan.
C.Hayaang sila ang lumapit.
D. Bahala sila sa buhay nila.
15. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nakakakita ng isang katutubo na sumasayaw sa parke?
A. Pagtawanan sila dahil sa kanilang kakaibang kasuotan.
B. Igalang sila dahil tao rin na may pusong masaktan.
C. Hayaan sila sa kanilang ginagawa.
D. Batuhin dahil nakakahiya sila.
16. Dumating ang isang dayuhan na maitim ang kulay ng balat sa inyong lugar.Nakita mo ang hindi magandang
pakikitungo ng mga kapitbahay mo sa kanya. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ko siya papansinin kasi mukha siyang marumi.
B. Makikisali rin ako sa aking mga kapitbahay.
C. Tutuksuhin ko ang dayuhan.
D. Kakaibiganin ko siya.
17. Alin sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino ang tinataglay sa isang bayanihan?
A. Matulungin B. Masayahin C. Maasikaso D. Malikhain
18. Hindi maiangat ng munting mag-aaral ang kanyang bag pababa sa hagdanan. Ano ang iyong gagawin?
18. Kapag narinig mong tumutugtog ang pambansang awit, ano ang dapat mong gawin?
A. Magmamadali upang malampasan ang lugar kung saan tumutugtog.
B. Titigil at tatayo ng tuwid bilang paggalang.
C. Itutuloy ang paglakad.
D. Hindi papansinin.
19. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagsasabi ng kapintasan ng iyong kaibigan?
A. Sabihin ito ng maayos o sa magandang paraan sa kaibigan.
B. Sabihin sa iba ang kapintasan ng kaibigan.
C. Pintasin ang kaibigan dahil sa kanyang kapintasan.
D. Ipagkalat ang kanyang kapintasan.
22. May kaibigan ka na may kapintasan at medyo nag-iiba ang amoy, ano ang dapat mong gawin bilang kaibigan
A. Sabihin ng maayos na medyo nag-iiba na ang kanyang amoy at kailangan na niyang gumamit ng
deodorant.
B. Ipagkalat ang kapintasan ng kaibigan sa iba.
C. Pagtawanan ang kaibigan.
D. Iwasan ang kaibigan.
23. Pinagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong kapitbahay. Dahil nahuli nila itong
namitas ng bulaklak.Ano ang kailangan mong gawin para hindi magalit ang iyong kapatid sa iyong kapitbahay?
A. Pagsabihan ko na hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam.
B. Pagsasabihan ko na Huwag nalang intindihin ang kapitbahay.
C. Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay naming.
D. Ayokong makialam,problema nila yun.
24. Halimbawa may nasabing mga ideya/opinion ang iyong kaklase tungkol sa paguugali mo. Ano ang iyong sasabihin?
A. Awayin B. balewalain B. igalang D. wala lang
25. Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng balat ng kendi sa parke kahit may nakasulat sa karatula na “BAWAL
MAGTAPON NG BASURA DITO.”
A. Ipahuhuli ko siya sa pulis.
B. Magkunwaring di siya kakilala.
C. Ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa.
D. Pagsabihan siya na hindi tama ang kanyang ginawa.
26. Napansin mong habang nagsasalita ang inyong lider tungkol sa pangkatang gawain ang ilan sa iyong mga ka grupo ay
hindi nakikinig.
A. Kakalabitin ko sila at senyasan na makinig.
B. Makikisali sa kanilang pinag uusapan
C. Sisigawan ko sila upang tumahimik.
D. Makikinig ako kahit ayaw nila.
27. Alin sa sumusunod ang kampanya ng pamahalaan upang labanan ang pinagbabawal na gamot?
A. APIR
B. Clean and Green
C. Oplan Kaluluwa
D. Oplan TOKHANG
28. Alin sa sumusunod ang nakatutulong upang mailayo sa drugas o bawal na gamot ang isang tao?
A. Makisali sa palaruang pangkatawan ng baranggay.
B. Hindi makikinig sa payo ng magulang.
C. Makisama sa barkada sa pag-iinuman.
D. Makikipagkaibigan kahit kanino.
31. Katatapos lamang ng malakas na bagyo.tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang maglinis. Ano ang
gagawin mo ?
A. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa kumunidad
B. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya
C. Manood sa paglilinis
D. Manatili sa kwarto
32. Magpapakain para sa batang lansangan ang organisasyong pangkababaihan sa inyong lugar. Ano ang maari mong
maitulong?
A. Tumulong sa paghahanda para sa mga batang lansangan
B. Magbvoluntaryo sa sususnod na pagpapakain
C. Makikain kasama ang mga bata
D. Umuwi na lamang