Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 8
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ikaapat na Markahan – Ikatlong Linggo

Myla J. Bacong
Manunulat

Ma.Martha R. Ullero
Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Bibigyang pansin sa araling ito ang mga sanhi at mahahalagang
pangyayari na naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Iisa-isahin ang
mga naging dahilan at mahahalagang kaganapan na nagdulot ng takot at
pangamba sa mga mamamayang biktima ng digmaan. Sa modyul na ito ay
inaasahang matutunan mong mataya ang mga sanhi at mahahalagang
pangyayari na nagpabago sa ating mundo.

I. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng
wastong sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


maliban sa __________ ?

a. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria c. Paglusob ng Alemanya sa Poland


b. Pag-alis ng Alemanya sa Liga d. Pagpatay kay Franz Ferdinand

2. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong taong?

a. 1914-1918 c. 1947-1953
b. 1939-1945 d. 1955-1957

3. Tawag sa genocide o maramihang pagpatay sa mga Hudyo noong World War II.

a. Holocaust c. Amritsar Massacre


b. Apartheid d. Nemmersdorf Massacre

4. Ang pangulo na nagdeklara na ang Estados Unidos ay arsenal ng


demokrasya?

a. Bill Clinton c.Woodrow Wilson


b. John F. Kennedy d. Franklin Roosevelt

5. Ang mga sumusunod na lider ay nagpasimula ng Ikalawang Digmang Pandaigdig


maliban kay?

a. Benito Mussolini c. Winston Churchill


b. Hideki Tojo d. Adolf Hitler

2
6. Ang dalawang magkalabang alyansa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang?

a. Triple Alliance at Triple Entente c. Central Powers at Triple Alliance


b. Allied at Axis d. Eastern at Western Block

7. Ang taktikang ginamit ng Alemanya at Hapon sa pananakop ay?

a. Blitzkrieg c. Air Raid


b. Island Hoping d. Pag-atake sa hanganan ng kalapit na bansa

8. Anong bansa ang hindi kasapi sa Allied Power?

a. United Kingdom c. Japan


. b.France d. Estados Unidos

9. Ang pangyayaring nagpasimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya –


Pasipiko ay ang

a. Pag-atake sa Pearl Harbor c. Pag-okupa sa Korea


b. Digmaang Russo-Japanese d. Pag-atake sa Hongkong

10. Pangyayaring nagpasuko sa Japan at nagpawakas ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig ay ang

a. Pag atake sa Okinawa c. Pagdaong sa Leyte


b. Paghulog ng unang bomba atomika d. Pagpunta ni MacArthur sa Tokyo

11. Tinalo ng mga barkong pandigma at eroplano ng mga Amerikano ang mga
Hapones noong 1942 sa.

a. Battle of the Bulge c. Battle of Midway


b. Battle of Britain d. Battle of Manila Bay

12. Organisasyong nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmang Pandaigdig?

a. North Atlantic Organization c. Warsaw Pact


b. League of Nations d. United Nations

13. Ideolohiyang itinaguyod ni Adolf Hitler sa Alemanya.

a.Demokrasya b. Nazismo c.Kapitalismo d. Oligarkiya

14. Ang pinakamatinding epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaingdig

a. Pagbagsak ng ekonomiya c. Pagkawala ng buhay at ari-arian


b. Pagbagsak ng Pwersang Axis d. Pagbabayad pinsala ng Pwersang Axis

15. Tawag sa paglilitis sa dalawampu’t isang lider ng Nazi na inakusahan bilang


kriminal ng digmaan.

a. Paglilitis sa Tokyo c. Paglilitis sa Yalta


b. Paglilitis sa Roma d. Paglilitis sa Nuremberg

3
Gawain 1: Hanap-Salita
Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa digmaang pandaigdig sa
puzzle.Sagutan ang hinihingi ng bawat pahayag at sundan ang klu .

N Z V X C V B N M L K H
P A I E Y R W S F H K X
I L S Y R R Q M B C Z R
O Y A Y G S Y T A S F E
H A B V O C A X Z A S L
B N M L K N J I H G F T
V S D I A Q A W L E R I
X A T Y L U I L O L P H
R L K Z X I M N I B E V
T W X Y Z L T K J S H S
A L E M A N Y A Z Y M K
Y G D Q A W E T R V W O
T W R U L T P D H I Z V
R X E S L Z O Q A Z S Q
L Y G V I T F M C R D M
K P L M E O K N I U H B
X A X I S B O M B A N X
I M P E R Y A L I S M O
F E R D I N A N D X L M

1. Dominasyon ng makapangyarihang bansa. I


2. Pagkakampihan ng mga bansa. A
3. Pinaslang na susunood na pinuno ng Austria. F
4. Pagmamahal sa bayan. N
5. Pagpapalakas ng Hukbong Sandatahan. M
6. Inihulog sa Hiroshima at Nagasaki. B
7. Ang lider ng Alemanya. H
8. Alyansang binubuo ng France, Russia, Britain at Serbia . A
9. Alyansang binubuo ng Germany, Italy at Japan. A
10. Ang kapital ng bansang ito ay Berlin. G

4
Ang Ikalawang Digmang Pandaigdig na nagsismula noong 1939 at nagwakas
noong 1945 ay itinuturing na pinakamapaminsalang pangyyayari na naranasaan
ng tao. Pinaglabanan ito sa lahat ng bahagi ng mundo-lupa,himpapawid at
dagat.Ang mga naglabanan ay ang pwersa ng Allied Nations at Axis Power.Pinili
ng ibang mga bansa na maging neutral tulad ng Portugal, Spain, Switzerland at
Egypt.Lumitaw ang higit na mapaminsalang sandata tulad ng automatic
rifle,bazooka, mga tangke, aircraft guns, balloon barrages, dive bombers at
bombang nukleyar. Ang Nazi Germany ay nagpakilala ng blitzkrieg (giyerang
parang kidlat).Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking
pinsala sa mga nanalo at mga natalo.

Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria


Ang Manchuria ay bahagi ng Republika ng Tsina na inagaw ng Japan. Ang lupa na
ito ay mayaman sa langis, tabla at goma. Kinondina ng Liga ng mga bansa ang
Japan na sanhi ng pagkakatiwalag nito.

2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa


Noong 1933, ang Germany ay tumiwalag sa Liga bilang pagkondena sa pagbabawal
ng Liga sa pagsasandata ng Germany. Sa pamumuno ni Adolf Hitler , pinuno ng
Nazi, sinimulan niya ang pagsasandata ng Germany. Layon ni Hitler na labagin ang
Treaty of Versailles.

3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia


Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethopia noong 1935.
Tuwirang nilabag ng Italy ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League).

4. Digmaang Sibil ng Spain


Noong 1936, naganap ang Digmaang Sibil sa Spain sa pagitan ng Pasistang
Nationalist Front at ng Sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga nasyonalista at
marami ang nadamay sa digmaan.

5. Pagsasanib ng Austria at Germany


Hinangad ng mga Austrian na maisama ang kanilang bansa sa Germany.Ngunit ito
ay sinalungat ng Allied Powers (France, Great Britain at United States).

6. Paglusob sa Czechoslovakia
Noong Septyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudenten na
matamo ang kalayaan. Sinakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939 ang mga
natitirang teritoryo ng Czechoslovakia ay napunta sa Germany.

7. Paglusob ng Germany sa Poland


Ang huling kaganapan na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang
paglusob ng Germany sa Poland noong 1939. Ito ay paglabag ng Germany sa
kasunduang Ribbentrop-Molotov, kasunduan na hindi pakikidigma na nilagdaan ng
Germany at Russia.

5
Mga Mahahalagang Pangyayari

1. Pag-atake ng Germany sa Poland


Noong tag-init ng 1939, hiningi ni Hitler na ibigay sa kanya ang Poland, ang Baltic Port ng
Danzig at ang Polish Corridor.

Noong Setyembre 1, 1939, inatake ng Germany ang Poland. Ang Blitzkrieg ay natapos
noong Setyembre 28, 1939, ang Poland ay pinaghatian ng Germany at Russia.

2. Pananalakay ng Germany sa Low Countries

Noong Mayo 10, 1941, biglaang sumalakay ang Germany sa Belgium, Holland at
Luxemburg.Pinasabog ng German Dive Bombers ang Rotterdam, Brussels.

3. Epic of Dunkirk

Mula Mayo 20,1941 hanggang Hunyo 3, 1941, nasaksihan ng daigdig ang kasaysayan ng
Dunkirk kung saan tinawid ng mga sasakyan ang English Channel at inilikas ang mga
tropang lupasay na. Ang baybayin ng France ay nakalatan ng maraming patay na sundalo.

4. Ang Labanan sa Britain

Sa pagkatalo ng France sa labanan, ang sumunod na bumagsak ay ang Britain.Ang bagsik


ng atakeng panghimpapawid ng Germany ay naranasan ng Britain noong 1940 kung saan
libo-libong tao ang namatay.

5. Atlantic Charter (1941)

Noong Agosto 14, 1941, nagpulong sina Roosevelt at Churchill sa Atlantic Coast. Ang
dokumentong ito ay naglalaman ng mga layunin ng United States at Britain tulad ng hindi
paghahangad ng mga teritoryo.

6. Ang Pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor

Noong Disyembre 8, 1941, habang ang negosasyon ay nagaganap pa sa pagitan ng Japan


at Amerika, biglang inatake ng Japan ang Pearl Harbor, ang base ng Amerika sa Hawaii.
Ang trahedya ay tinatawag na Day of Infamy o Araw ng Kahihiyan ayon kay
Roosevelt.Limang barkong pandigma ang lumubog,200 eroplano ng Amerika ang
nawasak.Ang mga nasawi ay 2,403 at 1,178 ang mga sugatan.

7. Pagbagsak ng Germany

Ang Germany ang huling target ng Allied.Noong Huyo6,1944,(D- Day),sa


pamumuno ni Eisenhower ay lumapag sa Normandy,France .Pagkatapos ng mainit na
labanan napasok nila ang Germany.
Noong Setyembre, pinalaya ng tropang Allied ang Belgium.Isinugal ng lahat ni Hitler
ang huling malawakang pananalakay.Inatake ng mga Nazi ang Luxembourg noong
Disyembre 16 at dito nagsimula ang Battle of the Bulge.
Nang mga huling araw ng Abril,1945 ang Nazi Germany ay gumuho sa ilalim ng
mapandurog na atake ng Allies mula sa Kanluran at ng mga Russian sa Silangan.

6
Habang ang Berlin ay humahapay, si Hitler na nasa taguan niya sa ilalim ng lupa
ay mapait na natanto ang kanyang pagkatalo. Noong hapon ng Abril 30 ,si Hitler at ang
kanyang kinakasama ay nagpakamatay.

8. Paglaya ng Pilipinas

Noong Oktubre 20, 1944, lumapag sa Leyte si Heneral MacArthur at pinahayag na


“Ako ay nagbalik”. Pagkatapos ng Leyte, isa isang pinalaya ni Mac Arthur at ng kanyang
pwersa ang mga isla sa Pilipinas.Noong Peb. 3,1945, pinasok ng mga Amerikano ang
Maynila at ito ay pinalaya. Noong Hulyo 5,1945,ibinalita ni Gen. Mac Arthur ang kalayaan
ng Pilipinas.

9. Pagkatalo at Pagsuko ng Japan

Ang paghahanda ng Allied sa panghuling pagsalakay sa Japan ay ginawa sa


Pilipinas.Nabihag ng mga Amerikano ang Iwo Jima at Okinawa.
Noong Agosto 6, 1945, ang unang bomba atomika ay inihulog sa Hiroshima at ito ay
nasundan noong Agosto 9, 1945 sa Nagasaki. Noong Setyembre 2, 1945, lumagda ang
Japan sa kasunduang pangkapayapaan sa Tokyo Bay. Noong V-J Day (Victory in Japan),
nagalak ang daigdig, dahil nagwakas na ang digmaan.
Si Gen. Tomoyuki Yamashita, ang Tigre ng Malaya, ay nahatulang maysala ng isang
US Army Court Martial sa Maynila. Si Gen. Homma ay nahatulan ding maysala dahil sa
Death March.

GAWAIN 2: Itimeline-Natin!

Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang titik A sa unang pangyayari
at J sa huling pangyayari.

_____1. Ang Himala ng Dunkirk sa France.


_____2. Ang pag-atake ng Nazi sa Soviet Russia.
_____3. Pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor.
_____4. Ang pagkapasa ng Lend-Lease Act.
_____5. Ang Labanan sa Britain.
_____6. Ang pagbalik ni Douglas MacArthur sa Pilipinas.
_____7. Ang pagsuko ng Japan.
_____8. Ang pagbagsak ng Germany.
_____9. Ang pagbuo ng Atlantic Charter.
_____10. Ang pag-atake ng Germany sa Poland.

GAWAIN 3: Sanhi o Hindi Sanhi?


Isulat ang S kung ito ay dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at HS kung ito ay
hindi dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

_____1. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia.


_____2. Kamatayan at pagkawasak ng mga ari-arian.
_____3. Ang pagkawasak ng malalakas na imperyo.
_____4. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa.

7
_____5. Ang pagpaslang kay Franz Ferdinand ng Austria.
_____6. Ang paglusob ng Germany sa Poland.
_____7. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria.
_____8. Ang paglaya ng mga bansa.
_____9. Ang pagsasanib puwersa ng Germany at Austria.
_____10. Ang pagbasak ng ekonomiya.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong 1939 ng lusubin ng


Germany ang Poland. Ang Digmaan sa Europa ay nagtapos sa pagsuko ng Germany noong
Mayo 7, 1945. Ang digmaan sa Pasipiko ay nagwakas sa pagkatalo at pagsuko ng Japan
noong Septyembre 2, 1945. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay itnuturing na
pinakamapaminsalang digmaang naranasan ng tao. May iba’t ibang mga kadahilanan ang
nag-udyok sa pagsiklab ng digmaan. Maraming mahahalagang pangyayari ang naganap at
nagdulot ng masamang epekto sa tao at sa mundo.

A. Punuan Mo Ako!

Isulat ang hiihingi sa loob ng kahon.

I. IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

MGA SANHI MAHAHALAGANG MGA LIDER NG


PANGYAYARI DIGMAAN
1. 6. 11.
2. 7. 12.
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.

10.

8
*Ngayong batid mo na ang epekto ng digmaan sa tao at sa mundo, sumulat ng isang
islogan na nagpapahiwatig ng pagtutol sa pagsiklab muli ng digmaan at pagpapanatili ng
kapayapaan sa daigdig.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I. Piliin ang tamang salita sa gawing kanan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Ang biglang pagsalakay ng mga Aleman a. Allied


_____ 2. Binubuo ng Britain, USA, at France b. Axis
_____ 3. Binubuo ng Germany,Italy at Japan c. Command responsibility
_____4. Hindi pagsali sa digmaan d. Blitzkrieg
_____5. Pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan at e.Isolationist
pinunong militar.

II. Kaalaman sa Tiyak na bagay. Isulat ang titik ng wastong sagot.

6. Batas na nagpapahayag sa pagbibigay ng US ng kagamitang pandigma sa mga kalaban


ng puwersang Axis.

a. Treaty of Versailles c. Atlantic Charter


b. Four-Points d. Lend-Lease

7. Tinawag ang bansang ito na arsenal ng demokrasya.

a. United States c. Japan


b. Britain d. Russia

8. Ang kasunduan ng lahat ng mga bansa ay mabubuhay na sa kapayapaan pagkatapos


mawasak ang Nazi.

a. Atlantic Charter c. Lend-Lease


b. Four Points d. Versailles Treaty

9. Ang pagsalakay sa lugar na ito ay tinatawag na “Araw ng Kahihiyan”.

a. Nagasaki c. Oklahoma
b. Hiroshima d. Pearl Harbor

10. Ang ginamit ng mga pwersang Alyado sa lungsod ng Hiroshima at Nagasaki.

a. Poison Gas c. Raiders


b. Bomba Atomika d. Submarine

III. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi wasto ang
pangungusap.

_____11. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong taong 1939 at

nagwakas ng 1945.

_____12. Nagsimula ang digmaan sa Europa ng salakayin ng Germay ang France.

9
_____13. Nagdulot ng pag-unlad ng ekonomiya ang pagkakaroon ng Ikalawang Digmaang

Pandaigdig.

_____14. Ang Victory in Europe Day ay hudyat ng pagtatapos ng digmaan sa Europa.

_____15. Ang digmaan ay nagdulot ng pagkasira ng mga ari-arian at kamatayan ng

maraming tao.

Sanggunian:

A.Aklat

- Kasaysayan ng Daigdig, Gregorio F. Zaide, Sonia M. Zaide, 343-358.

- Pana-Panahon, Cecelia D. Soriano, et.al, 415-429

- Kayamanan, Cecilia D. Soriano, et.al, 276-288

B. Modyul

- Project Ease, Araling Panlipunan 8, Modyul IV Ang Kontemporaryong Daigdig, 470-487

C. Website

- http://signaturesofwar.com/id32.html

Susi sa Pagwawasto
Gawain 3: Sanhi o
Balik-Tanaw Hindi Sanhi

Gawain1 Hanap-Salita 1. S
Subukin 2. HS
3. HS
4. S
I.Unang Pag- 5. HS
subok 6. S
7. S
1. d 8. HS
2. b 9. S
3. a 10. HS
4. d
Pangwakas na Pagsusulit
5. c
6. b 1. D
7. a 2. A
8. c 3. B
9. a
Gawain 2 4. E
10. b 5. C
11. c Itimeline Natin Gawain 1 6. D
7. A
12. d 8. A
1. B 1.IMPERYALISMO
13. b 2. D 2.ALYANSA 9. D
14. c 3. G 3.FERDINAND 10. B
15. d 4. E 4.NASYONALISMO 11. Tama
5. C 5.MILITARISMO 12. Mali
6. H 6.BOMBA 13. Mali
7. J 7.HITLER 14. Tama
8. I 8.ALLIES 15. Tama
9. F 9.AXIS
10. A 10.ALEMANYA

10

You might also like