Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Control No: _______________

SLK 2 for MAPEH (MUSIC) 4


QUARTER __3__WEEK __1__

I. PAUNA

Competency Nakikilala ang ibat-ibang anyo o bahagi ng istruktura ng musika sa isang


komposisyon tulad ng:
• Introduction at coda (ending) MU4FO-IIIa-1
• Antecedent phrase at consequent phrase MU4FO-IIIa-2
• Melodic phrase at rhythmic phrase MU4FO-IIIa-3
Layunin 1. Nakikilala ang ibat-ibang anyo o istruktura ng musika sa isang
komposisyon ng awit.
2. Natutukoy ang kahulugan ng anyo o istruktura ng musika sa isang
komposisyon ng awit.
3. Naibibigay ang kahalagahan ng tamang ayos o gamit ng anyo sa
komposisyon ng isang awit.
Paksa Elemento ng Musika: Anyo
Aklat • Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral, MELC, p.252

Kagamitan Music Writing Book, bond paper, pencil


Copyrights DepEd Talisay City
Puntos 30 puntos
Date

II. MAPA NG NILALAMAN

Elemento ng Musika

Anyo

Introduction Komposisyon ng isang Rhythmic Phrase


awit

Coda (ending) Melodic Phrase

Antecedent Consequent
Phrase Phrase

1
III. MGA NILALAMAN

• Ang Form o Anyo ay isa sa mga elemento ng musika. Ito rin ang istruktura ng musika na
tumutukoy sa kayarian ng isang komposisyon batay sa kaayusan at pagkabuo ng musical
phrase.
• Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng himig. Mayroon din itong pagdalang o pagbilis
ng tunog ayon sa melodic phrase o rhythmic phrase ay maaring magkatulad, di-magkatulad
o magkahawig.
• Ang introduction o pasakalye ay isang bahagi ng komposisyon ng awit na tinutugtog o
inaawit bilang paghahanda sa tagapakinig. Ito ay maaring isang maikling himig o tugtuging
instrumental na tinutugtog bago nagsimula ang awitin. Bukod sa paghahanda nito ang
awitin, nagbibigay ito ng tamang tono o pitch sa isang mang – awit.
• Sa katapusan naman ng awitin o tugtugin , may mga karagdagang ideya ang kompositor
upang magkaroon ng isang magandang pagtatapos ang isang awitin o tugtugin at tinatawag
itong coda.
• Ang coda ay bahagi ng isang awit o tugtugin na nagsisilbing panapos o
pangwakas na bahagi ng komposisyon.

Halimbawa:

2
• Kung ang tula ay binubuo ng mga taludtud, ang musika ay may mga musical
phrases na magkakaugnay at nakabubuo ng isang musical ideya.
• Ang antecedent phrase at consequent phrase ay dalawang parirala na
bubuo sa isang musical ideya.
• Ang antecedent phrase ay kadalasan may papataas na tono o himig na
parang nagtatanong.

Halimbawa:

Twin – kle, twin – kle lit - tle star

• Ang consequent phrase ay may pababang tono o himig na parang


nagpapahayag.

Halimbawa:

how I won – der what you are.

• Sa musika, ang pagsasama-sama ng mga note at rest ay humantong sa


pagbubuo ng mga melodic at mga rhythmic phrase na siyang nagiging
mahalagang bahagi ng isang likhang pangmusika. Ang mga melodic phrase
o rhythmic phrase ay maaring magkatulad, di magkatulad o magkahawig.
• Melodic phrase ang tawag sa pangkat ng mga tono o himig na bahagi ng
isang awit.
• Rhythmic phrase ang tawag sa pangkat ng mga note at rest batay sa
palakumpasan sa isang bahagi ng awit o komposisyon.

Halimbawa ng rhythmic phrase:

𝟒
𝟒
Ma - ry had a lit – tle lamb

3
Halimbawa ng melodic phrase:

ti – la so la ti ti ti

Ma - ry had a lit – tle lamb

IV. MGA GAWAIN

Gawain 1

Panuto: Sa komposisyong ito kulayan ng pula ng bahaging introduction


at kulay dilaw ang bahaging coda sa inyong sagutang papel na nasa
huling bahagi ng module na ito.

4
Gawain 2

Panuto: Tingnang mabuti ang ayos ng mga nota sa awiting “Row Row
Your Boat”. Bilugan ang mga bahaging antecedent phrase at ikahon
naman ang mga bahaging consequent phrase sa inyong sagutang papel.

Gawain 3

Panuto: Upang makagawa tayo ng melodic phrase sa awiting “Mary


Had A Little Lamb” ilipat ang mga nota sa rhythmic phrase sa loob ng
staff sa ibaba ayon sa ayos ng mga so-fa silaba.

4
4
Ma –ry had a lit - tle lamb
ti la so la ti - ti -ti

1 2 3 4 5 6 7
Ma - ry had a lit - tle lamb

5
V. PAGSUSURI

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Ito ay isa sa mga elemento ng musika na tumutukoy sa kayarian ng isang komposisyon


batay sa kaayusan at pagkabuo ng mga musical phrase, ano ito?
A. Anyo B. Tekstura C. Tunog D. Kulay

2. Ano ang tawag sa bahagi ng awit ng komposisyon bilang paghahanda upang maibigay ang
tamang tono?
A. coda B. introduction C. chorus D. refrain

3. Ano ang tawag sa bahagi ng awit o tugtugin bilang pangwakas?


A. chorus B. coda C. introduction D. refrain

4. Alin sa mga ito ang simbolo ng coda?


A. B. C. D.

5. Ano ang tawag sa mga himig na kadalasang pataas?


A. antecedent phrase C. melodic phrase
B. consequent phrase D. rhythmic phrase

6. Ano ang tawag sa mga himig na kadalasang pababa.


A. antecedent phrase C. melodic phrase
B. consequent phrase D. rhythmic phrase

7. Alin sa mga ito ang tawag sa mga pangkat ng mga tono na bahagi sa isang awit?
A. antecedent phrase C. melodic phrase
B. consequent phrase D. rhythmic phrase

8. Ano ang tawag sa mga notes at rests batay sa palakumpasan sa isang bahagi ng awit?
A. antecedent phrase C. melodic phrase
B. consequent phrase D. rhythmic phrase

9. Ano ang kahalagahan ng introduction sa isang komposisyon ng awit?


A. Bilang paghahanda sa awitin
B. Napapaganda nito ang awitin
C. Nagbibigay ito ng tono o pitch sa isang mang-aawit.
D. Lahat ng mga ito.

10. Ano ang tono o himig sa linyang ito? Twinkle , twinkle little star..
A. Pataas B. pababa C. pahalang D. pahina

6
VI. KARAGDAGANG GAWAIN
Pagmasdan ang awiting “ Ugoy ng Duyan” at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Mga katanungan:

1. Sino ang pinag-uusapan sa awiting ito?


2. Anong uring himig ni Nanay habang ang bata ay nasa duyan?
3. Bilang isang anak, paano mo maipakita ang pagmamahal sa isang ina?

VII. SUSI SA PAGWAWASTO (Answer Key)

Gawain 1

7
Gawain 2

Gawain 3

VIII. MGA SANGGUNIAN

References
all., Digo et. n.d. Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig: Book Media Press Inc.

Prepared by:

Name: Mr. Dario A. Olasiman, MT 2


School: Tabunoc Central School
Contact No: 09979834135

Name: JOHN ERVY S. QUIÑANOLA, T-III


School: San Isidro Elementary School
Contact No. 09166423630

Subject Teacher: ________________________________


Contact Number: ________________________________

8
IX. TALAAN NG FEEDBACK (MAPEH 4_Q3_WEEK 1)

Learner’s Feedback

_________________________________________

__________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

____________________________________________

______________________________________________

___________________________________

Parents’/Guardians/ Feedback

______________________________________________

______________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________

________________________________________________

_________________________________________________

9
X. SAGUTANG PAPEL (MAPEH 4_Q3_WEEK 1)

Pangalan: ____________________________________________ Baitang/Seksyon: _______


Paaralan : ___________________________________________ Contact# _______________

Gawain 1 ( 5 puntos)

Gawain 2 (5 puntos)

Gawain 3 (7 puntos)

1 2 3 4 5 6 7
Ma - ry had a lit - tle lamb

10
Sagutang papel (continuation)

Pagsusuri (10 puntos)

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Karagdagang Gawain

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

11

You might also like