Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
Bunawan District I

SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL


S.Y: 2022-2023

Narrative Report
CyberSafe Anti-Bullying
Ang buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang ang “Filipino Values Month”,
alinsunod sa Presidential Proclamation No. 479 na inisyu noong Oktubre 25, 1994, upang
lumikha ng kamalayang moral at pambansang kaalaman sa human values na positibong
Pilipino. Ang kultura, kaugalian, at mga huwarang Pilipino ay nakaangkla sa apat na haligi:
Maka-Diyos, makatao, makabayan, at makakalikasan.
“Magagandang Kaugaliang Pilipino: Isabuhay at Pagyamanin Tungo sa Matiwasay at
Maunlad na Kinabukasan”, ang nasabing tema ng Filipino Values Month ngayong
Nobyembre, 2022 ay nasilbing ugat ng programa upang gisingin ang kamalayan ng bawat
Pilipino ang importansya nang paggalang sa bawat isa lalo na sa mga mas nakakatanda sa
atin.
Ang buong San Marcos Elementary School ay nakiisa sa pagdiriwang ng Filipino
Values Month. Sari-saring mga aktibidad sa mga classroom ang ginawa upang bigyan
pagpapahalaga ang pagdiriwang na ito. Una naming ginawa ay nagsagawa ang ESP/Filipino
School Coordinator kasama ang mga guro na nagplano para sa Filipino Values Month. Sa
Nobyembre 14, 2022 ay isinagawa namin ang Flag Ceremony kung saan ang SPG Officers ay
namuno. At Nobyembre 15-18, 2022 ay pinagpatuloy ang Flag Ceremony ng isang linggo sa
kani-kanilang klasrum. Pagdating sa Nobyembre 18, 2022 iba’t ibang oras ay isinagawa ang
mga aktibidad katulad ng coloring, memory verse, story telling, Christian song at
interpretative dance. Ang Kindergarten ay nagkaroon ng patimpalak sa pagkukulay.
Nagpamalas ng talas sa pagmemory verse ang ilang mag-aaral sa Kindergarten hanggang
Ikatlong baitang. Nagpakitang gilas din ang mga piling mag-aaral mula sa Ika-apat, Ikalima
at Ika-anim na baitang sa pagstory telling. Nagsagawa ang Kindergarten ng Christian song at
interpretative dance naman ang Una, Ikalawa at Ikatlong baitang. Sa Nobyembre 21, 2022
pagkatapos ng flag ceremony ang lahat ng mga mag-aaral ay nagsagawa ng community
service sa pamamagitan ng pagpupulot ng mga basura sa paligid ng paaralan at sa hapon
naman ay tagisan ng talino sa Bible Quiz mula sa Ika-apat, Ikalima at Ika-anim na baitang. Sa
Nobyembre 22, 2022 nagkaroon din ng patimpalak sa pagguhit ang piling mag-aaral mula sa
Ika-apat, Ikalima at Ika-anim na baitang.
Matindi ang naging tunggalian sa bawat patimpalak. Lahat ng mga bata ay nagsaya sa
nasabing selebrasyon. Sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre ay nagkaroon kami ng
Kulminasyon para sa nasabing pagdiriwang.
PICTORIAL
S

Inihanda ni:

JENNY LYN M. LACAZA


Teacher I
Tinugunan ni:
ROGELIO D.
CABONCE
Teacher In-Charge

You might also like