Professional Documents
Culture Documents
Filipino - Reviewer - 2nd - Quarter - Grade 10
Filipino - Reviewer - 2nd - Quarter - Grade 10
1. Tauhan
2. Tagpuan
4. Tema
1. Pagtukoy sa Etimolohiya o Pinanggalingan - ito ay mga salitang hiram mula sa ibang wika
gaya ng sumusunod:
Galing naman sa salitang Ingles na dismay ang dismaya. Ito ay nangangahulugang pagkasira
ng loob.
Ang salitang budhi ay galing sa Sanskrit na Bodhi na ang ibig sabihin ay kalooban ng tao.
Halimbawa:
Ang salitang matao ay may dalawang morpema ang morpemang ma- at morpemang tao.
Ang parehong morpema ay may taglay na kahulugan: ma - na nangangahulugang marami at tao
na nangangahulugang nilikha ng Diyos.
Salitang-Ugat – payak o mga simpling mga salita lamang gaya ng bansa, kape, dami, galaw,
kuha, ganda, bilis at iba pa.
Ngayong alam mo na ang mga uri ng morpema, paraan ng pagkakabuo ng salita para matukoy
ang kahulugan nito. Nagbabago ang kahulugan ng isang salita dahil sa impluwensya ng mga
morpemang nakapaligid dito. Tinatawag natin itong Pagbabagong Morpoponemiko
Halimbawa:
marumi - [ma-] + [dumi] = madumi = marumi ; tawirin – [tawid] + [-in] = tawidin = tawirin
Halimbawa:
Halimbawa:
bilhan – [bili]+[-han] = bilihan = bilhan; lagyan- [lagay]+[-an]= lagayan = lagyan
Nagiging [pam-], [mam-], [sam-] at [sim-] kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /b/ at /p/.
Halimbawa:
Halimbawa:
Halimbawa:
Halimbawa:
pamasko
= [pang-]+[pasko]
= pangpasko
= pampasko (asimilasyong parsyal)
Halimbawa:
= mamimili
= [mang-] + [pili]
= mangpili
= mampili (asimilasyong di-ganap)
Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-
ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng
tula.
Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at
dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao. Maaaring pagaralan ang tulang pastoral bilang.
Soneto – tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay
ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito‘y naghahatid ng aral sa
mambabasa.
Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleond.
Oda – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin; walang tiyak na
bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng
1. Sukat – Ito‘y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay karaniwang may 8,12
at 16 na pantig o sukat.
Halimbawa: Sukat: Lalabindalawahing pantig
3. Talinghaga – Ito‘y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay A. Abadilla,
tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin.
Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng
tayutay o matalinghagang mga pahayag.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak. Ako‘y hawak ng iyong pag-ibig. Hindi ako makaalpas
Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging
orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng
makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili
niyang karanasan, mga namasid niya o bunga lamang ng kanyang makulay na imahinasyon.
Ang Aking Pag-ibig (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Halimbawa: Ang pangaral ng kanyang ina ay katulad ng isang sulong tumanglaw sa kanyang
nadirimlang kaisipan.
2. Pagwawangis – tiyakang naghahambing at hindi gumagamit ng mga pariralang katulad ng,
kapwa ng, para ng at iba pa.
Halimbawa: Ikaw ay tinik sa lalamunan ni Mercy.
3. Pagmamalabis – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay at
pangyayari.
Halimbawa: Pumutok ang kanyang ulo sa dami ng mgaproblema.
4. Pagbibigay-katauhan – pagsasalin ng talino at katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.
Halimbawa: Tunay na magagalang ang ilang mga kabataan, umaalis ng bahay nang hindi man
lamang nagpapaalam sa kanilang mga magulang.
Mahalaga ang dayalogo para sa kasiningan ng isang akda. Napauunlad nito ang daloy ng mga
pangyayari sa isang maikling kuwento, nobela, dula, pelikula o teleserye. May mga dayalogo na
tumatatak sa isipan. Ang dayalogo ay may kaakibat na emosyon. Nagkakaroon ng tunggalian
dahil sa dayalogo.
Gamit ng dayalogo
1. Nagbibigay-impormasyon – dayalogo na nagpapabatid kung ano ang gampanin ng tauhan.
Ito ay maaaring isang ina na nagsisikap para sa mga anak; isang martir na asawa; isang batang
ina o isang batang delingkwente.
2. Dini-define ang karakter – dayalogo na nagpapakilala sa pagiging bida o kontrabida ng
tauhan; pagiging ambisyosa o ambisyoso ng tauhan; pagiging mapaghiganti ng tauhan o pagiging
masipag ng tauhan.
3. Nakadaragdag ng ambiance o atmosphere – pinagtitibay ng dayalogo ang kapaligiran sa
isang pangyayari. Kung mahirap ang nagsasalita, ilalarawan ng manunulat ang kahirapan sa
paligid gaya ng barong-barong ang mga bahay o salat sa buhay ang mga nasa paligid ng tauhan.
Kung mayaman naman ang nagsasalita, ilalarawan ng manunulat ang pananamit ng tauhan, mga
nagtatayugang gusali, sasakyan na limitado ang edisyon at iba pa.
AGINALDO NG MGA MAGO – Ang mago ay ang mga haring matatalino na pumunta kay
Hesus sa kanyang kapanganakan.
Niregaluhan panaman sana ni Jim si Delia ng magagandang suklay para sa magandang buhok ng
kanyang asawa na mataga na rin nitong gusto. Bukod rito, binenta rin ni Jim ang kanyang
paborito na relo para ma bili ang mga suklay.
Hindi na ngayon magagamit ng mag-asawa ang mga regalo nila para sa isa’t-isa. Dito nila na
intindihan na ang pasko ay hindi lamang tungkol sa mga materyal na regalo, kundi pati ang
pagpapalitan ng pagmamahalan.
Mga tauhan sa kwento:
Delia Dilingham
James Dilingham
Jim
5. Mensahe
6. Teoryang Ginamit
Ang buod ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang pangungusap (lalo na
kung maikling kuwento). Matapos basahin ang teksto, balikan isa-isa ang mahahalagang
pangyayari, pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang buod.
Kung pelikula o kaya naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing tauhan at sabihin
ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang wakas.
Samantala, ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.
Tumutukoy naman sa kung paano naimpluwensiyahan ang pag-iisip/utak/ o paraan ng pag-iisip
ng mambabasa ang Bisa sa Isip.Bisa sa damdamin naman ay kung ano ang nadama at paano
natigatig ang emosyon ng mambabasa.Tumutukoy ang mensahe sa kung ano ba ang gustong
sabihin ng teksto sa mambabasa, o maaari ding gustong sabihin ng sumulat ng teksto. Mas
madaling makuha ang mensahe ng manunulat kung ang mambabasa ay may malalim na pag-
unawa sa panitikan.
Nagpapahiwatig ang manunulat at hinihinuha naman ng mambabasa ang pahiwatig
nito.Mahalaga rin na masuri ang tiyak na teoryang pampanitikan na lumutang sa nasabingakda.
Ang bawat pagwawakas ay bahagi ng anumang anyo ng akdang tuluyan gaya ng maikling
kuwento, nobela, teleserye, pelikula o mga drama. Ang pagwawakas ay malaking impluwensiya
o epekto sa nararamdaman ng tao sa binabasa o sinusubaybayan. Ang wakas ng isang akda ay
nag-iiwan ng huling impresyon hinggil sa nabasa o napanood.
Ang mabuting wakas ang nagbibigay-tuldok sa kasiyahan ng mambabasa. Maaari nilang isipin
ito nang paulit-ulit o kaya naman pag-uusapan pa ito nang mahabang panahon matapos nilang
mabasa o mapanood ito.
Masaya o malungkot ang maaaring katapusan ng isang akda. Makapagpapasaya ito o mag-iisip
sila nang malalim o magiging sawi sila. Kailangan, wasto ang kanilang mararamdaman.
Maaari kang mag-ensayo sa pagsusulat ng iyong sariling wakas nang paulit-ulit pero maaari
karing mag-ensayo na magsulat ng wakas ng isunulat na wakas ng iba.Maaari mong muling
isulat ang wakas ng iyong paboritong aklat, ng iyong paboriting pelikula, ng iyong paboritong
Kdrama. Magugulat ka sa iyong maaaring magawa.
Isipin mo ang mga kuwento na kung saan namatay ang iyong paboritong tauhan. Higit mong
mapabubuti ito sa pamamagitan ng pananatilihin silang buhay. O kaya, kaya naman masyadong
naging madali sa tauhan ang kanyang buhay, paano kung namatay siya? Ano ang mangyayari sa
iba pang tauhan?
Sa pagwawakas, maaari mong baligtarin ang kuwento. Baguhin mo ang tono. Palitan mo ang
tagpuan at panahon. Paano mo babaguhin ang huling bahagi? Kapag tapos ka na sa pagbabagong
ginawa mo sa iyong sariling akda o akda ng iba, tiyakin mo na alam mo kung bakit. Bakit mo
binago ang mga pinalitan mo? Paano naiiba ang bagong akda sa orihinal na akda? Kailangan
may dahilan.
d.) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at
relihiyon,
e.) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad, at
f.) nag-iiwan ng kakintalan
Halimbawa:
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba mula4.9
milyon hanggang 3.9 milyon. (sanhi)
Nagtungo sa harap ng Palasyo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa
talumpati ng pangulo. (direksyunal)
2. Nanghihikayat
3. Nagtataguyod ng pagbubuklod-buklod ng lipunan
4. Kaanyuan at hitsura
PAGBABALANGKAS NG TALUMPATI
1. Kronolohikal na Hulwaran – Ito ang mga pagsasaayos ng mga materyales batay sa ugnayan
ng panahon. Maaaring ang paksa ay nagsasaalang-alang sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Maaari ring ang paksa ay tatalakayin sa pamamagitan ng sunod-sunod na hakbang na posibleng
sundin batay sa particular napagkasunod-sunod.
2. Topikal na Hulwaran – Inaayos ang mga materyales ng talumpati batay sa pangunahing
paksa. Kung ang punto ng tesis ay ang maliwanag na pag-uuri-uri ng pangkalahatang paksa, ang
topikal na hulwaran ang ginagamit na halimbawa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa
heograpiya, kasaysayan, kultura at sining, ang topkal na hulwaran din ang gagamitin.
3. Hulwarang Problema-Solusyon – ginagamit ang hulwarang ito sa talumpating nanghihikayat
o nagpapakilos. Dito, ang talumpati ay nahahati sa dalawang bahagi: ang pagsasalarawan ng
suliranin at ang solusyon na maaaring isagawa.
PAGSULAT NG TALUMPATI
Sa pagsulat ng talumpati, isaalang-alang ang uri ng wika at mga angkop na salita na magiging
kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig. Ang mga gagamiting salita ay dapat makatawag ng
pansin sa mga tagapakinig at dapat itong matagpuan sa panimula o introduksyon ng
talumpati.Upang mapaunlad ang mga ideya, maghanda ng isang balangkas ng paghahanda at
pagbuo ng talumpati. Sinimulan ito sa introduction, tesis at mga pangunahing ideya/punto.
Palawakin ang balangkas sa pamamagitan ng pagtatala, sa ilalim ng bawat pangunahing punto o
kaisipan, ng ilang mahahalagang aytem na nais mong maalala sa paglinang ng mga punto.
Pagkaraang maihanda ang balangkas, simulant ang pagsulat ng introduksyon. Laging isaisip ang
uri ng tagapakinig.Tandaan ang introduksyon ay dapat na maglaman ng iyong tesis. Dapat
maisanib dito ang pamamaraan kung paano lilinangin ang tesis.
Gayundin, isulat na rin ang konklusyon. Dapat taglayin ng konklusyon ang pagbubuod.
Nangangahulugan din ito na dapat ipaalala sa tagapakinig ang mga pangunahing ideya ng iyong
talumpati. Sa pagtatalumpati, dapat na maipahayag ang mga pangunahing ideya at mga
suportang detalye sa pamamagitan ng wikang makapanghihikayat at mauunawaan ng
tagapakinig. Nangangahulugan ito ng paggamit ng bokabularyo at istruktura ng pangungusap na