Filipino Iv Summative Test 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO

SUMMATIVE TEST 1-Q4


Pangalan: ______________________________ Seksyon:______________ Iskor: ________
I. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang samang sagot sa patlang.

_____1. Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng kuwento. Ito ay ang maayos na paghahanda ng ulat sa
pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto hinggil dito.
A. Pabula B. Parabula C. Balangkas D. Patalastas
_____2. Ito ay tumutukoy sa isang paraan ng pag -aanunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba't –
ibang anyo ng komunikasyong pangmadla.
A. Patalastas B. Parabula C. Balangkas D. Pabula
_____3. Ilang bahagi ang bumubuo sa balangkas?
A. Isa B. Dalawa C. Lima D. Anim
_____4. Alin sa mga sumsunod na bahagi ng balangkas ang nagpapakita ng mga karakter at
elemento sa kuwento?
A. Wakas B. Panimula C. Climax D. Pataas na aksyon
_____5. Dito makikita ang resulta kung sorpresa, masaya at malungot ang isang kuwento o
nobela.
A. Wakas B. Climax C. Panimula D. Pataas na aksyon
_____6. Bakit mahalaga ang Patalastas o Advertisement?
A. Ito ay mahalaga sa pagnenegosyo, para maipromote ang produkto na ibebenta nila para sa mga
mamimili.
B. Para mapanood ang mga iba’t-ibang artista na lumalabas sa Patalastas
C. Para makapanood sa telebisyon
D. Para makatakas sa mga gawaing bahay

II. Basahin at unawaing mabuti ang kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.

Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa


Dahil nag-iisang anak, malapit sa mga hayop si Maymay. Mayroon siyang aso at pusa – sina Bruno at
Kiting. Subalit, hindi alam ng bata na may tinatagong galit o inggit pala si Bruno kay Kiting.
Isang araw, nadatnan na lang ni Maymay na maraming pasa si Kiting. Nagalit siya kay Bruno at
pinarusahan ito. Ang pusa naman ay pawang alam na may kasalanan rin siya. Sinuyo niya ang aso noong umalis
ang bata at ang nanay niya.

_____7. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Si Edward At Ang Kanyang Aso at Pusa
B. Si Maymay At Ang Kanyang Aso at Pusa
C. Ang Aso at Pusa
D. Pusa at Aso ni Maymay
_____8. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
A. Si Maymay, Bruno at Kiting
B. Bruno at Kiting
C. Kiting at ang bata
D. Bruno at ang nanay

_____9. Ano ang nadatnan ni Maymay ng nakita nito si Kiting?


A. Kumakain ang pusa
B. Maraming pasa si Kiting
C. Sinuyo niya si Bruno
D. Umalis ang Nanay
_____10. Kung ikaw si Kiting, susuyuin mo din ba si Bruno?
A. Hindi, dahil may galit ito sa akin
B. Oo, dahil alam kong may kasalanan din ako
C. Hindi sigurado dahil na iingit ito saakin
D. Walang Pakialam

III. Suriin ang Patalastas at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

_____11. Tungkol saan ang patalastas?


A. Laban Kontra Droga C. Bakuna para sa bata
B. Impormasyon tungkol sa COVID-19 D. Bumili ng FaceMask
_____12. Para kanino ang patalastas?
A. Para sa mga bata C. Para sa lahat ng mamamayan
B. Para sa mga matatanda D. Para sa mga kabataan
_____13. Ang mga sumusunod ay paalala sa patalastas. Alin ang hindi kabilang?
A. Sanitize ang mga kamay C. Dumistansya ng isang metro
B. Bawal walang mask D. Gumamit ng mask na yari sa tela
_____14. Nagsasaad ba ng katotohanan ang Patalastas?
A. Oo, dahil ito ay impormasyon kontra COVID-19
B. Hindi, dahil ito ay patalastas lamang
C. Walang Kasiguraduhan dahil may COVID-19 positive parin
D. Walang Katiyakan
_____15. Bakit mahalang siyasatin ang Patalastas na pinapanuod?
A. Para malaman kong totoo o hindi ang sinasabi ng Patalastas
B. Para dumami ang manuod ng mga Patalastas
C. Para mas kumita ang mga artista dahil sa kanilang Patalastas
D. Para maaliw sa Patalastas na pinapanuod

You might also like