Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

July 1, 2018

DOROTEO C. CAMPOS
52 Ilocos Norte Street
Bago Bantay, Quezon City

Dear DORING,

Ako ang iyong amang si GREGORIO R. CAMPOS, na nasa 90 taong gulang ang may-ari ng rental unit na
iyong inaakupa simula noon hanggang ngayong 2018. Ang hindi mo pagbabayad ng paupahan simula
nang “i-zero out” ang mga pagkakautang mo noong 2004 ay nagdulot ng malaking kawalang pinansyal sa
akin at sa ina mo na si BARBARA C. CAMPOS, 86 taong gulang; dahil ang mga paupahan na lang ang
pinagkukunan ng ikabubuhay naming dalawa. Sa kadahilanang hindi mo pagtupad sa napagkasunduang
kondisyon na mag-iipon ka at lilisanin mo ang rental unit ng payapa; umabot na ng 14 taon mula 2004
ay hindi mo pa rin nililisan ang lugar; at para magamit namin upang matustusan na rin ng sapat ang
aming pang-araw araw na pangangailangan ng ina mo; ikaw ay pinagbabayad ko ngayon ng sumusunod
bilang utang mo sa inakupa mong rental unit ko:

Year Monthly Rental (P 30, 50 per day) Sub-Total


2004 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2005 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2006 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2007 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2008 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2009 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2010 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2011 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2012 P 900.00 x 12 months P 10,800.00
2013 (new rate) P 1,500.00 x 12 months P 18,000.00
2014 P 1,500.00 x 12 months P 18,000.00
2015 P 1,500.00 x 12 months P 18,000.00
2016 P 1,500.00 x 12 months P 18,000.00
2017 P 1,500.00 x 12 months P 18,000.00
2018 (until June) P 1,500.00 x 6 months P 9,000.00
TOTAL AMOUNT P 196,200.00

Ang patuloy na pagtira ng pamilya mo sa ngayon nang walang pahintulot ay patuloy rin na
makadaragdag sa utang na nabanggit sa itaas sa kada buwan ninyo na pagtigil sa lugar. Karagdagan dito,
bilang may-ari ay may karapatan akong taasan ang monthly rental na naaayon sa aking kagustuhan at
pangangailangan. Simula sa buwan ng July 2018 ang rental unit na iyan ay magiging P3,000 / month at
magbabayad ng ganong halaga ang sinuman na umakupa sa unit na iyan.

Ang iyong ama,

GREGORIO R. CAMPOS

You might also like