Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 9

I. Layunin
Naibahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring
naganap sa buhay ng tauhan. F9PN-IVd-58
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Maibahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga
pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan
b. Sanggunian: Lumang Pluma
c. Kagamitan: Video clip, PowerPoint Presentation
d. Pagpapahalaga: Maisabuhay ang pagiging matapat at pagbibigay ng
makatarungang desisyon.
III. Pamamaraan
a. Pagbabalik Aral
b. Pagganyak
Pagpapanood ng video clip tungkol sa magkakapatid. Ibahagi ang
sariling damdamin pagkatapos mapanood ang video.
c. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.
1. Wala itong laman kahapon kundi isang kuwalta na naaginaldo
ko noon pang Pasko pero kinuha ng kura.
a. Natanggap na regalo b. paunang bayad c. sahod
2. Nagpalahaw ng iyak ang bata.
a. Umiiyak ng mahina b. umiyak nang malakas c. umiyak
nang pabulong
3. “Kailan pa kaya ako puwedeng mag-araro sa bukid?”
Nagngingitngit na bulong niya at bumaba sa kampanaryo.
a. Nasisiyahan b. nagagalak c. naiinis
4. Nakatutulilig ang pagpalahaw ng iyak ni Crispin.
a. Nakakainis b. nakakarindi c. malakas
5. Nakatayong hindi makapagsalita at nakakuyom ang mga palad.
a. Nakabukas ang kamao b. nakataas ang kamao c. nakasara
ang kamao
d. Paglalahad
Pagpapabasa sa mga mag-aaral ng Kabanata XV ng Noli Me Tangere.
Ang mga pangyayaring sa kabanata ay ipinaliwanag ng guro sa mga
mag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod:
Tauhan
Tapuan
Buod
Kanser ng Lipunan
Aral
e. Pagtatalakay
1.Ano ang pamagat ng kabanata?
2. Sinu-sino ang mga tauhan sa Kabanata XV? Ilarawan ang bawat
isa.
3.Bakit ayaw payagang umuwi si Crispin ng sakristan mayor?
4.Paano nakatakas si Basilio?
5.Sa inyong palagay, tama ba ang naging desisyon ni Basilio na
pabayaang mag-isa ang kanyang kapatid?
f. Gawain
Panuto: Ang buong klase ay hahatiin sa tatlong (3) Pangkat. Ang
Bawat pangkat ay magkakaroon ng iba't ibang gawain.

I Pangkat: Iguhit ang inyong inaasam na pamilyang gusto ninyong


buuin sa hinaharap. Ipaliwanag sa harap ang inyong iginuhit.

Tatayahin sa inyong iginuhit ang mga sumusunod na pamantayan:

Pamantayan sa Pagpupuntos Puntos


Nagpapakita ng pagiging malikhain 45%
Angkop ang pagkakaguhit sa ibinigay na konsepto 30%
Malinaw at maayos ang pagpresenta ng iginuhit 25%
Kabuuang Puntos 100%

II Pangkat: Gumawa ng isang tula patungkol sa inyong kapatid. Ang


inyong tula ay makikitaan ng 3-4 na saknong at may 4 na linya sa
bawat taludtod. Magkakaroon ng lalabingdalawahing (12) sukat na
mababasa sa bawat taludtod.

Tatayahin sa inyong ginawang tula ang mga sumusunod na


pamantayan:

Pamantayan sa Pagpupuntos Puntos


Angkop at wasto ang mga salitang ginamit 35%
Mabisang naipahayag ang mensahe ng tula 20%
Pagiging malikhain sa pagbuo ng tula 45%
Kabuuang Puntos 100%

III Pangkat: Bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng mga pahayag


sa pagbibigay opiyon na ayon sa binasang kabanata XV. Gumawa ng
isang pangungusap sa bawat pahayag sa pagbibigay ng opinyon na
inilahad ng guro.

1. Kung ako ang tatanungin....


2. Hindi ako nagkakamali....
3. Sa aking palagay.....
4. Kumbinsido akong....
5. Sa tingin ko.....
6. Sa aking pananaw....
7. Sa totoo lang....
8. Lubos kong pinaniniwalaan....

Tatayahin sa inyong ginawang pangungusap ang mga sumusunod na


pamantayan:
Pamantayan sa Pagpupuntos Puntos
Malikhain sa pagbuo ng pangungusap 35%
Angkop at naaayon ang ginawa sa paksang inilahad 20%
Malinaw at malakas ang tinig sa pagbabasa 45%
Kabuuang Puntos 100%

g. Pag-uulat/Pagbibigay fidbak
Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng isang kinakatawan na
magbabasa sa harap ng klase ng kanilang mga ginawa. Ang guro
naman ay magbibigay ng fidbak sa bawat gawain.
h. Pagpapahalaga
Makatarungan bang mambintang ng walang ebidensya o basehan?
Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang pagiging matapat at
pagbibigay ng makatarungang desisyon?
i. Paglalapat
Sa kasalukuyang panahon sa simbahang katoliko sa lungsod ng Bago,
nangyayari pa ba ang mga pang-aabusong ito? Ano ang maari mong
gawin kung ikaw mismo ang nakakakita ng pang-aabuso?
j. Paglalahat
Anu-ano ang mahahalagang natutuhan sa Kabanata XV Ang
Dalawang Sakristan?
IV. Ebalwasyon
Panuto: Ibahagi ang sariling damdamin sa mga sitwasyong nangyayari sa
kabanata. Isulat ang sagot sa isang buong papel.

1. “Ganito na lamang ba tayo kuya?” patuloy ni Crispin. “Bukas,


sana ay magkasakit ako….. nang matagal na magkasakit para
alagaan ako ng nanay at hindi na pababalikin sa kumbento! Sa
gayon ay walang magsasabing magnanakaw ako….. Hindi rin
ako mapapalo! Pati ikaw, Kuya…… mabuti yata ay sabay na
tayong magkasakit! ”
2. “Huwag ka magalit, Kuya! Sabi ng kura ay papatayin daw niya
ako sa palo pag hindi ko inilabas ang pera. Kung totoo ko
sanang ninakaw, e, di maililitaw ko…… At saka patayin man nila
ako ay may maibibili kayo ng damit ng nanay! Kung ninakaw ko
nga sana!”
3. Malakas na tinampal ng sakristan mayor ang kamay ni Basilio
at saka hinaltak si Crispin. Nagpalahaw ng iyak ang bata at
nagpatibuwal. “Kuya! Huwag mo akong iwan! Papatayin nila
ako!” Pagnanangis niya.
V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin at unawain ang kasunod na Kabanata XVI. Isulat sa isang
buong papel ang tauhan, tagpuan at kanser ng lipunan na mababasa sa
kabanata.

Inihanda ni: Nica Joyce C. Duran

You might also like