Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas Province
Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School
Talaibon, Ibaan, Batangas

Sumatibong Pagsusulit
Edkasyon sa Pagpapakatao 7

I. Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng pinaka-angkop na sagot. Isulat
ito sa iyong kuwaderno.

1. Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, nagiging mas malalim ang pakikipag-ugnayan ng isang


kabataan. Dito ay naghahanap na din siya ng makakasama na makakasundo niya sa maraming
bagay. Anong inaasahang kilos at kakayahan ito?
A. Pagtanggap sa papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
B. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
C. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.

2. Ang mga sumusunod ay paraan upang malampasan ang mga hamon ng pagbabago na
nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata, MALIBAN sa ____
A. pagtuklas ng talento B. pagkakaroon ng tiwala sa sarili
C. pagtuklas sa sariling kakayahan D. pagtuklas sa sariling kalakasan at
kahinaan

3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4 .

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at


kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang
batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang
isang batang babae: nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae. Sa panig
ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at paguugali: laging tila humaharap sa
hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring
ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin.
Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang
katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa
mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa
iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na
ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay
nagsisimulang iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw
o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.

Hango sa: http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0

3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?


A. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at nagbibinata
4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituhan
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at
iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay
nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang
kumilos na tulad ng isang ganap na babae.

5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba.

Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
 Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa
bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.
 Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling
mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
 Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang
kakayahan.
 Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang
kanyang talento.
a. tapang b. talento at kakayahan
c. tiwala sa sarili d. positibong pagtingin sa sarili

6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na


pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?
a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-
edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa
kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang
pangkat na labas sa kanyang pamilya.
7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer
ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa
katapat na kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at
maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.

8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga
mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya
makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad
ng sa mga mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang
iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.

9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa.
Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa. b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng
isang malalim na pakikipagugnayan. c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na
sabihin ang lahat ng sikreto. d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi
magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap. 5 10. Si Bernard ay
mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan
dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang
makatuwirang gawin ni Bernard? a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo
ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa
kanyang kakayahan. b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na
makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili c. Harapin niya ang mga hamon nang
may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan. d. Huwag niyang iisipin na mas
magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa lahat.

II. TAMA o MALI. Isulat ang IYONG SECTION kung ang isinasaad ng bawat pangungusap ay tama
at APILYEDO mo kung Mali ang isinasaad ng pangungusap.

_________________________1. Ang kabataang kagaya mo ay nakararanas ng iba’t-ibang pagbabago sa


sarili sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Ang mga pagbabagong iyon ay normal na
nagaganap at dapat na maganap sa isang kagaya mo.

_________________________2. Pagdadalaga at pagbibinata- ito ay ang ating pakikipag-interaksyon o


pakikipagkonekta natin sa ibang tao na may layunin na makapagpapaunlad sa bawat isa.
_________________________3. Ang talento ay “inborn” na sa atin at ang kakayahan naman ay “skill” na
natutunan gamit ang ensayo. Samakatwid, ang pagpapaunlad ng talent ay nangangailangan ng
kakayahan.

_________________________4. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may 10 inaasahang kakayahan


at kilos na dapat malinang ayon kay Manuel Dy.

_________________________5. Ang bawat pagpapasiya sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay


napakahalaga sapagkat ito ay maaring makabuo at makawasak ng kanilang mga sarili.

_________________________6. Ang talent- ito sa mga pambihira at espesyal na kakayahan o kagalingan


ng tao sa isang bagay. Regalong kaloob ito ng Maykapal sa atin kaya naman taglay na natin ito
mula pa noong tayo ay isinilang.

_________________________7. Ang Multiple Intelligences (MI) na binuo ng isang American


developmental psychologist na si Dr. Howard Gardner noong 1983.

__________________________8. Nahahati sa 10 bahagi ang Multipile Intelligence na naayon sa iyong


talion.
__________________________ 9. Mathematical/Logical. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na
pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).

___________________________10. Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa


pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa
pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro.

III. Identification
Tukuyin kung saang talino kabilang ang mga pahayag ayon sa teorya ni Dr. Gardner. Piliin ang
sagot sa kahon sa ibaba at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

___________1. Taglay ng tao na may lubos na kaalaman sa wika.


___________2. Ito ay mga kaalaman sa ritmo, tunog at tono.
___________3. Ito ay kakayahan na kontrolin ang paggalaw ng katawan.
___________4. Taglay ng taong madaling makita ang kaniyang isip at nais gawin.
___________5. Ukol ito sa kahusayan sa pagbasa at pagsulat.
___________6. Ukol ito sa pakikipag-ugnayan sa sarili.
___________7. Ukol ito sa pakikipag kapuwa.
___________8. Ang mga taong may taglay nito ay magiging mahusay na manlalaro o mananayaw.
___________9. Pagmamasid sa kalikasan at kapaligiran.
__________10. Nais ng mga tao na ito na mapag-isa kaysa makisalamuha sa iba.

Pambiswal Pangwika Pangmatematika


Pangkatawan Pangmusika Intrapersonal
Interpersonal Pangkalikasan Pang-eksistensiyal

IV. Enumeration
Isulat ang hinihingi ng bawat bilang.
1-5 Elemento na makatutulong sa pagpagkakaroon ng matatag na pakikipagkaibigan
1.___________________________________________________________________
2.___________________________________________________________________
3.___________________________________________________________________
4.___________________________________________________________________
5.___________________________________________________________________

6-10 Isulat ang mga pagbabago sa iba’t-ibang aspekto sa panahon ng iyong pagdadalaga o
pagbibinata.
1.___________________________________________________________________
2.___________________________________________________________________
3.___________________________________________________________________
4.___________________________________________________________________
5. BONUS_____________________________________________________

Mjligiygiugipj

[k”<jbjhvghcgffdsdd

You might also like