Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay aralin sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 1

I. Layunin

Sa araling ito ang mag aaral ay inaasahang:

1. Nagpapakita ng mga paraan na makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng


tahanan at paaralan.

2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento

3. Naisasabuhay ang paksa

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagtulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa Tahanan at Paaralan

Sanggunian: PIVOT Learner’s Material Grade 1 Edukasyon sa Pagpapakatao

Kagamitan: PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagbati
- Pagsusuri ng lumiban sa klase
- Balik aral

B .Panlinang na gawain

A. Pagganyak
Pagmasdan at unawain ang mga larawan sa ibaba.
Tanong

1.Ano ang nakita ko niyo sa larawan?

2.Naglilinis ka rin ba sa inyong bahay?

3. Anong ginagawa mo sa inyong bahay o paaralan upang mapanatili mo ito ng malinis?

B. Pagtatalakay

Ang ating tatalakayin ngayon ay kung paano tayo makakatulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at
Kaayusan sa Tahanan at Paaralan.

Ang pagiging malinis at maayos ay tatak na kaugalian nating mga Filipino. Bilang isang Filipino , ikaw
rin ay inaasahang maging malinis at maayos.

Tanong

1. Ikaw ba ay malinis at maayos sa inyong sarili?


2. Tumutulong ka ba sa paglilinis sa bahay?
3. Hindi ka ba nagkakalat?

C. Paglalapat

Magkakaroon ng gawain kukuha ang mga bata ng isang buong papel.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang larawan ay nagpapakita ng mga paraan upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan sa tahanan at paaralan. Lagyan mo naman ang ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
D. Paglalahat

“ Cleanliness is next to godliness”

Ang kalinisan ay kasunod sa pagiging maka-diyos. Pinagpapala ng Diyos ang batang malinis at maayos.

Ang kalinisan ay kinakailangan upang makamit ang magandang kalusugan, Ang batang malinis at
maayos ay makakaiwas sa mga sakit.

Upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng tahanan at paaralan kailangan mong tumulong sa
paglilinis . Iwasan mo ang pagkakalat.

Mayroon akong babasahin na kwento sa inyo nais kong tahimik kayong makinig ito ay pinamagatang
“Ang Batang Mahilig Maglinis”

Mula sa kwentong iyong binasa, sagutin ang mga tanong na aking sasabihin.

1. Kung ikaw si Farhan Mushin Fida, tutulungan mo rin ba ang iyong ama kapag nag-aayos ito ng
mga gamit? Bakit?

2. Kung ikaw si Farhan Mushin Fida , sasabihin mo rin ba ang iyong mga kaklase na huwag silang
magkakalat? Bakit

3. Maglilinis ka rin ba sa inyong classroom kung nakita mong may mga kalat. Bakit?

E. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng smiley (  ) kung ang gawain ay nagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan at


kaayusan sa tahanan at paaralan. Sad face (  ) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

____1. “ Inay , ako na po ang mag-aayos ng higaan natin”.

____2. “ Si kuya talaga, ikinalat na nanaman ang mga laruan niya. Bahala na siya diyan”.

____3. “ Sir Grafil, ako naman po ba ang maglilinis sa classroom?”

____4. “ Tatay , ako na po ang magdidilig sa halamanan natin”.

____5. “ Nakakainis naman. Ang dumi-dumi at ang kalat naman dito sa bahay. Bahala nga kayo.”

IV. TAKDANG ARALIN

Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto bilang 4 , pahina 35.

Inihanda ni:

Renalyn E. Capuno

You might also like