Anyo NG Pangungusap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

4 NA ANYO NG PANGUNGUSAP, MGA KAHULUGAN & HALIMBAWA

1. PAYAK

Ang payak na pangungusap ay nagbibigay ng isang buong kaisipan. Ito ay may payak na paksa at
payak na panaguri.

Mga Halimbawa:3

Umalis ng maaga si Manuel.

Kinain ni Julian ang tinapay sa mesa.

Bumili ng bagong aklat si Simon.

2. TAMBALAN

Ang tambalan na pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay o sugnay na
makapag-iisa. Kadalasan, ang dalawang pangungusap ay dinudugtong ng mga pangatnig tulad ng at,
ngunit, habang, at subalit.

Mga Halimbawa:

Pumunta ng paaralan si nanay habang nagtrabaho naman si tatay.

Aalis sana papuntang Palawan sina Demetry at Flor ngunit hindi pumayag ang kanilang mga
magulang.

Naghanda ng maiinom si Jessy at si Lolie naman ay nagluto ng makakain.

3. HUGNAYAN

Ang hugnayan na anyo ng pangungusap ay binubuo ng isang malayang sugnay o sugnay na


makapag-iisa at isang di-malayang sugnay o sugnay na di makapag-iisa. Kadalasan, ang “kung” ay
ginagamit pandugtong sa dalawang sugnay.

Mga Halimbawa:

Kung hindi man ngayon, baka bukas magbabayad na siya.

Kung umalis siya ng maaga, malamang nakarating na siya sa Quezon ngayon.

Hindi mo rin maabutan si Lexi kung pumunta ka.

4. LANGKAPAN

Ang pangungusap na langkapan ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay


na di-makapag-iisa.

Mga Halimbawa:

Maglalaba ka sa umaga at maglilinis ng bahay sa hapon upang maihanda ito para sa mga bisita.

Pupunta ng parke si Jonathan at bibili ng mga bulaklak kung hindi uulan mamaya.
Biniyayaan sina Angel at Mike habang nanalo naman ng patimpalak si Jason kahit kapos silang tatlo sa
pera.

You might also like