Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan–Modyul 2:
Sistemang Pang-Ekonomiya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Sistemang Pang-Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arnel O. Rivera
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) (Sample)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:

Sistemang Pang-Ekonomiya
Paunang Salita
Para sa mga guro:

Ang ekonomiks ay mahalagang bahagi ng buhay ng isang mag-aaral. Ang


aplikasyon nito sa tunay na buhay ay makakatulong sa mag-aaral upang
magtagumpay sa makabagong daigdig. Layunin ng serye ng mga modyul na ito na
ipaunawa sa mag-aaral ang katuturan ng ekonomiks sa kanyang pang-araw-araw
na pamumuhay.

Sinikap ng may-akda na gawing simple ang pagtalakay lalo na sa mga aspektong


teknikal upang higit itong maunawaan ng mag-aaral. Ang ilan sa mga salitang
teknikal ay sadyang hindi isinalin sa Filipino upang mapanatili ang tunay na
kahulugan at maiwasan ang pagkalito ng mga mag-aaral sa kanilang pagtuntong sa
kolehiyo at Senior High School kung saan ang ekonomiks ay itinuturo sa wikang
Ingles.

Para sa Mag-aaral:

Kamusta mga bata? Mabuhay!

Ako si ...at ako naman


EKO…. si MIYA!

Kami ang makakasama mo sa pag-aaral ng mga aralin


tungkol sa EKONOMIKS.

Pinagkunan: http://www.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2019/10/Eko-Miya-Series.png

Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:


• Maging maingat sa paggamit ng modyul.
• Basahin at unawain ang mga direksyon sa bawat pagsubok.
• Maging tapat sa pagsagot at pagwawasto ng mga pagsubok.
• Huwag sulatan ang anumang bahagi ng modyul na ito.
• Tapusin ang naunang aralin bago tumuloy sa susunod na aralin.

2
Alamin

Aralin 2 – Sistemang Pang-Ekonomiya


Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang ikaw
ay makakapagsusuri sa kaugnayan ng
pangangailangan at kagustuhan sa mekanismo ng
alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya
bilang sagot sa kakapusan.
Pinagkunan: https://giphy.com/gifs/nerd-miya-eko-and-igyg
HaGwIpguodhh2v

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:

• Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya.

Tiyak na Layunin:

• Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan,


pangangailangan at kagustuhan.

• Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang


matugunan ang pangangailangan.

• Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang


pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan.

3
Subukin
=Panimulang Pagtataya=
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi
wasto.

1. Ang budget at alokasyon ay iisa lamang.


2. May limang katanungang pang-ekonomiko.
3. Layunin ng sistemang pang-ekonomiya ang paglikha ng labis na produkto.
4. Ang pagkakaiba ng sistemang pang-ekonomiya ay nakabatay sa kung sinu-
sino ang gumagawa ng pagpapasya.
5. Layunin ng alokasyon ang masinop na paggamit ng pinagkukunang-yaman.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. Piliin ang sagot mula sa
kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. ALOKASYON
B. BUDGET
C. COMMAND ECONOMY
D. MARKET ECONOMY
E. SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

6. Pagtatakda ng dami ng pinagkukunang yaman (halaga) para matugunan


ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
7. Ang halagang inilalaan upang tugunan ang isang pangangailangan o
kagustuhan.
8. Ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit upang makatugon sa
suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan.
9. Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay nagaganap sa malayang
pamilihan.
10. Ang ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

Bago tumuloy sa sususnod na gawain, i-


CHECK ang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng
modyul. Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at
KATAPATAN.

4
Aralin

2 Sistemang Pang-ekonomiya

 Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang


kagustuhan at pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng
pinagkukunang yaman.

 Kailangang isaalang-alang natin ang paggamit ng lahat ng pinagkukunang-


yaman upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at
kapakinabangan mula rito.

Balikan

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi
wasto.

1. Ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili.


2. Dapat na maging matalino sa pagpili ng mga kalakal na bibilhin dahil sa
kakapusan.
3. Ang pagnanais na matugunan ang pangangailangan ay bunga ng layaw ng
tao.
4. Nagiging mabuti ang ugali ng tao kapag nakakaranas ng kakapusan.
5. May mga yaman na sadyang hindi maaring palitan.

Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

6. Ang hindi kasapatan ng pinagkukunang- A. EKONOMIKS


yaman upang mapunan ang B. KAKAPUSAN
pangangailangan at kagustuhan ng tao. C. KAGUSTUHAN
7. Pag-aaral kung paano tutugunan ng tao ang D. OPPORTUNITY COST
kanyang mga pangangailangan at E. TRADE-OFF
kagustuhan sa pinakamahusay na paraan.
8. Ang kaisipan na upang makuha ang isang
bagay, kailangang isakripisyo ang iba.
9. Ang halaga ng bagay na handang isuko o
bitawan upang makamit ang isang bagay.
10. Mga bagay na ginusto lamang ng tao at maari
itong mabuhay kahit wala ito.

5
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing Paksa:
• Sistemang Pang-Ekonomiya
Mahahalagang Terminolohiya:
• ALOKASYON
• BUDGET
• SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
• TRADITIONAL ECONOMY
• COMMAND ECONOMY
• MARKET ECONOMY
• MIXED ECONOMY
Pangunahing Tanong:

• Ano ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya


bilang sagot sa kakapusan?

6
Tuklasin

Tamang Paggamit ng Pinagkukunang Yaman


• Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang
itinuturing na pinakaugat ng suliranin sa kakapusan. Kaya nararapat
na maging matalino sa pagpapasya.

• Bagaman hindi matutugunan ng limitadong pinagkukunang-yaman


ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan ng tao, dapat pa ring
tiyakin ang lubos na paggamit nito.

Magkano ang nakahanda


mong gastusin para sa mga
sumusunod na
pangangailangan? Lagyan ng
presyo ang talaan sa ibaba.

Kalakal Presyo

• Meryenda sa tanghali

• Bagong T-shirt

• Pampagupit o pampaayos ng
buhok

• Notebook (isang piraso)

Pamprosesong Tanong:

• Ano ang iyong naging batayan sa pagtatakda ng halaga?

7
Suriin

Ano ang ALOKASYON?


• Ito ang pagtatakda ng dami ng pinagkukunang yaman (halaga) para
matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
• Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at
serbisyo.
• Ito ang pamamaraan ng pagtugon ng tao ukol sa suliranin ng kakapusan ng
mga pinagkukunang yaman.

Pinagkunan:
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-4-alokasyon-at-sistemang-pangekonomiya-
97962378

Ano ang BUDGET?


• Ang halagang inilalaan upang tugunan ang isang pangangailangan o
kagustuhan.

Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay, panoorin mo muna ang video


sa Youtube tungkol sa Alokasyon gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=24bQ9XVLmcc&t=151s

Pinagkunan: https://www.dreamstime.com/youtube-logo-monitor-screen-social-media-networking-
american-video-sharing-website-flat-icon-design-isolated-over-white-im

8
Tatlong Katanungang Pang-ekonomiya.

• Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng


pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas
na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
• Nararapat itong bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang
mga pinagkukunang-yaman.
• Ang mapanagutang paggamit nito ang titiyak na may magagamit pang
pinagkukunang-yaman ang susunod na henerasyon.
• Upang matiyak na maayos (efficient) ang alokasyon ng mga pinagkukunang-
yaman, Kailangang tumugon ang bawat lipunan sa Tatlong Katanungang
Pang-ekonomiya.

Anu-anong mga kalakal at serbisyo ang


dapat likhain at gaano ito karami?

Paano lilikhain ang mga kalakal at


serbiyong ito?

Para kanino ang mga lilikhaing kalakal


at serbisyo?

Tatlong katanungang pang-ekonomiya

1. Anu-anong mga kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano ito


karami?
• Kabilang dito ang pagpili ng mga bagay na dapat likhain at kung anu-
ano ang maaring gawing alternatibo para dito.

2. Paano lilikhain ang mga kalakal at serbiyong ito?


• Kabilang dito kung sinu-sino ang lilikha ng mga kalakal at serbisyo at
ang mga paraan, teknolohiya at presyo ng mga bagay na kailangan sa
paglikha nito.

3. Para kanino ang mga lilikhaing kalakal at serbisyo?


• Kabilang dito kung sino-sino ang makikinabang sa mga malilikhang
kalakal at serbisyo at kung paano maisasagawa ang maayos na
distribusyon nito.

Para mas lalo mong maintindihan ang tungkol sa


Tatlong Katanungang Pang-ekonomiya
panuorin ang video sa Youtube gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq4
8&t=137s

Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html

9
Break Muna!

Tukuyin kung alin sa Tatlong katanungang pang-


ekonomiya ang sasagot sa mga item sa bawat
bilang.

1. Palay, mais, kotse, o computer


2. Tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya
3. Mamamayan sa loob o labas ng bansa
4. 500 kilo ng bigas o 200 metrong tela
5. Bibili ng ready-made o ipapagawa

Ano ang Sistemang Pang-Ekonomiya?


• Ito ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit upang makatugon sa
suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan.
• Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal at
serbisyo at maiwasan ang kakulangan ng mga ito.
• Ang pagkakaiba ng sistemang pang-ekonomiya ay nakabatay sa kung sino-
sino ang gumagawa ng pagpapasya at sa pamamaraan ng
pagpapasyang ginagawa.

Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya

Pinagkunan:
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-4-alokasyon-at-sistemang-pangekonomiya-
97962378

Traditional Economy
• Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng lipunan.
• Umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit,
pagkain at tirahan.

10
Market Economy
• Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay
nagaganap sa malayang pamilihan.
• Hindi nakikialam ang pamahalaan sa
pagpapatakbo sa ekonomiya.
• Ang bawat kalahok (mamimili at nagtitinda)
ay kumikilos alinsunod sa kanyang
pansariling interest kung ito ay naayon sa
batas.
• Pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari.
• Hango sa prinsipyo ng Kapitalismo
(Capitalism) ni Adam Smith.
Pinagkunan:
https://www.adamsmithworks.org/life_times/adam-smith-
scientist-and-evolutionist-modelling-other-regarding-behavior-
without-social-preferences

Command Economy
• Ang ekonomiya ay nasa kontrol at
regulasyon ng pamahalaan.
• Ang pamahalaan ay may ganap na
kapangyarihan na gamitin ng husto ang
lupa, paggawa at kapital upang makamit
ang mga layuning pang-ekonomiya.
• Nagtataguyod sa sama-samang pagmamay-
ari o pamamahala sa paggawa at
pamamahagi ng mga kagamitan.
• Ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng
pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng
indibidwal na may patas na pamamaraan ng
pasahod.
• Hango sa prinsipyo ng Sosyalismo
(Socialism) ni Karl Marx.

Pinagkunan:
https://en.wikipedia.org/wiki/File:Karl_Marx_001.jpg

Mixed Economy
• Pinaghalong sistema ng Market at Command
economy.
• Hinahayaan ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaring manghimasok
ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan ng
mamimili.
• May aktibong pakikialam ang pamahalaan
sa ekonomiya sa pamamagitan ng
patakarang piskal (fiscal policy) at
patakaran ng pananalapi (monetary policy).
• Hango sa prinsipyo ng Macroeconomics ni
John Maynard Keynes.

Pinagkunan:
https://geniusrevive.com/en/john-maynard-keynes-the-
father-of-modern-macroeconomics/

11
Pagbubuod:

Sistemang Nagpapasya Paraan ng Pagpapasya


pang-ekonomiya

Traditional Lipunan Nakabatay sa tradisyon, kultura at


Economy paniniwala

Market Economy Pamilihan Alinsunod sa kanyang pansariling


(Nagtitinda at interest
Mamimili)
Command Economy Pamahalaan Ang pamahalaan ay may ganap na
kapangyarihan upang makamit ang
mga layuning pang-ekonomiya

Mixed Economy Pamilihan at Hinahayaan ang pamilihan subalit


Pamahalaan maaring manghimasok ang pamahalaan

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga Sistemang Pang-ekonomiya,


panuorin ang mga video sa Youtube gamit ang mga sumusunod na link:
• Traditional Economy – https://www.youtube.com/watch?v=IQwU7NKf02g
• Market Economy – https://www.youtube.com/watch?v=DKVEOefidjQ
• Command Economy – https://www.youtube.com/watch?v=lIHfNDNRQKs
• Mixed Economy - https://www.youtube.com/watch?v=9EseSEgLsvU

Pinagkunan: https://www.dreamstime.com/youtube-logo-monitor-screen-social-media-networking-
american-video-sharing-website-flat-icon-design-isolated-over-white-im

12
Pagyamanin

Tukuyin kung ang mga sumusunod at nagaganap sa isang lipunang


mayroong Traditional Economy, Market Ekonomy, Command Economy o
Mixed Economy. Lagyan ng bilog ang tamang sagot.

Sistemang Pang-Ekonomiya Sitwasyon


Traditional Market Command Mixed 1. Pinapayagan ang pribadong
Economy Economy Economy Economy pagmamay-ari.
2. Ang paggawa ng kalakal ay
Traditional Market Command Mixed batay sa nakagisnan kahit
Economy Economy Economy Economy mayroong modernong paraan
ng paggawa nito.

Traditional Market Command Mixed 3. Ang lahat ng manggagawa ay


Economy Economy Economy Economy may pare-parehong sahod.

Traditional Market Command Mixed 4. May aktibong pakikialam ang


Economy Economy Economy Economy pamahalaan sa ekonomiya.
5. Hindi pinapayagan ang
Traditional Market Command Mixed pagtitinda ng kalakal ng walang
Economy Economy Economy Economy pahintulot sa pamahalaan.

Traditional Market Command Mixed 6. Malayang nagtatakda ng presyo


Economy Economy Economy Economy ang mga nagtitinda ng kalakal.
7. Umiikot lamang sa
Traditional Market Command Mixed pangunahing pangangailangan
Economy Economy Economy Economy ng tao.
8. Pinagbabawal ng pamahalaan
Traditional Market Command Mixed ang pagbebenta ng kalakal na
Economy Economy Economy Economy sobrang taas ng presyo.
9. Ang lipunan ay kilala sa
Traditional Market Command Mixed pagkakaroon ng pantay-pantay
Economy Economy Economy Economy na pagkakataon sa lahat

10. Ang mga mamimili ay malayang


Traditional Market Command Mixed nakabili ng kalakal sa kanilang
Economy Economy Economy Economy nais na presyo.

13
Isaisip

• Ang alokasyon ay mekanismo ng pamamahagi


ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo.
• Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang
paraan upang maayos na maipamahagi at
magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng
bansa. Ito ay paraan upang ang lipunan ay
makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.
• Mahalaga ang alokasyon at sistemang pang-
ekonomiya upang makamit ng tao ang
pinakamataas na antas ng kasiyahan at
kapakinabangan mula sa mga pinagkukunang-
yaman. Nararapat itong bigyan-pansin dahil sa
kakapusan.

PAGNILAYAN

• Paano makatutulong ang kaalaman sa


konsepto ng alokasyon sa pagbuo ng
matalinong pagdedesisyon?
• Bakit mahalaga na magkaroon ng
sistemang pang-ekonomiya ang isang
lipunan?
• Para sa iyo, ano ang angkop na sistemang
pang-ekonomiya sa Pilipinas?

14
Isagawa

Gumawa ng synthesis ng mga natutunan mong impormasyon tungkol sa


sistemang pang-ekonomiya gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Traditional Market
Economy Economy

Sistemang
Pang-
ekonomiya

Command
Economy Mixed Economy

15
Tayahin
=Pangwakas na Pagtataya=
MARAMIHANG PAGPILI. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang
matugunan ang kagustuhan at pangangailangan?
A. Distribusyon C. Pamumuhunan
B. Alokasyon D. Reserbasyon
2. Sa command economy, ano ang may komprehensibong kontrol at regulasyon
ng ekonomiya ng bansa?
A. Prodyuser C. Pamahalaan
B. Konsyumer D. Pamilihan
3. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung
ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyunal na ekonomiya?
A. Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano nito.
B. Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng
mga pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa
ibang gawain.
4. Kailan itinuturing na may pakinabang ang isang bagay?
A. Kung ginagamit ito sa paglikha ng bagong produkto
B. Kung mahalaga ito
C. Kung laganap ito
D. Kung ginagamit ito upang matugunan ang ating pangangailangan
5. Sa aling sistema may lubos na kontrol ang pamahalaan sa ekonomiya ng
bansa?
A. Traditional Economy C. Command Economy
B. Market Economy D. Mixed Economy

16
Para sa bilang 6-8, basahin ang mga sanaysay sa mga kahon upang
masagot ang mga sumusunod na tanong:

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na nakilala sa buong mundo


bilang isang bansang demokratiko. Bago makamit ang minimithing demokrasya,
ang bansa ay minsang napasailalim sa diktaturyang pamahalaan. Pagkatapos ng
batas militar, nanumbalik ang sigla at galaw ng ekonomiya. Sa kasalukuyan ang
pamahalaan ay nanghihikayat ng mga negosyante sa ibang bansa para
mamuhunan dito. Malaya ang mga mamamayan na magtayo ng kanilang
negosyo ngunit ang pamahalaan ang may kontrol sa pagpasok, pagtatayo at
pangangasiwa sa negosyo. Sa ating sistema sa kasalukuyan, pinahihintulutan
nito na makagawa ng mga pribadong pagpapasiya ang mga kumpanya at
indibidwal. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng sistemang pang-ekonomiya,
hindi malayo na tayo ay makipagsabayan sa mga bansang mauunlad. Isang
bansa na maraming oportunidad sa mga mamamayan para magkaroon ng
mataas na antas ng pamumuhay ng tao.

6. Batay sa teksto, anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang mayroon ang


Pilipinas?
A. Command Economy C. Market Economy
B. Mixed Economy D. Traditional Economy
7. Ano ang naging epekto sa ekonomiya ng bansa nang ipatupad ang batas
militar ayon sa ating kasaysayan?
A. Nagkaroon ng malayang kalakalan.
B. Nagkaroon ng pagkontrol sa sistemang pang-ekonomiya.
C. Naging matamlay ang ekonomiya ng bansa.
D. Maraming negosyante ang namumuhunan sa bansa.
8. Kung magpapatuloy ang sistemang pang-ekonomiya sa kasalukuyan, paano
ito makatutulong sa pambansang kaunlaran?
A. Malilimitahan ang suporta at serbisyo na matatanggap ng mga
mamamayan
B. Mapipilitan ang karamihang mamamayan na mangibang bansa
C. Magkakaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at
namumuhunan
D. Pagbaba ng bilang ng mga negosyanteng namumuhunan sa loob at
labas ng bansa

17
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI na naglalarawan sa lipunang may
market economy?
A. Malayang nakakapasok ang mga kalakal sa pamilihan.
B. Maraming nagtitinda ang nagpapababaan ng presyo.
C. Walang buwis na ipinapataw sa mga kalakal.
D. Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo.

10. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang naniniwala sa


malayang pamumuhunan?
A. Traditional Economy C. Command Economy
B. Market Economy D. Mixed Economy

Bago tumuloy sa sususnod na gawain, i-


CHECK ang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng
modyul. Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at
KATAPATAN.

18
Karagdagang Gawain

Magsaliksik tungkol sa pamamaraan ng pamumuhay ng tao sa iba’t ibang


sistemang pang-ekonomiya. Punan ang talaan ukol sa kabutihan at di-kabutihan
ng bawat uri ng sistemang pang-ekonomiya.

Sistemang Kabutihan Di-Kabutihan


pang-ekonomiya

Traditional
Economy

Market Economy

Command Economy

Mixed Economy

19
Susi sa Pagwawasto

Unang Markahan – Modyul 2:


Sistemang Pang-ekonomiya

Subukin Balikan Break Muna!


1. MALI 1. TAMA 1. Anu-ano…
2. MALI 2. TAMA 2. Paano…
3. MALI 3. MALI 3. Para kanino…
4. TAMA 4. MALI 4. Anu-ano…..
5. TAMA 5. TAMA 5. Paano….
6. A 6. B
7. B 7. A
8. E 8. E
9. D 9. D
10. C 10. C

Pagyamanin Tayahin
1. Market 11. A
2. Traditional 12. C
3. Command 13. C
4. Mixed 14. D
5. Command 15. C
6. Market 16. B
7. Traditional 17. C
8. Mixed 18. C
9. Command 19. D
10. Market 20. B

20
Sanggunian
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal Publishing (2020) retrieved from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp-
content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Secondary_Tabbed.pdf
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)
Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Eko and Miya characters used with permission from the National Economic
Development Authority (NEDA) retrieved from http://2040.neda.gov.ph/eko-
and-miya-series
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang
Edisyon 2015
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon
(2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu,
VPHI

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

You might also like