Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Persepsyon ng mga Mag aaral sa Pagtanggal sa Asignaturang

Filipino sa Kolehiyo
Rationale

Sa paglipas ng panahon, ang kalayaang ipinaglaban ng ating bayani noong


unang panahon ay atin ng nakakamit at nakikita ngayon. Sa katunayan ay ginagamit
natin ito sa araw-araw kahit na hindi natin ito nabibigyang pansin. Karamihan sa mga
mamayang Pilipino ay hindi alam na ang wikang Filipino ay isa sa mga sagisag ng ating
kalayaan mula sa mga dayuhan. Ito ang pundasyon ng ating sariling bansa, ang
nagpapatunay na ito ay sariling atin. Ang asignaturang Filipino ay tumatalakay sa pag-
aaral ng tamang paggamit ng ating wika, mga kayamanang literatura sa ating bansa,
tulad ng mga akda ng mga batikang manunulat, at iba pang mga kaalaman na
kailangan natin bilang mga Pilipino. Marami man ang tumututol sa pagtanggal sa
asignaturang ito, may ilan din namang nagsasabing may kapakinabangan ito. Kaya
naman ang pananaliksik na ito ay naka tuon sa pag-alam ng posibleng epekto ng
pagpapatupad ng batas na ito.

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga para maghulma ng kaalaman ng mga


estudyante at mapagtibay ito. Hindi lamang ito sumisimbolo sa ating wika. Kundi
sumisimbolo din ito sa lahi ng ating pinanggalingan. Sana isipin ng mga nakatataas sa
gobeyerno ang malaking papel ng wika sa pag unlad ng malaking bansa. Ito ay
sumasalamin sa ugali at buhay ng tao at ito rin ang nagsisilbing puso ng ating kultura.
Kung ating tanggalin ang Filipino, parang sinasabi natin na hayaan na makalimutan ang
lahat ng itinuro ng mga guro, at ang pagod na hinaharap ng ating mga bayani upang
ipaglaban ang kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan. At iyon ay ang wikang ating
kinasanayan na hinulma ng panahon. Ayon naman kay lonika Ruth Rabas ng BSEd
major in Biological Science. “Para sa akin, ang pag-alis ng asignaturang Filipino ay
magbibigay ng masamng epekto sapagkat isa itong indikasyon na hindi natin kayang
tangkilikin ang sariling atin”, Sa pagpapatupad ng CMO no. 20, s. 2013, para na rin
nating tinalikuran ang sarili nating wika. Ay ayon nga kay Rabas, parang ipinapakita na
rin ng mga Pilipino na hindi natin kayang pahalagahan kung ano ang mayroon tayo.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mamulat ang ating mga


kababayan tungkol sa pinagtatalunang pagtanggal sa asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Importante na malaman ng bawat mamamayan ang epekto nito sa ating wika bilang
mga Pilipino at upang pahalagahan natin ang pag-aaral ng Filipino.Kaya naman ang
pananaliksik na ito ay kapakipakinabang sa mga sumusunod: Sa mga mag-aaral ng
basic education.Dahil ang saklaw lang na ipatutupad ng CHED Memorandum Order no.
20 series of 2013 ay ang curriculum ng kolehiyo. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa
mga mag-aaral na hindi pa nakakatungtong sa tertiary level upang mamulat na agad
sila sa murang edad na ang asignaturang Filipino ay mahalaga sa ating bansa lalong
lalo na sa aspeto ng ating wika. Sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Dahil sila ang pinaka
maaapektuhan sa pananaliksik na ito,Dapat na maunawaan nilang lubusan ang ang
positibo at negatibong sa wikang Filipino at pati na sa kanilang pag-aaral bilang mga
estudyante.

Layunin

Nais ng mga mananaliksik na matukoy at magbigay linaw sa mga agam-agam


at pagtatalo tungkol sa panukalang pagtanggal sa Asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Layunin ng mga mananaliksik na alamin at ianalisa ang mga sagot mula sa naihandang
mga katanungan. Ang pag aanalisa sa kanilang mga sagot kung handa na ang mga
mag-aaral na gamitin ang Filipino kahit hindi na ito pag aaralan sa kolehiyo, kung sapat
na ang kanilang kaalaman at kakayahan sa larangan ng pagsulat at pagbasa nang may
tama at malalim na pag-unawa mula sa pangungusap hanggang sa talata, sanaysay,
tula, lathala, at iba pa, kung kaya naba nilang magbasa, magsulat, at magbigkas namay
mahusay at malalim na pagkaunawa sa sinapnayan at Agham, kung kaya na nilang
magsuri ng ibat ibang uri ng pampanitikan mula sa literal hanggang sa malalim na pag-
unawa, kung mayroong naulit na aralin mula sa Elementarya hanggang Sekondarya sa
asignaturang Filipino sa kolehiyo, nakakatulong kayang pag aralan muli ang mga naulit
na paksa mula Elementarya hanggang Sekondarya o ito ay hindi na kailangan, at
maaanalisa ang persepsyon ng mga mag-aaral sa panukalang pagtanggal sa
asignaturang Filipino sa kolehiyo. Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang sagot
sa mga sumusunod na katanungan:

1. Handa naba ang mga mag-aaral na gamitin ang Filipino kahit hindi na ito ituro pa sa
kolehiyo?
2. Ano-ano ang mga kadahilanan kung bakit ipapatupad ang pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo?
3. Sang-ayon ba ang mga mag-aaral sa kolehiyo, ang mga guro at ang lahat ng
departamento sa paaralan na ipatanggal ang asignaturang Filipino sa kanilang sistema
ng edukasyon?
4. Ano-ano ang mga maaaring epekto nito sa wikang Filipino?
5. Ano-ano naman ang maidudulot nito sa mga mag-aaral?
Metodolohiya

Sa seksyong ito, malalaman ang mga paraan na isasagawa upang maabot


ang mga layunin.
Ang pagkalap ng impormasyon ay sa paraan ng personal interviews. Dito
matutuklasan ng mga mananaliksik ang mga detalyadong mga impormasyon tulad ng
pansariling eksperensiya, kaalaman, at mga saloobin tungkol sa pagtanggal sa
asignaturang Filipino sa kolehiyo at paano ito nakaaapekto sa pag-aaral at pagkatuto
nila. Makikipanayam ang mga mananaliksik sa estudyante mula sa Senior High School.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng interbyu bilang pamamaraan sa pagkuha ng
impormasyon o datos na magagamit sa pag-aaral na ito. Nagsagawa ang mga
mananaliksik ng interbyu questions upang makuha ang kwento at karanasan ng mga
mag-aaral. Ang pokus sa tanong ay kung Handa naba ang mga mag-aaral na gamitin
ang Filipino kahit hindi na ito ituro pa sa kolehiyo. Ano-ano ang mga kadahilanan kung
bakit ipapatupad ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. At kung ano-ano
ang mga maaaring epekto nito sa wikang Filipino.
Inaasahang awput o resulta

You might also like