Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pang-ekonomikong Ugnayan at

Patakarang Panlabas ng Pilipinas


 Kalakalang panlabas
“ang pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa ay tinatawag na kalakalang panlabas”
-Noon paman ay umiiral na ang pakikipagkalakalan, ayon sa kasaysayan, ang ating mga ninuno
ay nakikipagpalitan na nang mga produkto sa mga dayuhan gamit ang sistemang barter. May
mga ebidensiya na ang mga sinaunang Pilipino ay nakikipagkalakalan na sa mga Tsino, Arabo
at iba pang 4 dayuhan bago pa man dumating ang mga Espanyol.
May dalawang uri ang pakikipagkalakalan
-Import
import na tumutukoy sa pagpasok sa local na pamilihan ng mga produkto o serbisyo mula sa
ibang bansa

-Export
ang export na tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa ibang bansa

May positibo at negatibong epekto din ang kalakalang panlabas. Para sa kabutihang dulot nito,
mas maraming produkto ang mapagpipilian sa pamilihan. Napapataas nito ang kalidad ng mga
produkto na mabibili sa pamilihan. Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga mamamayan ng
bansang nakikipagkalakalan at lumalawak ang pamilihan ng mga produkto sa bansa. Sa kabilang
banda naman, may mga di-mabuting epekto ito sa atin gaya ng pagiging palaasa ng mga
mamamayan sa produktong imported. Hindi nalilinang ang pagkamalikhain ng mga
mamamayan dahil umaasa na lamang sila sa mga produktong gawa sa ibang bansa at
pagkawala ng sariling pagkakakilanlan bunga ng pagpasok ng dayuhang kultura sa lipunan.

mga mahalagang panukat na tinitingnan at pinag-aaralan ng pamahalaan tungkol sa


kalakalang panlabas:
Balance of Payment (BOP) na nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya
ng isang bansa. Ito rin ang nagpapakita ng talaan ng transaksyon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng
mundo

Balance of Trade (BOT) ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na


inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export)

Mga tyeoryang tungkol sa pambansang panlabas:

Absolute Advantage Theory. Isinasaad ng teoryang ito na ang isang bansa ay nasasabing may
absolute advantage sa pagprodyus sa isang kalakal kung nakalilikha ito ng mas maraming bilang ng
produkto gamit ang mas kaunting salik ng produksyon kumpara sa ibang bansa

Comparative Advantage Theory na tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na iprodyus o


likhain ang produkto sa mas mababang opportunity cost kaysa sa produkto ng ibang bansa. Ang isang
bansa ay may comparative advantage sa paggawa ng isang bagay o serbisyo kapag kaya niyang gawin
ang produkto o serbisyo nang mas efficient kompara sa ibang uri ng produkto o serbisyo sa larangan ng
kanyang paghahambing sa isang bansa.

 Patakaran at Programang Nagtataguyod sa Kalakalang Panlabas

-Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko (R.A. 7721)


Ito ay isinasabatas upang mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang bangko sa pamamagitan
ng pagtatayo ng mga sangay nito. Sa ilalim ng batas na ito, pinayagan ang pagpasok,
pangangasiwa, at pamamahala ng kanilang mga sangay sa ating bansa.

-Foreign Trade Service Corps (FTSC)


Ito ay ahensiyang naglulunsad ng iba’t ibang estratehiyag pamilihan upang lubusang makilala at
mapatanyag ang produktong gawa ng sariling bansa.

-Trade and Industry Information Center (TIIC)


Ito ang nangangasiwa sa operasyon ng Bureau Research Center na nagpapalaganap ng mga
datos, statistics, impormasyon tungkol sa ekonomiya, kalakalan, industriya, pamahalaan, at
kapakanan ng mga mamimili.

-Center for Industrial Competitivenes


Naglulunsad ng mga programang magtataas ng antas o kalidad at produktibidad ng mga
manggagawa upang sila ay maging kompetitibo sa pandaigdigang pamilihan ng manggagawa,
produkto, at serbisyo.
 Pang-ekonomikong Ugnayan ng Pilipinas sa mga Pandaigdigang
Samahan

-“Naging mas sistematiko ang pakikipagkalakalan ngayon sa pamamagitan ng pagtatatag ng


samahang pandaigdigan o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan
ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.”

WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO) Ito ang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng


sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member
states. Nagbibigay solusyon din ito sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga
kasaping estado. Nakakatulong ito upang magkaroon ng mababang taripa o buwis ang mga
produktong ating iniluluwas sa mga bansang kasapi nito. Pangunahing layunin nito ay ang
pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sapamamagitan ng pagpapababa sa mga
hadlang sa kalakalan o trade barriers. Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at
nakahandang magbigay tulong-teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa
(developing countries). At namamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa
mga patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa
desisyon o pasya ng samahan.

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COUNCIL (APEC) Layunin ng samahang ito na isulong ang kaunlarang
pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga
bansa at pamayanan nito. Ito ay kakaiba sa WTO sapagkat walang kasunduan itong pinipilit sa
mga kasapi o mga member economy. Ang desisyon ng samahan sa mga isyu o usapin ay
binabatay ayon sa consensus. Mayroon itong tinatawag na three pillars. Ang una ay
liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan. Ikalawa, pagpapabilis at pagpapadali ng
pagnenegosyo. Pang huli, ang pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal.

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS (ASEAN) Ang samahang ito ay naglalayong


paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Sa aspektong pang-ekonomiko,
ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi
ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito. Upang maging ganap ang pagnanais na
ito, ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong
January 28, 1992 sa Singapore. Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential
Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging ganap
ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

United Nations (UN) - Bilang kasapi ng UN, ang Pilipinas ay nakikipagtulungan sa iba't ibang
ahensya ng UN upang maisakatuparan ang mga layuning pang-ekonomiya tulad ng paglikha ng
mga programa para sa pag-unlad ng ekonomiya, paglaban sa kahirapan, at pagtataguyod ng mga
karapatan ng mga manggagawa.
World Bank (WB) - Ang Pilipinas ay miyembro ng World Bank na naglalayong magbigay ng
pondo, pagsasanay, at teknikal na suporta para sa mga programa ng pag-unlad sa buong mundo.
Ang World Bank ay nagbibigay ng mga pautang at tulong sa mga proyekto na naglalayong
mapalakas ang pang-ekonomiyang kapasidad ng mga miyembro nito.

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga nabanggit na pandaigdigang samahan, ang


Pilipinas ay nangangarap na mapalakas ang ugnayan nito sa ibang bansa

You might also like