Professional Documents
Culture Documents
Florante at Laura Script
Florante at Laura Script
Florante at Laura Script
Florante: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy,
nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga)
Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa
taksil at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking
buhay!
Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati si
Duke Briseo na aking ama ay kanyang dinamay.
Florante: O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig ang aking mga
panalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan na ayaw nyo na akong tulungan.
Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos mismo
ay ayaw na akong tulungan!
Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako dahil Hindi kita naipagtanggol.
Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil! Paalam na sa inyo!
Aladin: O, Flerida…… O tadhana, kay lupit mo, kinuha mo ang minamahal ko!
Aladin: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'y
pinahirapan at pinagtaksilan.
Tagapagsalaysay: Pagkatapos na marinig ni Aladin si Florante ay nagmuni siya
ng isang malaking problema.
Florante: Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka dumating. Ngunit ang
pagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.
Noong sanggol pa lamang ako ay muntik na akong dagitin ng isang buwitre. (sinasalaysay
habang inaarte ng batang Florante)
Nang ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasa burol at dala ang aking pana't
busog at ako'y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako'y napagod ay
nagpapahinga at naliligo ako sa batis kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades
habang tinutugtog nila ang kanilang lira. Ang kanilang tawana'y nakapagpapawala ng aking
pagod. (sinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)(nagkakantahan ang mga nayades)
Pagkalipas ng ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama ngunit ayaw pumayag ng aking ina
dahil ako'y lilisan.
Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung Hindi siya mag-
aaral ano ang kanyang magiging kinabukasan.
Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako ang
magiging guro mo dito sa Atenas.
Isang araw habang naglalakad si Florante ay nakasabay niya si Adolfo, ang kanyang
kababayan. Napansin niya ang pinong pagkilos nito.
Adolfo: (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang umagaw ng kapurian ko,
dapat kang mamatay.
Makalipas pa ang isang taon, isang sulat ang dumating para kay Florante.
*babasahin ang sulat*
Florante:(malungkot) HINDI!!!!!Mahal na ina, bakit mo ako iniwan? Di man lang tayo nagkita sa
matagal na panahon. HINDI!! Hindi ka maaring mamatay!(walang patid ang pag-iyak)
Mensahero: Magandang araw po.Humihingi ng tulong ang Krotona sa inyo dahil nanganganib po
na masakop ni Heneral Osmalik.
Duke Briseo: Asahan niyo ang tulong namin. Florante, pupunta tayo kay haring Linceo.
Haring Linceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya ang papalit sa aking
trono. Pansamantala pamunuan mo ang hukbong patungo sa Krotona.
Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng karangalan.
Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang
kami ng iyong ama.
Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka na rin.
Florante: Oo nga. Halika Laura, pumasok na tayo at magsisimula na ang
piging.
Tagapagsalaysay: Kinabukasan…
Laura: Paalam.
Tagapagsalaysay: Pagdating nila Florante sa Krotona, nakita nila ang hukbo ni Heneral Osmalik.
Osmalik: Sugod!
Florante: Sugod!
*digmaan*
Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?! (makikita sila Florante, Menandro at isa pang
kawal) Isa… Dalawa… Tatlo… Takbo!
*labanan*
Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.
Florante: Sugod!!
*digmaan*
Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.
Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko..
Magpaalam na ang iyong amang si Duke Briseo.
Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko…
Aladin: (maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap ngunit Hindi nila alam na
sila pala ito) Huh?!... Nakarinig ka ba ng mga nag-uusap?
Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula. (pinakinggan
nila ito)
Flerida: Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa
hari na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero upang makatakas sa
kaharian.
Flerida: O Aladin…
Aladin: Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam sayo. May nagbalita kasi sa akin na
sumakabilang buhay na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Sa kabila ng mga
kasalanan niya sakin, siya'y mananatiling ama ko pa rin. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't
matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin na kami ay babalik dito upang
kamustahin kayong mag-asawa. Paalam kaibigan!
*:WAKAS:* (END)