Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PANUKALA SA PAGPAPATAYO NG BARANGGAY HEALTH CENTER PARA SA

BARANGAY POBLACION, LAS NIEVES AGUSAN DEL NORTE

Proyekto nina:
Reymond Sumugad
Ervick Macatol
Raquel Tinugan
Rachelle Ann Madelo
Andrian Francis Bustillo
Romnick Baguio
Purok 1, Poblacion, Las Nieves
Agusan del Norte
Ika-24 ng Enero 2023

Haba ng Panahong Gugulin: 4 na buwan at kalahati


I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng baranggay


Poblacion ay ang mga hindi mapigilan at hindi maiwsang natural na sakit ng pabago-
bagong panahon gaya ng lagnat,ubo,sipon at maging trangkaso. Nararanasan din ng
mga mamamayan ng Baranggay Poblacion ang pagkabahala sapagkat malayo ang
Heath Center na siyang pag-papa check- upan at pagapatinginan ng mga
mamamayan lalong-lalo na ang mga kabataang nagkakasakit at mga buntis,
nahihirapan na din ang mga mamamayan dahil sa dagdag gastos sa pamasahe dahil
sa malayong lokasyon ng Health Center.

II. Layunin

Ang pinapangunahing layunin ng Barangay Health Center ay


upang mabigayan ng libreng pangunahing lunas o primary care
sa mga mamamayan ng baranggay. Kadalasan, ito ay
pinapangasiwaan ng mga midwives kasama na ang mga
baranggay health worker, ay isang taong dumaan sa yraining
programs upang magbigay ng primary health care service ng
kanyangvkomunidad. Sila ay mahalaga sa pagbibigay ng health
information at serbisyo sa pangamngalaga sa kalusugan ng mga
mamamayan.

Dahil dito mas mainam na makapagtayo at makagawa ng Health Center


sa baranggay Poblacion kung ito’y mapapatayo tiyak na mas madali na
para sa mga mamamayan sa baramggay Poblacion ang pagpapagamot
at pagpapatingin sa Health Center at bawas nadin dagdag sa
pamasahe. Higit sa lahat, kailangang mapatayo at makagawa nang
proyektong ito sa mas lalong madaling panahon upang matiyak ang
magandang kalusugan at katawan ng mga mamamayan at kaligtasan
ng mga kabataan sa baranggay Poblacion.
III. Plano ng Dapat Gawin

1. Pagkunsulta sa mga baranggay opisyal tungkol sa


pagpapagawa ng baranggay health care station.
2. Pagpupulong ng mga baranggay opisylas tungkol sa
proyektong gagawin.
3. Preparasyon, pagsumite, pagkwenta, pag – aproba at
paglalabas sa mga kinauukulan.

• Ang mga Civil Engineer o sinumang may kaalaman


sa pagapagawa ng matibay na establis semento mula
sa head office. At kung sino mang mga eksperto sa
pagpapagawa nito.
4. Pagpupulong ng konseho ng Barangay para sa pagpili ng
contractor na magpapatayo ng Baranggay Health Center(1
araw)
5. Pagpapatayo ng BHC (Baranggay Health Center) sa ilalim ng
pamamahala ng Barangay Council ng Barangay Poblacion (4
buwan)
6. Pagpapasinaya at pagbasbas ng mga Baranggay Health
Center(1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


1. Halaga ng pagpapatayo ng
Baranggay Health Center batay
sa iinumite ng napiling lineman Php 700,000.00
(kasama na rito ang lahat ng
materyales at sweldo
ng mga trabahador)
Kabuuang Halaga Php 700,000.00

Ang pagpapatayo ng Baranggay Health Station ay nagiging kapaki-pakinabang sa


lahat ng mamamayanan ng Barangay Poblacion. Ang Baranggay Health Center ay
napakalaki ng naitutulong lalo na sa mga mga mamamayan sa lugar. Nagsisilbi itong
primary cure, kung saan napapanatili ang kaligtasan ng lugar. Prevention of diseases,
maiiwasan ang bilang ng mga nagkakasakit dahil nagsisilbi itong mga primary service
o cure for illness sa buong lugar. Hindi na kailangan pang gumastos ng malaki upang
pumunta sa mas mahal na gamutandahil ito ay libre.
.

You might also like