Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan- Ika-2 Linggo

Pilyego ng mga Gawaing


Pampagkatuto

Ang Kahalagahan ng Aktibong


Pagkamamamayan
Manunulat :JEANETTE B. NAINGGE
Paaralan :Buenavista SPED High School
Purok :Buenavista - I
email address :jeanette.naingge001@deped.gov.ph
Development Team

Writer: Jeanette B. Naingge


Validators: Shelden S. Espina, Elizalde S. Chavit, Junel D.
Lapinid, Mindalita S. Sodicta,
Ruby T. Ado, Maria Cristina A. Quidlat,
Lourdes L. Jamito

Reviewers: Rosell P. Abellana, Avelina C. Duquesa, Bernie R.


Pamplona, Junel M. Anino

Illustrator: Neil J. Arado


Management Team: SDS Romeo O. Aprovechar, CESO V
ASDS Love Emma B. Sudario
CID Chief Rayfrocina T. Abao

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral:
_________________________________Seksyon:_________ Paaralan:
________________________________________________
Asignatura: Araling Panlipunan
Baitang: 10
Kwarter: Ikaapat
Kasanayan sa Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong
pagkamamamayan.
Koda:
Linggo: May 24-28,2021 (Ika-2 Linggo) Pamagat ng mga Gawain:
Gawain1: Pananaw, Ipahayag Mo! Gawain 2: Kilalanin Natin! Gawain 3:
Ideya Mo, Ibahagi Mo! Mga Kagamitan: papel, bolpen at kwaderno Mga
Layunin: 1. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol aktibong
pagkamamamayan at ang pag-unlad sa sarili;
2. Nakapagpipili ng tao o mga pangkat ng tao na malaking tulong sa
pamahalaan dahilan sa aktibong
mamamayan; at
3. Nakapagpapaliwanag sa epekto ng pagiging aktibong mamamayan
tungo sa pag-unlad ng isang bansa.
.
Aralin:
Kahalagahan ng Aktibong Pagkamamamayan
Ang Pananaw ng mga Pilipino sa Pagiging Mabuting Mamamayan

ni Mahar Mangahas
Philippine Daily Inquirer
01:33:00 04/19/2008

Noong nakaraang linggo ay aking iniulat na tayong mga Pilipino,


kung ihahambing sa ibang nasyonalidad, ay napakahusay sa
pangangalaga ng ating karapatan sa pagsasagawa ng civil disobedience.
Ngunit, tayo ay below average pagdating sa pangangalaga ng ating
karapatan sa minimum living standard, karapatan ng mga minorities,
karapatan para sa pantay na pagtrato, karapatan para marinig, at ang
karapatang makilahok sa demokratikong proseso.
Hindi lamang ang paggiit ng mga karapatan ang kalakip ng
pagiging mabuting mamamayan kundi maging ang pagtupad sa mga
tungkulin.

1
Sa lingong ito, aking iuulat, batay pa rin sa 2004 Survey on
Citizenship of the International Social Survey Program (www.issp.org), na
ang mga Pilipino, kung ihahambing sa iba, ay may mataas na pananaw sa
kung ano ang mga dapat gawin ng isang mabuting mamamayan.
Gumawa ang 2004 ISSP Citizenship Survey ng isang listahan ng 10
tungkulin ng mga mamamayan at tinanong ang mga respondent na
markahan ang bawat isa gamit ang scale na mula sa 1 hanggang 7, kung
saan ang 1 ay hindi mahalaga at ang 7 ay napakahalaga. Narito ang
bahagdan ng mga sumagot ng 6 o 7 na mga Filipinos, ang ibang
nasyonalidad, at ang global average, ayon sa pagkakasunod ng mga
tungkulin ng mamamayan na minarkahan:
1. Laging boboto sa halalan: Filipinos 88, Americans 78, Mexicans
75, Koreans 71, global 68, Taiwanese and Spaniards 68, Japanese 67. Sa
pagbibigay ng kahalagahan sa pagboboto, nanguna ang Pilipinas,
sinundan ng Denmark (87) at Canada (84). Ang pinakamababa ay ang
Czech Republic (37).
2. Hindi iiwas sa pagbabayad ng buwis: Japanese 85, Americans
84, Taiwanese 80, Filipinos 79, Koreans 78, Mexicans at Spaniards 75,
global 73. Ang tungkulin sa pagbabayad ng buwis ay ang tanging isyu kung
saan naungusan ang mga Pilipino ng ibang bansa. Ang Japan ay No. 1, at
ang United States at United Kingdom ay ang pangalawa. Ang Pilipinas, ay
pang-siyam kasama ang Chile at Slovakia. Ang Flanders ay ang panghuli
(52).
3. Laging sundin ang mga batas at regulasyon. : Filipinos 86,
Americans 85, Mexicans 84, Taiwanese 83, Japanese 81, global 78,
Koreans 77, Spaniards 76. Ang pinakamatataas, lahat ay 88, ang
Venezuela, Bulgaria, Canada at Poland. Ang Pilipinas, ay pang-walo
kasama ang Chile at Ireland. Ang huli ay ang Switzerland (51).
4. Laging pagbabantay sa mga gawain ng pamahalaan: Filipinos 79,
Americans 75, Mexicans 69, Japanese 59, Taiwanese 59, global 55,
Koreans 53, Spaniards 50. Ang Canada (81) ay ang nanguna, na sinundan
ng Pilipinas at United States. Ang panghuli ay ang Czech Republic (23).
5. Ang maging epektibo sa panlipunan at politikal na mga samahan:
Filipinos 59, Mexicans 49, Spaniards and Americans 30, Koreans 27, global
26, Taiwanese 22, Japanese 15. Ang Pilipinas ang nanguna rito; ito lamang
ang bansa kung saan ang mayorya ng mga respondent ay nagsabi na ito ay
mahalaga. Ang Mexico at South Africa ay parehong nasa ikalawang
puwesto. Finland ang pinakahuli (6).
6. Subuking unawain ang katuwiran ng mga taong may ibang
opinyon: Mexicans 76, Filipinos 68, Americans 67, Spaniards 65, global 61,
Koreans 59, Japanese 49, Taiwanese 47. Ang Uruguay (85) ang nanguna,
sinundan ng Mexico. Ang Pilipinas ay pang-siyam. Ang pinakahuli ay ang
Czech Republic (35).
7. Pumili ng produkto para sa politikal, etikal o pangkalikasang
kadahilanan, kahit na ito ay mayroong dagdag na gastos: Spaniards 53,
Filipinos 47, Koreans 44, Taiwanese 39, Americans 37, Mexicans 35,
2
global 34, Japanese 25. Ang Portugal (56) ang nanguna, sinundan ng
Spain, at Australia (49). Dalawang bansa lamang ang mayroong mayorya
ng mga taong nagsabing ang isang mabuting mamamayan. Ang Pilipinas
ay pang-apat kasama ang Austria. Ang pinakahuli ay ang Bulgaria (8).
8. Tulungan ang mamamayan ng bansang [pangalan ng bansang]
may hindi magandang kalagayan: Mexicans 85, Filipinos 79, Spaniards
74, Americans 70, global 62, Taiwanese 60, Koreans 50, Japanese 41. Ang
mga bansang nanguna ay ang Venezuela (90), Chile (88), Uruguay (86), at
ang Mexico. Ang Pilipinas ay pang-anim, kasunod ng Israel (80). Ang mga
nasa huli ay Czech Republic (31) at ang Hungary (38), pagkatapos ng
Japan.
9. Tulungan ang mamamayan ng mga bansa sa mundo na may
hindi magandang kalagayan: Mexicans 80, Spaniards 67, Filipinos 55,
global 44, Americans 37, Taiwanese 36, Japanese 28, Koreans 20 (ang
pinakahui). Pang-una ang Venezuela (85), na sinundan ng Mexico. Ang
Spain ay pang-4. Ang Pilipinas, na mas mababa ng 30 puntos sa bansang
nanguna, ay ang pang-siyam dahil sa sampung bansa lamang ang
mayorya ng mga respondent ang nagsasabing ang pagtulong sa iba ay
bahagi ng pagiging mabuting mamamayan. Ito ay isa sa mga isyu kung
saan ang United States ay below average.
10.Handang maglingkod sa militar sa oras ng pangangailangan; :
Filipinos 62, Americans 60, Taiwanese 57, Mexicans 56, Koreans 54,
global 43, Spaniards 25, Japanese 13. Ang Israel (79) ang nanguna, kung
saan ang panlahat ng serbisyo militar ay bahagi ng kanilang seguridad.
Malayo ang puntos ng Russia (65) sa Israel, Poland (63), at ang Pilipinas,
na kasama ang Venezuela sa pang-apat na puwesto. Ang mga bansang
nasa huli ay ang Flanders (12) at Japan.
Bukod sa mga Pilipino, ang mga Mexicans lamang ang laging mas
mataas sa global average. Dahil sa pagiging No. 1 ng dalawang beses, No.
2 ng isang beses, at hindi lumalagpas ng No. 9, tayong mga Pilipino ay
may average rank na 5.3 sa pagbibigay halaga sa tungkulin ng
pagkamamamayan. Ang mga Venezuelan ay may tatlong No. 1, ngunit
may mababang average na 8.3 dahil sa tatlong ranking na No. 14 o mas
mababa. Ang mga Mexicans na naungusan ang mga Pilipino sa tatlo mula
sa sampung tungkulin ng mga mamamayan, ay mayroong average rank
na 8.6.
Marami tayong matutuhan sa ating sarili sa pamamagitan ng pag
aaral sa ibang tao. Ipinapakita ng mga survey, na hindi sa unang
pagkakataon, na ang tingnan ang mga Pilipino na mayroong sirang
kultura ay pagbatay sa ‘parachute journalism’ sa halip sa agham
panlipunan.
Sanggunian:

Mangahas, M. (2008, April 19). Filipino Ideals of Good Citizenship.


Retrieved March 19, 2014, from Inquirer:
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080419
- 131332/Filipino-ideals-of-good-citizenship
Salin sa Filipino ni Mark Alvin M. Cruz
3
Mga Gawain:

Gawain 1: Pananaw, Ipahayag Mo!

Panuto: Sagutin ang ilang katanungan batay sa binasang teksto at sa iyong


sariling pananaw. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.
1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting mamamayan ayon sa binasang
artikulo?
2. Alin sa mga binanggit na tungkulin ng mamamayan ang iyong ginagawa?
Bakit ito mahalagang gawin?

Gawain 2: Kilalanin Natin!

Panuto: Magsaliksik at magtanong-tanong sa inyong mga magulang,


kapitbahay at kaibigan sa mga kilalang tao o pangkat na may
malaking tulong sa pamahalaan dahilan sa aktibong
pagkamamamayan. Pumili lamang isang tao o pangkat para sa
gawaing ito at isulat sa sagutang papel ang kaniyang mga nagawa at
paano ito nakakatulong sa bansa.

Gawain 3: Ideya Mo, Ibahagi Mo!

Panuto: Ibahagi ang iyong ideya kung bakit uunlad tayo kung sama-samang
maging aktibong mamamayan at magbigay ng halimbawa upang
masuportahan ang inyong ideyang inilahad. Kopyahin ang Idea
Evidence Chart sa ibaba sa isang buong papel at isulat dito ang
inyong kasagutan.

Bakit tayo uunlad kung sama


samang maging aktibong
mamamayang Pilipino?
Konseptong Natutunan:
Sagot

______________________________
_

______________________________
_
Anong konklusyon ang iyong maaring mabuo tungkol sa pagiging mabuting
mamamayang Pilipino?

4
Rubrik sa Pagmamarka para sa Gawain 1-3 at Konseptong Natutunan:
Mga Eksperto Mahusay Nagsisim Baguhan Puntos
Paman (5 puntos) (4 puntos) ula (3 (2 puntos)
tayan puntos)

Nilala Kumpleto Kumpleto May ilang Maramin


man At kumpre ang kakulanga g
hensibo ang nilalaman n sa kakulang
nilalaman ng talata. nilalaman an sa
ng talata. Wasto ang ng talata. nilalam
Wasto ang lahat ng May ilang an ng
lahat ng impormasy maling talata.
impormasyon on. impormasy
. on na
nabanggit.

Estilo Napakahusa Mahusay Mahusay Hindi


y at at ang gaanong
naunawaan naunawaan paggawa. mahusay
ang ang ang
paggawa. paggawa. paggawa.

Organi Detalyado, Mahusay at Mahusay Kulang


sasyon mahusay at nauunawaa ang mga ang mga
nauunawaan n ang mga ideya ideya
ang mga ideya batay batay sa batay sa
ideya batay sa impormas impor
sa i mpormas yong masyong
impormasyo yong inilalahad. inilalahad.
ng inilalahad.
inilalahad

Kabuuang Puntos:

Sanggunian:

1. Kontemporaryong Isyu Learner’s Materials, pahina 363-

367. Susi ng Pagwawasto:

Ang rubric ang batayan sa pagbibigay ng puntos.


Konseptong Natutunan:
Ideya Mo, Ibahagi Mo! Gawain 3:
Gawain 2: Kilalanin Natin!
Gawain 1: Pananaw, Ipahayag Mo!
5

You might also like