Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang Akademik
Kuwarter 4 – Modyul 9:
Posisyong Papel

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Filipino – Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 4 -Modyul 9: Posisyong Papel
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapanay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng mga materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat
at iba pa. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatangpagmamay-
ari ng mga ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: ALAIN DEL B. PASCUA
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Daisy S. Sabidor
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS, Maria Dulce Cuerquiz, MT
Sol P. Aceron,PhD, Aniceta T. Batallones
Leonor C. Reyes, MAEDFIL
Helen R. Lucman,PhD
Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa, Ms. Mary Sieras, Mr. Allan Guibone at
Mrs. Alma Sheila Alorro, Leonor C. Reyes
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pumapangalawang Panrehiyong Direktor
Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Paraon,PhD
Pumapangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD
Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, PhD, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe, SSP- 1
Marisa D. Cayetuna, P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes, MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Gemma P. Pajayon – PDO II
Lanie M. Signo – Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telephone Nos.: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
Akademik
Kuwarter 4 - Modyul 9:
Posisyong Papel

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mulasa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan.
Hinihikayat naming angmga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon
na mag- email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SLM (Self Learning Module) is for educational
purposes only. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in these modules are owned by their respective copyright
holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest
appreciation to those who have made significant contributions to these modules.
ARALIN
Katuturan, Layunin at Kahalagahan
1 ng Pagsulat
Baitang : 12 Markahan : Una
Panahong Igugugol : Unang Linggo

Alamin

1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika


sa pagsulat ng larawang sanaysay. (CS_FA12WG-0p-r-93)

Alam mo ba na isa sa kasanayan na dapat mahubog ng mga


kabataan ay ang kakayahang magkaroon ng paninindigan sa isang
prinsipyo na nagtataglay ng katotohanan? Ang pangangatuwiran ay isang
desisyon batay sa isang matibay na ebidensiya na naglalayong
mapatunayan ang isang paksa upang makahikayat o makumbinsi.

Subukin

Gawain 1
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa pagsulat.

______ 1. Ang isang argumento ay pakikipag-away sa iyong katunggali.


______ 2. Kailangan ng isang matibay na ebidensiya upang maging obhetibo sa
pangangatuwiran.
______ 3. Nararapat lang na panindigan ang isang prinsipyo lalo na kung ito ay
pawangkatotohanan.
______ 4. Ang pangangatuwiran ay maaaring nakabatay sa ating damdamin nawala
sa awtoridad.
______ 5. Maaaring gamitin ang isang opinyon bilang isang matibay na ebidensiya
lalo na kung ito ay galing sa awtoridad o sa pamahalaan lalo na sa mga
kilalang tao na may sapat na kaalaman kaugnay sa paksa.

1
Balikan

Babalikan ang nakaraang aralin na natalakay na sa klase hinggil sa lakbay-sanaysay.

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa iyong naintindihan sa klase sa nakaraang


leksyon, ano ang lakbay sanaysay?
____________________________________________
____________________________________________
________________________________

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng


lakbaysanaysay?
____________________________________________
____________________________________________
________________________________

3. Mahalaga ba ito sa ating pag-aaral?


____________________________________________
____________________________________________
________________________________

Tuklasin

Gawain 3
Panuto: Batay sa napapanahong isyu sa ibaba, bigyan ito ng sariling opinyon. Pumili
kung sang-ayon ka ba o di sang-ayon sa isyung ibinigay.

ISYU: Pagpapatupad ng K-12 kurikulum sa Deped.

Sang-ayon Pagpapaliwanag:

Di Sang-ayon Pagpapaliwanag:

2
Suriin

Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga


matitibay na katuwiran ukol sa pinapanigang isyu.Kagaya ng isang debate,
nanghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalaang tama. Ang pangangatuwiran
ay isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa opinyon ng manunulat. Sa
bawat argumento ginagamitan ito ng mga matitibay na ebidensiya mula sa
pinagkakatiwalaang datos. Mahirap paniwalaan ang isang isyu kung walang
pinagbabatayang ebidensiya. Ang mga ebidensiya ay maaaring kunin sa
obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis, abogado, dalubhasa, doctor o
propesor, atbp) upang maipakita na makakatohanan ang ipinaglalabang isyu.

Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito upang


mapatunayan ang mali o di-kapani-paniwalaang mga binabatong isyu.Mas
makatotohanan ang pinapanigang isyu kung may tatlo o higit pang matitibay na
ebidensiya na magpapatunay sa ginagawang imbestigasyon.

Nauuri sa dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa pangangatuwiran ayon


kina Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at
Lontoc,(2016).
1. Mga katunayan(facts)-nakabatay ito sa makakatotohanang ideya mula sa mga
nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Maaaring gumamit ng mga
taong nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari ngunit siguraduhin ang mga
testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay hindi ibig sabihin pang-
matagalan na ebidensiya maari itong magbago depende sa mga bagong tukas
na datos.
2. Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling
pananaw.Hindi ito makatotohanan sapagkat Nakabatay lamang ito sa sariling
pagsusuri o judgement. Maaaring gamitin itong ebidensiya pero kinakailangan
ang mga opinyon ay nanggagaling sa mga taong may awtoridad o mga kilalang
tao sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal, politiko at siyentipiko.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagsulat ng posisyong papel, mahalagang pag-ukulan ng pansin ang
ibabahaging paksa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel upang matulungan na makumbinsi ang mambabasa na panigan ang
nasabing isyu.

3
Narito ang mga hakbang na dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel
mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).

1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.


2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buuin ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Sa pagbuo ng balangkas kailangang masunod ang pormat sa pagsulat ng posisyong papel.


1. Panimula
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangang mailahad nang maayos ang
paksa at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga
mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon. Kapag sa simula ay maipakita
ang kahinaan ng argumento mas madaling makukumbinsi ang mambabasa na
paniwalaan ang posisyong pinapanigan.
2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya) –
Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng
mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang
mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga argumentong
tumutol sa iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng pangangatwiran bigyan ito ng mga
matitibay na mga batayan mula sa mga pinagkakatiwalaang datos upang
maipakita na makatotohanan ang iyong posisyong pinaglalaban.Mas higit na
kapani-paniwala kapag may tatlo o higit pang matitibay na mga ebidensya na
gagamitin para madepensahan ang pinapanigang posisyon.
3. Konklusyon
Sa konklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang magiging
implikasyon nito.
Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu.May mga sang-
ayon at may mga di-sang-ayon sa isyu.Ang posisyon ng bawat indibiduwal ay
makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari sa ating lipunan.
Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.Anong
Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu?Sang-ayon ka ba o di kasang-ayon?
Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay
inilalahad na nang malinaw na komposisyon ng pagtututol. Dapat isa- isahin
ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan na maiintindihan ng
karaniwang tao. Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan sa
pagsulat ng posisyon.Isa sa layunin ng Posisyong papel ay manghikayat.

4
Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto 1: Basahin ang Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil
sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG


PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG
FILIPINO,MGAGURONGFILIPINO,KABATAANGPILIPINOATMAMAMAYANGPILIPINO
Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013
Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino
(SADAFIL),SamahanngmgaBatangEdukadorngWikangFilipinoatmga Sining sa
Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan\
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)
nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may
petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman
sinasabingkomisyongnabanggitnamaaaringmaiturosaInglesoFilipinoang mga asignaturang
binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa
nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid naminnapag-aagaw-
agawanpaitongnapakaraminggurosaFilipinoatIngles sa mga kolehiyo at unibersidad, at
magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin
lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang
Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles. Sa hakbang
na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa
mga kolehiyo at unibersidad sa
Pilipinas.Higitparito,maramingmgagurosaFilipino,partikularnasaPUPang mawawalan ng
trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP
na mangyari ang mga bagay na ito.
Sapagkatmalinawnaisinasaadsa1987KonstitusyonngPilipinasArtikuloXIV, itinakda ang Filipino
bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing
mabutiangCHEDMemorandum,malinawnalihissahangarinatkontekstong Pangkalahatang
Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng
memorandum ang ganito:

5
"General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the
world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood
amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating
the gifts of nature and addressing social problems in the general education program increasingly
become more pressing." Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon
sa hangarin at kontekstong isinasaad? apagkat ang mga
asignaturangFilipinoaynakatuonsapagtuklasatinobatibongpag-aaralhinggil sa kalinangang
Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang
Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan
at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng
kalinanganatkarunungansadaigdig.Hindiitosimplengmaibibigaylamangng mga asignaturang tila
pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na kung
tutuusi'y hindi namanmakatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng
humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa
katuwang ang iba pang mga organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang
Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.

Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon
nito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng
technical panel ng pangkalahatang edukasyonngCHED na binuo lamang ng iilang mga tao na
at walang malinaw na konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa
labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at
University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg
University at University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito


ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining
sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiya at talakayan sa
Wikang Filipino sa iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP
Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino,bago pa
ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the
Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang
sa internasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin
ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng
Wikang Filipino.

6
Bukod pa rito,ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa
ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa
bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at
malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung
hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli naming
igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon
ngPilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at


pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo.
Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik
Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik
Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng
mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura
at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang
nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mga
mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad at
kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino saKolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin,at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang
malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa
Agosto,tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong
unibersidad sa bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili
ang asignaturang Filipino sa kurikulum ngkolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang
identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung
ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang
Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon
ang identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.

SANGGUNIAN:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-
filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal- ng/727134210658842/

7
Gawain 4.2
Panuto 2: Suriin ang nilalaman ng binasang Posisyong Papel ng Kagawaran ng
Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad at ibigay ang mga sumusunod:

Pamagat: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

Pangunahingposisyong:

Argumento1:

Ebidensya1:

Ebidensya2:

Argumento2:

Ebidensya1:

Ebidensya2:

Aksyon kaugnay ng isyu:

Isaisip

Gawain 5
Panuto: Inaasahang masasagot ang mga tanong tungkol sa binasang posisyong
papel tungkol sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Tungkol saan ang binasang posisyong papel?

2. Ano ang pangunahing layunin nito?

3. Napatibay ba ang mga ebidensyang inihain sa


argumento? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Naging konkreto ba ang aksyon sa ginawang


kongklusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.
8
5. Sang-ayon ka ba sa isyung Pagtatanggal ng Filipino
sa mga Kolehiyo at Unibersidad? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

6. Bakit mahalaga ang iyong paninindigan tungkol sa


isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad? Ipaliwanag ang sagot.

Isagawa

Gawain 6
Panuto: Magsaliksik ng mainit na isyu sa ating kasalukuyang panahon. Isulat sa
talahanayan sa unang hanay. Pagkatapos maghanap ng sampung makakapanayam
para kunin ang kanilang sagot kung pabor ba sila o di-pabor sa isyu at ano ang
dahilan.

Mga Sagot
Isyu Dahilan
Pabor di-pabor
1.
2.

3.
4.

5.

Tayahin

Gawain 7
Bago magtapos ang paglalakbay mo sa modyul na ito, susukatin muna natin
kung lubos mo bang naunawaan ang paksang tinalakay.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang
ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI.
___ 1. Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng
tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang mga
salita lamang.

9
___ 2. Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay o manlalakbay ang katangian ng
isang mananaliksik.
___ 3. Ang iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay ay hindi
lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng matibay na argumento, kundi
ito ay naghahasa rin sa pagkamalikhain ng mag-aaral.
___ 4. Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang mabisa
itong makapaglahad ng kuwento. Mailalahad lamang ito sa paraang kaakit-
akit at lohikal dahil mas madaling makuha ang impormasyong hatid nito.
___ 5. Mabisang kagamitan ng isang mananalaysay ang kaniyang dyornal o
kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o anumang
obserbasyon sa isang lugar.
___ 6. Kailangang mapatunayang tama ang counter argument na nailahad.
___ 7. Sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensya ang akademikong sulatin.
___ 8. Ang iyong posisyon o stand tungkol sa isyu ay mababasa sa konklusyon.
___ 9. Mapagkakatiwalaan ang mga testimonyang nakabatay sa nakita, narinig,
naamoy at nadama.
___ 10. Ang mga ebidensya ay mula sa obserbasyon, mga pahayag ng awtoridad
(pulis, abogado, doctor, atbp.).

Karagdagang Gawain

Gawain 8.1
Panuto: Gamit ang Venn diagram, ihambing at ihalintulad ang Nakalarawang
Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.

Pagkakaiba
Pagkakaiba Lakbay Sanaysay
NakalarawangSanaysay

Pagkakapareho

10
Gawain 8.2
Panuto: Pumili ng isang napapanahong paksa at gawan ng posisyong papel. Dapat
lagyan ng kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunod-sunod na argumento,
mga ebidensya at pagtalakay sa implikasyon bilang konklusyon.

GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng
5
posisyong papel.
Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang sulatin
5
na posisyong papel.
Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at angkop
5
na paggamit ng wika.
Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya ang posisyong
5
papel na nabuo.

KABUUAN 20
sinipi sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016)

Sa wakas ay natapos mo rin ang aralin na ito. Napakahusay mo na!


Binabati kita sapagkat nadagdagan mo na naman ang iyong kaalaman. Sana
magamit mo ito bilang instrumento sa pag-abot ng iyong tagumpay.

Pangwakas na Pagtataya
A. Panuto: Sagutin ang mga hinihingi ng pahayag. Isulat ang titik sa patlang.
________1. Ito ay isang desisyon batay sa isang matibay na ebidensiya na
naglalayong mapatunayan ang isang paksa upang makahikayat o
makumbinsi.

a. Pagsulat
b. Akademikong Sulatin
c. Pangangatwiran
d. Larawang-Sanaysay

_______ 2. Ito ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na


katuwiran ukol ng mga matitibay na katuwiran ukol sa pinapanigang isyu.

a. Posisyong Papel
b. Akademikong Sulatin
c. Pangangatwiran
d. Lakbay-Sanaysay
_______3. Ang ebidensiya ay nauuri sa ____.

a. 3
b. 2
c. 5
d. 3
______4. Ito ay nakabatay sa makatotohanan ang ideya mula sa mga nakita,
narinig, naamoy at nadama.

a. Pangangatuwiran
b. Mga Katunayan (facts)
c. Mga opinyon
d. Akademikong Sulatin

______5. May ____bahagi sa pagsulat ng posisyong papel.

a. 2
b. 3
c. 1
d. 5
Gawain 1
1.Mali
2.Tama
3. Tama
4.Mali
5.Tama
Gawain 7
1.Tama
2. Mali
3. Tama
4.Mali
5.Tama
6.Tama
7.Tama
8.Mali
9.Tama
10.Mali
Pangwakas na Pagtataya
1.a
2.c
3.b
4.d
5.a
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN:

Aklat:
Baisa-Julian,A.atLantoc,N.(2016).PinagyamangPluma:PagsulatsaFilipino
saPilingLarang(Akdemiks).QuezonCity:PhoenixPublishingHouseInc.

Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.Makati City,


Philippines: DIWA Textbooks

Evasco,E.,&Ortiz,W.(2017).FilipinoPagbasaatPagsulatsaPilingLaranga
n (Akademik). Quezon City: C & E PublishingInc.

Internet:

https://www.slideshare.net/https://http543.Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-
sanaysay-baguio-trip/ accessed on January 18, 2018.

http://depedvalenzuela.ph/als-secondary-module-6/

https://unsplash.com

Aklat

Julian A.B. at N.S. Lantoc (2017). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larang (Akademik). Quezon City, Quezon City, Phoenix Publishing HouseInc.

Pamela,C.C.atG.S.Zafra(2017).FilipinosaPilingLarang(Akademik).Manila Philippines:
Rex Bookstore Publishing House Inc.

Internet

https://pinoymovieshub.co/movies/anak-2000/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education –Division of Cagayan de Oro City
Office Address:
Department of Education – Bureau
Fr. William F. Masterson Ave
of Learning Upper Balulang,
Resources (DepEd-BLR)
Cagayan de Oro 9000
Telefax: ((08822)855-0048
DepEd Division of Cagayan de Oro City
Fr. William
E-mail F. Masterson
Address: Ave Upper BalulangCagayan de Oro
cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like